Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ano ang ibig sabihin ng manalangin nang tunay? Nangangahulugan ito ng pagsasabi ng mga salita sa loob ng iyong puso sa Diyos, at pakikipagniig sa Diyos na mayroong pagkaunawa sa Kanyang kalooban at batay sa Kanyang mga salita; nangangahulugan ito ng pakiramdam na talagang malapit sa Diyos, nadaramang Siya ay nasa harap mo, at na mayroon kang isang bagay na gustong sabihin sa Kanya; at nangangahulugan ito ng pagiging talagang masigla sa loob ng iyong puso, at damdamin na ang Diyos ay sadyang kaibig-ibig. Madarama mo na ikaw ay sadyang pinukaw, at pagkatapos marinig ang iyong mga salita ang iyong mga kapatid ay malulugod, madadama nila na ang mga salita na iyong sinabi ay ang mga salita sa loob ng kanilang mga puso, mga salitang gusto nilang sabihin, at kinakatawan ng iyong sinasabi kung ano ang gusto nilang sabihin. Ito ang ibig sabihin ng nananalangin nang tunay. Pagkatapos mong manalangin nang tunay, ang iyong puso ay mapapayapa, at malulugod; ang lakas para ibigin ang Diyos ay tataas, at madadama mo na walang anumang bagay sa kabuuan ng iyong buhay ang higit na karapat-dapat o mahalaga kaysa sa pag-ibig sa Diyos—at mapatutunayan nitong lahat na ang iyong mga panalangin ay naging mabisa.
—mula sa “Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinakamababang pamantayan na kinakailangan ng Diyos sa mga tao ay ang magawa nilang buksan ang kanilang mga puso sa Kanya. Kung ibibigay ng tao ang kanyang tunay na puso sa Diyos at sasabihin kung ano talaga ang nasa loob ng kanyang puso sa Diyos, kung gayon ang Diyos ay nakahandang gumawa sa tao; hindi gusto ng Diyos ang pilipit na puso ng tao, kundi ang kanyang dalisay at tapat na puso. Kung hindi tunay na sasabihin ng tao ang kanyang puso sa Diyos, kung gayon hindi aantigin ng Diyos ang puso ng tao, o gagawa sa loob niya. Kaya naman, ang pinakamahalagang bagay tungkol sa panalangin ay para sabihin ang mga salita ng iyong tunay na puso sa Diyos, pagsasabi sa Diyos ng iyong mga kapintasan at mapanghimagsik na disposisyon at ganap na pagbubukas ng iyong sarili sa Diyos. Sa gayon lamang magiging interesado ang Diyos sa iyong mga panalangin; kung hindi, kung gayon ay itatago ng Diyos ang Kanyang mukha mula sa iyo.
Paminsan-minsan, ang pananangan sa Diyos ay hindi nangangahulugan ng paghingi sa Diyos na gawin ang isang bagay gamit ang tiyak na mga salita, o paghingi sa Kanya ng tiyak na paggabay o pag-iingat. Sa halip, ito ay yaong kapag nakakasagupa ang mga tao ng ilang usapin, nagagawa nilang tumawag sa Kanya nang taimtim. Kaya, ano ang ginagawa ng Diyos kapag tumatawag ang mga tao sa Kanya? Kapag ang puso ng isang tao ay naaantig at naiisip nila ito: “O Diyos, hindi ko ito magagawang mag-isa, hindi ko alam kung paano ito gagawin, at ako ay nanghihina at negatibo,” kapag sumaisip nila ang mga bagay na ito, alam ba ito ng Diyos? Kapag naiisip ng mga tao ang ganito, ang mga puso ba nila ay taimtim? Kapag sila ay taimtim na tumatawag sa Diyos sa ganitong paraan, pumapayag ba ang Diyos na tulungan sila? Sa kabila ng katunayan na maaaring hindi sila nakapagsabi kahit isang salita, nagpapakita sila ng kataimtiman, at kaya sumasang-ayon ang Diyos na tulungan sila. Kapag ang isang tao ay nakakasagupa ng isang napakamasalimuot na paghihirap, kapag wala silang sinumang malalapitan, at kapag nadarama nila ang lalong kawalang-pag-asa, nagtitiwala sila sa Diyos bilang kanilang tanging pag-asa. Paano sila nananalangin? Ano ang kalagayan ng kanilang pag-iisip? Sila ba ay taimtim? Mayroon bang anumang di-dalisay sa panahong iyon? Kapag nagtitiwala ka sa Diyos na parang Siya ang huling hibla na makakapitan upang iligtas ang iyong buhay, umaasang tutulungan ka Niya, na taimtim ang iyong puso. Bagama’t maaaring hindi ka gaanong nagsasalita, ang iyong puso ay naaantig na. Ibig sabihin, ibinibigay mo ang iyong taimtim na puso sa Diyos, at ang Diyos ay nakikinig. Kapag nakikinig ang Diyos, nakikita Niya ang iyong mga paghihirap, liliwanagan ka Niya, gagabayan ka, at tutulungan ka.
