💰💰💰☁🌎💰💰💰☁🌎💰💰💰
Gunitain natin ang sangkatauhan sa kapanahunan ni Noe. Abala ang tao sa
lahat ng uri ng masasamang gawain nang hindi iniisip ang pagsisisi.
Walang nakinig sa salita ng Diyos. Ang kanilang katigasan ng ulo at
kasamaan ay pumukaw sa galit ng Diyos at sa huli, nilamon sila ng
sakunang dulot ng malaking baha. Tanging si Noe at ang kanyang pamilyang
may walong miyembro ang nakinig sa salita ng Diyos at nakaligtas.
Ngayon, sumapit na ang mga huling araw. Palala nang palala ang
katiwalian ng sangkatauhan. Lahat ay sumasamba sa kasamaan. Ang buong
mundo ng mga relihiyoso ay nagpapatangay sa agos ng mundo. Ni katiting
ay hindi nila gusto ang katotohanan. Dumating na ang mga araw ni Noe!
Para mailigtas ang sangkatauhan, nagbalik na muli ang Diyos upang gawin
ang gawain ng paghatol sa mga huling araw sa sangkatauhan. Ito ang
huling beses na inililigtas ng Diyos ang tao! Ano ang dapat piliin ng
sangkatauhan?
Ito ay isang kuwento na batay sa tunay na buhay. Dahil paulit-ulit na
tumanggi ang mga mamamayan ng Qingping County sa lalawigan ng Sichuan na
tanggapin ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos,
dalawang beses silang nagdanas ng sakuna. Sa Malaking Lindol sa Sichuan,
maraming kapatid sa pananampalataya na naniwala sa Makapangyarihang
Diyos ang mahimalang pinrotektahan ng Diyos at nakaligtas. May nakasaksi
sa mga totoong pangyayaring ito: yaong mga tumatanggap at sumusunod sa
Diyos at yaong mga tumatanggi at kumakalaban sa Diyos. Ang dalawang
klaseng ito ng mga tao ay may dalawang magkaibang-magkaibang
kinahinatnan!
Rekomendasyon:
Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan
Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?