Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Yamang ganoon nga, magkakaroon ng isang bagong pamamaraan: Yaong mga nagbabasa ng Aking salita at tinatanggap ito bilang kanilang mismong buhay ay ang mga tao ng Aking kaharian. Yamang sila ay nasa Aking kaharian, sila ay ang Aking bayan sa kaharian. Sapagka't sila ay ginagabayan ng Aking mga salita, kahit na sila ay tinatagurian bilang Aking bayan, sila ay hindi kailanman sa ibaba ng Aking "mga anak". Bilang Aking bayan, lahat ay dapat maging tapat sa Aking kaharian at tuparin ang kanilang mga tungkulin, at yaong mga sumusuway sa Aking mga atas sa pangangasiwa ay dapat tumanggap ng Aking pagpaparusa. Ito ang Aking babala sa lahat.
mula sa “Ang Unang Pagbigkas” ng mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ano ang tinutukoy sa "mga taong pinili ng Diyos"? Pagkatapos likhain ng Diyos ang lahat ng mga bagay at nagkaroon ng sangkatauhan, pumili ang Diyos ng grupo ng mga tao na sumusunod sa Kanya, at tinawag silang "mga taong pinili ng Diyos." … Ang pagpili sa kanila ng Diyos ay nangangahulugan na taglay nila ang malaking kahalagahan. Na ang ibig sabihin, ninanais ng Diyos na gawing buo ang mga taong ito, at gawin silang perpekto, at pagkatapos nang Kanyang gawaing pamamahala ay matapos, makakamit Niya ang mga taong ito. Hindi ba dakila ang kahalagahang ito? Kaya, ang mga taong pinili na ito ay may dakilang kahalagahan sa Diyos, sapagkat sila yaong mga ninanais ng Diyos na makamit. Samantalang ang mga tagapaglingkod-buweno, umalis muna tayo mula sa katalagahan ng Diyos, at una muna nating pag-usapan ang kanilang mga pinagmulan. Ang literal na kahulugan ng "tagapaglingkod" ay yaong naglilingkod. Yaong mga naglilingkod ay pansamantala; hindi nila nagagawa iyon nang matagalan, o nang habang panahon, ngunit mga inuupahan o hinihikayat nang pansamantala.
…………
… At ano ang papel nitong mga tagapaglingkod? Upang maglingkod sa mga taong pinili ng Diyos. Sa pangunahin, ang kanilang papel ay upang maglingkod sa gawain ng Diyos, upang makipagtulungan sa gawain ng Diyos, at upang makipagtulungan sa pagbuo ng Diyos sa Kanyang piniling mga tao. … Ang pagkakakilanlan sa isang tagapaglingkod ay tagapaglingkod, ngunit sa Diyos, sila ay isa sa gitna ng lahat ng mga bagay na nilikha Niya-basta ang kanilang papel ay gaya ng sa tagapaglingkod. Kaya ano ang iyong masasabi, bilang isa sa mga nilalang ng Diyos, may pagkakaiba ba sa pagitan ng isang tagapaglingkod at sa mga taong pinili ng Diyos? Sa totoo lang, walang pagkakaiba. Kung sa pangalan ang pag-uusapan, mayroong pagkakaiba, mayroong pagkakaiba sa diwa, kung ang pag-uusapan ay sa papel na kanilang ginagampanan mayroong pagkakaiba, ngunit ang Diyos ay hindi nagtatangi laban sa mga taong ito. Kaya bakit itinuturing ang taong ito bilang mga tagapaglingkod? Kailangan ninyong maintindihan ito. Ang mga tagapaglingkod ay nagmula sa mga hindi sumasampalataya. Ang pagbanggit sa mga taong hindi sumasampalataya ay nagsasabi sa atin na ang kanilang nakaraan ay masama: Lahat sila ay mga ateista, sa kanilang nakaraan sila ay mga ateista, hindi sila naniniwala sa Diyos, at kinapopootan nila ang Diyos, ang katotohanan, at mga positibong bagay. Hindi sila naniniwala sa