Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Kaya mo bang madama ang iyong kaluluwa? Kaya mo bang hawakan ang iyong kaluluwa? Kaya mo bang madama kung ano ang ginagawa ng iyong kaluluwa? Hindi mo alam, hindi ba? Kung ikaw ay may kakayanan na madama at mahawakan ang ilang mga ganoong bagay, kung ganoon ito ay iba pang espiritu sa iyong loob na buong-lakas na gumagawa ng isang bagay— kinokontrol ang iyong mga kilos at mga salita. Ito ay isang bagay na walang-kinalaman sa iyo, hindi bahagi ng iyong sarili. Yaong mga may masamang espiritu ang may malalim na karanasan nito.
mula sa “Paano Mauunawaan ang Kaisahan ng Katawang-tao at Espiritu ng Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
Kung, sa kasalukuyan, mayroong isang tao na darating na kayang magpakita ng mga tanda at kababalaghan, at kayang palayasin ang mga demonyo, at magpagaling, at magpakita ng maraming milagro, at kung ang taong ito ay nagsasabing sila ang pagdating ni Jesus, kung gayon ay ito ang huwad na masasamang espiritu, at ang kanilang paggaya kay Jesus. Tandaan ito! Hindi inuulit ng Diyos ang parehong gawain. Nakumpleto na ang yugto ng gawain ni Jesus, at ang Diyos ay hindi na kailanman magsasagawa ng yugtong iyon ng gawain.
mula sa “Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kung sa mga huling araw isang “Diyos” na kapareho ni Jesus ang nagpakita, isa na nagpagaling sa maysakit, na nagpalayas sa mga demonyo, at ipinako sa krus para sa tao, ang “Diyos” na iyon, kahit parehas ng paglalarawan sa Diyos sa Biblia at madali para sa tao na tanggapin, ay hindi, sa kakanyahan nito, magiging laman na suot ng Espiritu ng Diyos, kundi ng masamang espiritu.
mula sa “Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
May ilang naaangkin ng masasamang espiritu at paulit-ulit na sumisigaw ng, “Ako ay Diyos!” Nguni't sa katapusan, hindi nila kayang manatiling nakatayo, sapagka't kumikilos sila sa ngalan ng maling persona. Kinakatawan nila si Satanas at hindi sila binibigyang-pansin ng Banal na Espiritu. Gaano man kataas ang pagpapahalaga mo sa iyong sarili o gaano ka man kalakas sumigaw, ikaw ay nilikhang kabuuan pa rin at isa na nabibilang kay Satanas. … Hindi ka makakagawa ng daan para sa isang bagong kapanahunan, at hindi mo maaaring dalhin ang luma sa katapusan at hindi maaaring maghatid ng isang bagong kapanahunan o gumawa ng bagong gawain. Samakatuwid, hindi ka maaaring tawaging Diyos!
mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang Pagbabahagi ng Tao:
Ang mga tao na inaalihan ng mga demonyo ay yaong mga pinasukan at kinokontrol ng masasamang espiritu. Ang pangunahing pagpapahiwatig ay ang sikosis, o paminsan-minsang pagiging hindi maayos ng pag-iisip at ganap na pagkawala ng normal na katuwiran. Sila ay naniniwala sa Diyos ngunit hindi magawang tanggapin ang katotohanan at nakagagambala lamang sa iba. Kung gayon, naniniwala sila sa Diyos ngunit hindi maliligtas at dapat na patalsikin. Ang karamihan sa mga tao na inaalihan ng masasamang espiritu ay kumikilos bilang mga tagasunod ni Satanas at ginagambala ang gawain ng Diyos. Ang sampung pangunahing mga pagpapahiwatig ay ang mga sumusunod:
1. Lahat niyaong nagpapanggap na Diyos o Cristo ay inaalihan ng masasamang espiritu.
2. Lahat niyaong nagpapanggap na nagtataglay ng espiritu ng mga anghel ay inaalihan ng masasamang espiritu.
3. Lahat niyaong nagpapanggap na isa pang Diyos na nagkatawang-taon ay inaalihan ng masasamang espiritu.
4. Lahat niyaong inilalarawan ang mga salitang sinabi ng Diyos bilang kanilang sariling mga salita o ipinatuturing sa mga tao ang kanilang mga salita bilang mga salita ng Diyos ay inaalihan ng masasamang espiritu.
5. Lahat niyaong nagpapanggap na kinakasangkapan ng Banal na Espiritu upang pasunurin ang mga tao at tumalima sa kanila ay inaalihan ng masasamang espiritu.
6. Lahat niyaong madalas nagsasalita sa iba’t ibang wika, at nagbibigay kahulugan sa mga wika at nakikita ang lahat ng uri ng di-pangkaraniwang mga pangitain, o madalas na itinuturo ang mga kasalanan ng iba ay inaalihan ng masasamang espiritu.
7. Lahat niyaong madalas na naririnig ang di-pangkaraniwang mga tinig ng mga espiritu at madalas naririnig ang mga tunog ng mga espiritu o nakikita ang mga multo at lahat niyaong tila wala sa hustong pag-iisip ay naalihan na ng masasamang espiritu.
8. Lahat niyaong nasiraan ng bait, madalas na nagsasabi ng mga kasinungalingan, madalas na kinakausap ang kanilang mga sarili, nagsasalita nang walang kabuluhan o madalas sinasabi na sila ay inatasan ng Diyos at na sila ay inantig ng Banal na Espiritu ay naalihan na rin ng masasamang espiritu.
9. Lahat niyaong mga mayroong suliranin sa pag-iisip, gumagawi nang may kahangalan, hindi nakapagsasalita sa mga tao nang normal at paminsan-minsan ay baliw at hindi lahat ng naroroon ay mga tao na naalihan na ng masasamang espiritu. Lahat niyaong ibinibilang na homoseksuwal ay isang uri ng mga tao na inaalihan ng mga demonyo at kabilang sa yaong mga patatalsikin.
10. ang ilang mga tao ay karaniwan nang talagang normal ngunit maaaring, sa loob ng ilang mga buwan o isa o dalawang taon, mapukaw at magkakaroon ng isang karamdaman sa pag-iisip, at sa panahon ng karamdaman sila ay ganap na kagaya niyaong mga naalihan na ng mga demonyo. Bagamat ang mga taong ito ay normal paminsan-minsan, sila ay ibinibilang ding inaalihan ng masasamang espiritu. (Kung ang isang tao ay nagkaroon ng isang karamdaman sa pag-iisip maraming mga taon na ang nakalilipas, ngunit hindi sa loob ng maraming mga taon pagkatapos noon, nauunawaan at tinatanggap ang katotohanan sa paniniwala sa Diyos, at nagkaroon ng ilang mga pagbabago, hindi sila ibinibilang na inaalihan ng masasamang espiritu.)
Ang isang tao na inaalihan ng mga demonyo ay ganap na sinasakop at kinokontrol ni Satanas, nabibilang kay Satanas at isinumpa.
mula sa “Para Magawa nang Maayos ang Gawain ng Iglesia Kailangang Mahiwatigan ng Isang Tao ang Iba’t Ibang Klase ng Tao” sa Mga Piling Salaysay tungkol sa mga Isinaayos na Gawain ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Kung may mga tao na nakapagsalita tungkol sa mga bagay na hindi alam ng iba, na masasabi ang kanilang hinaharap, at masasabi kung ano ang mangyayari sa mga bansa, hindi ibig sabihin ay mga salita ito ng Diyos; kaya rin itong gawin ng masasamang espiritu. Halimbawa, kung sinasabi mo ngayon sa kanila: “Ano ang mangyayari sa akin sa hinaharap?” sasabihin nila sa iyo kung anong sakuna ang mangyayari sa iyo, o sasabihin sa iyo kung kailan ka mamamatay, o kaya naman ay sasabihin kung ano ang mangyayari sa iyong pamilya. Sa maraming pagkakataon, ang mga bagay na ito ay nagkakatotoo. Ngunit ang masabi ang gayong mga bagay ay hindi kung ano ang Diyos, ni bahagi ng gawain ng Diyos. Kailangan mong linawin ang puntong ito. Mahusay ang masasamang espiritu sa ganitong maliliit na bagay; hindi gumagawa ang Diyos ng ganitong mga bagay. Tingnan mo ang nagawa ng Diyos tuwing Siya ay nagiging tao. Ginagawa ng Diyos ang gawain ng pagliligtas ng sangkatauhan, hindi Niya hinuhulaan kung ano ang mangyayari