Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Mar 25, 2020

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ano ang Kalikasan ng Pag-ibig ng Diyos?



Ano ang Kalikasan ng Pag-ibig ng Diyos?



Siqiu    Lungsod ng Suihua, Lalawigan ng Heilongjiang

Sa tuwing nakikita ko ang sumusunod na sipi ng salita ng Diyos: “Kung ikaw ay palaging naging napakatapat at mapagmahal sa Akin, datapwa’t ikaw ay nagdurusa ng pagpapahirap ng sakit, ng kasalatan sa buhay, at ng pag-iiwan ng iyong mga kaibigan at mga kamag-anak o nagtitiis ng anumang iba pang mga kasawian sa buhay, kung gayon magpapatuloy pa ba ang iyong katapatan at pagmamahal para sa Akin?” (“Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Lubha akong hindi nasisiyahan—ang pakiramdam ng kalungkutan ay namumuo sa loob ko at nagsasalita ang puso ko ng mga walang tinig na karaingan nito: Mahal na Diyos, bakit Mo pinapayagan na makasagupa ng ganoong kasawian ang mga matapat sa Iyo at nagmamahal sa Iyo? Bilang resulta, nahirapan ako sa pag-unawa sa kahulugan ng taong ginamit ng Banal na Espiritu na nagsabing, “Ang huling hiling ng Diyos sa tao ay mapagmahal at taos-puso.”

Kamakailan lamang, ang kapatid na babaeng nakikipag-ugnayan sa akin ay nagkaroon ng hyperthyroidism. Unti-unti, ang kanyang kondisyon ay dumating sa punto na dapat siyang kumain ng anim na beses sa isang araw. Dahil sa tensyon ng karamdaman, ang kanyang lakas ay unti-unting nabawasan, at nabubuhay siya araw-araw sa kalungkutan, kahinaan at pagkapagod. Ang kanyang katawan ay talagang hindi makaagapay sa kanyang pagnanais na tuparin ang kanyang mga tungkulin at ang kanyang sakit ay palala nang palala. Hindi ko maintindihan kung bakit ito nangyayari: “Ang kapatid na babaeng ito ay iniwan ang kanyang pamilya at mataas na suweldong trabaho na may mga magagandang benepisyo upang ituon ang kanyang sarili sa pagtupad ng kanyang mga tungkulin at siya ay napakatapat. Paano kayang, sa lahat ng ibinigay niya, ipapapasan sa kaniya ang paghihirap ng karamdamang ito bilang kapalit? …” Hindi ko ibinubunyag ang aking mga damdamin sa labas, ngunit ang aking puso ay naguguluhan—kailanma’t ipaalala ng sinuman ang isyung ito ay nawawala ang aking hinahon.

Hindi nagtagal, ako at ang aking kapatid na babae ay naghiwalay ng landas, ngunit hindi ko kailanman nalimutan ang tungkol sa kanya. Isang araw, tinanong ko ang aking lider sa kung ano na ang kalagayan ng aking kapatid na babae. Sinabi ng lider: “Sa una ay nagkaroon siya ng isang napaka-negatibong kondisyon at tumanggi na kilalanin ang gawain ng Diyos. Nang maglaon, sadya niyang iniayos ang kanyang kalagayan, na hinahanap ang layunin ng Diyos sa gitna ng paghihirap ng kanyang karamdaman. Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, nasimulan niyang makilala ang kanyang sarili at napagtanto na wala siyang tunay na paniniwala. Sa kanyang paniniwala ay mayroon pa ring elemento ng ‘kapalit,’ ang pagnanais pa rin na magtamo ng mga pagpapala sa pamamagitan ng kanyang paniniwala sa Diyos. Nakilala rin niya ang maraming iba pang mga elemento ng paghihimagsik sa loob ng kanyang sarili. Sa sandaling napagtanto niya ang mga bagay na ito tungkol sa kanyang sarili, malaki ang ibinuti ng kanyang kalusugan. Gumagaling siya araw-araw, bumalik siya sa pagkain ng tatlong beses sa isang araw at mas maayos ang kanyang kondisyon. Nakatulong din siya sa mga kapatid ng kanyang tagakupkop na pamilya na ayusin ang kanilang mga kondisyon….” Nang marinig ko ang magandang balitang ito, ako ay talagang nagulat. Inakala ko na ang paghihirap ng sakit ay magpapahina sa determinasyon ng aking kapatid na babae at magdudulot sa kanya ng matinding pagdurusa. Binagbag ng pagkakasakit, naniniwala ako na ang kanyang presensya sa daan pahinaharap ay magiging padilim nang padilim. Inakala ko pa na baka hindi siya makapagpatuloy. Ngayon, nahaharap sa katotohanan ng kanyang sitwasyon, ako ay naiwan na nakatayong tulala. Hindi lamang hindi siya nawalan ng pananampalataya, ngunit, sa pamamagitan ng pagdalisay ng kanyang karamdaman, talagang naunawaan ang gawain ng Diyos at nakilala ang kanyang katiwalian. Natuto siya mula sa kanyang karanasan at gumawa ng mga paghuhusay sa kanyang buhay. Ang sakit ba na ito ay hindi pagpapakita ng tunay na pag-ibig ng Diyos at tunay na kaligtasan ng tao?

