Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Pelikula Tungkol sa Ebanghelyo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Pelikula Tungkol sa Ebanghelyo. Ipakita ang lahat ng mga post

Hul 21, 2020

Being saved from disasters


Madalas sabihin ng mga tao na “Ang mga bagyo ay namumuo nang walang babala at ang kasawian ay sumasapit sa mga tao sa magdamag.” Sa panahon natin ngayon na mabilis na umuunlad ang siyensya, modernong transportasyon at materyal na yaman, dumarami ang mga sakunang nangyayari sa buong paligid natin bawat araw. Kapag binuklat natin ang pahayagan o binuksan ang TV, ang pangunahing nakikita natin ay: mga digmaan, lindol, tsunami, bagyo, sunog, baha, pagbagsak ng mga eroplano, sakuna sa minahan, kaguluhan sa lipunan, matitinding alitan, pag-atake ng mga terorista, atbp. Lahat ng nakikita natin ay mga likas na kalamidad at mga sakunang dulot ng tao. Ang mga sakunang ito ay madalas mangyari at mas tumitindi. Ang masidhing pagdami ng sakuna ay may kasamang pagdurusa, dugo, pagkabalda at kamatayan. Nangyayari ang mga kasawian sa ating paligid sa lahat ng oras, na nagbibigay-diin na maikli at marupok ang buhay. Wala tayong paraan para mahulaan kung anong klaseng mga sakuna ang mararanasan natin sa hinaharap. Bukod pa rito, hindi natin alam kung ano ang dapat nating gawin. Bilang bahagi ng sangkatauhan, ano ang dapat nating gawin upang makalaya sa mga sakunang ito? Sa programang ito, malalaman mo ang sagot. Malalaman mo ang tanging paraan para matanggap ang proteksyon ng Diyos upang makaligtas ka sa nakaambang mga sakuna.

————————————

Mas nagiging malala ang mga sakuna, na siyang mga palatandaan ng mga huling araw. Sa ganitong mga araw na madalas na nangyayari ang mga sakuna, paano natin dapat salubungin ang pagbabalik ng Panginoon
Inirerekomenda: Lumitaw na ang mga Palatandaan ng mga huling araw: Paano Tayo Madadala Bago Sumapit ang Malaking Pagdurusa?

Hun 29, 2020

Pananampalataya sa Diyos 3 – Bangon, Kayong Hindi Magiging mga Alipin



Si Meng Changlin, isang kasamahan sa Three-Self Church, ay nag-akala noong una na ang pananampalataya niya sa Panginoon sa Three-Self Church ay magliligtas sa kanya mula sa pang-uusig ng CCP. Gayunpaman, pagkatapos malagay sa kapangyarihan si Xi Jinping, lalo pang pinatitindi ng CCP ang pang-uusig nito sa pananampalataya sa relihiyon, at maging ang Three-Self Church na pinatatakbo ng pamahalaan ay nagsisimulang dumanas ng pagsawata at pang-uusig; marami sa kanilang mga krus ang winawasak at mga iglesia ang ginigiba, at nagsisimula na rin ang CCP na pwersahin ang mga iglesia na magtaas ng pambansang bandila, kantahin ang pambansang awit, at magsabit ng larawan ni Chairman Xi…. Sa nararanasang pang-uusig na ito ng CCP, hindi inaakay ng kanyang pastor ang mga mananampalataya sa pagdarasal para alamin ang kalooban ng Diyos, ngunit sa halip ay sinusunod ang CCP sa lahat ng bagay.

Hun 13, 2020

Ang mga Araw ni Noe ay Dumating Na



Gunitain natin ang sangkatauhan sa kapanahunan ni Noe. Abala ang tao sa lahat ng uri ng masasamang gawain nang hindi iniisip ang pagsisisi. Walang nakinig sa salita ng Diyos. Ang kanilang katigasan ng ulo at kasamaan ay pumukaw sa galit ng Diyos at sa huli, nilamon sila ng sakunang dulot ng malaking baha. Tanging si Noe at ang kanyang pamilyang may walong miyembro ang nakinig sa salita ng Diyos at nakaligtas. Ngayon, sumapit na ang mga huling araw. Palala nang palala ang katiwalian ng sangkatauhan. Lahat ay sumasamba sa kasamaan. Ang buong mundo ng mga relihiyoso ay nagpapatangay sa agos ng mundo. Ni katiting ay hindi nila gusto ang katotohanan. Dumating na ang mga araw ni Noe! Para mailigtas ang sangkatauhan, nagbalik na muli ang Diyos upang gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw sa sangkatauhan. Ito ang huling beses na inililigtas ng Diyos ang tao! Ano ang dapat piliin ng sangkatauhan?

————————————————————————————

Rekomendasyon: Lumitaw na ang mga Palatandaan ng mga huling araw: Paano Tayo Madadala Bago Sumapit ang Malaking Pagdurusa?

Abr 24, 2020

Tagalog Gospel Movie | "Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono" | God Is the Life Supply for Me



Si Tao Wei ay isang mangangaral mula sa isang bahay-iglesia. Habang nagiging mas malungkot ang kanyang iglesia araw-araw, naging hindi aktibo at nanghina ang espiritu ng lahat ng kanyang tagasunod, at ngayon dumilim ang kanyang sariling espiritu. Hindi na niya maramdaman ang presensiya ng Panginoon, at nalito si Tao Wei, hindi alam ang gagawin. Paano nawala ng mundo ng relihiyon ang gawain ng Banal na Espiritu? Nagbalik na nga kaya ang Panginoon, at nagpakita para gumawa sa ibang lugar? …Habang apurahang naghanap si Tao Wei ng mga sagot sa mga tanong na ito, lalo siyang nasabik na makamit ang panustos ng tubig ng buhay mula sa Diyos. Hinanap niya at ng kanyang mga kapatid ang gawain at pagpapakita ng Diyos, at sa wakas ay nakarating sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, kung saan sinimulan nilang makipag-usap at makipagdebate sa mga Mangangaral ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. … Mahahanap kaya nila ang pinagmumulan ng tubig na buhay sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos? Makakamit kaya nila ang tubig ng buhay mula sa ilog na dumadaloy mula sa trono?

______________________________________________

Manood ng higit pa:Tagalog Christian Movie

Abr 1, 2020

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ano Ang Tunay na Pananalig sa Diyos?




Ano Ang Tunay na Pananalig sa Diyos? | “Pananalig sa Diyos” | Kristiyanong Pelikula


Si Yu Congguang ay nangangaral ng ebanghelyo para sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Habang nangangaral ng ebanghelyo, tinugis siya ng Komunistang gobyerno ng Tsina. Tumakas siya sa mga kabundukan, kung saan nakatanggap siya ng tulong mula kay Zheng Xun, isang katrabaho sa lokal na bahay iglesia. Nang una silang nagkita, pakiramdam nila ay matagal na nilang kilala ang bawat isa. Dinala ni Zheng Xun si Yu Congguang sa kubo kung saan siya at ng kanyang mga katrabaho ay nagtipon. Doon, nangyari ang isang debate kila Zheng Xun at ng kanyang mga katrabaho kung ang isang mananampalataya sa Diyos ay dapat bang sundin o hindi yaong mga nasa kapangyarihan. Si Yu Congguang ay nagbahagi kaugnay sa isyung ito at iwinaksi ang kanilang pagkakalito. Lubos na nakatulong sa kanila ang pagbabahagi ni Yu Congguang, at nagsimula silang lahat na hanapin at pag-aralan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Gayun pa man, nang malaman ni Elder Sun mula sa lokal na iglesia na si Yu Congguang ay isang saksi mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ginawa niya ang lahat ng bagay na maaari niyang gawin para saraduhan ang iglesia at pigilan ang mga tagasunod mula sa paghahanap ng tunay na landas. Nagbahay-bahay si Sun na naghahanap kay Yu Congguang, at inutusan pa ang mga tagasunod na iulat si Yu sa mga pulis at arestuhin siya …

Malaman ang higit pa: Anong uri ng mga tao ang maaaring madala sa kaharian ng langit? Sinabi ng Panginoong Jesus, "Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit."(Mateo 7:21). Mula sa salita ng Panginoon, makikita natin na tanging yaong mga pagsunod sa kalooban ng Diyos ay makakapasok sa kaharian ng langit.

Peb 28, 2020

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Ang Sugo ng Ebanghelyo"




Tagalog Christian Movie | "Ang Sugo ng Ebanghelyo" | Pasanin Ang Krus at Mangaral ng Ebanghelyo ng Kaharian


Maraming taon nang naniwala ang Kristiyanong si Chen Yixin sa Panginoon, at naging mapalad na sumalubong sa pagbabalik ng Panginoong Jesus sa mga huling araw—Makapangyarihang Diyos! Naintindihan niya ang agarang kalooban ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos pati na ang misyon at tungkulin na dapat gawin ng isang nilikhang nilalang, kaya sinimulan niyang ibahagi ang ebanghelyo at sumaksi sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Habang ginagawa ito naglalakbay siya sa maraming lungsod at lalawigan at nagdurusa ng pagpigil at pagtanggi mula sa mga relihiyosong grupo nang paulit-ulit pati na rin ng pagtugis at pang-uusig ng pamahalaang CCP. Tinitiis niya ang maraming pagdurusa. Gayunpaman, sa ilalim ng pamamatnubay ng mga salita ng Diyos, nananatili siya sa kanyang misyon, hindi natatakot sa panganib, matapang na sumusulong …

Rekomendasyon: Ano ang pananampalataya sa Diyos

Peb 17, 2020

Hindi ko maintindihan, bakit takot na takot ang CCP sa gawain ng Makapangyarihang Diyos?



Sa ilalim ng pamumuno ng gobyerno ng CCP, ang mga tao ay maaaring maaresto, mapahirapan at maaari pang mapatay dahil sa pagtanggap sa totoong daan! Hindi ko maintindihan, bakit takot na takot ang CCP sa gawain ng Makapangyarihang Diyos?


Sagot: Ang gobyerno ng CCP ay pumupunta na ngayon sa buong bansa upang lubusang masugpo ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, buong galit na tinutugis si Cristo at hinuhuli at pinapahirapan ang bayan ng Diyos.