sa mga tao, kung gaano katagal sila mabubuhay, kung ilan ang magiging anak nila, o kung kailan sila magkakaroon ng sakuna. Nanghula na ba ng Diyos ng gayong mga bagay? Hindi pa. Ngayon, ano ang masasabi ninyo, alam ba ng Diyos ang gayong mga bagay? Siyempre naman, sapagkat Siya ang lumikha ng mga langit at lupa at lahat ng bagay. Ang Diyos lamang ang nakakaalam nang husto sa mga ito, datapuwa’t may limitasyon ang kaalaman ng masasamang espiritu. Ano ang kayang malaman ng masasamang espiritu? Alam ng masasamang espiritu ang kapalaran ng isang tao, o isang bayan, o isang bansa. Ngunit wala silang alam tungkol sa pamamahala ng Diyos, hindi nila alam kung ano ang katapusan ng sangkatauhan, o kung saan ang tunay na hantungan ng sangkatauhan, at lalong hindi rin nila alam kung kailan ang katapusan ng mundo at kailan darating ang kaharian ng Diyos, o kung ano ang magiging magagandang tanawin ng kaharian. Wala silang alam tungkol dito, walang sinuman sa kanila ang nakakaalam nito. Diyos lamang ang nakakaalam sa gayong mga bagay, at sa gayon ay alam ng Diyos ang lahat, samantalang ang alam ng masasamang espiritu ay lubhang limitado. Alam natin na nabanggit na ng pinakadakilang mga propeta sa mundo kung ano ang mangyayari sa huling mga araw, at ngayon ay natupad na ang kanilang mga salita—ngunit hindi nila alam kung ano ang ginagawa ng Diyos sa huling mga araw, at hindi rin nila alam kung ano ang nakamtan ng Diyos, o kung paano magkakatotoo ang Kaharian sa Milenyo, o kung sino ang papasok sa kaharian ng Diyos at maliligtas. Bukod pa rito, hindi rin nila alam ang anumang mangyayari pagkatapos niyon, sa kaharian ng Diyos. Walang masamang espiritung nakakaalam ng gayong mga bagay; ang Diyos lamang Mismo ang nakakaalam, at sa gayon ay lubos na hindi kayang malaman ng masasamang espiritu ang anuman na nauugnay sa plano sa pamamahala ng Diyos. Kung sasabihin mo sa kanila, “Ano ang kapalaran ko? Ano ang mangyayari sa pamilya ko?” mabibigyan ka ng ilang masasamang espiritu ng malinaw na sagot. Ngunit kung sasabihin mo sa kanila, “Sa hinaharap, may patutunguhan ba ako sa paniniwala ko sa Diyos? Makakaligtas ba ako?” hindi nila malalaman. Lubhang limitado ang nalalaman ng masasamang espiritu. Kung iilang limitadong bagay lamang ang masasabi lang ng isang masamang espiritu, maaari bang ang Diyos iyon? Hindi maaari—iyon ay isang masamang espiritu. Kapag masasabi ng isang masamang espiritu sa mga tao ang mga bagay na hindi nila alam, masasabi sa kanila ang kanilang hinaharap, at masasabi pa kung ano sila dati at ang mga bagay na nagawa nila, kung may mga tao na nag-iisip na talagang banal ito, hindi ba katawa-tawa ang mga taong iyon? Patunay ito na walang-wala kang alam tungkol sa Diyos. Itinuturing ninyong napakabanal ang mga walang-kuwentang kasanayan ng masasamang espiritu, at tinatrato sila na parang Diyos. Alam mo ba ang walang-hanggang kapangyarihan ng Diyos? Kaya, kung may kaalaman tayo ngayon tungkol sa walang-hanggang kapangyarihan at gawain ng Diyos, walang masamang espiritu, anuman ang ginagawa nilang mga palatandaan at kababalaghan, ang maaaring luminlang sa atin, sapagkat may isang bagay man lang tayong matitiyak: Ang masasamang espiritu ay hindi ang katotohanan, hindi nila magagawa ang gawain ng Diyos, hindi sila ang Lumikha, hindi nila kayang iligtas ang sangkatauhan, at gagawin lamang nilang tiwali ang sangkatauhan.
