Kidlat ng Silanganan | Pag-bigkas ng Diyos | Tanging Yaong Mga Nagtutuon ng Pansin sa Pagsasagawa Ang Maaaring Gawing Perpekto
Sa mga huling araw, ang Diyos ay naging tao upang gawin ang gawain na kailangan Niyang gawin at upang gampanan ang Kanyang ministeryo ng mga salita. Siya ay dumating sa anyong tao upang gumawa sa kalagitnaan ng mga tao sa layuning gawing perpekto yaong mga tao na sumusunod sa Kanyang puso. Mula sa paglikha hanggang sa kasalukuyan ginagawa lamang Niya ang gawain sa panahon ng mga huling araw. Sa panahon lamang ng mga huling araw nagkatawang-tao ang Diyos upang gawin ang gayong kalaking gawain. Bagamat nagtititiis Siya ng mga kahirapan na mahihirapang tiisin ng mga tao, bagamat Siya bilang isang dakilang Diyos ay mayroong kababaang-loob na maging isang karaniwang tao, walang aspeto ng Kanyang gawain ang naantala, at ang Kanyang plano ay hindi itinapon na sa kalituhan kahit kaunti. Ginagawa Niya ang gawain alinsunod sa Kanyang orihinal na plano. Ang isa sa mga layunin ng pagkakatawang-taong ito ay para lupigin ang mga tao. Ang isa pa ay para gawing perpekto ang mga taong Kanyang iniibig. Hinahangad Niya na makita ng Kanyang sariling mga mata ang mga tao na Kanyang ginagawang perpekto, at nais Niyang makita sa Sarili Niya Mismo kung paanong sumaksi para sa Kanya ang mga tao na Kanyang ginagawang perpekto. Hindi iisang tao ang ginawang perpekto, at hindi dalawa. Ito gayunpaman ay, isang grupo ng kakaunting mga tao. Ang grupo ng mga taong ito ay mula sa iba’t-ibang mga bansa sa mundo, at mula sa iba’t-ibang nasyonalidad sa mundo. Ang layunin sa paggawa ng ganito karaming gawain ay para makamit ang grupong ito ng mga tao, upang makamit ang pagiging saksi ng grupo ng mga taong ito para sa Kanya, at para makamit ang kaluwalhatian na nakukuha Niya sa pamamagitan ng grupo ng mga taong ito. Hindi Siya gumagawa ng gawain na walang kabuluhan, ni hindi Siya gumagawa ng gawain na walang halaga. Maaaring sabihin na, sa paggawa ng napakaraming gawain, ang layunin ng Diyos ay upang gawing perpekto ang lahat ng mga iyong hinahangad Niyang gawing perpekto. Sa anumang bakanteng oras na mayroon Siya sa labas nito, aalisin Niya yaong mga masasama. Alamin na hindi Niya ginagawa ang dakilang gawaing ito dahil sa kanilang mga masasama; sa kabaligtaran, ibinibigay Niya ang lahat ng Kanya dahil sa maliit na bilang na mga taong Kanyang gagawing perpekto. Ang gawain na Kanyang ginagawa, ang mga salita na Kanyang sinasabi, ang mga misteryo na Kanyang ibinubunyag, at ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay lahat para sa kapakanan ng maliit na bilang ng mga taong iyon. Hindi Siya naging tao dahil sa mga iyon na masasama, lalong hindi sila nag-uudyok ng malaking pagkapoot sa Kanya. Sinasabi Niya ang katotohanan, at nagsasalita ukol sa pagpasok, dahil sa mga iyon na gagawing perpekto, Siya ay naging tao dahil sa kanila, at dahil sa kanila kaya Niya ipinagkakaloob ang Kanyang mga pangako at mga pagpapala. Ang katotohanan, pagpasok, at buhay sa pagkatao na Kanyang sinasabi ay hindi para sa kapakanan nilang mga masasama. Nais Niyang umiwas makipag-usap sa mga iyon na masasama, at hinahangad na ipagkaloob ang lahat ng mga katotohanan sa mga iyon na gagawing perpekto. Subalit kinakailangan ng Kanyang gawain na, pansamantala, yaong masasama ay tutulutang matamasa ang ilan sa Kanyang mga kayamanan. Yaong mga hindi ipinatutupad ang katotohanan, na hindi napalulugod ang Diyos, at gumagambala sa Kanyang gawain ay masasamang lahat. Hindi sila maaaring gawing perpekto, at kinasusuklaman at itinatakwil ng Diyos. Sa kabilang banda, ang mga tao na isinasagawa ang katotohanan at kayang mapalugod ang Diyos at ginugugol ang kanilang buong mga sarili sa gawain ng Diyos ay ang mga tao na gagawing perpekto ng Diyos. Yaong mga hinahangad ng Diyos na maging ganap ay walang iba kung hindi ang grupong ito ng mga tao, at ang gawain na ginagawa ng Diyos ay para sa kapakanan ng mga taong ito. Ang katotohanan na Kanyang sinasabi ay nakatuon tungo sa mga tao na nakahanda sa pagsasagawa. Hindi Siya nakikipag-usap sa mga tao na hindi isinasagawa ang katotohanan. Ang pagdaragdag ng kabatiran at paglago ng pagkakilala na Kanyang sinasabi ay nakatuon sa mga tao na kayang ipatupad ang katotohanan. Kapag Siya ay nagsasalita tungkol sa mga iyon na gagawing perpekto Siya ay nagsasalita tungkol sa mga taong ito. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay nakatuon tungo sa mga tao na makapagsasagawa sa katotohanan. Ang mga bagay kagaya ng pagmamay-ari ng karunungan at pagkakaroon ng pagkatao ay nakatuon tungo sa mga tao na nakahandang isagawa ang katotohanan. Yaong mga hindi ipatutupad ang katotohanan ay maaaring makarinig ng maraming mga katotohanan at maaaring makaunawa ng maraming mga katotohanan, ngunit dahil sila ay nabibilang sa masasamang tao, ang katotohanan na kanilang nauunawaan ay nagiging mga doktrina at mga salita lamang, at walang kahalagahan para sa pagbabago ng kanilang disposisyon o para sa kanilang mga buhay. Walang sinuman sa kanila ang tapat sa Diyos; silang lahat ay mga taong nakikita ang Diyos ngunit hindi nila Siya maaaring makamit, at lahat ay hinatulan ng Diyos.
Ang Banal na Espiritu ay mayroong isang landas na lalakaran sa bawat tao, at nagbibigay sa bawat tao ng mga pagkakataon na maging perpekto. Sa pamamagitan ng iyong pagiging negatibo nagagawa mong malaman ang iyong sariling katiwalian, at sa gayon sa pamamagitan nang pagtapon sa pagiging negatibo makasusumpong ka ng landas sa pagsasagawa, at ito ang pagka-perpekto sa iyo. Karagdagan pa, sa pamamagitan ng patuloy na paggabay at pagbibigay-liwanag ng ilang positibong mga bagay sa loob mo, aktibo mong matutupad ang iyong tungkulin at susulong sa kabatiran at magtatamo ng pagkakilala. Kapag ang iyong mga kalagayan ay mabuti, ikaw ay espesyal na nahahandang basahin ang salita ng Diyos, at espesyal na nahahandang manalangin sa Diyos, at maaaring iugnay mo ang mga sermon na iyong naririnig sa iyong sariling mga kalagayan. Sa gayong mga panahong pinagliliwanag at iniilawan ka ng Diyos sa loob mo, ipinaiisip sa iyo ang ilang mga bagay ng positibong aspeto. Ito ang pagka-perpekto sa iyo sa positibong aspeto. Sa mga negatibong estado, ikaw ay mahina at negatibo, at nararamdaman na hindi mo taglay ang Diyos, ngunit binibigyang-liwanag ka ng Diyos, tinutulungan ka na makahanap ng isang landas na isasagawa. Lalabas dito ang pagtatamo ng pagka-perpekto sa negatibong aspeto. Maaaring gawing perpekto ng Diyos ang tao sa parehong positibo at negatibong mga aspeto. Nakasalalay ito kung nagagawa mong makaranas, at sa kung hinahangad mo na gawing perpekto ng Diyos. Kung tunay mong hinahangad na gawing perpekto ng Diyos, kung gayon ang negatibo ay hindi ka magagawang maghirap sa kapinsalaan, ngunit makapagdadala sa iyo ng mga bagay na mas totoo, at lalo mong magagawang malaman kung ano ang kulang sa iyo, mas lalong magagawang makarating sa pagkaunawa sa iyong sariling mga kalagayan, at makita na ang tao ay walang taglay na anuman, at walang anuman; kung hindi mo mararanasan ang mga pagsubok, hindi mo alam, at palaging mararamdaman na ikaw ay nasa ibabaw ng iba at mas mahusay kaysa sa lahat. Sa lahat ng ito makikita mo na ang lahat ng dumating noong una ay ginawa ng Diyos at protektado ng Diyos. Ang pagpasok sa mga pagsubok ay iniiwan kang walang pag-ibig o pananampalataya, nagkukulang ka sa panalangin, at hindi nagagawang umawit ng mga himno—at, nang hindi ito namamalayan, sa kalagitnaan nito makararating ka sa pagkaalam sa iyong sarili. Ang Diyos ay maraming mga pamamaraan sa pag-perpekto sa tao. Ginagamit Niya ang lahat ng paraan ng mga kapaligiran upang makitungo sa tiwaling disposisyon ng tao, at gumagamit ng iba’t-ibang mga bagay upang ilantad ang tao; sa isang pagsasaalang-alang nakikitungo Siya sa tao, sa isa pa inilalantad Niya ang tao, at sa isa pa ibinubunyag Niya ang tao, hinuhukay at ibinubunyag ang “mga misteryo” sa kaibuturan ng puso ng tao, at ipinakikita sa tao ang kanyang kalikasan sa pamamagitan ng pagbubunyag sa kanyang maraming mga kalagayan. Ginagawang perpekto ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng maraming mga pamamaraan—sa pamamagitan ng pagbubunyag, pakikitungo, pagpipino, at pagkastigo—para maunawaan ng tao na ang Diyos ay praktikal. Ano ang hinahangad ninyo ngayon? Maaaring para gawing perpekto ng Diyos, upang makilala ang Diyos, upang makamit ang Diyos, o ito ang estilo ng isang dekada nobenta na si Pedro, o magkaroon ng pananampalataya na higit na dakila kaysa ng kay Job. Maaari kayong maghanap nang napakarami, maging paghahanap man na tawaging matuwid ng Diyos at makarating sa harapan ng trono ng Diyos, o magawang maipahayag ang Diyos sa lupa at maging matatag at matunog na saksi para sa Diyos. Anuman ang iyong hinahanap, sa pangkalahatan, ito ay para sa kapakanan ng plano sa pamamahala ng Diyos. Kahit na naghahanap ka na maging isang taong matuwid, o hinahanap mo ang estilo ni Pedro, o ang pananampalataya ni Job, o upang gawing perpekto ng Diyos, anuman ang iyong hinahanap, sa kabuuan, ang lahat ng ito ay gawain ng Diyos. Sa ibang pananalita, maging anuman ang iyong hinahanap, lahat ito ay para sa kapakanan ng pagiging perpekto sa iyo ng Diyos, lahat ito ay para sa kapakanan ng pagdanas sa salita ng Diyos, upang mapalugod ang puso ng Diyos; lahat ito ay para sa kapakanan nang pagkakatuklas sa kagandahan ng Diyos, lahat ito ay para sa paghahanap ng isang landas upang isagawa sa tunay na karanasan na may layunin na magawang itapon ang iyong sariling mapanghimagsik na disposisyon, pagtatamo ng isang kalagayan sa loob ng iyong sarili, magawang lubos na sumunod sa kalooban ng Diyos, upang maging isang taong tama, at upang magkaroon ng tamang motibo sa lahat ng iyong gagawin. Ang dahilan sa pagdanas mo sa lahat ng mga bagay na ito ay upang makarating sa pagkilala sa Diyos at pagtatamo ng paglago sa buhay. Bagamat ang iyong nararanasan ay salita ng Diyos, at ang iyong nararanasan ay totoong mga pangyayari, ang mga tao, mga usapin, at mga bagay sa iyong mga kapaligiran, sa huli ay magagawa mong makilala ang Diyos at magiging perpekto ng Diyos. Upang hangarin na lakaran ang landas ng isang taong matuwid o hangaring isagawa ang salita ng Diyos, ang mga ito ay ang daanan. Ang pagkilala sa Diyos at ang gawing perpekto ng Diyos ay ang hantungan. Hangarin mo man ngayon ang pagiging perpekto ng Diyos, o upang maging saksi para sa Diyos, sa kabuuan, sa bandang huli ito ay upang makilala ang Diyos; ito ay upang ang gawain na Kanyang ginagawa sa inyo ay hindi walang kabuluhan, upang sa wakas makarating ka sa pagkaalam sa katotohanan ng Diyos, upang malaman ang Kanyang kadakilaan, lalong higit na malaman ang kababang-loob at pagiging tago, at upang malaman ang maraming gawain na ginagawa ng Diyos sa iyo. Ginawang mababa ng Diyos ang Kanyang Sarili sa isang partikular na antas, upang gawin ang Kanyang gawain sa kanilang marurumi at tiwaling mga tao, at upang gawing perpekto ang grupo ng mga taong ito. Ang Diyos ay hindi naging tao lamang upang mamuhay at kumain sa gitna ng mga tao, upang magpastol sa mga tao, upang tustusan kung ano ang pangangailangan ng mga tao. Ang higit na mahalaga ay ginagawa Niya ang Kanyang napakalaking gawain ng pagliligtas at paglupig sa mga hindi mapagtitiisang tiwaling mga tao. Siya ay dumating sa puso ng dakilang pulang dragon upang gumawa sa pinakatiwaling mga taong ito, para lahat ng mga tao ay maaaring baguhin at gawing bago. Ang napakalaking paghihirap na binabata ng Diyos ay hindi lamang ang paghihirap na binabata ng Diyos na nagkatawang-tao, ngunit pangunahin na ang Espiritu ng Diyos ay naghihirap nang labis na kahihiyan—pinababa Niya at itinago ang Kanyang Sarili nang husto na Siya ay nagiging isang karaniwang tao. Ang Diyos ay nagkatawang-tao at kinuha ang anyo ng laman upang makita ng mga tao na mayroon Siyang isang normal na buhay ng isang tao, at taglay Niya ang normal na mga pangangailangan ng tao. Ito ay sapat na upang patunayanna ginawang mababa ng Diyos ang Kanyang Sarili sa isang partikular na antas. Ang Espiritu ng Diyos ay natupad sa katawang-tao. Ang Kanyang Espiritu ay napakataas at dakila, subalit kinuha Niya ang anyo ng isang karaniwang tao, ng isang bale-walang tao upang gawin ang gawain ng Kanyang Espiritu. Ipinakikita ng kakayahan, kabatiran, katuturan, pagkatao, at mga buhay ng bawat isa sa inyo na hindi talaga kayo karapat-dapat na tanggapin ang ganitong uri ng gawain ng Diyos. Kayo ay talagang hindi karapat-dapat na hayaan ang Diyos na tiisin ang gayong paghihirap para sa inyong kapakanan. Ang Diyos ay napakadakila. Siya ay totoong kataas-taasan, at ang mga tao ay napakasama at mababang-uri, ngunit gumagawa pa rin Siya sa gitna nila. Hindi lamang Siya nagkatawang-tao upang maglaan para sa mga tao, para magsalita sa mga tao, namuhay pa Siyang kasama ang mga tao. Ang Diyos ay totoong mababa ang loob, totoong kaibig-ibig. Kung sa sandaling mabanggit ang pag-ibig ng Diyos, sa sandaling mabanggit ang biyaya ng Diyos, ikaw ay lumuluha habang ikaw ay bumibigkas ng dakilang papuri, kung makakarating ka sa kalagayang ito, kung gayon ay mayroon kang tunay na kaalaman ukol sa Diyos.
