Kaugnay na mga Talata sa Biblia:
“Ako’y naparito na isang ilaw sa sanglibutan, upang ang sinomang sumampalataya sa akin ay huwag manatili sa kadiliman” (Juan 12:46).
“Sa kanila’y sinabi ni Jesus, Ako ang tinapay ng kabuhayan: ang lumalapit sa akin ay hindi magugutom, at ang sumasampalataya sa akin kailan ma’y hindi mauuhaw” (Juan 6:35).
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang Diyos ang Siyang namamahala sa lahat ng bagay, at ang nangangasiwa sa lahat ng bagay. Nilikha Niya ang lahat ng mayroon, pinangangasiwaan Niya ang lahat ng mayroon, at pinamamahalaan din Niya ang lahat ng mayroon at nagkakaloob sa lahat ng mayroon. Ito ang katayuan ng Diyos, at ang pagkakakilanlan ng Diyos. Para sa lahat ng bagay at sa lahat ng mayroon, ang tunay na pagkakakilanlan sa Diyos ay ang Lumikha, at ang Namumuno sa lahat ng bagay. Ang gayon ay ang pagkakakilanlan ng kung anong mayroon ang Diyos, at Siya ay natatangi sa gitna ng lahat ng bagay. Wala sa mga nilikha ng Diyos—maging sila man ay sa gitna ng sangkatauhan, o sa espirituwal na daigdig—ang maaaring gumamit ng anumang mga pamamaraan o dahilan upang magpanggap o palitan ang pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos, sapagkat mayroon lamang isa sa gitna ng lahat ng bagay na taglay ang pagkakilanlang ito, kapangyarihan, awtoridad, at ang kakayahang mamahala sa lahat ng bagay: ang ating natatanging Diyos Mismo. Siya ay nabubuhay at gumagalaw sa lahat ng bagay; maaari Siyang tumayo sa pinakamataas na lugar, sa ibabaw ng lahat ng bagay; kaya Niya Mismong magpakumbaba sa pamamagitan ng pagiging isang tao, sa pagiging isa sa gitna niyaong may laman at dugo, harap-harapang dumating sa mga tao at nakikibahagi sa kanila sa hirap at ginhawa; kasabay nito, pinamamahalaan Niya ang lahat ng mayroon, at nagpapasya sa kapalaran ng lahat ng mayroon, at anong direksyon ang tatahakin nito; higit pa rito, ginagabayan Niya ang kapalaran ng buong sangkatauhan, at ang patutunguhan ng sangkatauhan. Ang isang Diyos na gaya nito ay dapat sambahin, sundin, at kilalanin ng bawat buhay na mga nilalang. At kaya, sa alinmang grupo at uri sa gitna ng sangkatauhan ka kabilang, ang paniniwala sa Diyos, pagsunod sa Diyos, paggalang sa Diyos, pagtanggap sa pamamahala ng Diyos, at pagtanggap sa pagsasaayos ng Diyos para sa iyong kapalaran ang tangi mong pagpipilian, at mahalagang pagpipilian, para sa bawat tao, para sa bawat buhay na nilalang.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay, kaya’t isinasailalim Niya ang lahat ng paglikha sa Kanyang kapamahalaan, at magpasakop sa Kanyang kapamahalaan; Siya ang mag-uutos sa lahat ng bagay, upang ang lahat ng bagay ay nasa Kanyang mga kamay. Ang lahat ng nilikha ng Diyos, kasama ang mga hayop, halaman, sangkatauhan, mga bundok at mga ilog, at ang mga lawa—lahat ay dapat sumailalim sa Kanyang kapamahalaan. Ang lahat ng bagay sa mga papawirin at sa lupa ay dapat sumailalim sa Kanyang kapamahalaan. Hindi sila maaaring magkaroon ng kahit anong pagpili, at lahat ay dapat magpasakop sa Kanyang mga pagsasaayos. Ito ay iniutos ng Diyos, at ito ang awtoridad ng Diyos. Inuutusan ng Diyos ang lahat, at inaayos at inihahanay ang lahat ng bagay, na ang bawat isa ay ibinukod ayon sa uri, at pinaglaanan ng kanilang sariling posisyon, ayon sa kagustuhan ng Diyos. Kahit gaano pa ito kalaki, walang kahit anong bagay ang makakahigit sa Diyos, at lahat ng bagay ay nagsisilbi sa sangkatauhan na nilikha ng Diyos, at walang bagay ang nangangahas na hindi sumunod sa Diyos o humingi ng kahit ano sa Diyos. At kaya ang tao, bilang isang nilalang ng Diyos, ay dapat ding gumanap ng tungkulin ng tao. Hindi alintana kung siya ay panginoon o tagapangalaga ng lahat ng bagay, gaano man kataas ang katayuan ng tao sa gitna ng lahat ng bagay, siya pa rin ay isang maliit na tao sa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos, at hindi higit kaysa isang karaniwang tao, isang nilalang ng Diyos, at siya ay hindi kailanman magiging higit sa Diyos.
—mula sa “Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Gaano karaming nilalang ang naroong namumuhay at nagpaparami sa malawak na kalawakan ng sansinukob, paulit-ulit na sumusunod sa batas ng buhay, sumusunod sa isang palagiang alituntunin. Yaong mga namamatay ay dinadalang kasama nila ang mga kwento ng nabubuhay, at yaong mga nabubuhay ay inuulit ang kaparehong kalunus-lunos na kasaysayan niyaong mga namatay. Kaya’t hindi mapipigil ng sangkatauhan na itanong sa kanilang sarili: Bakit tayo nabubuhay? At bakit kailangan nating mamatay? Sino ang namamahala sa mundong ito? At sino ang lumikha nitong sangkatauhan? Ang sangkatauhan ba ay tunay na nilikha ng Inang Kalikasan? Ang sangkatauhan ba talaga ang kumukontrol sa kanyang sariling kapalaran? … Sa loob ng libu-libong taon nagtanong na ang sangkatauhan ng mga katanungang ito, nang paulit-ulit. Sa kasamaang palad, habang mas nahumaling na ang sangkatauhan sa mga katanungang ito, mas higit ang pagka-uhaw na nabuo na sa kanya para sa siyensya. Ang siyensya ay nag-aalok ng panandaliang kasiyahan at pansamantalang kawilihan ng laman, nguni’t ito ay lubhang hindi sapat upang palayain ang sangkatauhan mula sa pag-iisa, kalungkutan, at bahagyang-nakatagong kilabot at panghihina sa kaibuturan ng kanyang kaluluwa. Ginagamit lamang ng tao ang kaalaman sa siyensya na nakikita ng mata at nauunawaan ng utak para pakalmahin ang kanyang puso, ngunit hindi nito kayang pigilin ang sangkatauhan na siyasatin ang mga hiwaga. Hindi alam ng sangkatauhan kung sino ang Kataas-taasan sa lahat ng bagay sa sansinukob, mas lalong hindi niya alam ang simula at hinaharap ng sangkatauhan. Ang sangkatauhan ay namumuhay lamang, nang sapilitan, sa gitna ng batas na ito. Walang maaaring makatakas dito at walang maaaring makapagbago rito, sapagkat sa gitna ng lahat ng bagay at sa mga kalangitan ay mayroon lamang Isa na mula sa kawalang-hanggan tungo sa kawalang-hanggan na siyang nagtataglay ng kapangyarihan sa lahat ng bagay. Siya Yaong hindi pa namasdan ng tao kailanman, Yaong hindi nakilala ng tao kailanman, na ang pag-iral ay hindi napaniwalaan ng sangkatauhan kailanman, gayunma’y Siya Yaong huminga ng hininga sa mga ninuno ng sangkatauhan at nagbigay ng buhay sa sangkatauhan. Siya Yaong tumutustos at nangangalaga sa sangkatauhan para sila mabuhay, at gumagabay sa sangkatauhan hanggang sa ngayon. Higit pa rito, Siya at Siya lamang ang inaasahan ng sangkatauhan para sa pananatiling buhay nito. Tinataglay Niya ang kapangyarihan sa lahat ng bagay at namamahala sa lahat ng nilalang na may buhay sa ilalim ng sansinukob. Siya ang nag-uutos sa apat na panahon, at Siya ang tumatawag sa hangin, hamog na nagyelo, niyebe, at ulan. Siya ang nagbibigay ng sikat ng araw sa sangkatauhan at nagpapasapit ng gabi. Siya ang naglatag ng mga kalangitan at lupa, nagkakaloob sa tao ng mga kabundukan, lawa at ilog at ng lahat ng nabubuhay na bagay sa loob nila. Ang Kanyang gawa ay nasa lahat ng dako, ang Kanyang kapangyarihan ay nasa lahat ng dako, ang Kanyang karunungan ay nasa lahat ng dako, at ang Kanyang awtoridad ay nasa lahat ng dako. Ang bawat isa sa mga batas at patakarang ito ang pagsasakatawan ng Kanyang gawa, at ang bawat isa sa mga ito ay nagbubunyag ng Kanyang karunungan at awtoridad. Sino ang makakapagpalaya sa kanilang sarili mula sa Kanyang kapangyarihan? At sino ang makakaalpas mula sa Kanyang mga plano? Lahat ng bagay ay umiiral sa ilalim ng Kanyang pagmamasid, at higit pa rito, lahat ng bagay ay nabubuhay sa ilalim ng Kanyang kapangyarihan. Ang Kanyang gawa at ang Kanyang kapangyarihan ay pumipilit sa sangkatauhan na kilalanin ang katunayan na Siya ay talagang umiiral at may kapangyarihan sa lahat ng bagay. Wala nang iba pa bukod sa Kanya ang maaaring mag-utos sa sansinukob, at lalong walang makakatustos nang walang-humpay sa sangkatauhang ito. Kaya mo mang kilalanin ang gawa ng Diyos, at naniniwala ka man sa pag-iral ng Diyos, walang duda na ang iyong kapalaran ay nakasalalay sa pagtatalaga ng Diyos, at walang duda na ang Diyos ay laging magtataglay ng kapangyarihan sa lahat ng bagay. Ang Kanyang pag-iral at awtoridad ay hindi nakabatay sa kung ang mga ito ba ay makikilala at mauunawaan ng tao o hindi. Siya lamang ang nakakaalam sa nakaraan, kasalukuyan at hinaharap ng tao, at Siya lamang ang maaaring makaalam sa kapalaran ng sangkatauhan. Hindi alintana kung ikaw man ay may kakayahang tanggapin ang katunayang ito, hindi na magtatagal bago masaksihan ng tao ang lahat ng ito sa sarili niyang mga mata, at ito ang katunayan na malapit nang ipapatupad ng Diyos.
—mula sa “Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Nilikha ng Diyos ang mundong ito, nilikha Niya ang sangkatauhang ito, at bukod dito Siya ang arkitekto ng sinaunang kulturang Griyego at sibilisasyon ng tao. Ang Diyos lamang ang umaaliw sa sangkatauhang ito, at ang Diyos lamang ang nagmamalasakit sa sangkatauhang ito gabi’t araw. Ang pag-unlad at paglago ng tao ay hindi mapaghihiwalay mula sa kapangyarihan ng Diyos, at ang kasaysayan at hinaharap ng sangkatauhan ay hindi mailalabas mula sa mga disenyo ng Diyos. Kung ikaw ay isang tunay na Kristiyano, kung gayon ikaw ay tiyak na maniniwala na ang pagbangon at pagbagsak ng anumang bayan o bansa ay nangyayari ayon sa mga disenyo ng Diyos. Diyos lamang ang nakakaalam sa kapalaran ng isang bayan o bansa, at Diyos lamang ang kumokontrol sa landasin ng sangkatauhang ito. Kung ang sangkatauhan ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, kung ang isang bayan ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, kung gayon ang tao ay dapat na yumuko sa Diyos sa pagsamba, magsisi at umamin sa harap ng Diyos, o kung hindi, ang kapalaran at hantungan ng tao ay hindi maiiwasang magtapos sa sakuna.
Sinabi ng Bibliya, “Magsilapit kayo sa Dios, at siya’y lalapit sa inyo” (Santiago 4:8). Kaya paano tayo makakapagtatag ng isang relasyon sa Diyos? Basahin ang artikulong ito nang mahanap ang 4 na paraan upang maging malapit sa Diyos.