Diyos at hindi sila naniniwala na mayroong isang Diyos, kaya may kakayahan ba silang maintindihan ang mga salita ng Diyos? Makatarungang sabihin na, sa kalakihang bahagi, wala silang kakayahan. Kagaya lamang ng mga hayop na walang kakayahang maintindihan ang mga salita ng tao, hindi naiintindihan ng mga tagapaglingkod kung ano ang sinasabi ng Diyos, kung ano ang kinakailangan Niya, bakit Siya gumagawa ng gayong mga pangangailangan-ang mga bagay na ito ay mahirap ipaunawa sa kanila, nananatili silang hindi naliwanagan. At sa kadahilanang ito, ang mga taong ito ay hindi nagtataglay ng buhay na ating pinag-uusapan. Kung walang buhay, maiintindihan kaya ng mga tao ang katotohanan? Nagtataglay ba sila ng katotohanan? Nagtataglay ba sila ng karanasan at kaalaman ng mga salita ng Diyos? Tiyak na hindi. Ang gayon ay ang mga pinagmulan ng mga tagapaglingkod. Ngunit yamang ginawa ng Diyos na mga tagapaglingkod ang mga taong ito, nananatiling mayroong mga pamantayan sa Kanyang mga kinakailangan sa kanila; sila ay hindi Niya minamaliit, at hindi Siya mababaw sa kanila. Bagamat hindi nila naiintindihan ang Kanyang mga salita, at mga walang buhay, ang Diyos ay nananatiling mabait sa kanila, at mayroon pa ring mga panuntunan sa Kanyang mga kinakailangan sa kanila. Kasasabi lamang ninyo sa mga panuntunang ito: Ang pagiging tapat sa Diyos, at ang paggawa sa kung ano ang mga sinasabi Niya. Sa iyong paglilingkod dapat kang maglingkod kung saan kailangan, at dapat maglingkod hanggang sa katapusan. Kung magagawa mong maglingkod hanggang sa katapusan, kung magagawa mong maging isang tapat na tagapaglingkod, makapaglilingkod hanggang sa pagtatapos na bahagi, at perpektong mabuo ang kautusan na ibinigay sa iyo ng Diyos, kung gayon mamumuhay ka ng isang buhay na may katuturan, at kaya magagawa mong manatili. Kung maglalakip ka pa ng konting pagsisikap, kung pagbubutihan mo pa, nadodoble ang iyong mga pagsisikap na makilala ang Diyos, makapagsasabi ng konting kaalaman ukol sa Diyos, magagawang sumaksi sa Diyos, at higit pa rito, kung magagawa mong maintindihan ang isang bagay sa kalooban ng Diyos, magagawang makipagtulungan sa gawain ng Diyos, at sa wari ay alam ang kalooban ng Diyos, sa gayon ikaw, ang tagapaglingkod na ito ay magkakaroon ng isang pagbabago sa kapalaran. At ano ang magiging pagbabago sa kapalaran na ito? Hindi ka na lamang basta mananatili. Batay sa iyong pag-uugali at sa iyong personal na mga mithiin at paghahangad, gagawin ka ng Diyos na isa sa mga taong pinili. Ito ang magiging pagbabago sa iyong kapalaran. Para sa mga tagapaglingkod, ano ang pinakamabuting bagay ukol rito? Ito ay ang maaari silang makabilang sa mga taong pinili ng Diyos. … Mabuti ba ang gayon? Mabuti ito, at ito ay magandang balita. Na ang ibig sabihin, maaaring hubugin ang mga tagapaglingkod. Hindi iyan ang usapin para sa mga tagapaglimgkod, kapag itinatalaga ka ng Diyos upang maglingkod, gagawin mo iyon magpakailanman; hindi laging ganoon iyon. Batay sa iyong indibiduwal na pag-uugali, panghahawakan ka ng Diyos sa ibang paraan, at sasagot sa iyo sa ibang paraan.
mula sa “Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi X” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao