Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Kung taglay mo ang katotohanan, makakasunod ka sa Diyos. Kung mayroon kang pagsasabuhay, maaari kang maging isang pagpapamalas ng salita ng Diyos. Kung mayroon ka ng buhay, maaari kang magtamasa ng pagpapala ng Diyos. Yaong mga nagtataglay ng katotohanan ay maaaring magtamasa ng pagpapala ng Diyos. Tinitiyak ng Diyos ang pagtutuwid para doon sa mga nagmamahal sa Kanya nang taos-puso gayundin ang pagtitiis ng mga kahirapan at mga pagdurusa, hindi para doon sa mga nagmamahal lamang sa kanilang mga sarili at nahulog na bihag sa mga pandaraya ni Satanas. Paano maaaring magkaroon ng kabutihan sa mga yaon na hindi umiibig sa katotohanan? Paano magkakaroon ng pagkamatuwid sa mga yaon na umiibig lamang sa laman? Hindi ba't ang pagkamatuwid at kabutihan ay tumutukoy lahat sa katotohanan? Hindi ba't nakalaan ang mga iyon para sa mga yaon na buong-pusong nagmamahal sa Diyos?
mula sa “Tanging ang Nagawang Perpekto ang Makakapamuhay ng Makahulugang Buhay” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Bago Ko kayo iwanan, papayuhan Ko pa rin kayo na iwasan na gawin ang mga bagay na hindi naaayon sa katotohanan. Sa halip, dapat ninyong gawin ang anumang kalugod-lugod at kapaki-pakinabang sa lahat ng mga tao at inyong sariling hantungan, kung hindi, ang siyang daranas ng kapahamakan ay walang iba kundi ikaw.
mula sa “Dapat Gumawa Ka nang Sapat na Kabutihan upang Paghandaan ang Iyong Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kung ikaw ay tunay na nagtataglay ng konsiyensya, kung gayon kailangan mong magkaroon ng isang pasan, at isang pagkadama ng pananagutan. Dapat mong sabihin: Hindi ko alintana kung ako man ay lulupigin o gagawing perpekto, ngunit dapat kong taglayin nang maayos ang hakbang na ito ng patotoo. Bilang isang nilikha ng Diyos, ang isa ay maaring ganap na lupigin ng Diyos, at sa huli, nagagawa nilang mapalugod ang Diyos, tinutumbasan ang pag-ibig ng Diyos ng pag-ibig sa kanilang puso at sa ganap na paglalaan ng kanilang mga sarili sa Diyos. Ito ang pananagutan ng tao, ito ang tungkulin na dapat gampanan ng tao, at ang pasan na dapat batahin ng tao, at dapat matapos ng tao ang komisyon na ito. Sa gayon lamang sila tunay na naniniwala sa Diyos.
mula sa “Pagsasagawa (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Maaari mong italaga ang iyong puso at katawan at lahat ng iyong tunay na pag-ibig sa Diyos, ilagay ang mga iyon sa harap Niya, maging ganap na masunurin sa Kanya, at lubos na maging mapagbigay sa Kanyang kalooban. Hindi para sa laman, hindi para sa pamilya, at hindi para sa iyong personal na mga pagnanasa, ngunit para sa mga interes ng sambahayan ng Diyos. Sa lahat ng bagay maaari mong tanggapin ang mga salita ng Diyos bilang panuntunan, bilang saligan. Sa gayong paraan, ang iyong mga hangarin at iyong mga pananaw ay magiging nasa tamang lugar lahat, at ikaw ay magiging isang tao na nakakakuha ng papuri ng Diyos sa harap Niya.
mula sa “Ang Mga Tao na Maaaring Walang Pasubali na Masunurin Tungo sa Praktikalidad ng Diyos ay Yaong Mga Tunay na Umiibig Sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
2. Dapat mong gawin ang anumang bagay na kapaki-pakinabang sa gawain ng Diyos, at walang nakasasama sa mga interes ng gawain ng Diyos. Dapat mong ipagtanggol ang pangalan ng Diyos, patotoo ng Diyos, at gawain ng Diyos.
mula sa “Ang Sampung Administratibong Kautusan na Dapat Sundin ng mga Piniling Tao ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kailangan ninyong gawin ang inyong katungkulan hanggang sa inyong makakayanan nang bukas at matuwid ang inyong mga puso, at kailangang handa kayong gawin ang anumang kinakailangan. Gaya nga ng sinabi ninyo, pagdating ng araw na iyon, hindi pakikitunguhan nang masama ng Diyos ang sinumang nagdusa o nagbayad nang malaki para sa Kanya. May halaga ang pagkapit sa ganitong uri ng paniniwala, at hindi ninyo ito dapat kalimutan. Sa ganitong paraan Ko lamang mapapalagay ang Aking isipan ukol sa inyo. Kung hindi, hindi Ko kailanman mapapalagay ang Aking isipan ukol sa inyo, at habambuhay ko kayong ituturing nang may kapaitan. Kung susundan ninyo ang iyong konsiyensya, at ibibigay ang lahat para sa Akin, walang hindi pagsusumikapan para sa Aking gawain, at iuukol ang buong buhay ng pagsusumikap sa Aking gawain ng mabuting balita, hindi ba't lulukso sa tuwa ang Aking puso? Hindi ba't lubos na mapapalagay ang Aking isipan ukol sa inyo?
mula sa “Hinggil sa Patutunguhan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao