Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Hun 8, 2019

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay|Ang Lihim na Payo Upang Lutasin ang Poot

Xiao Wu

Ako ay may sariling pinagkakakitaan. Pangunahing itininda ko ang lahat ng uri ng tela, at gumawa din ako ng mga damit para sa aking mga parokyano bilang pandagdag ng kita. Pagkalipas ng ilang taon, ang aking negosyo ay naging mas kilala at ang mga tao sa paligid ko ay naging lubhang maiingitin. Hindi nagtagal, isang kapitbahay ang nagbukas ng kaparehong uri ng tindahan kagaya ng sa akin at naging katunggali ko. Mangyari pa, ang negosyo sa aking tindahan ay naapektuhan. Sinasabi ng kilalang kawikaan na ang dalawa sa isang kalakalan ay hindi kailanman nagkakasundo, ngunit ang aking kasama ay hindi lamang basta sinuman, ngunit ang aking lubos na pinagkakatiwalaang mag-aaral, si Xiaochen.

Ang Lihim na Payo Upang Lutasin ang Poot
Hindi lamang sa nagbukas si Xiaochen ng kaparehong tindahan katabi ng aking bahay, naghintay pa siya sa labas ng kanyang tindahan upang sadyaing nakawin ang aking negosyo. Sa tuwing may makita siyang isang tao na dadaan sa tindahan, lalapitan niya sila at babatiin sila nang masigasig, aakayin sila papunta sa tindahan, at sadyang nagsasabi pa siya ng kakila-kilabot na mga bagay tungkol sa akin. Habang nakikita si Xiaochen na ginagawa ang lahat ng makakaya niya upang nakawin ang aking negosyo, pinagsisihan ko na kinuha siya bilang aking mag-aaral at nagsimulang kapootan siya mula sa aking puso. Nang makita ko siya, hindi ako nakahanda na lapitan o kausapin siya, at minsan nakapaggsasabi pa ako ng masasamang bagay tungkol sa kanya sa harap ng mga parokyano o sadya akong magbibigay ng diskuwento sa mamimili upang ibalik ang mga umuulit na bumibili, nang sa gayon ay mabawasan ko ang kanyang mga kliyente. Ngunit dahil sa kami ay magkapitbahay, hindi namin maiiwasan na makita ang isa’t-isa. Sa paglipas ng panahon, ako ay mas lalong nasaktan at nasupil sa aking puso, at ang aking poot sa kanya ay lalong naging mas malalim. Ito ay umabot sa punto na sa tuwing makikita ko siya, ang aking puso ay nasasakal nang husto, at ang aking buong pag-iisip ay napupuno ng mga saloobin kung paano siya haharapin. Maging kapag ako ay nanaginip, ako ay nananaginip na nilalabanan ko siya. Ako ay namumuhay na puno ng kapighatian sa pahanong iyon!

Noong 2002, narinig ko na sinabi ng aking kamag-aral na ang paniniwala kay Jesus ay makapagdadala ng kapayapaan at kasiyahan, na kaya nitong palawakin ang ating mga puso upang hindi na tayo magkanlong ng poot, kaya naniwala ako sa Panginoong Jesus. Nakita ko na sinabi ng Panginoong Jesus na: "Datapuwa't sinasabi ko sa inyong nangakikinig, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, gawan ninyo ng mabuti ang nangapopoot sa inyo, Pagpalain inyo ang sa inyo'y sumusumpa at ipanalangin ninyo ang sa inyo'y lumalait. Sa sumampal sa iyo sa isang pisngi, iharap mo naman ang kabila; at ang sa iyo'y magalis ng iyong balabal, huwag mong itanggi pati ng iyong tunika" (Lucas 6:27-29). Mula sa mga salita ng Panginoon nakita ko na ang Panginoon ay may hindi mauubos at walang hanggang pagmamahal para sa atin. Siya ay may hindi mauubusang pagpaparaya, pagtitiyaga at pagpapatawad para sa atin. Hindi ba't isinagawa na ng Panginoon ang mga bagay na ito na hiniling Niya sa atin na gawin? Nahikayat ako nang husto ng pag-ibig ng Panginoon, kaya ninais kong sundin ang mga aral ng Panginoon, at sinubukan kong magparaya kay Xiaochen, at huwag makipag-away sa kanya. Ngunit sa totoong buhay, hindi ko parin mapigilan na kamuhian siya, at hindi ko naisasagawa ang salita ng Panginoon sa anumang paraan. Nang maisip ko na sinabi ng Biblia na ang kapootan ang isang tao ay tulad ng pagpatay sa kanila, nakaramdam ako ng higit pang sakit. Naisip ko: Nais kong patawarin si Xiaochen, ngunit bakit hindi ko basta magawa iyon? Naniniwala ako sa Panginoon at alam ko ang Kanyang mga kahilingan, ngunit bakit hindi ko maisagawa ang mga salita ng Panginoon? Ako ay namuhay sa kapighatian, at hindi ko mapalaya ang aking sarili.

Hindi nagtagal, noong 2003, naging mapalad ako na tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sa isang pagtitipon, isang kapatid na babae ang nagbasa ng isang bahagi ng salita ng Diyos direkta sa aking paghihirap.: “Ang tao ay nailigtas lamang at napatawad sa kanyang mga kasalanan dahil sa kanyang pananampalataya, nguni't ang makasalanang kalikasan ng tao ay hindi naalis at nanatili pa rin sa kanyang kalooban. … Kinakailangan nito na maunawaan ng tao ang landas ng paglago sa buhay, ang landas ng buhay, at ang paraan upang baguhin ang kanyang disposisyon. Kinakailangan din na ang tao ay kumilos alinsunod sa landas na ito nang sa gayon ang disposisyon ng tao ay unti-unting mababago at makakapamuhay siya sa ilalim ng pagsikat ng liwanag, at upang magawa niya ang lahat ng bagay ayon sa kalooban ng Diyos, iwaksi ang tiwaling maka-satanas na disposisyon, at lumaya mula sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas, at dahil dito ganap na makakalaya mula sa kasalanan. Doon lamang matatanggap ng tao ang ganap na kaligtasan” (“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ibinahagi din niya sa akin: Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Panginoong Jesus ay gumawa ng isang hakbang ng gawaing mapantubos. Ang kasalanan nating mga tao ay napatawad lamang, nang sa ganon ay hindi na tayo masentensiyahan ng mga kautusan. Gayunman, ang ating makasalanang kalikasan ay nanatili pa din, at hindi ito nalutas. Kagaya mo ito na namumuhay sa poot kay Xiaochen, nakokontrol mo lamang ang iyong panlabas na kilos na hindi siya insultuhin, ngunit hindi mo nalutas ang pinagmulan ng poot sa iyong puso. Tayong mga tao ay ginawang tiwali ni Satanas sa loob ng libu-libong taon, at tayo ay ganap na nasakop ng lahat ng mga uri ng mga mala-satanas na lason. Ang mala-satanas na mga pilosopiya at kautusan gaya ng “Winawasak ng kalangitan ang mga hindi para sa kanilang mga sarili,” at “Ang isang tao ay namamatay para sa pera; ang isang ibon ay namamatay para sa pagkain” ay naging ating buhay at ating kalikasan. Hindi natin mapigilan na umasa sa mga bagay na ito upang mabuhay, kaya lahat tayo ay naging makasarili, interesado lang sa sarili at interesado lamang sa pakinabang. Tayo ay nakikipaglaban at nangangatuwiran laban sa sarili nating mga kapakanan at naging mapanibughuin at puno ng poot, na nagdudulot sa atin na makagawa ng mga kasalanan na hindi mapigilan at kinakalaban ang Diyos. Bagaman sa ating puso nais nating gampanan ang salita ng Panginoon, sapagkat tayo ay nakagapos at limitado ng mala-satanas na kalikasan, hindi natin maisagawa ang mga ito at tayo ay nabubuhay sa hindi mabatang kapighatian. Sa mga huling araw ang Makapangyarihang Diyos ay darating upang lutasin ang pinakaugat na problema nating mga tiwaling tao na nakagagawa ng mga kasalanan, upang ganap na iligtas tayo mula sasakop ni Satanas. Para sa layuning ito, nagsasabi ng mga salita ang Diyos upang magsagawa ng gawaing paghatol at pagdalisay sa tao, upang sa gayon, sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng salita ng Diyos, makikilala natin ang sarili nating mala-satanas na kalikasan, makarating sa pagkaunawa na ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay higit sa pagkutya, unti-unting darating upang pagpitaganan ang Diyos, hindi na nabubuhay sa lason ni Satanas, hanapin ang katotohanan sa lahat ng mga bagay, mamuhay sa salita ng Diyos at palitan ang sarili nating disposisyon ng pagsasagawa ng katotohanan. Sa paraang ito, maisasabuhay natin ang isang normal na pagkatao, malalaman natin kung paano kumilos at kung paano pangasiwaan ang ating mga sarili sa pakikipag-ugnayan sa iba. Kapag iniwan natin ang pagkakagapos sa awtoridad ni Satanas at hindi na kontrolado ng ating tiwaling disposisyon, sa gayon tayo ay nabubuhay sa paglaya at kalayaan. Kapatid, kung madalas kang nagbabasa ng salita ng Makapangyarihang Diyos, nararanasan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, madalas na nananalangin sa Diyos, hinihiling sa Diyos na ingatan ang iyong puso, sa gayon makatitiyak ka na mapapakawalan ang poot sa iyong puso, makakawala mula sa tiwaling disposisyon ni Satanas, at mamumuhay nang mahinahon at malaya. Kaya, kailangan mong magkaroon ng kumpiyansa sa Diyos...”