Mayroong isang paglihis sa paghahangad ng mga tao sa kasalukuyan; hinahangad lamang nila na ibigin ang Diyos at mapalugod ang Diyos, ngunit wala silang taglay na anumang kaalaman ukol sa Diyos, at napabayaan na ang pagliliwanag at pag-iilaw ng Banal na Espiritu sa loob nila. Wala silang taglay na tunay na kaalaman ukol sa Diyos bilang saligan. Sa ganitong paraan nawawalan sila ng lakas habang ang kanilang karanasan ay sumusulong. Lahat ng iyon na naghahangad na magkaroon ng tunay na kaalaman sa Diyos, ang uri ng tao na noong nakaraan ay wala sa mabuting mga kalagayan, na nakahiligan ang pagka-negatibo at kahinaan, na madalas lumuluha, nahulog sa kawalan ng pag-asa, at naging bigo; ang gayong mga tao ngayon ay nasa lalong lumalaking mas mainam na mga kalagayan yamang nagtataglay sila nang mas marami karanasan. Pagkatapos ng isang karanasan ng pinakitunguhan at nasira, o nagdaraan sa isang kabanata nang pagpipino, sila ay nakakagawa na ng malaking pagsulong. Ang gayong mga kalagayan ay hindi nakikitang darating sa kanila muli, ang kanilang mga disposisyon ay nagbago, at ang pag-ibig ng Diyos ay isinasabuhay sa kanila. Mayroong isang patakaran sa pagka-perpekto ng Diyos sa mga tao, na kung saan nililiwanagan ka Niya sa pamamagitan ng paggamit ng isang kaibig-ibig na bahagi mo upang magkaroon ka ng landas na isasagawa at makakayang ihiwalay ang sarili mo mula sa lahat ng mga negatibong kalagayan, tinutulungan ang iyong espiritu na matamo ang kalayaan, at gagawin kang mas may kakayanang mahalin Siya. Sa ganitong paraan magagawa mong itapon ang tiwaling disposisyon ni Satanas. Ikaw ay walang kasanayan at bukas, nakahandang makilala ang sarili mo, at nakahandang isagawa ang katotohanan. Nakikita ng Diyos na ikaw ay nakahandang makilala ang sarili mo at nakahandang isagawa ang katotohanan, kaya kapag ikaw ay mahina at negatibo, liliwanagan ka Niya ng doble, tutulungan kang makilala ang sarili mo nang higit pa, magiging mas handang magsisi para sa sarili mo, at lalong maisasagawa ang mga bagay na dapat mong isagawa. Tanging sa ganitong paraan magiging payapa ay maginhawa ang iyong puso. Ang isang tao na karaniwan nang nagtutuon ng pansin sa pagkilala sa Diyos, na nagtutuon ng pansin sa pagkilala sa sarili niya, na nagtutuon ng pansin sa kanyang sariling pagsasagawa ay madalas na makakatanggap ng gawain ng Diyos, upang madalas na tanggapin ang paggabay at pagliliwanag mula sa Diyos. Bagamat nasa isang negatibong kalagayan, nagagawa niyang bumwelta kaagad, maging ito man ay dahil sa pagkilos ng konsiyensya o sanhi ng pagliliwanag mula sa salita ng Diyos. Ang pagbabago sa disposisyon ng isang tao ay palaging natatamo kapag nalalaman niya ang kanyang totoong kalagayan at nalalaman ang disposisyon at gawain ng Diyos. Ang isang tao na nakahandang kilalanin ang sarili niya at nakahandang buksan ang sarili niya ay magagawang ipatupad ang katotohanan. Ang ganitong uri ng tao ay isang tao na tapat sa Diyos, at ang isang tao na tapat sa Diyos ay mayroong pagkaunawa ukol sa Diyos, maging ito man ay malalim o mababaw, kakaunti o sagana. Ito ang pagkamakatwiran ng Diyos, at ito ay isang bagay na matatamo ng mga tao, ito ang kanilang sariling pakinabang. Ang taong mayroong kaalaman ukol sa Diyos ay isa na mayroong isang batayan, na mayroong pananaw. Ang ganitong uri ng tao ay nakakatiyak tungkol sa katawang-tao ng Diyos, at nakakatiyak tungkol sa salita ng Diyos, at nakakatiyak tungkol sa gawain ng Diyos. Hindi alintana kung paano man gumagawa o nagsasalita ang Diyos, o kung paano nagiging sanhi ng kaguluhan ang ibang mga tao, siya ay makapaninindigan, at nakakatayong saksi para sa Diyos. Habang lalong higit na nagiging ganito ang isang tao lalo niyang maipatutupad ang katotohanan na kanyang naiintindihan. Sapagkat lagi niyang isinasagawa ang mga salita ng Diyos, nagtatamo siya ng mas maraming pagkaunawa ukol sa Diyos, at tinataglay ang resolusyon na tumayong saksi magpakailanman para sa Diyos.
