Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Okt 4, 2017

Kidlat ng Silanganan | Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos

Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos

Kidlat ng Silanganan | Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos

  Ngayon, sa inyong paghanap sa pag-ibig at pagkilala sa Diyos, sa isang banda dapat ninyong tiisin ang hirap at pagpipino, at sa ibang banda, kailangan ninyong magbigay ng kabayaran. Walang leksiyon na mas malalim kaysa sa turo ng maibiging Diyos, at maaaring sabihing ang leksiyong natututunan ng mga tao sa panghabambuhay na paniniwala ay kung paano mahalin ang Diyos. Na ang ibig sabihin, kung naniniwala ka sa Diyos dapat mong mahalin ang Diyos. Kung ikaw lamang ay naniniwala sa Diyos ngunit hindi mo Siya minamahal, hindi pa nakamtan ang pagkilala sa Diyos, at hindi kailanman nagmahal sa Diyos nang tunay na pagmamahal na mula sa loob ng iyong puso, sa gayon ang iyong paniniwala sa Diyos ay walang saysay; kung, sa iyong paniniwala sa Diyos, hindi mo mahal ang Diyos, ikaw ay nabubuhay nang walang kabuluhan, at ang iyong buong buhay ay ang pinakamababa sa lahat ng mga buhay. Kung, sa kabuuan ng iyong buong buhay, hindi mo kailanman inibig o napasaya ang Diyos, sa gayon ano ang saysay ng iyong pamumuhay? At ano ang saysay ng iyong paniniwala sa Diyos? Hindi ba iyon isang pag-aaksaya ng pagsisikap? Na ang ibig sabihin, kung ang mga tao ay maniniwala sa at iibigin ang Diyos, dapat silang magbigay kabayaran. Sa halip na subuking kumilos sa isang tiyak na paraang panlabas, dapat nilang hanapin ang tunay na pag-unawa sa kailaliman ng kanilang mga puso. Kung ikaw ay masigasig tungkol sa pag-awit at pagsayaw, ngunit hindi maisagawa ang pagpapatupad ng katotohanan, maaari bang sabihing ikaw ay umiibig sa Diyos? Ang pag-ibig sa Diyos ay nangangailangan ng paghahanap sa kalooban ng Diyos sa lahat ng mga bagay, at iyong siyasating mabuti sa kalooban kapag may anumang nangyari sa iyo, subukang maunawaan ang kalooban ng Diyos, at subukang makita kung ano ang kalooban ng Diyos sa bagay na ito, kung ano ang nais Niya na iyong makamit, at kung paano ka dapat palaisip sa Kanyang kalooban. Halimbawa: May nangyaring kailangan mong pagtiisan ang hirap, sa panahong dapat mong maunawaan kung ano ang kalooban ng Diyos, at kung paano ka dapat umunawa sa Kanyang kalooban. Hindi ka dapat magpakasasa ng iyong sarili: Isantabi muna ang iyong sarili. Wala nang mas kasukla-suklam kaysa sa katawang-tao. Kailangan mong magsikap na mapasaya ang Diyos, at dapat tumupad sa iyong tungkulin. Sa gayong saloobin, ang Diyos ay magdadala ng espesyal na kaliwanagan sa inyo sa bagay na ito, at ang inyong puso ay makakahanap din ng kaginhawaan. Ito man ay malaki o maliit, kapag may isang bagay na nangyayari sa inyo, dapat ninyo munang ilagay ang inyong sarili sa isang tabi at ituring ang katawang-tao bilang pinakamababa sa lahat ng bagay. Sa higit mong pagbibigay kasiyahan sa iyong katawang-tao, mas higit na pagpapalaya ang kailangan; kung ito ay iyong bibigyang kasiyahan sa oras na ito, ito ay hihingi nang higit pa sa susunod na pagkakataon, at habang ito ay nagpapatuloy, lalo mong gugustuhin ang katawang-tao. Ang katawang-tao ay laging mayroong labis na pagnanais, ito ay palaging naghahangad na masiyahan, at ito ay iyong binibigyang kasiyahang panloob, maging ito man ay sa mga bagay na iyong kinakain, iyong mga sinusuot, o sa labis na pagtustos nang higit sa kaya, o pagbuyo sa iyong sariling mga kahinaan at katamaran.… Ang lalo mong pagbibibigay kasiyahan sa katawang-tao, mas lalong lumalaki ang pagnanais nito, at mas nagpapakasasa ang katawang-tao, hanggang sa ito ay dumating sa punto na ang katawang-tao ay magkimkim ng mas malalim na mga paniniwala, at sumuway sa Diyos, at purihin ang kanyang sarili, at maging mapagduda tungkol sa gawa ng Diyos. Ang lalo mong pagbibigay kasiyahan sa katawang-tao, mas lumalaki ang kahinaan ng katawang-tao; palagi mong mararamdaman na walang sinumang nakikisimpatiya sa iyong mga kahinaan, lagi kang maniniwalang sumusobra na ang Diyos, at sasabihin mong: Paano ba naging sobrang malupit ang Diyos? Bakit hindi Niya bigyang espasyo ang mga tao? Kapag ang mga tao ay masyadong nahumaling sa katawang-tao, at minahal ito nang sobra, doon ay pinatatalo nila ang kanilang mga sarili. Kung ikaw ay tunay na umiibig sa Diyos, at hindi pinasasaya ang katawang-tao, makikita mo roon na ang lahat ng bagay na ginagawa ng Diyos ay karapat-dapat, at napakabuti, at ang Kanyang sumpa sa iyong paghihimagsik at pasya sa iyong kabaluktutan ay naaangkop. Magkakaroon ng panahon na ikaw ay parurusahan at didisiplinahin ng Diyos, at bubuo ng kapaligiran na magpapakumbaba sa iyo, pipilit sa iyo na lumuhod sa Kanya—at lagi mong mararamdamang ang ginagawa ng Diyos ay kahanga-hanga. Kaya iyong mararamdamang parang hindi masyadong masakit, at ang Diyos ay talagang kaibig-ibig. Kung ikaw ay matatangay sa mga kahinaan ng katawang-tao, at sabihing sumusobra na ang Diyos, ikaw ay laging makararamdam nang nasasaktan, at palaging malulumbay, at ikaw ay malalabuan sa lahat ng gawa ng Diyos, at mukhang ang Diyos ay hindi man lang nakikiramay sa mga kahinaan ng tao, at hindi batid ang mga paghihirap ng tao. At sa gayon ikaw ay makakaramdam ng kalungkutan at pag-iisa, na para bang ikaw ay nagdurusa nang higit na kawalang-katarungan, at sa oras na ito ikaw ay magsisimulang magreklamo. Ang iyong higit na pagpapabuyo sa mga kahinaan ng katawang-tao sa paraang ito, lalo mong mararamdaman na sumusobra ang Diyos, hanggang sa ito ay lumala at iyo nang itanggi ang gawa ng Diyos, at magsimulang sumalungat sa Diyos, at maging puno ng pagsuway. Kaya, dapat mong labanan ang laman, at hindi magpatangay dito: Ang iyong asawang lalaki, asawang babae, mga anak, mga inaasam, pag-aasawa, pamilya—walang mahalaga sa kanila! Kailangan mo ng ganitong kapasyahan: “Sa aking puso ay may isang Diyos lamang, at aking marapat na subukan ang aking pinakamahusay upang masiyahan ang Diyos, at hindi sumunod sa katawang-tao.” Kung iyo palaging taglay ang nasabing pasya, at kapag isinabuhay mo ang katotohanan, at inilagay ang iyong sarili sa isang tabi, magagawa mo ito nang may kaunting pagsisikap. Nasabi na noon ay may isang magsasakang nakakita ng ahas sa kalsada na matigas na matigas. Pinulot ito ng magsasaka at inilagay ito sa ng dibdib, at matapos na mabuhay ang ahas ay tinuklaw nito ang magsasaka hanggang mamatay. Ang katawang-tao ay tulad ng ahas: Ang diwa nito ay upang makapinsala sa kanilang buhay—at kapag ganap na nitong makuha ang gusto, naiwala mo ang iyong buhay. Ang katawang-tao ay pagmamay-ari ni Satanas. Sa loob nito ay mga napakaluhong pagnanais, iniisip lamang nito ang kanyang sarili, nais nitong magtamasa ng kaginhawaan, at magsaya sa paglilibang, magumon sa kakuparan at katamaran, at matapos itong mapasaya sa isang tiyak na yugto, kakainin kayo nito sa bandang huli. Na ang ibig sabihin, kung iyo itong pasasayahin sa oras na ito, sa susunod ito ay hihingi pa nang mas marami. Ito ay laging may mga napakaluhong pagnanais at mga bagong hiling, at nagsasamantala sa iyong pagkabuyo sa katawang-tao at mas lalo mong pahalagahan ito at mamuhay kasama ng mga ginhawa nito—at kung hindi mo ito madadaig, sa bandang huli maiwawala mo ang inyong sarili. Kung ikaw ay magkakamit ng buhay sa harap ng Diyos, at kung ano man ang iyong magiging sukdulang pagtatapos, ay nakasalalay sa kung paano mo isasagawa ang iyong paghihimagsik laban sa laman. Iniligtas ka ng Diyos, at pinili at ikaw ay itinalaga, ngunit kung ngayon ikaw ay walang kagustuhang pasayahin Siya, ikaw ay walang kagustuhang isabuhay ang katotohanan, ikaw ay walang nais na maghimagsik laban sa iyong katawang-tao na may pusong tunay na nagmamahal sa Diyos, sa bandang huli iyong ipapahamak ang iyong sarili, at kaya ikaw ay magtitiis sa sobrang paghihirap. Kung lagi kang nagpapabuyo sa katawang-tao, dahan-dahan kang lalamunin ni Satanas sa kalooban, at iiwanan kang walang buhay, o pakiramdam ng Espiritu, hanggang sa dumating ang araw na ikaw ay ganap nang may madilim na kalooban. Kapag ikaw ay namumuhay sa kadiliman, ikaw ay bihag ni Satanas, ikaw ay mawawalan na ng Diyos, at sa panahong iyon iyong pabubulaanan na kilala mo ang Diyos at iiwanan Siya. Kaya, kung nais mong ibigin ang Diyos, dapat mong pagbayaran ang sakit at magtiis sa hirap. Hindi na kailangan ang panlabas na pagkataimtim at paghihirap, higit na pagbasa at dagdag na pagtakbo; sa halip, dapat mong isang-tabi ang mga bagay sa iyong kalooban: ang magarbong pag-iisip, mga personal na interes, at ang iyong sariling mga konsiderasyon, mga paniniwala at layunin. Iyon ang kalooban ng Diyos.



  Ang pakikitungo ng Diyos sa panlabas na disposisyon ng tao ay isa ring bahagi ng Kanyang gawa; pakikitungo sa panlabas ng tao, hindi normal na sangkatauhan, halimbawa, o sa kanilang mga pamumuhay at gawi, kanilang mga paraan at kaugalian, pati na rin ang kanilang mga panlabas na mga gawain, at kanilang mga pagtaimtim. Ngunit kapag Kanyang hiniling sa mga tao na isagawa ang katotohanan at baguhin ang kanilang pagpapasya, ang pinagtutuonan ay ang mga motibasyon at paniwala nila sa kalooban. Hindi mahirap ang tanging pakikisalamuha sa iyong panlabas na disposisyon; ito ay tulad ng paghingi sa iyong huwag kumain ng mga bagay na iyong nais, na siyang madali. Na siyang humahaplos sa mga pananaw ng iyong kalooban, gayunpaman, hindi madaling talikuran: Kailangan nito labanan ang laman, at pagbayad, at magdusa sa harap ng Diyos. Ganap itong partikular sa mga motibasyon ng mga tao. Mula sa panahon ng kanilang paniniwala sa Diyos hanggang ngayon, ang mga tao ay nagkupkop ng maraming maling motibasyon. Kapag hindi mo isinasagawa ang katotohanan, iyong pakiramdam na lahat ng iyong layunin ay tama, ngunit kapag may nangyari sa iyo, makikita mong maraming mga maling pag-uudyok sa iyong kalooban. Kaya, kapag ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao, nagsasanhi Siya na matanto ng mga ito na maraming mga paniniwala sa kanilang kalooban na humaharang sa kanilang pagkilala sa Diyos. Kapag malaman mong mali ang iyong mga pag-uudyok, kung iyong magagawang itigil ang isinasagawa ayon sa iyong mga paniniwala at motibasyon, at magagawang magpatotoo sa Diyos at panindigan ang iyong posisyon sa lahat ng mangyayari sa iyo, ito ay nagpapatunay na kayo ay tumalima na labanan ang katawang-tao. Kapag ikaw ay lumaban sa laman, tiyak na mayroon isang labanan sa iyong kalooban. Susubukan at hihimukin ka ni Satanas na sumunod dito, susubukan at uutusan ka na sundin ang mga paniwala sa katawang-tao at panindigan ang mga interes ng katawan-tao—ngunit ang salita ng Diyos ay magpapaliwanag at magpapailaw sa iyong kalooban, at sa oras na iyon ay nasa iyo kung susundin ang Diyos o susundin si Satanas. Pagunahing ipinag-utos ng Diyos sa mga tao na isagawa ang katotohanan upang pakitunguhan ang mga bagay sa kalooban ng mga ito, upang harapin ang kanilang mga kaisipan, at kanilang mga paniwala na hindi laan para sa puso ng Diyos. Ginagabayan ng Banal na Espiritu ang kalooban ng mga tao, at ipinapatupad ang Kanyang mga gawa sa kalooban ng mga ito, at sa likod ng lahat ng mga bagay na nangyayari sa labanan: Sa bawat oras na isinasagawa ng mga tao ang katotohanan, o isinasagawa ang pag-ibig ng Diyos, mayroong