Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ago 13, 2019

Mga Paksa sa Debosyonal | Sa Wakas ay Alam na Niya Kung Ano ang Tunay na Pagsisisi

SNi Liu Shuo

Sa isang pagpupulong ng mga magkakatrabaho, sina Wang Wei, Ma Tao at Hu Zhi ay nakaupong tutok sa pag-aaral ng Biblia.

Ngumiti si Wang Wei at kinausap ang grupo, sinasabing, “Mga katrabaho, mag-umpisa tayo sa pamamagitan ng pagbabasa ng ilang mga bersikulo ng banal na kasulatan. Sinasabi ng Panginoong Jesus, ‘Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit’ (Mateo 4:17). ‘Naganap na ang panahon, at malapit na ang kaharian ng Dios: kayo’y mangagsisi, at magsisampalataya sa evangelio’ (Marcos 1:15). Makikita natin sa mga salita ng Panginoon na, kung nais nating pumasok sa kaharian ng Diyos, dapat nating ikumpisal ang mga kasalanan natin sa Diyos at magsisi. Gayunman, ilang taon na tayong nananampalataya sa Panginoon at kahit na madalas tayong mangumpisal ng mga kasalanan natin sa Kanya, nagagawa pa rin nating magkasala at namumuhay tayo sa isang malupit na siklo ng pangungumpisal at pagkakasala.
Tila hindi pa rin natin naiintindihan kung ano ang tunay na pagsisisi, kaya naman hindi pa tayo malaya sa kasalanan. Samakatuwid, ang malinawan tungkol sa tunay na pagsisisi ay lubhang mahalaga sa ating kakayahan na makapasok sa kaharian ng langit. Ngayon, saliksikin natin ang paksang ito nang sama-sama.”

Nagsalita si Hu Zhi nang may panghahamak, sinasabing, “Naniniwala ako na hangga’t buong-puso tayong lalapit sa Panginoong Jesus, manalangin sa Kanya at kikilalanin ang ating mga kasalanan, ibinubuhos ang laman ng ating mga puso, iyon ang tunay na pagsisisi. Hangga’t madalas tayong nangungumpisal at nagsisisi sa ganitong paraan, kung ganoon ay magagawa nating makamit ang kapatawaran ng Panginoon. At kapag nagbalik Siya, maaari na tayong maitaas sa langit.”

Bahagyang kumunot ang noo ni Wang Wei at gumanti, “Ngunit maraming taon na tayong nanalangin at nangumpisal sa ganitong paraan, ibinibigay sa Panginoon ang bilang ng ating mga kasalanan at lumuluha nang mapait. Ngunit sa sandaling may makaharap tayong totoo, hindi natin sinasadyang gumawa ng kasalanan at, higit pa, paulit-ulit ang mga kasalanang ginagawa natin. Talagang nag-aalala ako na tayo, na madalas mamuhay sa kasalanan, ay iiwan at aalisin ng Panginoon kapag Siya ay nagbalik.”