————————————————————————————
Magbalik-tanaw sa panahon ng arko ni Noe: Ang sangkatauhan ay lubhang tiwali, lumayo sa pagpapala ng Diyos, at hindi na pinangangalagaan ng Diyos, at naiwala na ang mga pangako ng Diyos. Sila ay nanirahan sa kadiliman, na wala ang liwanag ng Diyos. Kaya sila ay naging likas na mahalay, pinabayaan ang kanilang sarili na maging napakasama. Ang ganitong mga tao ay hindi na maaaring makatanggap ng pangako ng Diyos; sila ay hindi karapat-dapat na masaksihan ang mukha ng Diyos, o kaya ay marinig ang tinig ng Diyos, sapagkat tinalikuran nila ang Diyos, isinantabi ang lahat ng Kanyang ipinagkaloob sa kanila, at kinalimutan ang mga turo ng Diyos. Ang kanilang puso ay lumihis papalayo nang papalayo mula sa Diyos, at dahil dito, sila ay naging ubod ng sama higit sa lahat ng katwiran at pagkatao, at lalong nagiging masama. Kaya sila ay naging mas malapit sa kamatayan, at sumailalim sa poot at kaparusahan ng Diyos. Si Noe lamang ang sumamba sa Diyos at umiwas sa kasamaan, at sa gayon narinig niya ang tinig ng Diyos, at narinig ang mga tagubilin ng Diyos. Kanyang itinayo ang arko ayon sa mga tagubilin ng salita ng Diyos, at tinipon ang lahat ng uri ng buhay na nilalang. At sa ganitong paraan, sa sandaling ang lahat ng bagay ay handa na, pinakawalan ng Diyos ang Kanyang pagwasak sa mundo. Si Noe lamang at ang pitong miyembro ng kanyang pamilya ang nakaligtas sa pagkawasak, dahil sumamba si Noe kay Jehova at umiwas sa kasamaan.
Magbalik-tanaw sa panahon ng arko ni Noe: Ang sangkatauhan ay lubhang tiwali, lumayo sa pagpapala ng Diyos, at hindi na pinangangalagaan ng Diyos, at naiwala na ang mga pangako ng Diyos. Sila ay nanirahan sa kadiliman, na wala ang liwanag ng Diyos. Kaya sila ay naging likas na mahalay, pinabayaan ang kanilang sarili na maging napakasama. Ang ganitong mga tao ay hindi na maaaring makatanggap ng pangako ng Diyos; sila ay hindi karapat-dapat na masaksihan ang mukha ng Diyos, o kaya ay marinig ang tinig ng Diyos, sapagkat tinalikuran nila ang Diyos, isinantabi ang lahat ng Kanyang ipinagkaloob sa kanila, at kinalimutan ang mga turo ng Diyos. Ang kanilang puso ay lumihis papalayo nang papalayo mula sa Diyos, at dahil dito, sila ay naging ubod ng sama higit sa lahat ng katwiran at pagkatao, at lalong nagiging masama. Kaya sila ay naging mas malapit sa kamatayan, at sumailalim sa poot at kaparusahan ng Diyos. Si Noe lamang ang sumamba sa Diyos at umiwas sa kasamaan, at sa gayon narinig niya ang tinig ng Diyos, at narinig ang mga tagubilin ng Diyos. Kanyang itinayo ang arko ayon sa mga tagubilin ng salita ng Diyos, at tinipon ang lahat ng uri ng buhay na nilalang. At sa ganitong paraan, sa sandaling ang lahat ng bagay ay handa na, pinakawalan ng Diyos ang Kanyang pagwasak sa mundo. Si Noe lamang at ang pitong miyembro ng kanyang pamilya ang nakaligtas sa pagkawasak, dahil sumamba si Noe kay Jehova at umiwas sa kasamaan.