isang malaking labanan, at kahit na ang lahat ay mukhang maayos sa kanilang katawang-tao, sa kailaliman ng kanilang mga puso, may isang buhay-at-kamatayan na digmaan na, sa katunayan, magpapatuloy—at sa pagtatapos lamang ng matinding labanang ito, matapos ang laganap na pagmuni-muni, maaaring pagpasyahan ang tagumpay o pagkatalo. Hindi niya alam kung tatawa o hihibi. Dahil maraming mali sa motibasyon sa kalooban ng mga tao, o kaya’y dahil karamihan sa gawa ng Diyos ang tuligsa sa kanilang sariling paniniwala, kapag isinagawa ng mga tao ang katotohanan isang malaking labanan ang ginaganap sa likod ng mga eksena. Ang pagsasagawa ng katotohanang ito, sa likod ng mga eksena ang walang humpay na luha ng dalamhati ng mga tao, ang papatak bago tuluyang mapagpasyahan ng kanilang isipan na bigyang kasiyahan ang Diyos. Ito ay dahil sa labanang iyon na nagtitiis ang tao sa paghihirap at pagpipino; ito ang totoong pagdurusa. Kapag ang labanan ay napasaiyo, kung ikaw ay tunay na papanig sa tabi ng Diyos, magagawang mong bigyan ng kasiyahan ang Diyos. Ang pagdurusa sa kurso ng pagsasagawa ng katotohanan ay hindi maiiwasan; kung, kapag kanilang isinagawa ang katotohanan, ang lahat ng nasa kalooban nila ay tama, at hindi na sila kailangan pang gawing perpekto ng Diyos, at hindi magkakaroon ng labanan, at hindi sila magdurusa. Ito ay dahil sa maraming mga bagay sa kalooban ng tao ang hindi akmang gamitin ng Diyos, at karamihan ay mga lumalabang disposisyon ng katawang-tao, na kailangang matutunan ng tao ang leksiyon ng paglaban sa katawang-tao nang mas malalim. Ito ang tinatawag ng Diyos na “paghihirap” na Kanyang hiningi sa tao na ialay sa Kanya. Kapag ikaw ay nakakaranas ng mga paghihirap, magmadali at manalangin sa Diyos: Oh Diyos! Nais kong magbigay-kasiyahan sa Iyo, nais kong tiisin ang sukdol na paghihirap upang makapagbigay-kasiyahan sa Iyong puso, at gaano man kalaki ang mga kabiguang aking makatagpo, ako ay nararapat pa ring magbigay-kasiyahan sa Iyo. Kahit na ibigay ko pa ang aking buong buhay, nararapat pa rin akong magbigay-kasiyahan sa Iyo! Sa ganitong panata, sa iyong pananalangin kung gayon magagawa mong panindigan ang iyong testimonya. Sa bawa’t sandali na kanilang isinasagawa ang katotohanan, sa bawa’t oras na sumasailalim sila sa mga pagsubok, sa bawa’t oras na sila ay sinusubok, at sa bawa’t oras na ang gawa ng Diyos ay dumarating sa kanila, nagtitiis ang mga tao ng matinding sakit. Ang lahat ng ito ay isang pagsubok para sa mga tao, at kaya sa loob nilang lahat ay may isang digmaan. Ito ang aktwal na halagang kanilang binabayaran. Ang pagbabasa nang higit pa ng mga salita ng Diyos at higit na pag-aabala ay parang isang kabayaran. Ito ang nararapat gawin ng mga tao, ito ay ang kanilang tungkulin, at ang pananagutan na dapat nilang tuparin, nguni’t dapat na isantabi ng mga tao yaong nasa loob nila na kailangang maisantabi. Kung hindi, kung gayon gaano man kalaki ang iyong panlabas na pagdurusa, at gaano man katindi ang iyong naging pagsisikap, ang lahat ay mawawalan ng kabuluhan! Na ang ibig sabihin, tanging ang mga pagbabago sa iyong kalooban ang tutukoy kung ang iyong mga panlabas na paghihirap ay may halaga. Kapag ang iyong panloob na disposisyon ay nabago at iyong isinagawa ang katotohanan, kung gayon ang lahat ng iyong panlabas na paghihirap ay magkakamit ng pagsang-ayon ng Diyos; kung walang naging pagbabago sa iyong panloob na disposisyon, kung gayon kahit gaano karaming paghihirap ang iyong tiisin o kung gaano kahigpit ang iyong pagsisikap sa panlabas, walang magiging pagsang-ayon mula sa Diyos—at ang paghihirap na hindi nakumpirma ng Diyos ay walang kabuluhan. Kaya, kung nabibilang ang halaga na iyong ibinayad ay malalaman sa pamamagitan ng kung nagkaroon ng pagbabago sa iyo o