Pagkatapos makinig sa pagbabahagi ng kapatid na babae, naunawaan ko na ang dahilan kung bakit hindi ko kailanman magawang malutas ang poot sa aking puso habang naniniwala sa Panginoong Jesus ay dahil ginampanan lamang Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos ng kasalanan, ngunit hindi ang gawain ng pagtatakwil sa kasalanan. Ito ang dahilan kung bakit ang mala-satanas na kalikasan at tiwaling disposisyon sa loob ko ay hindi pa nawala. Tanging ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ang ganap na makapaglilinis at makapagbabago sa akin, inililigtas ako mula sa kasalanan! Sa pagkaunawa nito, naging kumpiyansa akong muli tungkol sa kung paano lutasin ang poot sa pagitan ko at ni Xiaochen, at naging buo ang aking isip na ituloy ang katotohanan at hindi magtagal ay pilasin ang mala-satanas na tiwaling disposisyon.

Isang araw, nakita ko ang salita ng Diyos na nagsasabing: “Malupit, marahas na sangkatauhan! Ang pakikipagsabwatan at intriga, ang paggigitgitan sa isa't-isa, ang pag-aagawan ng reputasyon at kayamanan, ang ubusan sa isa't isa-kailan ito matatapos? … Ilan ang hindi kumikilos upang mapanatili ang kanilang sariling kapakanan? Ilan ang hindi nang-aapi at nagtatangi ng iba para sa pagpapanatili ng kanilang sariling katayuan?” (“Ang Masama ay Dapat Parusahan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Pagkatapos basahin ang salita ng Diyos, nagsimula akong magbulay-bulay sa aking sarili. Bakit patuloy akong namumuhay sa poot kay Xiaochen? Hindi lamang ba ito dahil sa ninakaw niya ang aking negosyo at nakaapekto ito sa sarili kong mga kapakanan? Upang makakuha ng mas maraming pera at magkaroon ng isang bawas na katunggali, ang naisip ko lang ay ihiwalay siya at masamain siya, at mayroon din akong masasamang kaisipan sa kanya. Sa nakaraan, inaakala ko na ang poot ko sa kanya ay mayroong dahilan. Sinaktan niya ako noong una, iyon ang dahilan kaya napoot ako sa kanya nang ganito katindi. Ngayon, alam ko na ito ay bunga ng sarili kong makasariling kalikasan. Sa pagkakilala ko sa ganitong mga bagay, kaagad akong nanalangin sa Diyos: “Diyos ko, ngayon ngayon ko lamang nalaman na napopoot ako kay Xiaochen sapagkat mayroon akong makasariling kalikasan sa loob ko. Diyos ko, nakahanda akong maghimagsik laban sa aking sarili, hindi ako nakahandang mabuhay sa mala-satanas kong kalikasan. Umaasa ako na matutulungan Mo ako, upang mapakawalan ko ang aking poot kay Xiaochen at isabuhay ang isang normal na pagkatao.”