—mula sa “Ang Mga Mananampalataya ay Dapat Munang Makaaninag sa Masasamang Kalakaran ng Mundo” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
Ang panalangin ay hindi isang kaso ng pagdaan sa mga pormalidad, o pagsunod sa proseso, o pagbigkas sa mga salita ng Diyos, na ang ibig sabihin, ang panalangin ay hindi nangangahulugan ng basta na lamang pagsasalita at panggagaya sa iba. Sa panalangin, dapat mong ibigay ang iyong puso sa Diyos, ibinabahagi sa Diyos ang mga salita sa iyong puso upang mangyaring antigin ka ng Diyos. Kung magiging mabisa ang iyong mga panalangin, kung gayon ang mga ito ay dapat nakabatay sa iyong pagbabasa sa mga salita ng Diyos. Sa pamamagitan lamang ng pananalangin sa gitna ng mga salita ng Diyos magagawa mong matanggap ang higit pang kaliwanagan at pagpapalinaw. Ang isang tunay na panalangin ay ipinakikita sa pagkakaroon ng isang pusong nasasabik para sa mga kinakailangan na ginawa ng Diyos, at sa pagiging handa na tuparin ang mga kinakailangang ito; magagawa mong kasuklaman ang lahat ng kinasusuklaman ng Diyos, sa batayang ito magkakaroon ka ng kaalaman, at malalaman at maliliwanagan tungkol sa mga katotohanang ipinaliwanag ng Diyos. Sa pagkakaroon ng pagpapasya, at pananampalataya, at kaalaman, at isang landas na isasagawa pagkatapos manalangin—ito lamang ang tunay na pananalangin, at ang panalangin lamang na kagaya nito ang maaaring maging mabisa. Ngunit ang panalangin ay dapat maitatag sa saligan ng pagtatamasa sa mga salita ng Diyos at pakikipagniig sa Diyos sa Kanyang mga salita, nagagawa ng iyong puso na hangarin ang Diyos at maging payapa sa harap ng Diyos. Ang gayong panalangin ay nakarating na sa punto ng tunay na pakikipagniig sa Diyos.
—mula sa “Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
——————————————————————————
Alam mo ba kung Paano Manalangin sa paraang pakikinggan ng Diyos? Ang apat na prinsipyo ang magbibigay-daan upang matanggap mo ang kasagutan ng Diyos sa iyong mga panalangin.
——————————————————————————
Umaasa Ako na nagagawa ng mga kapatid na tunay na manalangin sa bawat araw at lahat ng araw. Ito ay hindi pagsunod sa doktrina, gayunman, ngunit isang epekto na dapat na matamo. Nakahanda ka bang ipagpaliban ang isang maigsing tulog at kaluguran, bumigkas muna ng pang-umagang mga panalangin sa bukang-liwayway at pagkatapos ay masiyahan sa mga salita ng Diyos? Kung ikaw ay mananalangin at kakain at iinom ng mga salita ng Diyos, sa ganitong paraan, gamit ang isang dalisay na puso, kung gayon lalo kang tatanggapin ng Diyos. Kung ginagawa mo araw-araw, isinasagawa ang pagbibigay ng iyong puso sa Diyos sa bawat araw at nakikipagniig sa Diyos, kung gayon ang iyong kaalaman ukol sa Diyos ay tiyak na madaragdagan, at mas mahusay mong magagawang maunawaan ang kalooban ng Diyos. Dapat mong sabihin: “O Diyos! Nais kong tuparin ang aking tungkulin. Upang mangyaring Ikaw ay maluwalhati sa amin, at mangyaring matamasa ang patotoo sa amin, ang grupo ng mga taong ito, maiaalay ko lamang ang aking buong pagkatao sa Iyo. Nakikiusap ako na gumawa Ka sa loob namin, para tunay kong maiibig at mapalugod Kita, at gawin Kang layunin na aking hinahangad.” Kung tinataglay mo ang ganitong pasanin, tiyak na gagawin kang perpekto ng Diyos; hindi ka lamang dapat manalangin para sa kapakanan ng iyong sarili, ngunit para din sa pagsasakatuparan ng kalooban ng Diyos, at para sa kapakanan ng pag-ibig sa Kanya. Ang gayon ang pinakatunay na uri ng panalangin.
—mula sa “Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sanggunian na mga Sipi ng Sermon at Pagbabahagi:
May ilang resulta na dapat ibunga ng tunay na pakikipagniig sa Diyos: Una, sa pakikipagniig sa Diyos, maaari nating malaman ang katotohanan ng ating katiwalian at ang diwa ng ating kalikasan, nakakamit ang resulta ng pagkilala sa ating sarili. Sa presensya ng Diyos, dapat madalas tayong magnilay-nilay sa mga bagay na nagawa natin para makita kung ang mga ito ay tunay na umaayon sa kalooban ng Diyos, para makita kung ano itong ating sinandalan para mabuhay. Kung nabuhay tayo sa pamamagitan ng salita ng Diyos, kung gayon iyon ang patotoo sa pagpasok sa buhay. Kung nabuhay tayo sa pilosopiya ni Satanas, iyon ay pagpapahayag ng kalikasan ni Satanas, na itinuturing na isang paglabag. Pangalawa, kapag nakikipagniig sa Diyos, hindi lang natin nakakamit ang tunay na kaalaman sa ating mga sarili kundi nakakamit din natin ang tunay na kaalaman sa Diyos, na resulta ng pakikipagniig sa Diyos. Matapos ang pagkakamit ng tunay na kaalaman sa Diyos, sisimulan nating igalang ang Diyos sa ating mga puso, susundin ang Diyos sa ating mga puso, at mamahalin ang Diyos sa ating mga puso, na sa huli’y magdadala sa atin ng kapasyahan para maglingkod sa Diyos. Ito ang resulta na nakamit sa pagkilala sa Diyos, at ito rin ang resulta na nakamit sa pakikipagniig sa Diyos. Kung hindi natin nakakamit ang mga resultang ito sa pakikipagniig sa Diyos, iyon ay sapat para patunayan na hindi tayo nakapasok sa tamang landas sa ating mga panalangin, at sa katunayan ay hindi tayo nakipagniig sa Diyos. Sinasabi ng ilang tao: “Buweno, nanalangin ako nang maraming taon, kaya ibig bang sabihin noon na ako’y nakikipag-isa sa Diyos sa mga panalangin?” Kung gayon kailangan mo itong sukatin ayon sa mga resultang ito. Mayroon ka bang resulta ng pagkilala sa iyong sarili sa iyong mga panalangin? Mayroon ka bang resulta ng paghahanap sa kalooban ng Diyos at sa katotohanan? Mayroon ka bang resulta ng pagsunod sa Diyos? Mayroon ka bang resulta ng paggalang sa Diyos? Mayroon ka bang resulta ng pagmamahal sa Diyos? Kung wala ka ni isa man sa mga resultang ito, kung gayon ang iyong mga panalangin ay walang laman, ang mga ito’y walang-saysay, at ikaw ay hindi tunay na nakikipag-isa sa Diyos.
—mula sa Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay