Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Peb 13, 2019

Tagalog Christian Songs | "Isang Ilog ng Tubig ng Buhay"


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Isang Ilog ng Tubig ng Buhay
I
Isang ilog ng tubig ng buhay, singlinaw ng kristal,
umaagos mula sa trono ng Diyos at ng Kordero.
Sa kabilaang bahagi ng ilog ay naroon ang puno ng buhay,
na may labindalawang uri ng bunga,
at nahihinog bawat buwan.
Ang mga dahon ng puno ay sa pagpapagaling ng mga bansa.
Mawawala na ang sumpa, wala nang sumpa.
Ang trono ng Diyos at ng Kordero ay lalagi na sa lungsod.
Ang mga lingkod Niya'y maglilingkod sa Kanya, 
at makikita nila ang Kanyang mukha,
makikita ang Kanyang mukha.
Ang pangalan Niya'y ilalagay sa kanilang mga noo. 
At mawawala na ang gabi; di kailangan ang kandila,
walang kandila, o ng liwanag ng araw; 
dahil ang Panginoong Diyos
ang nagbibigay sa kanila ng liwanag.
Sila'y maghahari magpakailanman. 
Sila'y maghahari magpakailanman.
II
Ang banal na lungsod, bagong Jerusalem,
bumababa mula sa Diyos mula sa langit, mula sa langit.
Masdan, ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao,
Siya ay makikipamuhay sa kanila.
Sila ang magiging bayan Niya (bayan Niya).
Ang Diyos Mismo ay kanilang makakasama,
at magiging Diyos nila.
Papahirin ng Diyos ang lahat ng luha
sa kanilang mga mata (mga mata);
mawawala na ang kamatayan, 
maging kalungkutan o pag-iyak,
wala nang sakit kailanman (kailanman),
dahil ang nakaraang mga bagay ay nawala na. 
Masdan, binabago ng Diyos ang lahat ng bagay.
Siya ang Alpha at Omega, ang simula at ang katapusan.
Ibibigay Niya nang malaya
sa sinumang nauuhaw ang bukal ng tubig ng buhay,
malayang ibibigay.
Ang magtatagumpay ang magmamana ng lahat ng bagay;
Ang Diyos ang kanyang magiging Diyos,
at siya ay magiging Kanyang anak.
Ang Diyos ang kanyang magiging Diyos,
at siya ay magiging Kanyang anak.
III
Ang kidlat ay nagmumula sa Silangan
at kumikislap sa Kanluran.
Ang Cristo ng mga huling araw, Makapangyarihang Diyos,
ay dumating na sa mga tao.
Ipinahahayag Niya ang katotohanan,
nagpapakita sa taong katawan.
Sa harap ng trono ng Diyos, lahat ng tao'y tumatanggap
ng pagsasanay at pagperpekto ng kaharian.
Ang Cristo ng mga huling araw ay nagdala
ng walang-hanggang pamamaraan ng buhay.
Ang mga tao ng Diyos ay kaharap sa Diyos sa araw-araw
at tinatamasa ang salita ng Diyos, sa tamis walang katulad.
Ang salita, espadang may dalawang talim,
ay humahatol upang dalisayin at iligtas ang tao.
Ang paghatol ay nagsimula na sa bahay ng Diyos.
Ang telon ay umangat na sa paghatol ng mga huling araw.
Sinasamba ng lahat ng tao ng Diyos
ang pangalan ng Makapangyarihang Diyos.
Sa Kanyang kaharian,
ang Makapangyarihang Diyos ay dumating na.
Ang Gawain ng Diyos ay natupad na.
Nakamit na Niya ang buong kaluwalhatian. 
Nakamit na Niya ang buong kaluwalhatian.

ang Unang Dalawang Talata Ay Mula sa Aklat ng Pahayag sa Biblia