Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Yaong mga kabilang sa mga kapatid na palaging ibinubulalas ang kanilang pagiging negatibo ay mga utusan ni Satanas at ginagambala nila ang simbahan. Isang araw ang mga taong ito ay kailangang matiwalag at maaalis. Sa kanilang paniniwala sa Diyos, kung ang mga tao ay hindi nagtataglay ng isang pusong gumagalang sa Diyos, kung sila ay walang puso na masunurin sa Diyos, kung gayon hindi lamang sa sila ay hindi makagagawa ng anumang gawain para sa Diyos, ngunit sa kabaligtaran ay magiging mga tao na gumagambala sa gawain ng Diyos at mga sumusuway sa Diyos. Kapag ang isang tao na naniniwala sa Diyos ay hindi sinusunod ang Diyos o iginagalang ang Diyos ngunit sa halip ay sinusuway Siya, kung gayon ito ang pinakadakilang kahihiyan para sa isang sumasampalataya. Kung ang pagsasalita at pag-uugali ng isang sumasampalataya ay palaging hindi inaasahan at hindi mapigilan gaya ng isang hindi sumasampalataya, kung gayon ang sumasampalatayang ito ay lalong mas masama kaysa sa hindi sumasampalataya; sila ay isang karaniwang demonyo. Yaong mga nasa iglesia na ibinubulalas ang kanilang makamandag na pananalita, yaong mga nasa gitna ng mga kapatid na nagkakalat ng mga usap-usapan, pumupukaw ng kawalan ng pagkakaisa at bumubuo ng mga grupo ay dapat matiwalag mula sa iglesia. Ngunit ang mga taong ito ay hinigpitan dahil sa ngayon ay isang naiibang panahon ng gawain ng Diyos, sapagkat sila ay nakatalaga na maging mga bagay para sa pag-aalis. Yaong mga ginawang tiwali ni Satanas ay lahat mayroong isang tiwaling disposisyon. Ngunit samantalang ang ibang mga tao ay mayroong isang tiwaling disposisyon lamang may ibang mga tao na hindi kagaya nito, na hindi lamang sila mayroong tiwali at napakasamang disposisyon, ngunit ang kanilang mga kalikasan ay masyadong malisyoso. Ang lahat ng ginagawa at sinasabi ng ganitong uri ng tao ay hindi lamang ipinapahayag ang kanilang tiwaling napakasamang mga disposisyon, ngunit sila mismo ang totoong diablong Satanas.
mula sa “Isang Babala sa Mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang bawat isang iglesia ay mayroong mga tao na gumagambala sa simbahan, mga taong umaantala sa gawain ng Diyos. Ang mga taong ito ay mga Satanas lahat na nagbabalatkayo sa sambahayan ng Diyos. Ang ganitong uri ng tao ay talagang mahusay sa panggagaya, magalang na dumarating sa harap Ko, tumatango at yumuyukod, kumikilos na parang galising mga aso, inilalaan ang kanilang "lahat" nang upang matamo ang kanilang sariling mga layunin, ngunit ipinakikita ang kanilang pangit na mukha sa harap ng mga kapatid. Kapag nakakita sila ng sinuman na nagsasagawa ng katotohanan ay kanilang sinasalakay at inihihiwalay sila, at kapag nakakita sila ng sinuman na mas malala pa kaysa sa kanilang mga sarili, pinupuri nila at nakikipagbolahan sa kanila, kumikilos na parang mga manlulupig sa loob ng simbahan. Maaaring sabihin na ang karamihan sa mga iglesia ay mayroong ganitong uri ng "lokal na tampalasang ahas," ang ganitong uri ng "sipsip" sa gitna nila. Sila ay pumupuslit na magkakasama, nagkikindatan at palihim na nagsesenyasan sa isa't-isa, at walang sinuman sa kanila ang nagsasagawa ng katotohanan. Kung sino man ang pinakamakamandag sa kanila ay ang "punong demonyo," at kung sino man ang mayroong pinakamataas na karangalan ay pinamumunuan sila, dinadala ang kanilang bandila paitaas. Ang mga taong ito ay nagwawala sa loob ng iglesia, ikinakalat ang kanilang pagiging negatibo, pinakakawalan ang kamatayan, ginagawa ang anumang maibigan nila, sinasabi ang anumang maibigan, nang walang nangangahas na pigilan sila, sa pagiging puno ng napakasasamang mga disposisyon. Sa sandaling simulan nilang lumikha ng kaguluhan, isang hangin ng kamatayan ang pumasok sa loob ng iglesia. … Kung mayroong ilang lokal na napakasasamang mga ahas sa isang iglesia, gayundin ang ilang maliliit na langaw na sumusunod sa kanila na walang pagkaunawa o kung anuman, kung yaong mga nasa iglesia ay hindi pa rin itatakwil ang mga tali at pagmamanipula ng mga ahas na ito pagkatapos nilang makita ang katotohanan, kung gayon ang mga hangal na ito ay aalisin sa katapusan. Bagamat ang maliliit na mga langaw na ito ay maaaring hindi nakagawa ng anumang bagay na malala, sila ay lalo pang mas tuso, lalo pang mas mapanlinlang at mahirap hulihin at ang lahat ng kagaya nito ay aalisin. Walang isa man ang matitira!
mula sa “Isang Babala sa Mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Nakikita mo ang lahat ng pagkilos ng Diyos ngayon, ngunit ikaw pa rin ay lumalaban at mga mapaghimagsik at hindi nagpapasakop; nagtatago ka ng maraming bagay sa iyong kalooban at ginagawa kung ano ang naisin; sinusunod mo ang iyong sariling pagnanasa, at mga kagustuhan-ito ay pagsuway; ito ay paglaban. Ang paniniwala sa Diyos na isinasagawa para sa laman, para sa sariling mga pagnanais, at para sa sariling mga kagustuhan, para sa mundo, at para kay Satanas, ay marumi; ito ay paglaban at pagsuway. Mayroong iba't-ibang uri ng paniniwala ngayon: Ang ilan ay naghahanap ng silungan mula sa sakuna, at ang ilan ay naghahanap upang makatanggap ng pagpapala, samantalang ang ilan ay nagnanais na maunawaan ang mga hiwaga at ang ilan ay sumusubok na makakuha ng salapi. Ang lahat ng ito ay paraan ng paglaban; ang lahat ng ito ay kalapastanganan! Ang sabihing ang isa ay nanlalaban o sumusuway-hindi ba't ito'y tumutukoy sa mga bagay na ito? Maraming tao ngayon ang umaangal, bumibigkas ng mga reklamo o gumagawa ng mga paghatol. Ang lahat ng mga bagay na ito ay ginawa ng masama; ang mga ito ay panlalaban at pagsuway ng mga tao; ang mga ganoong tao ay kabilang at sinakop ni Satanas.
mula sa “Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Inirekomendang pagbabasa:Kahulugan ng Buhay
Inirekomendang pagbabasa:Kahulugan ng Buhay