Pagkatapos ay tumingin sa kasalukuyang panahon: Ang ganitong matuwid na tao na kagaya ni Noe, na kayang sumamba sa Diyos at iwasan ang kasamaan, ay tumigil na sa pag-iral. Ngunit ang Diyos ay may magandang-loob pa rin sa sangkatauhang ito, at pinawalang-sala ang sangkatauhan sa huling panahong ito. Hinahanap ng Diyos yaong inaasam na Siya’y magpakita. Hinahanap niya ang yaong may-kakayahang makinig sa Kanyang mga salita, yaong hindi nakalimutan ang Kanyang tagubilin, at inihahandog ang kanilang puso at katawan sa Kanya. Hinahanap Niya yaong masunurin tulad ng mga batang nasa harap Niya, at hindi Siya kinakalaban. Kung ikaw ay di-nahahadlangan ng anumang puwersa sa iyong debosyon sa Diyos, kung gayon titingnan ka ng Diyos na may pabor at ipagkakaloob sa iyo ang Kanyang mga pagpapala. Kung ikaw ay may mataas na katayuan, marangal na reputasyon, saganang kaalaman, saganang ari-arian, at suportado ng maraming tao, gayon man ay hindi pumipigil sa iyo ang mga bagay na ito na humarap sa Diyos para tanggapin ang Kanyang pagtawag at ang Kanyang tagubilin, para gawin kung ano ang hinihingi ng Diyos sa iyo, kung gayon ang lahat ng iyong ginagawa ay magiging pinakamakabuluhan sa lupa at ang pinakamatuwid sa sangkatauhan. Kung tatanggihan mo ang tawag ng Diyos para sa kapakanan ng katayuan at ng iyong mga sariling layunin, lahat ng iyong gagawin ay susumpain at kamumuhian pa ng Diyos. Maaaring ikaw ay isang presidente, o isang siyentipiko, isang pastor, o isang elder, ngunit gaano man kataas ang iyong katungkulan, kung umaasa ka sa iyong kaalaman at kakayahan sa iyong mga ginagawa, kung gayon ikaw ay palaging magiging bigo, at palaging mawawalan ng pagpapala ng Diyos, sapagkat ang Diyos ay hindi tumatanggap ng anumang iyong ginagawa, at hindi ka Niya binibigyan ng isang matuwid na propesyon, o tinatanggap na ikaw ay gumagawa para sa kapakinabangan ng sangkatauhan. Sasabihin Niya na ang lahat ng bagay na ginagawa mo, ay upang gamitin ang kaalaman at lakas ng sangkatauhan upang alisan ang tao ng pag-iingat ng Diyos, at upang tanggihan ang mga pagpapala ng Diyos. Sasabihin Niya na dinadala mo ang sangkatauhan patungo sa kadiliman, patungo sa kamatayan, at patungo sa simula ng isang pag-iral na walang mga limitasyon na kung saan nawalan ang tao ng Diyos at ng Kanyang pagpapala.
—mula sa “Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Mula nang unang magkaroon ang tao ng agham panlipunan, ang isip ng tao ay naging abala sa agham at kaalaman. Doon ang agham at kaalaman ay naging mga kasangkapan para sa pamumuno ng sangkatauhan, at doon ay wala nang sapat na puwang para sa tao upang sambahin ang Diyos, at walang kanais-nais na mga kondisyon para sa pagsamba sa Diyos. Ang posisyon ng Diyos ay lumubog nang lalo pang mas mababa sa puso ng tao. Ang isang mundo sa puso ng tao na walang lugar para sa Diyos ay madilim, walang laman sa kawalang pag-asa. At kaya lumitaw ang maraming panlipunang siyentipiko, mananalaysay, at mga pulitiko upang magpahayag ng mga teorya ng araling panlipunan, ang teorya ng ebolusyon ng tao, at iba pang mga teorya na sinasalungat ang katotohanang nilikha ng Diyos ang tao, upang punuin ang puso at isip ng tao. At sa ganitong paraan, yaong naniniwala na ang Diyos ang lumikha ng lahat ng bagay ay naging lalo pang kakaunti, at yaong naniniwala sa teorya ng ebolusyon ay mas lalo pang dumami ang bilang. Parami nang parami ang mga tao na itinuturing ang mga talaan ng gawain ng Diyos at Kanyang mga salita sa kapanahunan ng Lumang Tipan bilang mga alamat at mga kathang-isip. Sa kanilang mga puso, ang mga tao ay nagwalang-bahala sa karangalan at kadakilaan ng Diyos, sa doktrina na ang Diyos ay umiiral at humahawak ng kapamahalaan sa lahat ng bagay. Ang pagpapanatili ng sangkatauhan at ang kapalaran ng mga bayan at mga bansa ay hindi na mahalaga sa kanila. Nakatira ang tao sa isang hungkag na mundo na iniintindi lamang ang pagkain, pag-inom, at ang paghahangad ng kasiyahan. … Iilang tao lang ang inaako mismo ang paghanap kung saan ginagampanan ng Diyos ang Kanyang gawain ngayon, o hanapin kung paano Niya pinamumunuan at inaayos ang hantungan ng tao. At sa ganitong paraan, hindi namamalayan ng tao, ang sibilisasyon ng tao ay lalo at lalong nawalan ng kakayahang tugunan ang mga kagustuhan ng tao, at mayroon pang maraming tao na nakararamdam na, sa pamumuhay sa gayong mundo, sila ay hindi gaanong masaya kung ihahambing sa mga taong yumao na. Maging ang mga tao ng mga dating napakaunlad na sibilisadong bayan ay nagpapahayag ng mga naturang karaingan. Sapagkat kung walang patnubay ng Diyos, gaano man pakaisipin ng mga pinuno at sosyolohista na maipreserba ang sibilisasyon ng tao, ito ay walang kabuluhan. Walang sinuman ang makapupuno ng kawalan sa puso ng tao, dahil walang sinuman ang maaaring maging buhay ng tao, at walang teoryang panlipunan ang maaaring magpalaya sa tao mula sa kawalan kung saan siya ay namimighati. Agham, kaalaman, kalayaan, demokrasya, paglilibang, kaginhawahan, ang mga ito ay isa lamang pansamantalang pahinga. Kahit na sa mga bagay na ito, ang tao ay hindi maiiwasang magkasala at managhoy sa kawalang katarungan ng lipunan. Hindi mababawasan ng mga bagay na ito ang pagnanasa at hangarin ng tao na tumuklas. Sapagkat ang tao ay nilalang ng Diyos at ang walang katuturang mga sakripisyo at mga pagtuklas ng tao ay maaari lamang humantong sa mas lubusang pagkabagabag. Ang tao ay iiral sa patuloy na kalagayan ng pagkatakot, na hindi malalaman kung paano haharapin ang kinabukasan ng sangkatauhan, o kung paano haharapin ang landas sa hinaharap. Darating ang panahon na kahit ang agham at kaalaman ay katatakutan ng tao, at higit na kakatakutan ang pakiramdam ng kawalan sa kaloob-looban niya. Sa mundong ito, hindi alintana kung ikaw ay nakatira sa isang malayang bayan o sa isang walang mga karapatang pantao, ikaw ay walang lubos na kakayahang takasan ang kapalaran ng sangkatauhan. Ikaw man ang pinuno o ang pinamumunuan, ikaw ay walang lubos na kakayahang takasan ang pagnanais na galugarin ang kapalaran, mga hiwaga, at hantungan ng sangkatauhan. Lalo nang wala kang kakayahang takasan ang nakalilitong pakiramdam ng kawalan. Ang gayong di-pangkaraniwang mga pangyayari, na karaniwan sa buong sangkatauhan, ay tinatawag ng mga sosyolohista na di-pangkaraniwang mga pangyayari sa lipunan, ngunit walang dakilang taong maaaring lumabas upang lutasin ang naturang mga problema. Ang tao, kung sabagay, ay tao. Ang posisyon at buhay ng Diyos ay hindi mapapalitan ng sinumang tao. Ang sangkatauhan ay hindi lang basta nangangailangan ng isang makatarungang lipunan kung saan lahat ng tao ay kumakain nang sapat at pantay-pantay at malaya, kundi ang pagliligtas ng Diyos at ang Kanyang panustos ng buhay sa kanila. Kapag natanggap na ng tao ang pagliligtas ng Diyos at ang Kanyang panustos ng buhay sa kanila, saka lamang malulutas ang mga pangangailangan, kasabikang tumuklas, at espirituwal na kahungkagan ng tao.
—mula sa “Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa kalawakan ng mundo, napakaraming pagbabago nang nangyari, umaapaw ang karagatan hanggang sa kaparangan, tumatabon ang kaparangan sa karagatan, nang paulit-ulit. Maliban sa Kanya na namumuno sa lahat ng bagay sa sansinukob, walang sinumang may kakayahang umakay at gumabay sa sangkatauhan. Walang sinumang makapangyarihang magtatrabaho o maghahanda para sa sangkatauhang ito, lalo nang walang sinumang makakaakay sa sangkatauhang ito tungo sa hantungang liwanag at magpapalaya rito mula sa mga kawalan ng katarungan sa mundo. Nananangis ang Diyos sa hinaharap ng sangkatauhan, nagdadalamhati sa pagkahulog ng sangkatauhan, at nasasaktan dahil naglalakad ang sangkatauhan, nang dahan-dahan, patungo sa pagkabulok at sa landas na wala nang balikan. Isang sangkatauhan na nagwasak sa puso ng Diyos at nagtakwil sa Kanya para hanapin ang diyablo: Napag-isipan na ba ng sinuman ang direksyong maaaring patunguhan ng sangkatauhang ito? Ito mismo ang dahilan kung bakit walang nakadarama sa galit ng Diyos, kung bakit walang naghahanap ng paraan para mapalugod Siya o nagsisikap na mapalapit sa Kanya, at bukod pa riyan, kung bakit walang naghahangad na maunawaan ang Kanyang dalamhati at pasakit. Kahit matapos marinig ang tinig ng Diyos, patuloy na tumatahak ang tao sa sarili niyang landas, pilit na lumalayo sa Diyos, umiiwas sa biyaya at kalinga ng Diyos, at lumalayo sa Kanyang katotohanan, mas ginugustong ibenta ang kanyang sarili kay Satanas, ang kaaway ng Diyos. At sino na ang nakapag-isip—dapat bang ipilit ng tao ang katigasan ng kanyang ulo—tungkol sa kung paano kikilos ang Diyos sa sangkatauhang ito na nagpaalis na sa Kanya nang hindi man lang lumilingon? Walang nakakaalam na ang dahilan ng paulit-ulit na mga paalala’t pangaral ng Diyos ay dahil inihanda na Niya sa Kanyang mga kamay ang isang walang-katulad na kalamidad, yaong hindi kakayanin ng katawan at kaluluwa ng tao. Ang kalamidad na ito ay hindi lamang isang kaparusahan sa katawan, kundi pati na rin sa kaluluwa. Kailangan mong malaman ito: Kapag nabigo ang plano ng Diyos, at walang tumugon sa Kanyang mga paalala at pangaral, anong klaseng galit ang Kanyang ipamamalas? Isang bagay ito na hindi pa nararanasan o naririnig ng sinumang nilalang. Kaya sinasabi Ko, ang kalamidad na ito ay walang katulad, at hindi na mauulit kailanman. Sapagkat ang plano ng Diyos ay minsan lamang likhain ang tao, at minsan lamang iligtas ang sangkatauhan. Ito ang unang pagkakataon, at ito rin ang huli. Samakatuwid, walang makakaunawa sa matitiyagang intensyon at taimtim na pag-asam ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan sa pagkakataong ito.
