Heyi Siyudad ng Zhuanghe, Lalawigan ng Liaoning
Kapo-promote pa lang sa akin para gampanan ang responsibilidad bilang pinuno ng iglesia. Ngunit matapos ang isang yugto ng mahirap na gawain, hindi lamang halos mawalan ng buhay ang gawain ng pag-eebanghelyo ng iglesia, ngunit ang lahat ng kapatid ko na nasa pangkat ng pag-eebanghelyo ay namumuhay sa negatibo at kahinaan. Nahaharap sa ganitong sitwasyon, hindi ko na mapigilan pa ang mga nararamdaman ko. Paano ko kaya magagawang magtrabaho para pasiglahin ang gawain ng pag-eebanghelyo? Pagkatapos guluhin ang utak ko, sa wakas ay nakaisip ako ng isang magandang solusyon: Kung magdaos ako ng buwanang seremonya ng parangal para sa pangkat ng pag-eebanghelyo at pumili ng mga natatanging indibiduwal at huwaran na mga tagapangaral, ang sinumang makahikayat ng maraming kaluluwa para sa Diyos ay gagantimpalaan, at ang sinumang makahikayat ng kakaunting kaluluwa ay pagsasabihan. Hindi lamang nito pupukawin ang kanilang interes, ngunit pasisiglahin din nito ang negatibo at mahihinang mga kapatid. Nang naisip ko ito, nasabik ako nang husto para sa “matalinong ideya” kong ito. Naisip ko: “Sa pagkakataong ito’y hahanga ang lahat sa akin.”