hindi, at kung isinagawa mo ba ang katotohanan o hindi at lumalaban sa sarili mong mga motibasyon at mga pagkaintindi upang makamit ang kasiyahan ng kalooban ng Diyos, ang pagkilala sa Diyos, at katapatan sa Diyos. Kahit gaano man ang iyong pag-aabala, kung hindi ka pa kailanman lumaban sa iyong sariling mga motibasyon, naghahanap lamang ng panlabas na mga aksyon at pagkataimtim, at hindi kailanman nagbibigay-pansin sa iyong buhay, kung gayon ang iyong paghihirap ay walang kabuluhan. Kung, sa isang tiyak na kapaligiran, mayroon kang nais sabihin, nguni’t sa iyong kalooban ramdam mo na ito ay hindi tama, na ito ay hindi makabubuti sa iyong mga kapatid na lalaki at babae, at maaaring makapanakit sa kanila, kung gayon hindi mo ito sasabihin, pipiliing tahimik na masaktan, sapagka’t hindi kaya ng mga salitang ito ang pagbibigay-kasiyahan sa kalooban ng Diyos. Sa oras na ito, magkakaroon ng paglalaban sa iyong kalooban, nguni’t ikaw ay magiging handang magdusa ng sakit at bumitaw sa iyong iniibig, magiging handa kang tiisin ang pagdurusa upang masiyahan ang Diyos, at bagaman ikaw ay panloob na magdurusa ng sakit, hindi ka magpapadala sa laman, at ang puso ng Diyos ay nasisiyahan, at ikaw rin ay malulubag sa kalooban. Ito ang tunay na pagbabayad ng halaga, at ang halaga na ninanais ng Diyos. Kung ikaw ay nagsasagawa sa ganitong paraan, siguradong pagpapalain ka ng Diyos; kung hindi mo makamit ito, kung gayon kahit gaano mo man nauunawaan, o gaano ka kahusay sa pananalita, itong lahat ay para sa wala! Kung, sa landas tungo sa pagmamahal sa Diyos, nagawa mong tumayo sa panig ng Diyos kapag Siya ay nakikipaglaban kay Satanas, at hindi ka bumabalik kay Satanas, sa gayon iyo nang makakamit ang pagmamahal ng Diyos, at ikaw ay makapaninindigan sa iyong testimonya.

  Sa bawa’t hakbang ng paggawa ng Diyos sa kalooban ng mga tao, sa panlabas, mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na parang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panghihimasok ng tao. Nguni’t sa likod ng mga eksena, bawa’t hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pakikipagtawaran na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at humihinging manindigan ang mga tao sa kanilang testimonya sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubukan, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, pumupusta si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay ang mga gawain ng tao, at panghihimasok ng mga tao. Sa likod ng bawa’t hakbang na ginagawa ng Diyos sa inyong kalooban ay pakikipagtawaran ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan. Halimbawa, kung ikaw ay may kiling tungo sa iyong mga kapatid na lalaki at babae, magkakaroon ka ng mga salita na nais mong sabihin—mga salita na sa pakiramdam mo ay nakayayamot sa Diyos—nguni’t magiging mahirap ito para sa iyong kalooban, at sa sandaling ito, magsisimula ang isang paglalaban sa kalooban mo: Magsasalita ba ako o hindi? Ito ang paglalaban. Kaya, sa lahat ng bagay ay may labanan, at kapag may labanan sa iyong kalooban, salamat sa iyong aktwal na kooperasyon at aktwal na pagdurusa ang Diyos ay gumagawa sa iyong kalooban. Sa kasukdulan, sa iyong kalooban makakaya mong ilagay ang pangyayari sa isang tabi at ang galit ay sadyang nawawala. Ganito ang epekto ng iyong pakikipagtulungan sa Diyos. Kailangan ang pagbabayad ng isang tiyak na halaga sa iyong mga pagsisikap sa lahat ng iyong ginagawa. Kung walang aktwal na paghihirap, hindi mo maaaring mapasaya ang Diyos, hindi man lamang ito kalapitan sa pagpapasaya sa Diyos, at ang mga ito ay walang iba kundi walang-laman na mga kasabihan! Maaari bang masiyahan ang Diyos sa mga kasabihang ito na walang-laman? Kapag ang Diyos at si Satanas ay naglalaban sa espirituwal na kinasasaklawan, paano mo dapat pasayahin ang Diyos, at paano ka dapat manindigan sa iyong patotoo sa Kanya? Dapat mong malaman na ang lahat ng nangyayari sa iyo ay isang malaking pagsubok at ang oras na kailangan ka ng Diyos na panindigan ang testimonya. Sa panlabas, ang mga yaon ay hindi mukhang isang malaking bagay, nguni’t kapag ang mga bagay na ito ay nangyayari ipinakikita ng mga yaon kung mahal mo ba o hindi ang Diyos. Kung mahal mo, ikaw ay makakapanindigan sa iyong patotoo sa Kanya, at kung hindi mo isinasagawa ang pag-ibig sa Kanya, ito ay nagpapakitang ikaw ay isang taong hindi nagsasagawa ng katotohanan, na ikaw ay walang katotohanan, at walang buhay, na ikaw ay ipa! Lahat ng bagay na nangyayari sa tao ay kapag kailangan ng Diyos na sila ay manindigan sa kanilang pagpapatotoo sa Kanya. Walang malaking pangyayari sa iyo sa sandaling ito, at hindi ka nagdadala ng dakilang testimonya, nguni’t ang bawa’t detalye ng iyong pang araw-araw na buhay ay kaugnay sa testimonya sa Diyos. Kung kaya mong makamit ang paghanga ng iyong mga kapatid na lalaki at babae, mga miyembro ng iyong pamilya, at lahat ng tao sa iyong paligid; kung, isang araw, dumating ang mga hindi naniniwala, at humanga sa lahat na iyong sinasabi at ginagawa, at makitang ang lahat na ginagawa ng Diyos ay kahanga-hanga, sa gayon ikaw ay nagpatotoo. Kahit wala kang panloob-na-pananaw at ang iyong kalibre ay mababa, sa pamamagitan ng paggawang ganap sa iyo ng Diyos, magagawa mong Siya ay bigyang-kasiyahan at pahalagahan ang Kanyang kalooban. Makikita ng iba kung ano ang dakila Niyang gawa sa mga tao na may pinakamababang kalibre. Dumarating ang mga tao sa pagkakilala sa Diyos, at nagiging mga mandaraig laban kay Satanas at matapat sa Diyos sa isang antas ng lawak. Kaya walang sinuman ang mas magkakaroon ng lakas kaysa sa grupong ito ng mga tao. Ito ang magiging pinakadakilang pagpapatotoo. Kahit na ikaw ay walang kakayahan sa paggawa ng dakilang gawa, makakaya mong bigyang-kasiyahan ang Diyos. Hindi maisasantabi ng iba ang kanilang mga paniniwala, nguni’t kaya mo; ang iba ay hindi kayang magdala ng testimonya sa Diyos sa panahon ng kanilang aktwal na mga karanasan, nguni’t maaari mong gamitin ang iyong aktwal na tayog at mga pagkilos upang suklian ang pagmamahal ng Diyos at magdala ng umuugong na pagpapatotoo sa Kanya. Tanging ito lamang ang mahalaga bilang aktwal na pagmamahal sa Diyos. Kung hindi mo ito kaya, sa gayon hindi ka makapagbibigay ng pagpapatotoo sa mga miyembro ng iyong pamilya, sa iyong mga kapatid na lalaki at babae, o sa harap ng mga tao sa mundo. Kung hindi mo kayang magdala ng pagpapatotoo sa harap ni Satanas, tatawanan ka ni Satanas, ituturing ka nito bilang isang katatawanan, bilang isang laruan, madalas ka nitong lilinlangin, at gagawin kang baliw. Sa hinaharap, maaring dumating sa iyo ang mga malalaking pagsubok—pero ngayon, kung mahal mo ang Diyos nang may tapat na puso, at gaano man kalaki ang mga pagsubok na darating, walang pagsasaalang-alang kung ano ang mangyayari sa iyo, nagawa mong panindigan ang iyong pagpapatotoo, at nagawang pasayahin ang Diyos, doon lulubag ang iyong puso, at hindi ka matatakot gaano man kalaki ang mga pagsubok na iyong makakatagpo sa hinaharap. Hindi ninyo makikita kung ano ang mangyayari sa hinaharap; maaari ninyo lamang pasayahin ang Diyos sa mga kaganapan sa ngayon. Wala kayong kakayahang gumawa ng anumang dakilang gawa, at dapat tumuon sa pagpapasaya sa Diyos sa pagdanas ng Kanyang mga salita sa tunay na buhay, at pagpapakita ng matibay at maugong na pagpapatotoong nagdadala ng kahihiyan kay Satanas. Kahit na mananatili ang iyong katawang-tao na hindi ganap na nasisiyahan at nagdusa, naghatid ka ng kasiyahan sa Diyos at nagdala ng kahihiyan kay Satanas. Kung lagi kang nagsasagawa sa ganitong