—mula sa “Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Nilikha ng Diyos ang mundong ito at dinala ang tao, isang nabubuhay na nilalang na pinagkalooban Niya ng buhay. Sumunod, nagkaroon ng mga magulang at kamag-anak ang tao, at hindi na nag-iisa. Mula nang unang makita ng tao ang materyal na mundong ito, itinadhana siyang mabuhay sa loob ng ordinasyon ng Diyos. Ang hininga ng buhay mula sa Diyos ang sumusuporta sa bawat nabubuhay na nilalang sa kanyang paglaki hanggang sa kanyang pagtanda. Sa prosesong ito, walang nakadarama na lumalaki ang tao sa ilalim ng pangangalaga ng Diyos; sa halip, naniniwala sila na lumalaki siya sa ilalim ng mapagmahal na pangangalaga ng kanyang mga magulang, at na ang likas na pag-uugali niya sa buhay ang gumagabay sa kanyang paglaki. Ito ay dahil hindi alam ng tao kung sino ang nagkaloob ng buhay niya, o kung saan ito nanggaling, lalo nang hindi niya alam kung paano lumilikha ng mga himala ang likas na pag-uugali niya sa buhay. Ang alam lang niya ay na pagkain ang saligan ng pagpapatuloy ng buhay, na pagtitiyaga ang pinagmumulan ng kanyang pag-iral, at na mga paniniwala sa kanyang isipan ang puhunan kung saan nakadepende ang kanyang pananatiling buhay. Tungkol sa biyaya at panustos ng Diyos, walang anumang naaalala ang tao, kaya nga inaaksaya niya ang buhay na ipinagkaloob sa kanya ng Diyos…. Wala ni isa sa sangkatauhang ito na pinangangalagaan ng Diyos gabi’t araw ang nagkukusang sambahin Siya. Patuloy lang ang Diyos sa paghubog sa tao, nang walang anumang inaasahan, tulad ng naplano na Niya. Ginagawa Niya iyon sa pag-asang balang araw, magigising ang tao mula sa kanyang panaginip at biglang matatanto ang halaga at kahulugan ng buhay, ang halagang katumbas ng lahat ng naibigay ng Diyos sa kanya, at ang sabik na kahilingan ng Diyos na bumalik ang tao sa Kanya.
—mula sa “Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang sangkatauhan, na lumayo mula sa panustos na buhay ng Makapangyarihan sa lahat, ay hindi nakakaalam kung bakit sila nilikha, subali’t takot pa rin sa kamatayan. Wala silang tulong o suporta, nguni’t atubili pa ring ipikit ang kanilang mga mata, at determinadong mamuhay nang walang dangal sa mundong ito kahit pa mahirapan sila, wala nang malasakit sa kanilang mga kaluluwa. Sa ganitong paraan ka namumuhay, walang pag-asa, walang layunin na tulad ng iba. Tanging ang Banal na Isa ng alamat ang magliligtas sa mga tao, na habang nananaghoy sa kanilang pagdurusa, ay lubhang umaasam sa Kanyang pagdating. Sa ngayon, ang gayong paniniwala ay hindi pa rin nagaganap sa mga yaong walang kamalayan. Gayunpaman, patuloy pa ring inaasam ito ng mga tao. Ang Makapangyarihan ay may habag sa mga taong ito na nagdurusa nang labis; kasabay nito, nanghihinawa na Siya sa mga taong ito na walang kamalayan, dahil kinailangan niyang maghintay ng sagot sa napakatagal na panahon mula sa mga tao. Hangad niyang maghanap, hanapin ang iyong puso at ang iyong espiritu, bigyan ka ng tubig at pagkain upang gisingin ka, upang hindi ka na mauhaw at magutom. Kapag pagod ka na at nararamdaman ang labis na kapanglawan ng mundong ito, huwag magulumihanan, huwag manangis. Tatanggapin ng Makapangyarihang Diyos, ang Tagapagbantay, ang iyong pagdating anumang oras. Siya ay lagi sa iyong tabi upang bantayan ka, naghihintay sa iyong pagbabalik. Hinihintay niya ang araw na biglang babalik ang iyong alaala: na matatanto mo na ikaw ay nagmula sa Diyos, at minsa’y nawalan ka ng direksyon, at minsa’y nawalan ka ng malay sa daan at minsa’y nagkaroon ng “ama,” at na iyong matatanto, bukod pa riyan, na ang Makapangyarihan sa lahat ay laging nagbabantay, naghihintay nang napakatagal na panahon sa iyong pagbabalik. Noon pa man ay binabantayan ka at lubhang umaasam, naghihintay ng tugon na walang kasagutan. Ang Kanyang pagbabantay ay hindi matutumbasan, at ito ay para sa kapakanan ng puso at espiritu ng tao. Marahil ang pagbabantay na ito ay walang tiyak na katapusan, at marahil ito ay malapit nang magwakas. Nguni’t dapat mong malaman kung saan talaga naroroon ang iyong puso at espiritu sa mismong sandaling ito.
—mula sa “Ang Hinagpis ng Makapangyarihan sa Lahat” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
————————————————————————
Magrekomenda nang higit pa:ano ang layunin ng diyos sa paglikha ng tao