Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Hul 1, 2019

Ang Patotoo ng isang Cristiano|Panalangin sa Diyos: Naalis Ko sa Aking Sarili ang Kaba Bago ang Pagsusulit

Ni Xiaohuan

Ang pagsusulit ko bago makapasok sa senior high school noong 2012 ang unang malaking pagbabago sa buhay ko. Inasahan ng buong pamilya ko na maganda ang magiging lagay ko, at malaki ang tiwala ko na maipapasa ko ang aking mga pagsusulit at makakapasok sa senior high school. Hindi ko kailanman naisip na babagsak ako sa pagsusulit. Ngunit ganoon ang nangyari, at labis akong nanlumo, at ni hindi ako makakain o makatulog. Nagkulong lang ako sa kuwarto at ayokong humarap kahit kanino. Sa matagal na panahon, malungkot na nagtago ako sa anino ng bagsak kong pagsusulit. Araw-araw akong nakikitang nasasaktan, binasa ng aking ina ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Maaari bang makamit ng tao ang lahat ng kanyang mga inaasam sa buhay? Ilang bagay sa loob ng ilang dekada ng inyong buhay ang naisakatuparan ninyo ayon sa inyong ninais? Ilang mga bagay ang hindi nangyari gaya ng inasahan? Ilang mga bagay ang dumating bilang kaaya-ayang mga sorpresa? Ilang mga bagay ang hinihintay pa ng mga tao na maaaring magdala ng bunga—walang malay na naghihintay sa tamang sandali, naghihintay sa kalooban ng Langit? Ilang mga bagay ang nagpaparamdam sa mga tao na wala silang magawa at bigo? Ang bawat isa ay puno ng pag-asa tungkol sa kanilang kapalaran, at umaasa na ang lahat sa kanilang buhay ay aayon sa kanilang ninanais, na hindi sila mangangailangan ng pagkain o pananamit, na ang kanilang swerte ay kamangha-manghang aangat. Walang sinuman ang nagnanais ng isang buhay na dukha at api, puno ng paghihirap, dinadagsa ng mga kalamidad. Subalit hindi maaaring mahulaan o makontrol ng mga tao ang lahat ng ito” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III”). Mula sa mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ang ating kapalaran ay pinamumunuan at isinasaayos ng mga kamay ng Diyos. Ang mga kabiguan, ang mga pagkabigo at ang mga pag-aalinlangan na naranasan natin sa buong buhay ay hindi maaaring hulaan—lahat ng ito ay nasa mga kamay ng Diyos. Halimbawa na lamang ang aking pagsusulit. Naniwala ako na papasa akong mataas ang marka at makakapasok sa gusto kong senior high school, ngunit hindi inaasahang nabigo ako. Mula sa labas, tila iyon isang masamang pangyayari, ngunit ang Diyos ang Kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay, kaya naman malamang na nasa likod nito ang kalooban ng Diyos. Sa ilalim ng gabay ng mga salita ng Diyos, unti-unti akong nagpasakop, at iniwan ang sakit ko. Ngunit sa aking sorpresa, nang handa na akong magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos at ipaubaya ang aking kinabukasan at kapalaran sa Diyos, hindi inaasahang natanggap ako sa isang paaralan ng medisina. Nang dumating ang balitang ito, labis na natuwa ang buong pamilya ko, at nagawa kong ipagpasalamat na nasa tabi ko ang Diyos, na Siya ay isang tulong sa pangangailangan, at nagpasalamat ako sa Diyos mula sa kaibuturan ng aking puso.

Sa isang kisap-mata, natapos ang limang taong pag-aaral sa paaralan ng medisina, at naharap ako sa ikalawang malaking pagbabago sa buhay ko—pagsusulit upang maging kuwalipikado na nars. Napakahalaga sa’kin na maging kuwalipikadong nars, dahil nag-aral ako ng nursing. Kung wala ang kuwalipikasyong ito, hindi lamang sa hindi ako magkakaroon ng karera sa nursing, ngunit mangangahulugan din na ang limang taong pagbuno sa pag-aaral ay walang kinahantungan. Lalo na kapag naiisip ko kung gaano nagtrabaho ang aking ama mula umaga hanggang gabi upang mabayaran ang matrikula ko, kung hindi ako magiging kuwalipikadong nars, ang magiging pakiramdam ko ay binigo ko talaga siya. Para sa kapakanan ng pag-asa ko sa hinaharap, para sa kapakanan ng pagsasaalang-alang ko sa aking sarili, gayundin ang suklian ang sakit na naranasan ng mga magulang ko para sa akin, nababalisa ako na maipasa ang pagsusulit na ito ng maayos at matamo ang sertipiko ng nars. Kaya naman nakaramdam ako ng matinding kagipitan. Idagdag pa, mas lalong nalalapit ang pagsusulit, mas lalo akong nababalisa, at bawat araw ay ipinagpapalagay ko kung ano ang kalalabasan ng pagsusulit: Kung kumportable kong maipapasa ang pagsusulit, magmumukha akong kapita-pitagan suot ang uniporme ko ng nars! Ngunit anong gagawin ko kung bumagsak ako? Anong iisipin sa akin ng pamilya at malalapit kong kaibigan? Paano ko mahahanap ang lugar ko sa lipunan sa hinaharap kung wala ang sertipikong ito?

Bago ang pagsusulit, labis akong nababalisa na halos hindi ako makahinga sa pagkagipit. Labis akong namimighati kaya naman nilapitan ko ang aking ina upang magbahagi kasama siya tungkol doon. Sinabi sa akin ng aking ina, “Xiaohuan, naiintindihan kong nag-aalala at nababalisa ka tungkol sa iyong kinabukasan at inaasam mo. Ngunit ang lahat ng kinababahala mo ay hindi kinakailangan dahil ang lahat ng pagpapasya ay nasa mga kamay ng Diyos. Kung magagawa nating tunay na maintindihan ang katotohanang ito, na ang Diyos ang namamahala ng kapalaran ng sangkatauhan, kung ganoon ay hindi tayo makadarama ng labis na sakit. Basahin natin ang sipi ng mga salita ng Diyos, OK?” Pagkatapos ay binasa niya sa akin: “Mula pa noong likhain ang mundo nasimulan Ko nang italaga at piliin ang grupo ng mga taong ito, samakatuwid nga, kayo sa kasalukuyan. Ang inyong pag-uugali, kakayahan, anyo, tayog, sambahayan kung saan kayo isinilang, ang iyong trabaho at ang iyong buhay may asawa, ang iyong kabuuan, maging ang kulay ng iyong balat at ng iyong buhok, at ang panahon ng iyong pagsilang ay isinaayos ng Aking mga kamay. Maging ang lahat ng iyong ginagawa at ang mga tao na iyong nakatatagpo sa bawat isang araw ay isinasaayos ng Aking mga kamay, huwag nang banggitin ang katunayan na ang pagdadala sa iyo sa Aking presensiya sa kasalukuyan ay Aking pagsasaayos talaga. Huwag mong ibulid ang sarili mo sa kaguluhan; dapat kang magpatuloy nang mahinahon” (“Kabanata 74” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula). Pagkatapos ay nagbahagi ang aking ina: “Ang Diyos ang Panginoon ng Paglikha at tayo ay mga nilikhang nilalang. Ang kapalaran ng bawat isang tao, kasama na ang ating kapanganakan, ang ating anyo, ang ating kakayahan, kung anong magiging trabaho natin sa hinaharap, at iba pa, ay pinamumunuan lahat ng Diyos, at matagal na panahon nang itinadhana at isinaayos ng Diyos ang lahat ng ito. Ngayon ay naniniwala tayo sa Diyos at alam natin ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa ilalim ng Kanyang mga salita, at dapat ay matuto tayong ipaubaya ang lahat sa atin sa Diyos at tingnan Siya, at magpasailalim sa mga orkestrasyon at pagsasaayos ng Diyos. Ang kailangan lang nating gawin ay mag-aral ng husto at ipaubaya ang kahihinatnan ng pagsusulit ng mga nars sa mga kamay ng Diyos. Dapat tayong matutong hayaang kusang mangyari ang lahat, sa gayon ay hindi tayo labis na makakaramdam ng kagipitan at hindi tayo labis na mababalisa kapag naharap sa isang pagsusulit.” Matapos makinig sa mga salita ng Diyos at sa pagbabahagi ng aking ina, naisip ko sa aking sarili: “Tunay na tama iyon. Hindi kinakailangan ang pangamba ko. Nasa mga kamay ng Diyos ang aking kapalaran, at matagal nang itinadhana ng Diyos kung makakapasa ba ako o hindi sa pagsusulit na ito at ang magiging trabaho ko sa hinaharap. Isa lamang akong nilikhang nilalang, at dapat akong magpasakop sa mga orkestrasyon at pagsasaayos ng Panginoon ng Paglikha.” Pagkatapos noon ay maraming ibinahagi sa akin ang aking ina, at sa wakas ay naintindihan ko na ang mga inaasam ko sa hinaharap ay hindi mapagdedesisyunan ng kalalabasan ng pagsusulit na ito, ngunit sa halip ay nagmumula sila sa mga pagsasaayos na ginawa ng Panginoon ng Paglikha sa aking buhay. Naisip ko ang aking mga kamag-aral na may ganito ring karanasan. Bagaman ang iba ay mas mataas na antas ng edukasyon ang nakamit, ang mga trabahong natagpuan nila matapos magtapos ay hindi ganoon kaganda. Ang iba, gayunman, ay hindi masyadong nakapag-aral at hindi ganoon kaganda ang mga marka sa eskuwelahan, gayunman ay mayroong ilang mga espesyal na kakayahan kaya naman nakahanap sila ng magagandang trabaho at masayang namumuhay. Naiintindihan ang mga bagay na ito, napayapa ang aking puso, at umusal ako ng panalangin sa Diyos: “O Diyos! Malapit ko nang harapin ang pagsusulit upang maging kuwalipikadong nars, at hindi ko alam kung maipapasa ko iyon o hindi. Pakiusap, protektahan mo sana ang puso ko upang, kahit na bumagsak ako ay hindi Kita sisihin. Nais kong magpasakop sa Iyong kataas-taasang kapangyarihan.”