Nang maglaon, nabasa ko ang sumusunod na sipi mula sa isang sermon: “Ika-lima, sinasabi ng Diyos: ‘Kung ikaw ay palaging naging napakatapat at mapagmahal sa Akin, datapwa’t ikaw ay nagdurusa ng pagpapahirap ng sakit, ng kasalatan sa buhay, at ng pag-iiwan ng iyong mga kaibigan at mga kamag-anak o nagtitiis ng anumang iba pang mga kasawian sa buhay, kung gayon magpapatuloy pa ba ang iyong katapatan at pagmamahal para sa Akin?’ Ang pangangailangan na ito ay hindi maliit na pagsubok para sa sangkatauhan. … Anong pundasyon ang itinatatag ng katapatan ng isang tao at pagmamahal sa Diyos? Paano ito mapapatunayan na ang isang tao ay may tunay na katapatan sa Diyos? Paano ito maipapamalas na ang isang tao ay tunay na nagtataglay ng pagmamahal sa Diyos? Kailangan itong mapatunayan sa pamamagitan ng mga pagsubok at mga pagpipino. … Kapag naharap ka sa ganitong uri ng pagsubok, ang unang layunin ng Diyos ay ilantad ka upang makita kung ang iyong katapatan at pagmamahal ay talagang tunay o hindi. Ang ikalawa Niyang layunin ay dalisayin ka. dahil mayroong mga karumihan sa iyong katapatan at pagmamahal. Kung batid mo ang mga karumihang ito, na nabubunyag kapag naharap ka sa sari-saring mga pagsubok, kung gayon malilinis ka ng mga ito. Kung ang mga tao ay nagtataglay ng tunay na katapatan at totoong pagmamahal sa Diyos, sa gayon anuman ang sumasapit sa kanila at anumang mga uri ng mga pagsubok ang kanilang kinakaharap, hindi sila mahuhulog, ngunit sa halip ay magpapatuloy na maging tapat at nagmamahal sa Diyos nang walang pag-aatubili. Para sa yaong ang katapatan at pagmamahal ay naglalaman ng mga karumihan at pagnanais na makakuha ng isang bagay na kapalit, hindi magiging madali ang manindigan kapag dumarating sa kanila ang mga pagsubok, at malamang na babagsak sila. Ang gayong mga tao ay madaling mabunyag, hindi ba?” (“Tanging sa Pamamagitan ng Pagbibigay-kasiyahan sa Panghuling Kinakailangan ng Diyos na Maliligtas ang Isang Tao” sa Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay II). Pagkatapos lamang mabasa ang siping ito ng pagbabahagi ko napagtanto na palagi kong hinuhusgahan ang gawain ng Diyos sa mga tuntunin ng aking makalamang pag-iisip. Mali ang aking paniniwala na ang pag-ibig ng Diyos ay binubuo ng mga masasaganang kaloob ng biyaya at katiyakan ng makalaman na kaligayahan at kapayapaan. Hindi ko naisip na ang paghihirap ay isang uri ng pagpapala ng Diyos. Pagkatapos lamang matutunan ang karanasan ng aking kapatid na babae, aking naunawaan na ang pagpipino ng pagdurusa ay isang tunay na pagpapakita ng pag-ibig ng Diyos. Lumilikha ang Diyos ng ilang mga sitwasyon at nagdudulot ng mga kasawian sa Kanyang mga tao—maging ito ay sa pamamagitan ng pisikal na karamdaman, kahirapan sa pananalapi, o anumang iba pang mga kahirapan—hindi dahil sa masamang kalooban kundi sa Kanyang mapagmahal na kabaitan. Upang matugunan ang katiwalian at kakulangan ng tao, lumilikha ang Diyos ng lahat ng mga uri ng mga sitwasyon upang subukin at pinuhin siya. Kumikilos siya sa pamamagitan ng pagdurusang ito upang dalisayin, baguhin at bigyan ng buhay ang tao. Bagaman ang laman ng tao ay dapat sumailalim sa hindi kapani-paniwalang paghihirap sa proseso ng pagpipino, na makikita bilang kasawian o masasamang bagay, ito ay nagbubunyag ng maraming karumihan, maling mga layon at mga pananaw, maluhong pagnanasa, at hindi tamang mga layunin ng paghahangad na mayroon ang tao sa kanyang paniniwala sa Diyos upang maaari niyang makilala ang kanyang sarili, at maaaring magkaroon ng pahigit na pahigit na normal na relasyon sa Kanya upang unti-unti niyang linangin ang pag-ibig sa Diyos sa kanyang puso. Ang ganitong mga pakinabang ay hindi maaaring makuha sa pamamagitan ng isang buhay ng paglilibang. Kapag tumitimo sa tao ang mga aral na nakuha mula sa paghihirap ng kanyang mga pagsubok at nagninilay pabalik sa daan na kanyang napili, sa wakas ay nauunawaan niya na ang mga paghatol at pagkastigo ng Diyos, ang Kanyang pagpalo at pagdisiplina ay ginawa lahat ng Kanyang walang hanggang pag-ibig. Ang pag-ibig ng Diyos ay hindi lamang mapagkandili at mahabagin. Ito ay hindi lamang tungkol sa pagbibigay ng mga materyal na pakinabang, kundi pati sa masalimuot na pagpipino, pagpalo at pagdisiplina.