ang Tunay na Pagsisisi

Tumango si Ma Tao at sinabi, “Pinagnilayan ko na rin ito noon. Sa tingin ko, ang madalas na pagbuhos ng laman ng ating mga puso sa panalangin at pangungumpisal sa Panginoon ay ipinapakita lamang na may pagnanais tayong mangumpisal at magsisi sa Panginoon. Gayunman, kung bumubuo iyon sa tunay na pagsisisi ay nakadepende sa kung paano tayo magsasagawa at kung tunay tayong magbabago o hindi. Halimbawa, kapag nahuling nagnanakaw ng isang bagay ang isang magnanakaw, aamin siya sa kanyang kasalanan at mangangakong hindi na muling magnanakaw ng mga bagay na pag-aari ng ibang tao. Ngunit hindi nito ipinapakita na talagang nagbago siya at hindi na muling magnanakaw. Kadalasan, upang makatakas sa pansamantalang responsibilidad sa kanyang mali at upang makaiwas sa legal na kaparusahan, wala siyang ibang pagpipilian kundi aminin ang kanyang kasalanan. Ngunit hindi ito nangangahulugan na hindi na niya gugustuhing magnakaw muli sa hinaharap. Kapag nagawa niyang hindi magnakaw sa anumang pagkakataon, kung ganoon ay iyon ang tanging patunay na tunay siyang nagsisi. Hindi ba’t ganito rin tayo? Kahit na kinukumpisal natin ang ating mga kasalanan sa Panginoon at ang ipinapakita natin habang nangungumpisal ay tila tapat, matapos ang ilang sandali ay gumagawa pa rin tayo ng kasalanan gaya dati, at ni katiting ay hindi tayo napopoot sa ating mga kasalanan o hinahamak iyon. Ang pagdarasal at pangungumpisal sa ganitong paraan ay, sa katotohanan, ang pagsubok natin na dayain ang Diyos, at ginagawa natin iyon upang iwasan ang pansamantalang disiplina ng Diyos, at upang hanapin ang kapatawaran at pagpapatawad ng Panginoon. Gayunman ay wala tayong ginagawang plano upang lubusang baguhin ang ating mga sarili, kaya paano ito magiging tunay na pagsisisi?”

Seryosong nakinig si Wang Wei sa pagbabahagi ni Ma Tao, at sandaling nag-isip. Pagkatapos ay sinabi niya, “Sa pakikinig sa pagbabahagi ni Kapatid na Ma, biglang pumasok sa isip ko si Haring David. Upang sapilitang masarili si Bathsheba, plinanong patayin ni David si Uriah, at nangalunya at pumatay siya. Ipinadala ng Diyos na Jehova ang propetang si Nathan upang kausapin si David, upang malaman ni David ang mga kasalanang kanyang ginawa at na siya ay parurusahan. Mula noon, hindi na makakaalis sa kanyang bahay ang espada. Alam ni David na nilabag niya ang mga kautusang ipinahayag ng Diyos at sinaktan ang disposisyon ng Diyos. Matapos matanto ang kanyang masasamang gawain, labis na nagsisi si David at kinasuklaman niya ang mga kasalanang kanyang ginawa. Noon siya tapat na nanalangin sa Diyos, ikinumpisal ang kanyang mga kasalanan at nagsisi. Nang tumanda siya, labis na namumuhi si David sa lamig, kaya naman pinili ng kanyang mga taga-silbi ang isang birheng babae upang magpainit sa kanyang higaan, ngunit hindi nagkaroon ng seksuwal na relasyon sa kanya si David. Mula sa uri ng pagsisisi ni David, makikita natin na nagtataglay siya ng pusong may takot sa Diyos, at na hindi lamang siya basta nakaramdam ng tunay na pagsisisi at pagkasuklam sa kanyang mga kasalanan, tunay rin siyang nagbago—ito lamang ang nagpapakita ng tunay na pagsisisi.”

Tumango si Ma Tao at sinabi, “Oo, at ang pagpapatotoo ng tunay na pagsisisi sa Diyos ng mga tao sa Ninive ay nakatala rin sa Biblia. Nang marinig ng hari ng Ninive ang pagsasabi ng propetang si Jonas sa mga salita ng Diyos, sinasabing ‘Apat na pung araw pa at ang Ninive ay mawawasak’ (Jonas 3:4), naniwala siya doon at sumunod. Isinantabi niya ang kanyang estado bilang hari, hinubad ang kanyang balabal, at pinangunahan ang mga tao ng siyudad ng Ninive upang mangumpisal at magsisi sa Diyos sa kayong magaspang at abo, gaya ng nakatala sa Banal na kasulatan, ‘At ang mga balita ay dumating sa hari sa Ninive, at siya’y tumindig sa kaniyang luklukan, at hinubad niya ang kaniyang balabal, at nagbalot siya ng kayong magaspang, at naupo sa mga abo. At kaniyang inihayag at itinanyag sa buong Ninive sa pasiya ng hari at ng kaniyang mga mahal na tao, na sinasabi, Huwag lumasa maging tao ni hayop man, bakahan ni kawan man, ng anomang bagay: huwag silang magsikain, ni magsiinom man ng tubig; Kundi mangagbalot sila ng kayong magaspang, ang tao at gayon din ang hayop, at magsidaing silang mainam sa Dios: oo, talikdan ng bawa’t isa ang kaniyang masamang lakad, at ang pangdadahas na nasa kanilang mga kamay. Sino ang nakaaalam kung manumbalik ang Dios at magsisisi, at hihiwalay sa kaniyang mabangis na galit, upang tayo’y huwag mangamatay.’ (Jonas 3:6–9).”