paraan, ang Diyos ay magbubukas ng isang landas sa harap mo. Kapag, isang araw, dumating ang isang malaking pagsubok, ang iba ay babagsak, nguni’t ikaw ay makatatayo nang matatag: Dahil sa halaga na iyong binayaran, iingatan ka ng Diyos upang ikaw ay matatag na makatayo at hindi babagsak. Kung, karaniwan, ikaw ay mayroong kakayahang isagawa ang katotohanan at mabigyang-kasiyahan ang Diyos na may pusong tunay na nagmamahal sa Kanya, sa gayon tiyak na iingatan ka ng Diyos sa hinaharap na mga pagsubok. Kahit na ikaw ay hangal at mababa ang tayog at mababa ang kalibre, hindi kikiling ang Diyos laban sa iyo. Batay ito sa kung ang iyong mga layunin ay tama. Ngayon, iyong napapasaya ang Diyos, kung saan ikaw ay masigasig sa mga pinakamaliit na detalye, iyong pinalulugod ang Diyos sa lahat ng mga bagay, ikaw ay may isang pusong tunay na nagmamahal sa Diyos, ibinibigay mo ang iyong tunay na puso sa Diyos, at bagama’t may ilang mga bagay na hindi mo maunawaan, maaari kang humarap sa Diyos upang maitama ang iyong mga motibasyon, at hanapin ang kalooban ng Diyos, at iyong gawin ang lahat na kailangan upang bigyang-kasiyahan ang Diyos. Marahil, ang iyong mga kapatid na lalaki at babae ay mang-iiwan sa iyo, nguni’t ang iyong puso ay magpapasaya sa Diyos, at hindi mo pagnanasahan ang mga tawag ng laman. Kung lagi kang magsasagawa sa ganitong paraan, ikaw ay kakanlungin sa panahon ng pagdating ng malalaking mga pagsubok.

  Anong panloob na tayog ng mga tao ang tinututukan ng mga pagsubok na ito? Ang mga ito ay nakatutok sa disposisyong suwail sa mga tao na walang kakayahang magbigay-kasiyahan sa Diyos. Mayroong napakaraming hindi malinis sa kalooban ng tao, at napakaraming mapagkunwari, at kaya isinasailalim sila ng Diyos sa mga pagsubok upang sila’y dalisayin. Ngunit kung, ngayon, iyong nagawang bigyang kasiyahan ang Diyos, sa gayon ang mga pagsubok sa hinaharap ay pagpeperpekto para sa iyo. Kung, ngayon, hindi mo nagagawang bigyan Siya ng kasiyahan, sa gayon ang mga pagsubok sa hinaharap ay tutukso sa iyo, at ikaw ay hindi namamalayang matutumba, at sa oras na iyon hindi mo matutulungan ang iyong sarili, sapagka’t hindi mo kayang tumupad sa mga gawa ng Diyos, at hindi mo taglay ang tunay na tayog. At kaya, kung nais mong makapanindigan sa hinaharap, mabuting pasayahin ang Diyos, at sumunod sa Kanya hanggang sa katapus-tapusan, ngayon ay kailangan mong bumuo ng isang malakas na pundasyon, dapat mong pasayahin ang Diyos sa pagsasabuhay ng katotohanan sa lahat ng mga bagay, at maging maingat sa Kanyang kalooban. Kung lagi kang nagsasagawa sa ganitong paraan, magkakaroon ng pundasyon sa kalooban mo, at pasisiglahin ng Diyos sa iyo ang isang pusong nagmamahal sa Kanya, at magbibigay Siya sa iyo ng pananampalataya. Isang araw, kapag ang isang pagsubok ay tunay na napasaiyo, maaari kang lubos na magdusa ng kaunting sakit, at maramdamang nasasaktan hanggang sa isang tiyak na punto, at magdusa ng nakadudurog na kalungkutan, na parang ikaw ay namatay—nguni’t ang iyong pag-ibig sa Diyos ay hindi magbabago, at magiging mas malalim. Ganyan ang mga pagpapala ng Diyos. Kung iyong magagawang tanggapin ang lahat ng sinasabi ng Diyos at ginagawa ito ngayon nang may isang pusong masunurin, sa gayon ikaw ay tiyak na pagpapalain ng Diyos, at sa gayon ikaw ay magiging isang taong pinagpala ng Diyos, at tumatanggap ng Kanyang pangako. Kung, ngayon, hindi ka nagsasagawa, kapag ang mga pagsubok ay napasaiyo isang araw mawawalan ka ng pananampalataya o mapagmahal na puso, at sa oras na iyon ang pagsubok ay magiging tukso; ikaw ay malulublob sa gitna ng tukso ni Satanas at hindi magkakaroon ng paraan upang makatakas. Ngayon, maaari kang manindigan kapag ang isang maliit na pagsubok ay naipasa sa iyo, nguni’t hindi nangangahulugang