Mahal na Diyos, salamat sa paggawa sa pamamagitan ng lahat ng aspeto ng aking kapaligiran upang iwasto ang aking tiwali at naligaw na paraan ng pag-iisip at pahintulutan akong makita na kahit na ang Iyong pagmamahal ay hindi kaayon sa aming mga diwa, ang pagpapahayag nito ay laging naglalayong paghusayin at iligtas kami. Ang iyong mga kilos ng pag-ibig ay palaging puno ng masigasig na paggawa ng Iyong puso at di-mailarawang karunungan. Naunawaan ko rin na dati ay hindi ako nagkaroon ng kahit kaunting pag-unawa sa Iyo at hindi naiintindihan na ang Iyong pag-ibig ay madalas na nakatago sa loob ng mga sitwasyon. Mahal na Diyos, sa karangalan ng pagmamahal na ibinabahagi mo sa sangkatauhan, nag-aalay ako sa iyo ng papuri at pasasalamat! Umaasa din ako na isang araw ay tatanggap din ako ng ganitong uri ng pagmamahal. Kung ang pagmamahal na ito ay ilaan sa akin, nangangako ako na tatanggapin ang anumang antas ng pagdurusa, upang maranasan ko ang at magpatotoo sa Iyong pagmamahal.

____________________________________

Maraming tao ang nag-iisip na hangga't kinikilala natin ang Diyos sa ating mga bibig at nagtitiwala sa Kanya sa ating mga puso, kung gayon ay matatawag tayo na naniniwala tayo sa Diyos. Maaari bang ang paniniwala sa Diyos ay tunay na kasing simple ng iniisip natin? Ano ang pananampalataya sa Diyos? Sa katunayan, ang "Paniniwala sa Diyos" ay nangangahulugang naniniwala tayo na pinanghahawakan ng Diyos ang soberanya sa lahat ng bagay. Batay dito, dapat nating maranasan ang gawain ng Diyos, mabago ang ating disposisyon at sa huli makilala ang Diyos.