Noon nasasabik na sinabi ni Wang Wei, “Pinag-uusapan na rin lang ang pagsisisi ng mga tao ng Ninive, nakabasa ako kamakailan lamang ng isang sipi sa aklat na tumpak na may kinalaman sa paksang ito. Hayaan ninyong basahin ko ito sa inyo.”

Inilabas ni Wang Wei ang isang notebook mula sa kanyang bag, inilipat ang pahina hanggang sa makita niya ang pahinang hinahanap niya, at pagkatapos ay binasa: “Pagkatapos mapakinggan ang pagpapahayag ng Diyos, ang hari ng Ninive at ang kanyang mga nasasakupan ay nagsagawa ng serye ng mga pagkilos. Ano ang kalikasan ng kanilang asal at mga gawa? Sa madaling salita, ano ang diwa ng kabuuan ng kanilang pag-uugali? Bakit nila ginawa ang kanilang nagawa? Sa mata ng Diyos, matapat ang kanilang pagsisisi, hindi lamang dahil buong sikap silang nagsumamo sa Diyos at nangumpisal sa kanilang mga kasalanan sa harap Niya, kundi dahil na rin sa iniwan na nila ang kanilang makasalanang pag-uugali. Ginawa nila ang ganito dahil matapos nilang marinig ang mga salita ng Diyos, labis silang natakot at naniwala na gagawin Niya ang Kanyang sinabi. Sa pamamagitan ng pag-aayuno, pagdadamit ng sako at pag-upo sa abo, ninais nilang ipahayag ang kanilang pagpayag na baguhin ang kanilang mga pamamaraan at tumigil na sa kasamaan, upang manalangin sa Diyos na si Jehova na pigilin ang Kanyang galit, upang magsumamo sa Diyos na si Jehova na bawiin ang Kanyang pasya, gayun din ang malaking kapahamakan na malapit nang dumating sa kanila. Sa pamamagitan ng pagsiyasat sa kanilang pag-uugali, makikita natin na nauunawaan na nila na ang kanilang nakaraang masasamang gawa ay kasuklam-suklam sa Diyos na si Jehova at nauunawan nila ang dahilan kung bakit malapit na Niya silang puksain. Dahil sa mga rason na ito, ninais nilang lahat na lubusang magsisi, talikuran ang kanilang masasamang gawa, at iwanan ang karahasan sa kanilang mga kamay. Sa madaling salita, nang maunawaan na nila ang pahayag ng Diyos na si Jehova, ang bawat isa sa kanila ay nakadama ng takot sa kanilang mga puso; hindi na nila ipinagpatuloy ang kanilang masamang pag-uugali ni hindi na nagpatuloy na gawin ang mga gawaing kinamumuhian ng Diyos na si Jehova. Dagdag pa dito, nagsumamo sila sa Diyos na si Jehova na patawarin ang kanilang mga nakaraang kasalanan at huwag silang parusahan batay sa kanilang mga nakaraang ginawa. Nakahanda silang hindi na muling mamumuhay sa kasamaan at gagawa na sila ayon sa mga ipinag-uutos ng Diyos na si Jehova, hindi na nila muling pasisiklabin ang galit ng Diyos na si Jehova. Tapat at ganap ang kanilang pagsisisi. Galing ito sa kaibuturan ng kanilang mga puso at hindi nagkukunwari, ni hindi ito pansamantala” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II”).

Noon nagbahagi si Wang Wei, sinasabing, “Makikita natin sa siping ito na ang tunay na pagsisisi ay hindi lamang basta pag-amin sa ating mga kasalanan at masasamang gawain. Dapat ay alam din natin ang saloobin ng Diyos sa ating mga kasalanan, at dapat din nating maintindihan ang diwa at pinsala ng ating mga kasalanan. Tanging sa ganitong paraan lamang bubukal sa loob natin ang tunay na pagsisisi at takot sa Diyos. Makakaramdam tayo ng tunay na pagsisisi at pagkasuklam para sa ating mga kasalanan sa kaibuturan ng ating mga puso. Hindi na natin tatahakin ang dating landas na ginagawa natin palagi, at mag-uumpisa tayong gumawa ng pagbabago at maging mga bagong tao—ito lamang ang tunay na pagsisisi. Gaya ng mga tao ng Ninive, halimbawa. Napagtanto nila na ang kanilang masasamang gawain ay pinalubha ang disposisyon ng Diyos, at alam nila na, kung hindi sila magsisisi, sila ay wawasakin ng Diyos. Kaya naman lahat sila ay nagsisi sa Diyos suot ang kayong magaspang at abo, mula sa pinakamataas na hari hanggang sa pinakamababang tao. Nag-umpisa silang magsisi nang husto sa kanilang mga maling nagawa at hindi na gumagawa ng masama o sumusuway sa Diyos. Tunay ang pagsisisi nila, at bumukal iyon mula sa kaibuturan ng kanilang mga puso. At paano tayo? Kahit na madalas tayong pumunta sa harapan ng Diyos upang magsisi at mangumpisal, sa salita lamang ang pag-amin na ito, at hindi pagkamuhi o pagkapoot sa ating mga kasalanan na nararamdaman natin sa kaibuturan ng ating mga puso. Kapag may nakakaharap tayong mga problema, ang iniisip pa rin natin ay mga sarili nating interes. Kumikilos tayo sa ilalim ng kontrol ng ating panloob na makasalanang kalikasan, inaasam natin ang sarap ng kasalanan at hindi tayo tunay na nagbabago. Ang ganitong uri ng pagsisisi ay pagkilos lamang at tunay na hindi naaayon sa kalooban ng Diyos. Sinusuri ng Diyos ang kaloob-loobang bahagi ng puso ng tao at hindi maaaring dayain ng tao ang Diyos. Tanging sa pamamagitan lamang ng tunay na pagsisisi natin matatamo ang awa at biyaya ng Diyos.”

Noon tapat na sinabi ni Ma Tao, “Salamat sa gabay ng Diyos na ngayon ay malinaw na nating naiintindihan kung ano ang tunay na pagsisisi. Sa kasalanan, hindi maaaring makapasok ang tao sa langit. Sinabi ng Panginoong Jesus: ‘Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man.’ (Juan 8:34–35). At sinasabi din sa ibang bahagi ng Biblia: ‘pagpapakabanal na kung wala ito’y sinoman ay di makakakita sa Panginoon’ (Mga Hebreo 12:14). Makatuwiran at banal ang Diyos, at hindi hinahayaang makapasok ng kaharian ng langit ang sinumang maaaring gumawa ng kasalanan. Kahit na gaano pa magkunwari ang isang tao na nagsisisi, hindi nila matatamo ang papuri ng Diyos. Tanging sa pagtatakwil ng makasalanang kalikasan at pagiging tunay na masunurin at tapat sa Diyos lamang maaaring makapasok ang isang tao sa langit. Bagaman maraming taon na tayong nananampalataya sa Panginoon, ngunit ni hindi natin sinasamba ang Diyos sa ating mga puso at hindi tayo natatakot sa Diyos. Sa halip, naniniwala na tayo na mapagmahal at maawain ang Panginoon na, kapag nagkasala tayo, ang kailangan lamang nating gawin ay mangumpisal at magsisi sa Panginoon upang patawarin ang ating mga kasalanan, dahil hindi naaalala ng Diyos ang ating mga pagsuway at upang maitaas tayo sa kaharian ng langit kapag nagbalik ang Panginoon. Sa pamamagitan ng ating pagbabahagi, napagtanto ko sa wakas na napakahina ng ating pananampalataya. Tila tayo mga pulubi na ang alam lamang ay mamalimos sa Panginoon at humingi ng mga bagay, ngunit hindi natin maintindihan kung paano magpapasalamat sa pagmamalasakit at pighating nararamdaman ng Diyos sa Kanyang puso para sa ating mga namumuhay sa kasalanan at hindi iniisip na magsisi. Wala rin tayong paninindigan at determinasyon upang ilayo ang ating mga sarili mula sa kasalanan. Parang ngayon, kung hindi natin magagawang matakot sa Diyos at itakwil ang kasamaan, hindi natin magagawang tunay na magsisi, at ang paghihintay natin sa Panginoon na itaas tayo sa langit ay isa lamang walang katuturang pangarap. Hindi tayo maaaring magpatuloy sa paniniwala sa Diyos sa pamamagitan ng pag-asa sa sarili nating maling paniniwala at imahinasyon dahil iyon ay lubhang mapanganib! Dapat tayong magtuon ng pansin sa pagsasagawa ng katotohanan at paghabol sa pagbabago, dahil iyon lamang ang naaayon sa kalooban ng Diyos.”

Nagpatuloy si Wang Wei, “Kamakailan lamang, nagbahagi ako kasama ang isang kapatid tungkol sa mga kondisyon ng pagpasok natin sa kaharian sa langit. Sinabi niya, “Nagpropesiya ang Panginoong Jesus: “Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:48). “At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol” (Juan 16:8). Kahit na pinatawad ang mga kasalanan natin at tinanggap natin ang kaligtasan ng Panginoong Jesus, nananatili pa ring malalim na nakatanim sa loob natin ang makasalanan nating kalikasan at nagagawa pa rin nating gumawa ng kasalanan nang hindi sinasadya at sumuway sa Diyos. Hanggang sa matanggal natin ang gapos ng mga kasalanan, hindi tayo nararapat na pumasok sa langit. Kapag nagbalik ang Panginoon, gagawin Niya ang yugto ng gawain ng paghatol at pagdadalisay sa tao gamit ang mga salita, at kung nais nating makapasok sa kaharian ng Diyos, kung ganoon ay dapat nating tanggapin ang gawain ng paghatol ng Panginoon kapag nagbalik Siya sa mga huling araw, kilalanin ang ating makasalanang kalikasan, magawang tunay na kamuhian ang ating mga sarili at talikdan ang ating laman, isagawa ang mga salita ng Diyos, sundin ang Diyos at sambahin ang Diyos, at itakwil ang ating mga tiwaling disposisyon. Tanging sa ganitong paraan lamang tayo maaaring madalisay at makamit ang huling kaligtasan ng Diyos.’ Naniniwala ako na makahulugan ang pagbabahagi niyang ito, kaya dadalhin ko siya rito upang magbahagi sa atin, kung ayos lang iyon sa inyong lahat?”

Mabilis na sinabi ni Ma Tao, “Magaling! Kung magagawa tayong dalisayin ng gawain ng paghatol ng Panginoon sa mga huling araw at makamit ang tunay na pagsisisi, kung ganoon ay maaari tayong umasa na makapasok sa langit. Napakapalad natin! Kapatid na Wang, dapat kang magmadali at dalhin ang kapatid na iyon upang magbahagi sa atin.”

Ngumiti si Wang Wei habang sinasabi niya, “Sige, hahanapin ko siya bukas …”

Rekomendasyon:Tagalog Praise Songs