Ngunit habang papalapit nang papalapit ang araw ng pagsusulit, nababalisa pa rin ako, kaya naman nanalangin ako sa Diyos at ikinumpisal sa Kanya lahat ng paghihirap ko at lahat ng mga bagay na dapat kong sabihin sa puso ko. Kalaunan, nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Manahimik sa loob Ko, sapagka’t Ako ay inyong Diyos, ang inyong tanging Manunubos. Dapat ninyong payapain ang inyong mga puso sa lahat nang sandali, mabuhay sa loob Ko; Ako ang inyong Bato, ang Inyong Sandigan. Huwag magkaroon ng ibang isipan, nguni’t buong-pusong sumandal sa Akin at Ako ay tiyak na magpapakita sa inyo—Ako ang inyong Diyos!” (“Kabanata 26” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula). “Napakasimple nito ngayon: Tumingin sa Akin gamit ang iyong puso at kaagad magiging malakas ang iyong espiritu, magkakaroon ka ng landas sa pagsasagawa at gagabayan Ko ang bawa’t hakbang mo. Mabubunyag sa iyo ang Aking salita sa lahat ng sandali at sa lahat ng dako. Saanman o kailanman, o gaano man kasalungat ang kapaligiran, malinaw Kong ipakikita sa iyo at mabubunyag sa iyo ang Aking puso kung tumitingin sa Akin gamit ang iyong puso; sa ganitong paraan tatakbo ka sa daang nasa harapan at hindi kailanman maliligaw” (“Kabanata 13” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula). “Oo nga!” naisip ko. “Walang hindi kayang gawin ang Diyos, at lahat ay nasa mga kamay ng Diyos. Kung nakasuporta sa akin ang Diyos, anong dapat katakutan?” Naisip ko kung paanong karaniwan ay sinasabi ko lang na naniniwala ako sa Diyos at sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan, gayunman ay wala akong praktikal na karanasan ng mga salita ng Diyos. Dahil dito, sa tuwing may makakaharap akong tunay na pagsubok, nababalisa ako at nag-aalala, at nakita kong ang pananampalataya ko sa Diyos ay napakaliit! Nakikita na dahil mananampalataya ako sa Diyos, dapat akong matuto na umasa sa Diyos at hanapin ang Diyos sa lahat ng bagay—napakahalaga nito, at pinaka-dakilang karunungan. Matapos kong maintindihan ang mga bagay na ito, nag-usal ako ng panalangin ng pagsunod sa Diyos sa bawat araw, at unti-unting napayapa ang puso ko.

‘Di nagtagal, dumating na sa akin ang araw ng pagsusulit para maging nars. Nang paalis na kami ng aking ama sa bahay ng umagang iyon, nagbilin ang aking ina na huwag kong kalimutang magdasal sa Diyos at umasa sa Diyos, anuman ang mangyari. Habang papunta sa pagsusulit, nang mag-umpisa akong mabalisa, nagmamadaling nanalangin ako sa Diyos at tinawag Siya, sinasabing: “O Diyos! Hindi ko alam kung anong mangyayari ngayon, at hindi ko alam kung magiging mahirap ang pagsusulit o hindi, o kung magtataglay ba iyon ng mga bagay na inaral ko o hindi. O Diyos! Nais kong umasa sa Iyo at magpasakop sa Iyong mga orkestrasyon at pagsasaayos sa lahat ng bagay.” Nang parating na kami sa lugar ng pagsusulit, bumaling sa akin ang aking ama at sinabing, “Kakatwa talaga! Berde ang mga traffic light para sa’tin habang papunta dito.” Napagtanto ko na ito ay paggabay at pagsasaayos ng Diyos. Kinakausap ako ng Diyos sa tahimik na lengguwahe, sinasabi sa’kin na hindi ko kakaharapin ng mag-isa ang pagsusulit na ito, na palagi Siyang nasa tabi ko, ginagabayan ako, at na dapat ay tiwala at buo ang loob kong ipaubaya ang pagsusulit na ito sa mga kamay ng Diyos.

