Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na naniwala. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na naniwala. Ipakita ang lahat ng mga post

Okt 25, 2017

Kidlat ng Silanganan | Isang Pag-unawa ng Pagkakaligtas

Pagkakaligtas, Diyos, iglesia, Katotohanan, gawain

Kidlat ng Silanganan | Isang Pag-unawa ng Pagkakaligtas

Lin Qing Lungsod ng Qingzhou, Lalawigan ng Shandong

  Sa loob ng mga nakaraang ilang taon ng pagsunod sa Diyos, tinalikdan ko ang kasiyahan ng aking pamilya at ng laman, at ako ay okupado buong araw sa pagtutupad ng aking tungkulin sa iglesia. Kaya ako’y naniwala: Hangga't hindi ko pabayaan ang gawain sa iglesia na ipinagkatiwala sa akin, hindi ko pagtaksilan ang Diyos, hindi lumisan sa iglesia, at sundan ang Diyos hanggang sa dulo, ako ay patatawarin at ililigtas ng Diyos. Naniwala rin ako na ako ay tumatahak sa landas ng kaligtasan mula sa Diyos, at ang kailangan ko lamang gawin ay sundan Siya hanggang sa katapusan.

Okt 24, 2017

Kidlat ng Silanganan | Pagdating sa Diyos, Ano ang Iyong Pagkakaunawa

Pagkakaunawa, Diyos, naniwala, pananampalataya, misteryo

Kidlat ng Silanganan | Pagdating sa Diyos, Ano ang Iyong Pagkakaunawa

  Ang mga tao ay naniwala sa Diyos sa mahabang panahon, gayon pa man karamihan sa kanila ay walang nauunawaan sa salitang “Diyos.” Sila lamang ay sumusunod sa isang pagkalito. Wala silang palatandaan sa kung ano ang eksaktong dahilan kung bakit ang tao ay dapat maniwala sa Diyos o kung ano ba talaga ang Diyos. Kung alam lamang ng tao na sumampalataya at sumunod sa Diyos, ngunit hindi kung ano ang Diyos, ni hindi nila nauunawaan ang Diyos, kung gayon hindi ba ito ang pinakamalaking katatawanan sa mundo? Kahit na nakasaksi ang tao sa maraming makalangit na misteryo ngayon at nakarinig ng higit na malalim na kaalaman na hindi kailanman naunawaan ng tao noon, sila ay nasa dilim sa maraming pinakapayak, at mababaw na katotohanan. Ang ilan sa mga tao ay maaaring magsabi, “Kami ay naniwala sa Diyos sa loob ng maraming taon. Paanong hindi natin maaaring malaman kung ano ang Diyos? Hindi ba tayo minamaliit nito?” Ngunit sa katotohanan, kahit na ang lahat ay sumusunod sa Akin ngayon, walang sinuman ang may anumang mga pag-unawa ng lahat ng gawa ngayon. Binibitawan nila ang kahit na pinakapayak at pinakamadaling katanungan, lalo na ang pinaka-komplikadong tanong ng “Diyos.” Dapat mong malaman ang mga katanungan na sinantabi mo muna at hindi matuklasan ang siyang iyong dapat pinaka-malaman, dahil ang alam mo lamang ay sundin ang karamihan ng sambayanan, hindi binibigyang pansin at hindi kinakalinga ang mga bagay na dapat ay ginagamit mo sa iyong sarili. Alam mo ba talaga kung bakit dapat kang magkaroon ng pananampalataya sa Diyos? Alam mo ba talaga kung ano ang Diyos? Alam mo ba talaga kung ano ang tao? Bilang isang tao na may pananampalataya sa Diyos, kung ikaw ay mabigong maunawaan ang mga bagay na ito, hindi mo ba nawala ang iyong dignidad bilang isang mananampalataya ng Diyos? Ang Aking gawa ngayon ay ito: upang maunawaan ng tao ang kanilang kakanyahan, maunawaan ang lahat na Aking ginagawa, at malaman ang tunay na mukha ng Diyos—ito ang pagsasarang kilos ng Aking plano sa pamamahala, ang huling yugto ng Aking gawa. Kaya Ko sinasabi sa inyo ang lahat ng misteryo ng buhay nang maaga, upang lahat kayo ay maaaring tanggapin ito mula sa Akin. Dahil ito ay ang gawa sa huling panahon, dapat Kong sabihin sa inyo lahat ang katotohanan ng buhay na hindi ninyo pa nalaman noon, kahit na hindi niyo maunawaan ang mga ito at hindi kayang dalhin ang mga ito, dahil kayo ay masyadong kulang at walang paghahanda. Gusto Kong wakasan ang Aking gawa, upang matapos ang lahat ng Aking kinakailangan na gawa, at upang ipaalam sa inyo nang ganap ang kinakailangan ninyong gawin, baka kayo muli ay maligaw at maniwala sa panlilinlang ng kasamaan kapag dumating ang kadiliman. Maraming mga paraan na higit sa inyong pang-unawa, maraming mga bagay na hindi niyo maintindihan. Kayo ay masyadong mang-mang. Alam Ko ang inyong tayog at gayundin ang inyong mga pagkukulang. Samakatuwid, kahit na maraming salita na hindi ninyo kayang maintindihan, nais Ko pa rin sabihin sa inyo ang lahat ng mga katotohanang ito na hindi niyo pa kailanman naririnig—dahil lagi Akong nababahala kung, sa inyong kasalukuyang tayog, magagawa ninyong maging patotoo para sa Akin. Hindi sa minamaliit Ko kayo. Kayong lahat ay mga hayop na hindi dumaan sa Aking pormal na pagsasanay, at ito ay tunay na nakapagdududa kung gaano kalaki ang kapurihan na nasa sa inyo. Kahit na Ako ay naggugol ng napakaraming enerhiya sa inyo, ngunit tila walang positibong elemento ang nabubuhay sa inyo, habang ang negatibong elemento ay maaaring bilangin sa mga daliri at nakatuon lamang sa mga patotoo sa kahihiyan ni Satanas. Halos lahat ng bagay sa inyo ay lason ni Satanas. Nakatingin kayo sa Akin na mistulang lampas kayo sa kaligtasan. Kaya, ang mga bagay kung nasaan ang mga ito ngayon, tumingin Ako sa inyong iba’t ibang pagkilos, at sa wakas nalaman Ko ang inyong tunay na tayog. Kaya Ako ay patuloy na nababahala sa inyo: Umalis siya upang mabuhay sa kanyang sarili, ang kalalabasan ng tao ay magiging maayos kaysa o maihahambing sa kung ano siya ngayon? Hindi ba kayo nababalisa sa inyong mababang tayog? Maaari ba kayong maging tulad ng mga piniling tao ng Israel, tapat sa Akin at Akin lamang sa lahat ng pagkakataon? Ang inyong ipinapakita ay hindi ang harot ng mga bata sa paningin ng kanilang mga magulang, ngunit ang kalupitang lumalabas sa hayop kapag sila ay malayo sa hagupit ng kanilang amo. Dapat ninyong malaman ang inyong mga kalikasan, gayundin din ang kahinaan sa lahat ng inyong ibinabahagi, ang inyong karaniwang sakit. Kaya ang Akin lamang pangaral sa inyo ngayon ay maging patotoo para sa Akin. Huwag kailanman sa anumang pangyayari hayaan ang lumang sakit na muling sumiklab. Ang pinaka-mahalagang bagay ay magbigay ng pagpapatotoo. Iyan ang sentro ng Aking gawa. Dapat ninyong tanggapin ang Aking mga salita tulad ng pagtanggap ni Maria sa paghahayag ni Jehova sa kanyang panaginip, na may pananampalataya at gayon din ang pagsunod. Tanging ito ang kuwalipikado bilang pagiging malinis. Dahil kayo ang madalas nakaririnig ng Aking mga salita, ang Aking mga pinaka-pinagpala. Binibigay Ko sa inyo ang lahat ng Aking mga mahalagang pag-aari, ibinibigay nang ganap ang lahat sa inyo. Ang inyong katayuan at ng mga anak ng Israel, gayunpaman, ay higit na magkaiba, ganap na magkahiwalay na mundo. Ngunit kung ikukumpara sa kanila, kayo ay tumatanggap nang marami. Habang gipit silang naghihintay sa Aking pagpapakita, gumugugol kayo ng kaaya-ayang araw kasama Ako, nakikibahagi ng Aking mga kayamanan. Sa pamamagitan ng paghahambing, ano ang nagbibigay sa inyo ng karapatang magputak at makipagbangayan sa Akin at humingi ng bahagi ng Aking pag-aari? Hindi ba kayo nakakatanggap nang sapat? Binigyan kayo nang sobra, ngunit ang isinukli niyo sa Akin ay nakadudurog sa pusong kalungkutan at pagkabalisa at hindi mapigil na sama ng loob at kawalang-kasiyahan. Kayo ay masyadong karima-rimarim, at pumupukaw rin kayo ng awa. Kaya’t Ako ay walang pagpipilian kung hindi lunukin lahat ng Aking sama ng loob at magpasubali nang paulit-ulit. Sa mahigit ilang libong taon ng trabaho, hindi Ako nagdala ng anumang mga pagtutol sa sangkatauhan noon dahil Ako ay may natuklasan sa kasaysayan ng pag-unlad ng sangkatauhan, tanging ang mga panlilinlang lamang sa inyo ang pinaka-kilala. Sila ay tulad ng mahalagang mga mana na iniwan sa iyo sa pamamagitan ng mga sikat na “ninuno” ng unang panahon. Talagang galit Ako sa mga mas mababa kaysa sa baboy at aso. Kayo ay walang konsiyensya! Ang inyong karakter ay masyadong mababa! Ang inyong puso ay masyadong matigas! Kung kinuha Ko ang mga salita Ko at Aking mga gawa sa Israel, matagal Ko na dapat nakamit ang kaluwalhatian. Ngunit hindi gayon sa inyo. Sa inyo mayroon lamang malupit na kapabayaan, ang inyong malamig na balikat, at ang inyong mga palusot. Kayo ay walang pakiramdam at masyadong walang halaga!