Peb 3, 2020

Pananampalataya sa Diyos 2 – Nang Bumagsak ang Simbahan



Tagalog Christian Movies | "Pananampalataya sa Diyos 2 – Nang Bumagsak ang Simbahan"


Mula nang maging makapangyarihan ang Chinese Communist Party, patuloy na nitong sinugpo at inusig ang Kristiyanismo at Katolisismo upang lubos na mapawi ang lahat ng paniniwala sa relihiyon at maitatag ang China bilang lugar ng ateismo. Lalo na nang maging Pangulo si Xi Jinping umabot na sa sukdulan ang mga pag-atake ng CCP sa pananampalataya, at pati na ang Three-Self Church na opisyal na pinahintulutan ay winawasak at binabaklas ang mga krus.

Set 10, 2018

Latest Christian Full Movie HD 2018 | "Pananabik" Lord Jesus Has Come Again (Tagalog Dubbed)





Dalawang libong taon na ang nakararaan, ipinangako ng Panginoong Jesus sa Kanyang mga alagad: "Ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon" (Juan 14:2-3). Dahil dito, patuloy na lubhang inasam at ipinagdasal ng mga henerasyon ng mga nananalig ang katuparan ng pangako ng Panginoon, at inasam at ipinagdasal na madala sila sa kalangitan para salubungin ang Panginoon at pumasok sa kaharian ng langit pagdating ng Panginoon. Inilalarawan din nito ang bida sa pelikula na si Chen Xiangguang. Masigasig siyang naghahanap, nangangaral ng ebanghelyo, at nagpapatotoo sa Panginoon para makasalubong sa pagdating ng Panginoon.

Set 3, 2018

Tagalog Gospel Movie 2018 | "Pagkamulat" | The Call of God's Love (Tagalog Dubbed)



Tagalog Gospel Movie 2018 | "Pagkamulat" | The Call of God's Love (Tagalog Dubbed)

Isang tagapangaral si Lu Xiu'en sa isang bahay-iglesia sa Tsina. Sa paniniwala niya sa mga maling pananaw na ikinakalat ng mga relihiyosong pastor at elder, nagpatuloy siya sa pagpilit na "pinatawad na ng Panginoong Jesus ang kasalanan ng tao, at palaging maliligtas ang mga naniniwala sa Panginoon. Hindi na nila kailangang tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw." 

Set 2, 2018

New Christian Full Movie 2018 | "Ang Aking Pinapangarap na Kaharian sa Langit" | (Tagalog Dubbed)



  New Christian Full Movie 2018 | "Ang Aking Pinapangarap na Kaharian sa Langit" |  (Tagalog Dubbed)

Si Song Ruiming ay pastor ng isang iglesia sa South Korea. Bilang isang tapat na alagad ng Panginoon sa loob ng maraming taon, masigla siyang sumasampalataya at naglilingkod sa Panginoon habang naghihintay na maitaas sa kaharian sa langit pagbalik ng Panginoon. Nitong nakaraang mga taon, litung-lito siya at nawawalan ng lakas kapag nakikita na wala sa iglesia ang gawain ng Banal na Espiritu at nagiging lubhang malungkot. Noon niya narinig ang tungkol sa isang sektang tinatawag na Kidlat ng Silanganan na lumalabas sa China na nagpapatotoo sa pagbalik ng Panginoong Jesus—Makapangyarihang Diyos, na gumagawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan. Kaya nga nagpunta si Song Ruiming at ang mangangaral na si Cui Cheng'en sa China para pag-aralan ang Kidlat ng Silanganan, kung saan binasa nila sa wakas ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at nalaman nila na lahat ng salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, ang tinig ng Diyos! Malamang na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus!

Peb 2, 2018

Kristiyanong Pelikula | "Nasaan ang aking tahanan" | God Is My Soul Harbo



Kidlat ng SilangananKristiyanong Pelikula | "Nasaan ang aking tahanan" | God Is My Soul Harbo


   Naghiwalay ang mga magulang ni Wenya nang siya ay dalawang taong gulang at pagkatapos ay tumira siya sa kanyang Itay at kanyang madrasta. Ayaw sa kanya ng kanyang madrasta at palagi itong nakikipagtalo sa kanyang Itay. Walang nagawa ang kanyang Itay—kinailangan niyang ibalik si Wenya sa bahay ng kanyang Ina, ngunit nakatuon ang kanyang Ina sa pamamahala sa kanyang negosyo at wala siyang panahon para alagaan si Wenya, kung kaya madalas siyang nagpalipat-lipat sa bahay ng mga kamag-anak at kaibigan para maalagaan. Pagkatapos ng maraming taon na pinangangalagaan ng ibang tao, nakaramdam ng lungkot si Wenya at kawalan ng pag-asa, at pinananabikan ang init ng isang tahanan.  Nakabalik lamang siya sa piling ng kanyang Itay noong nagdiborsyo ang kanyang Itay at madrasta at magmula noon nagkaroon na siya ng tahanan, sa hirap o ginhawa.