mula sa “Ang mga Kaibhan sa Pagitan ng Gawain ng Tao at ng Tao” sa Mga Sermon at Paliwanag tungkol sa Pagpasok sa Buhay (II)
Mayroon lang dalawang uri ng sitwasyon kung saan ang mga masasamang espiritu ay nakakalinlang ng tao: Ang isang uri ay ang higit sa karaniwang gawain ng mga masasamang espiritu, at ang isa pang uri ay ang muling pagkakatawang-tao ng mga masasamang espiritu. Iyong mga tumututol sa Diyos, at tumututol sa katotohanan tulad ng malaking pulang dragong demonyo ay mga masasamang espiritu rin, at sila’y mas tuso, mas malisyosong mga masasamang espiritu. Ang ilan sa mga masasamang espiritu ay nilulukuban ang mga katawan ng mga tao sa isang yugto ng kanilang mga buhay; ang ilang mga masasamang espiritu tulad ng malaking pulang dragon ay muling nagkatawang-tao bilang mga demonyo. Ang kanilang hitsura ay hindi nasa pinakamababang higit sa karaniwan, ngunit hindi sila magkandatutong tumututol sa katotohanan, walang kontrol na sinasalungat ang Diyos at tinututulan ang Diyos. Kahit na sa panlabas walang higit sa karaniwang gawain ng mga masasamang espiritu, at hindi mo maaaring makita ang mga bakas ng paglukob ng mga diyablo, talagang sila’y nabibilang sa mga demonyong isinilang muli. Ang mga muling nagkatawang-taong demonyo ay normal at hindi higit sa karaniwan, ngunit hindi sila palaban sa katotohanan, iyon ay halatang-halata. Sa tingin mo ba na ang malaking pulang dragon ay grupo ng mga demonyo? Ngunit nakikita mo ba na sila’y nalukuban ng mga diyablo o may gawain ng mga masasamang espiritu? Hindi mo makikita iyan, sila’y napakanormal, kung gayon ipinapakita nito na sila’y nabibilang sa mga muling nagkatawang-taong demonyo. Ang lahat ng mga politiko at mga pinuno ng gobyerno na tumututol sa Diyos ay mga demonyong muling isinilang. Kung sinasabi mo na tanging ang mga tao na may gawain ng mga masasamang espiritu ay nalukuban ng mga demonyo, at mga masasamang espiritu, iyon bang mga demonyong muling sinilang ay hindi mga masasamang espiritu? Hindi ito umaayon sa reyalidad. Kaya ang ilang mga masasamang espiritu ay mas lalong ikinukubli ang kanilang mga sarili at hindi mo sila maaaring mabatid, sila’y nabibilang sa mga muling nagkatawang-taong demonyo.
mula sa “Mga Tanong at mga Sagot” sa Mga Sermon at Paliwanag tungkol sa Pagpasok sa Buhay (VII)
Yaong mga inaalihan ng masasamang espiritu ay pangunahing kumikilos na parang nababaliw at nasiraan na ng bait. Ang iba ay nagsasalita nang walang kabuluhan at mga kasinungalingan lamang ang sinasabi at ang ilan ay kumikilos nang nakakatawa at nasisiraan ng ulo. Mayroon kaunting pagkakaiba sa kanilang paggawi. Mayroong ilang mga sitwasyon kung saan ang mga tao ay inaalihan ng masasamang espiritu: Ang ilan ay naalihan na ng masasamang espiritu sa nakaraan at pagkatapos ay paminsan-minsan mabuti at paminsan-minsan ay masama; ang ilan ay karaniwang kumikilos nang normal at nagkakasakit kapag nakasasagupa nila ang gawain ng masasamang espiritu, gayunman sila ay kagaya lamang ng normal na mga tao kapag sila ay walang sakit; ang ilan ay lumilitaw na totoong normal sa panlabas, subalit kung pagmamasdan mo sila nang mabuti matutuklasan mo na sila ay hindi normal. At ang mga homoseksuwal na tumatangging baguhin ang kanilang mga pamamaraan ay ibinibilang ding inaalihan ng masasamang espiritu.
mula sa “Kailangang Puksain ang Dalawang Klase ng Tao na Higit na Nakakagambala sa Gawain ng Mag-anak ng Diyos” sa Mga Piling Salaysay tungkol sa mga Isinaayos na Gawain ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Rekomendasyon:ebanghelyo