Nang pumasok ako sa lugar ng pagsusulit, napaka-kalmado ko, dahil alam kong ang Diyos ang may huling desisyon kung papasa ba ako o hindi sa pagsusulit. Ang kailangan ko lang gawin ay gawin ang aking makakaya at ipaubaya ang kalalabasan ng pagsusulit sa mga kamay ng Diyos. Nang makaramdam ako ng pagkabalisa, nanalangin ako sa Diyos at umasa sa Kanya, hinihingi sa Kanya na payapain ako. Habang naghihintay akong mag-umpisa ang pagsusulit, tinawag ko ang Diyos, at habang mas nagdadasal ako, mas lalo akong nagiging payapa at kalmado. Habang ginagawa ko na ang pagsusulit, sa tuwing may makakatagpo ako ng tanong na hindi ko masagot, tinatawag ko ang Diyos at hinihingi sa Kanya na protektahan ang aking puso laban sa pagkabalisa. Sa buong pagsusulit, prinotektahan ako ng Diyos at pinayapa ang aking puso upang taimtim kong mapag-isipan ang mga tanong, at hindi ako nabalisa. Matapos ang pagsusulit, sinabi ng lahat ng mga kamag-aral ko kung gaano kahirap ang mga tanong, kung saan naisip kong hindi iyon ganoon kahirap. Alam ko na lahat ng ito ay dahil sa paggabay ng Diyos.

Pagkatapos, habang hinihintay kong ilabas ang mga resulta ng pagsusulit, madalas pa rin akong nababalisa at hindi mapakali. Sa tuwing nangyayari ito, nagdarasal ako sa Diyos sa puso ko, at inaalala ko sa lahat ng pagkakataon na kung maganda ang nagawa ko o hindi sa pagsusulit ay isinaayos ng karunungan ng Diyos. Sa tuwing maiisip ko ito, kumakalma ako. Mabilis na lumipas ang dalawang buwan at mailalathala na online ang mga resulta ng pagsusulit. Bago ko tiningnan ang resulta ko, nanalangin ako ng pagsunod sa Diyos at, kahit na anong mangyari, nanalangin ako sa Diyos na gabayan ako upang matuto kung paano magpasakop.

Nang dumating na ang sandali para tingnan ang resulta ko, kumuha ako ng tapang at tiningnan ng maigis. Ang dalawang score ko ay 351 at 331, ang 51 at 31 ay mas mataas na marka kaysa sa kinakailangang puntos upang makapasa! Labis akong nagpapasalamat sa Diyos! Pumasa ako! Makukuha ko na ang sertipiko ko bilang nars! Nang mga sandaling iyon, puspos ako ng kaligayahan! Paulit-ulit akong naghahandog ng pasasalamat at papuri sa Diyos. Alam ko na wala sa mga ito ang maaabot kong mag-isa, ngunit dahil sa paggabay ng Diyos, biyaya at pagpapala!

Ang personal na karanasang ito ay dahilan upang ipagpasalamat ko na, nang taimtim akong umasa sa Diyos at hinanap ang Diyos, naroon ang Diyos sa tabi ko, ginagabayan at pinamumunuan ako at nagbubukas ng daan para sa akin. Kasabay noon, naintindihan ko rin na, kung nais nating mawala ang kaba natin bago ang pagsusulit, una sa lahat ay hindi natin dapat masyadong taasan ang ating mga layunin, dapat tayong magkaroon ng mapaghanap na puso, at dapat ay magpasakop tayo sa kapalarang isinaayos ng Diyos para sa atin; pangalawa, dapat ay tapat tayong manalangin ng taimtim sa Diyos at panghawakan ang mga salita ng Diyos, at pagkatapos ay makakaramdam tayo ng kapayapaan at ginhawa, at magagawa nating kalmadong harapin ang kahit ano.

Tinulungan ako ng Diyos na alisin sa sarili ko ang kaba bago ang pagsusulit at maipasa na mataas ang marka ang mga pagsusulit. Salamat sa Diyos.

Rekomendasyon:Paano Manalangin