Upang matulungan ako na lumakad palayo sa poot, ang Diyos ay nagsaayos ng isang sitwasyon para sa akin. Isang araw, pinakikinis ni Xiaochen ang kanyang kusina, at sinakop nito ang hagdan na daan na ibinahagi sa pagitan ng salawang bahay namin. Habang pinagmamasdan ito, nakadama ako ng galit sa aking puso, na talagang nagmamalabis na siya. Pagkatapos nakawin ang aking negosyo, ngayon papunta siya upang kunin ang aking teritoryo. Lalo talaga itong nagiging mas magulo! Nang naisin ko na makipagtalo sa kanya, bigla kong naalala na sinabi ng Diyos: “Ang Diyos ay habambuhay na pinakamataas at marangal, habang ang tao ay habambuhay na mababa at walang kabuluhan. Ito ay dahil habambuhay na nagsasakripisyo ang Diyos at inilalaan ang Kanyang sarili sa sangkatauhan; ang tao, sa kabilang banda, ay habambuhay na kumikilos para lamang sa kanyang sarili. … dahil ang gawain ng tao ay laging para sa kanyang sarili at hindi para sa iba. Laging makasarili ang tao, habang ang Diyos ay habambuhay na walang pag-iimbot. Ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng matuwid, mabuti, at maganda, habang ang tao ay ang kahalili at tagapaghayag ng lahat ng kapangitan at masama” (“Napakahalaga na Maunawaan ang Disposisyon ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Oo, ang pagmamahal ng Diyos ay lubhang walang pag-iimbot. Ang Diyos ay nagkatawang-tao sa katawang-tao nang dalawang beses upang iligtas lamang tayong mga tao. Binayaran ng Diyos ang ganap na halaga upang matamo natin ang kaligtasan. Sa nakaraan, isinakripisyo Niya ang Sarili Niya sa krus para sa kaligtasan ng sangkatauhan, at ngayon Siya ay muling nagkatawang-tao sa sa katawang-tao, tinitiis ang paglaban ng mga tao, pagsumpa, pag-uusig at paninirang-puri ng tao upang gampanan ang gawain at iligtas ang mga tao, lahat nang walang anumang mga reklamo o pagsisisi at hindi kailanman hinihiling sa atin na muling bayaran Siya. Ang diwa ng buhay ng Diyos ay ubod ng ganda, lubos na kaibig-ibig, lubhang karapat-dapat sa ating paghanga at pagsamba! At ako ay ginawang tiwali ni Satanas upang maging lubhang makasarili at kasuklam-suklam, lubos na tuso at masama, at ako ay nabuhay sa pamamagitan ng lason ni Satanas, “Lumalaban para sa bawat pulgada ng lupa at kamkamin ang bawat piraso na makukuha mo.” Hangga’t nauugnay ito sa bawat piraso ng aking tmga pakinabang, makikipaglaban ako sa iba, tatawad sa bawat salapi, at hindi ko matatanggap ang anumang nga kalugian. Nakikita ko na ang isinasabuhay kagayang-kagaya ng kay Satanas, na parang ako ay isang demonyong nabubuhay. Ngayon, itinuro ng Diyos ang isang daan sa pagbabago ng aking disposisyon sa buhay. Kailangan kong isagawa ito ayon sa salita ng Diyos, maghimagsik laban kay Satanas, at hindi na nabubuhay sa pamamagitan ng lason ni Satanas. Kaya, nanalangin ako sa Diyos: “Diyos ko, ang usapin na aking nakaharap ngayong araw ay Iyong itinakda para sa akin. Maluwag sa kalooban ko na mabuhay sa Iyong salita, at hindi na mabubuhay sa pamamagitan ng lason ni Satanas. Umaasa ako na pagkakalooban Mo ng tiwala at lakas, upang hindi na ako malinlang ni Satanas at mapakawalan ang aking poot kay Xiaochen sa aking puso.” Pagkatapos manalangin, ang aking puso ay unti-unting naging lalong kalmado, at naramdaman ko ang walang kaparis na kapanatagan sa aking puso. Sa sandaling iyon, naramdaman ko sa aking sarili sa unang pagkakataon na ang pagpapakawala sa poot ay maaaring maging napakatiwasay at mapagpalaya.