Upang magkaroon ng pagkakilala, upang magtaglay ng pagpapasakop, at upang taglayin ang kakayahan na makakita sa mga bagay at nang ikaw ay matalas sa espiritu nangangahulugang taglay mo ang pagpapalinaw at pagliliwanag ng mga salita ng Diyos sa loob mo sa sandaling makatagpo ka ng isang bagay. Ito ay pagiging matalas sa espiritu. Ang lahat ng bagay na ginagawa ng Diyos ay para sa kapakanan ng pagtulong na muling buhayin ang mga espiritu ng mga tao. Bakit palaging sinasabi ng Diyos na ang mga tao ay manhid at mabagal mapurol? Ito ay dahil sa ang mga espiritu ng mga tao ay namatay, at ang mga ito ay naging manhid hanggang sa sukdulang ang mga ito ay ganap na walang malay ukol sa mga bagay ng espiritu. Ang gawain ng Diyos ay para pasulungin ang mga buhay ng mga tao at ito ay para tulungan ang mga espiritu ng mga tao na mabuhay, para makakita sila sa mga bagay ng espiritu, at palaging nagagawang ibigin ang Diyos, para mapalugod ang Diyos. Ipinakikita ng pagdating sa lugar na ito na ang espiritu ng tao ay binuhay na muli , at sa susunod na pagkakataon na makakatagpo siya ng isang bagay, makatutugon siya kaagad. Siya ay tumutugon sa mga sermon, at nakatutugon nang mabilis sa mga sitwasyon. Ito ang pagtatamo ng katalasan ng epiritu. Maraming mga tao na mayroong isang mabilis na pagtugon sa isang panlabas na pangyayari, ngunit pagkatapos na pagkatapos mabanggit ang pagpasok sa katotohanan o ang mga detalyadong mga bagay sa espiritu ay nababanggit, sila ay nagiging manhid at mapurol. Nauuunawaan lamang nila ang isang bagay kung ito ay nakatingin sa kanila nang harapan. Ang lahat ng mga ito ay mga tanda ng pagiging espiritwal na manhid at mapurol at pagkakaroon ng kaunting karanasan ukol sa mga bagay ng espiritu. Ang ilang mga tao ay matalas ukol sa espiritu at mayroong pagkakilala. Pagkatapos na pagkatapos nilang makarinig ng isang bagay na nakadirekta tungo sa kanilang mga kalagayan hindi sila nagsasayang ng oras sa pagtatala nito. Ginagamit nila ito sa kanilang susunod na karanasan, at sa pagbabago sa kanilang mga sarili. Ito ay isang tao na matalas ukol sa espiritu. At bakit nagagawa niyang tumugon nang napakabilis? Sapagkat siya ay nagtutuon ng pansin sa mga aspetong ito ng pang-araw-araw na buhay, at sa sandaling ang isa sa mga aspetong ito ay nababanggit, nangyayari na ito ay tumutugma sa kanyang panloob na kalagayan, at nagagawa niyang tanggapin ito kaagad. Ito ay makakatulad sa pagbibigay ng pagkain sa isang taong nagugutom; nagagawa nilang kumain kaagad. Kung ikaw ay magbibigay ng pagkain sa isang taong hindi nagugutom, hindi sila ganoon kabilis tumugon. Madalas kang nananalangin sa Diyos, at sa gayon nagagawa mong tumugon nang mabilis kapag nakakatagpo ka ng isang bagay: kung ano ang kinakailangan ng Diyos sa bagay na ito, at kung paano dapat kang kumilos. Ginabayan ka ng Diyos sa bagay na ito noong huling beses; kung makakatagpo mo ang kaparehong uri ng bagay na ito sa kasalukuyan alam mo kung paano pasukin ang sitwasyong ito, upang mapalugod ang puso ng Diyos. Kung palagi kang magsasagawa sa ganitong paraan at palaging nakakaranas sa ganitong paraan, sa isang punto ikaw ay magiging dalubhasa dito. Kapag nagbabasa ng mga salita ng Diyos nauunawaan mo kung anong uri ng tao ang tinutukoy ng Diyos, nauunawaan mo kung anong mga kalagayan ng espiritu ang sinasabi ng Diyos, at nagagawa mong unawain ang pangunahing punto at isinasagawa ito; ipinakikita nito na nagagawa mong makaranas. Bakit nagkukulang ang ilang mga tao sa bagay na ito? Ito