magagawa mong manindigan kapag naipasa sa iyo ang isang malaking pagsubok balang araw. Ang ilang tao ay napakataas ang paniniwala sa sarili, at nag-iisip na sila ay malapit nang maging perpekto. Kung hindi ka sisisid nang mas malalim sa nasabing mga pagkakataon, at mananatiling kampante, sa gayon ikaw ay manganganib. Ngayon, ang Diyos ay hindi gumagawa ng malalaking pagsubok, lahat ay tila maayos sa itsura, nguni’t kapag sinusubukan ka ng Diyos, iyong matutuklasang ikaw ay masyadong kulang, dahil ang iyong tayog ay masyadong mababa, at ikaw ay walang kakayanang tiisin ang malalaking pagsubok. Kung, ngayon, hindi ka susulong, kung mananatili ka sa isang lugar, sa gayon babagsak ka sa pagdating ng daluyong. Dapat ninyong tingnan nang madalas kung gaano kababa ang inyong tayog; ito lamang ang magbibigay sa inyo ng progreso. Kung sa mga panahon lamang ng pagsubok mo nakikitang mababa ang iyong tayog, na ang iyong pagpapasya ay napakahina, na tunay na kakaunti lamang sa loob mo ang tunay, at ikaw ay hindi sapat para sa kalooban ng Diyos—at kung doon mo lamang mapagtanto ang mga bagay na ito, ito ay huling-huli na.

  Kung hindi mo alam ang disposisyon ng Diyos, kung gayon ikaw ay tiyak na mahuhulog sa panahon ng mga pagsubok, dahil hindi mo alam kung paano ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao; at sa anong paraan Niya ginagawang perpekto ang mga ito, at kapag dumating ang mga pagsubok ng Diyos sa iyo at hindi sila tumutugma sa iyong mga paniniwala, hindi mo magagawang manindigan. Ang totoong pagmamahal ng Diyos ay ang Kanyang buong disposisyon, at kapag ang buong disposisyon ng Diyos ay ipinakita sa iyo, ano ang dala nito sa iyong katawang-tao? Kapag ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay ipinakita sa iyo, ang iyong katawang-tao ay tiyak na daranas ng matinding pananakit. Kung hindi mo pagdurusahan ang sakit na ito, sa gayon hindi ka maaaring gawing perpekto ng Diyos, at hindi ka rin maaaring mag-ukol ng totoong pagmamahal sa Diyos. Kung ikaw ay ginagawang perpekto ng Diyos, tiyak na ipakikita Niya sa iyo ang Kanyang buong disposisyon. Mula sa panahon ng paglikha hanggang ngayon, hindi pa kailanman ipinakita ng Diyos ang Kanyang buong disposisyon—nguni’t sa mga huling araw Kanyang ibinubunyag ito sa grupong ito ng mga tao na Kanyang itinalaga at pinili, at sa pagpeperpekto sa mga tao Kanyang inilalantad ang Kanyang mga disposisyon, kung saan sa pamamagitan nito ay Kanyang ginagawang ganap ang isang grupo ng mga tao. Ganyan ang tunay na pag-ibig ng Diyos sa mga tao. Ang pagdanas ng tunay na pag-ibig ng Diyos para sa kanila ay nangangailangan sa mga tao na magtiis ng matinding sakit, at magbayad ng isang malaking halaga. Pagkatapos lamang nito na sila ay makakamit ng Diyos at magagawang magsukli ng kanilang tunay na pag-ibig sa Diyos, at doon lamang masisiyahan ang puso ng Diyos. Kung nais ng mga tao na gawin silang perpekto ng Diyos, at kung nais nilang isakatuparan ang Kanyang kalooban, at ganap na ipagkaloob ang kanilang tunay na pag-ibig sa Diyos, dapat nilang maranasan kung gayon ang lalong higit na pagdurusa at maraming mga pasakit mula sa mga pagkakataon, at magdusa ng sakit na masahol pa kaysa kamatayan, sa kasukdulan mapipilitan silang ibigay ang kanilang totoong puso pabalik sa Diyos. Kung mayroon mang tunay na nagmamahal sa Diyos o wala ay nabubunyag sa panahon ng kahirapan at pagpipino. Dinadalisay ng Diyos ang pag-ibig ng mga tao, at ito rin ay nakakamit lamang sa gitna ng paghihirap at pagpipino.

Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Ang pinagmulan:Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Rekomendasyon:

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal

Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong Jesus