Sa pagkakaroon ng ganitong karanasan, ako ay mas nakahandang isabuhay ang aking buhay alinsunod sa salita ng Diyos, at hindi ko na nais malinlang o gawing tiwali ni Satanas. Isang umaga, ang tindahan ni Xiaochen ay hindi pa nagbubukas, at narinig ko na may isang tao na sumisigaw sa labas, “Binibining Mananahi! Buksan mo ang pinto, dali!” Binuksan ko ito at iginala ang tingin at iyon ay ang parokyano ni Xiaochen na dumating upang kunin ang mga damit mula sa kanyang tindahan. Nakita ng parokyano na binuksan ko ang pinto, at tinanong ako kung nasa bahay ba si Xiaochen. Sa sandaling ito, naalala ko ang isang bagay na nangyari noong una: Isang araw, naglilinis ako sa itaas ng bahay, at isang parokyano ang dumating upang hanapin ako sa ibaba. Kahit na alam niya na ako ay nasa bahay, hindi sinabi ng asawa ni Xiaochen sa parokyano. Sa pag-iisip nito, nakaramdam ako ng galit at hindi ko nais sabihin sa parokyano na si Xiaochen ay nasa bahay. Saka ko naalala ang salita ng Diyos na nagsabing: “Kailangan ninyong malaman na gusto ng Diyos ang matapat na tao. … Ang pagiging matapat ay ang pagpigil ng karumihan sa inyong mga kilos at salita, ang hindi manlinlang ng Diyos o tao” (“Tatlong Paalaala” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Kapag ikaw ay lumaban sa laman, tiyak na mayroon isang labanan sa iyong kalooban. Susubukan at hihimukin ka ni Satanas na sumunod dito, susubukan at uutusan ka na sundin ang mga paniwala sa laman at panindigan ang mga interes ng laman-ngunit ang salita ng Diyos ay magpapaliwanag at magpapailaw sa iyong kalooban, at sa oras na iyon ay nasa iyo kung susundin ang Diyos o susundin si Satanas” (“Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Itinulot ng pagliliwanag ng salita ng Diyos na makita ko na ang kaiisip ko pa lamang ay pamumuhay pa rin sa pamamagitan ng lason ni Satanas. Nais kong gawin kay Xiaochen ang mga bagay na kanyang ginawa sa akin. Hindi ba ito pamumuhay pa din sa tiwaling disposisyon ni Satanas? Hinihiling ng Diyos na tayo ay maging matapat na tao at huwag magsinungaling o manlilinlang ng mga tao, ngunit hinahayaan ako ni Satanas na kumilos alinsunod sa tiwaling disposisyon ng laman. Dapat ko bang sundin si Satanas at bigyang kasiyahan ang laman, o dapat ba akong maghimagsik laban kay Satanas, isagawa ang katotohanan at bigyang kasiyahan ang Diyos? Nang puntong ito, naramdaman ko ang Diyos na nagmamasid sa aking bawat salita, bawat kilos at bawat paggalaw. Hindi, dapat akong maghimagsik laban sa lamanat isagawa ang katotohanan upang mabigyang kasiyahan ang Diyos. Sa pag-iisip nito, sinabi ko nang mahinahon sa parokyano, siya ay nasa bahay, maghintay lamang nang kaunti at lalabas din siya.” Nang isagawa ko ito, naramdaman ko ang ganap na kapanatagan sa aking puso.

Kalaunan, nang dumating sa aking bahay ang umuulit na mga parokyano upang gumawa ng mga damit ngunit ako ay lubhang abala at hindi maaasikaso ito, ipakikilala ko sila sa tindahan ni Xiaochen. Nang matuklasan niya kinalaunan, siya din ay naantig nang husto. Sa wakas, isang araw, nang makita niya ako, siya ay nag-isip nang mabuti sa mahabang panahon, at nasasabik na tumawag, “Guro!” Ang “Guro” na ito ay nagparamdam sa akin ng lubos na saya sa sa loob ko. Magmula nang binuksan niya ang kanyang tindahan katabi ng bahay ko, hindi niya kailanman ako tinawag na Guro kahit minsan. Alam ko na sa sandaling iyon na ang dahilan kaya namin malulutas ang aming poot ay dahil sa epekto na natamo sa pamamagitan ng salita ng Diyos. Kung hindi, ang poot sa pagitan namin ay lalalim lang nang lalalim. Salamat sa Diyos! Lahat ng kaluwalhatan at papuri ay sa Makapangyarihang Diyos!