ay dahil hindi sila naglalaan ng ganoong pagsisikap sa aspeto ng pagsasagawa. Bagamat sila ay nakahandang isagawa ang katotohanan wala silang taglay na tunay na kabatiran sa mga detalye ng paglilingkod, sa mga detalye ng katotohanan sa kanilang buhay. Sila ay nalilito kapag nangyayari ang isang bagay. Sa ganitong paraan, maaari kang mailigaw kapag ang isang bulaang propeta o ang isang bulaang disipulo ay dumating. Hindi katanggap-tanggap na hindi pansinin ang pagkakilala. Kailangan mong palaging magtuon ng pansin sa mga bagay ng espiritu: kung paano gumagawa ang Diyos, kung ano ang sinasalita ng Diyos, kung ano ang Kanyang mga kahilingan sa mga tao, kung anong uri ng mga tao ang dapat mong makasalamuha, at kung anong uri ng mga tao ang dapat mong layuan. Kailangan mong bigyan-diin ang mga bagay na ito kapag kumakain at umiinom ng salita ng Diyos at sa panahon ng karanasan. Kung palagi mong nararanasan ang mga bagay sa ganitong paraan, lubos mong mauunawaan ang maraming mga bagay, at magkakaroon din ng pagkakilala. Ano ang disiplina ng Banal na Espiritu, ano ang paninisi na ipinapanganak sa layunin ng tao, ano ang paggabay ng Banal na Espiritu, ano ang pagsasaayos ng isang kapaligiran, ano ang nililiwanagan sa loob ng mga salita ng Diyos, kung hindi malinaw sa iyo ang tungkol sa mga bagay na ito, hindi ka magkakaroon ng pagkakilala. Dapat mong malaman kung ano ang nagmumula sa Banal na Espiritu, kung ano ang mapanghimagsik na disposisyon, kung paano sundin ang salita ng Diyos, at kung paano itapon ang sarili mong pagka-mapanghimagsik; dapat mong munawaan ang mga detalye ng lahat ng mga katotohanang ito, upang kapag nangyayari ang isang bagay, mayroon kang angkop na katotohanan na maikukumpara dito, magkaroon ng angkop na mga pananaw bilang saligan, magkaroon ng mga panuntunan sa bawat bagay at nagagawang kumilos alinsunod sa katotohanan. Sa gayon ang iyong buhay ay mapupuno ng pagliliwanag ng Diyos, puno ng mga pagpapala ng Diyos. Hindi mamaltratuhin ng Diyos ang sinumang tao na tapat na naghahanap sa Kanya. Hindi Niya mamaltratuhin ang sinumang tao na isinasabuhay Siya at sumasaksi para sa Kanya, at hindi Niya susumpain ang sinumang tao na nagagawang tapat na nauuhaw para sa katotohanan. Kung, habang ikaw ay kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, makakaya mong mag-ukol ng pansin sa iyong sariling tunay na kalagayan, mag-ukol ng pansin sa iyong sariling pagsasagawa, at mag-ukol ng pansin sa iyong sariling pagkaunawa, kung gayon, kapag nakatagpo ka ng isang suliranin, tatanggap ka ng pagliliwanag at magkakamit ng praktikal na pagkaunawa. Sa gayon ay magkakaroon ka ng isang landas ng pagsasagawa at magkakaroon ng pagkakilala para sa lahat ng bagay. Ang isang tao na mayroong katotohanan ay malamang na hindi malinlang, at malamang na hindi gumawi ng pagkaantala o kumilos nang labis. Dahil sa katotohanan siya ay protektado, at dahil din sa katotohanan nagtatamo siya ng mas maraming pagkaunawa. Dahil sa katotohanan mayroon siyang mas maraming mga landas na isasagawa, magkakaroon ng mas maraming mga pagkakataon para ang Banal na Espititu ay gumawa sa kanya, at mas maraming mga pagkakataon na maging perpekto.
Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Ang pinagmulan:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Rekomendasyon:
Paano natin sasalubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus ?
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal
Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?