Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ene 27, 2018

Ang tinig ng Diyos | Pagtalakay Sa Buhay Iglesia at sa Totoong Buhay

biyaya, buhay, iglesia, karunungan, Katotohanan


Kidlat ng SilangananAng tinig ng Diyos | Pagtalakay Sa Buhay Iglesia at sa Totoong Buhay


Nadadama ng mga tao na nagagawa lamang nilang magbago sa loob ng kanilang buhay sa iglesia, at kung hindi sila nabubuhay sa loob ng iglesia, ang pagbabago ay hindi posible, na hindi nila magagawang matamo ang pagbabago sa kanilang totoong buhay. Nakikilala ba ninyo kung ano ang usaping ito? Nagsalita Ako tungkol sa pagdadala sa Diyos sa totoong buhay, at ito ang landas para sa kanila na naniniwala sa Diyos upang pumasok sa realidad ng mga salita ng Diyos. Sa katunayan, ang buhay ng iglesia ay isa lamang limitadong paraan upang gawing perpekto ang tao. Ang pangunahing kapaligiran para sa pagka-perpekto ng mga tao ay ang totoong buhay pa rin. Ito ang totoong pagsasagawa at totoong pagsasanay na Aking sinasabi, na nagtutulot sa mga tao upang matamo ang isang buhay ng normal na pagkatao at upang isabuhay ang kawangis ng isang tunay na tao sa panahon ng pang-araw-araw na buhay. Ang isang aspeto ay ang dapat maging edukado ang isang tao upang pataasin ang kanyang sariling antas ng edukasyon, magawang maunawaan ang mga salita ng Diyos, at tamuhin ang kakayahan na makaunawa. Ang isa pang aspeto ay ang dapat sangkapan ang isang tao ng pangunahing kaalaman na kinakailangan upang mabuhay bilang isang tao upang matamo ang pananaw at katuwiran ng normal na pagkatao, sapagkat ang mga tao ay halos kulang lahat sa mga bahaging ito. Tangi sa roon, dapat ding makarating ang isang tao upang namnamin ang mga salita ng Diyos sa pamamagitan ng buhay iglesia, at unti-unting makararating upang magkaroon ng malinaw na pagkaunawa sa katotohanan.

Bakit sinabi na sa paniniwala sa Diyos, dapat madala ng isang tao ang Diyos sa totoong buhay? Hindi lamang sa mababago ang tao ng buhay iglesia, ngunit ang lalong mas mahalaga, dapat pumasok ang tao sa realidad sa totoong buhay. Dati-rati palagi kayong nagsasalita tungkol sa inyong espirituwal na kalagayan at espirituwal na mga bagay samantalang ipinagwawalang-bahala ang pagsasanay sa maraming mga bagay, gayundin ay ipinagwawalang-bahala ang pagpasok sa mga ito. Sumusulat kayo araw-araw, nakikinig kayo araw-araw, at nagbabasa kayo araw-araw. Nananalangin kayo habang kayo ay nagluluto: “O Diyos! Nawa ay Ikaw ang aking maging buhay sa loob ko. Paano ko dapat palipasin ang araw na ito? Pakiusap pagpalain Mo ako, liwanagan Mo ako. Maging anuman ang Iyong bigyan ng kaliwanagan sa akin sa kasalukuyan, pakiusap tulutan Mo akong maunawaan ito sa sandaling ito, upang ang Iyong mga salita ay mangyaring kumilos bilang aking buhay.” Nananalangin din kayo habang kayo ay naghahapunan: “O Diyos! Ipinagkaloob Mo ang pagkaing ito sa amin. Nawa ay pagpalain Mo kami. Amen! Pakiusap tulutan Mo kami na umasa sa Iyo para sa aming mga buhay. Nawa ay sumama Ka sa amin. Amen!” Pagkatapos ninyong maghapunan at hinuhugasan ang mga pinagkainan, muli ninyong inumpisahang magngangawa: “O Diyos, ako ang mangkok na ito. Pagkatapos na ang mangkok na ito ay gamitin ito ay naging kagaya namin, ginawang tiwali ni Satanas, at ngayon dapat itong mahugasan sa tubig, at Ikaw ang tubig, ang Iyong mga salita ay ang tubig ng buhay na naglalaan para sa aming buhay.” Pagkatapos sabihin ang gayon, kapag oras na para matulog, muli mong inumpisahang magngangawa: “O Diyos! Pinagpala Mo ako at ginabayan ako sa buong maghapon. Ako ay tunay na nagpapasalamat sa Iyo….” Ito ang paraan kung paano mo pinalipas ang iyong araw sa iyong pagkakaidlip. Karamihan sa mga tao ay nabubuhay kagaya nito araw-araw, at maging hanggang sa ngayon, hindi pa sila nag-ukol ng pansin sa totoong pagpasok, ngunit nagtutuon lamang ng pansin sa pagpapahayag sa labi sa kanilang mga panalangin. Ito ang dating buhay ng tao—ito ang kanilang dating buhay. Karamihan sa mga tao ay kagaya nito, kulang sa anumang totoong pagsasanay, at masyadong kaunti ang taglay nilang totoong mga pagbabago. Nagpapahayag lamang sila sa labi sa kanilang mga panalangin, nilalapitan ang Diyos sa pamamagitan ng kanilang mga salita ngunit kulang ng mga pagbabago sa pagkaunawa. Suriin natin ang pinakabagong mga halimbawa—ang paglilinis sa inyong tahanan. Nakikita ninyo na ang inyong tahanan ay makalat, kaya umupo kayo doon at nanalangin: “O Diyos! Masdan ang katiwalian na ginawa ni Satanas sa tahanang ito. O Diyos! Ikaw ay aking pinupuri at pinasasalamatan. Ako ay kasingdumi ng tahanang ito, at kung wala ang Iyong pagliligtas at pagliliwanag, hindi ko mauunawaan ang katotohanang ito.” Umuupo lamang kayo doon at nagngangangawa, nananalangin sa mahabang panahon, at pagkatapos ay kikilos kayo na parang walang anumang nangyari, umaaasal kagaya ng isang nagngangangawang matandang babae. Pinalilipas ninyo ang inyong espirituwal na buhay sa ganitong paraan nang walang anumang pagpasok sa realidad sa anumang paraan, nang napakaraming paimbabaw na mga pagsasagawa! Sa pagsasanay sa pagpasok sa realidad, kinasasangkutan nito ang totoong mga buhay ng mga tao at kinasasangkutan nito ang kanilang praktikal na mga kahirapan—ito lamang ang makapagpapabago sa kanila. Kung wala ang totoong buhay, ang mga tao ay hindi maaaring baguhin, at ano kung gayon ang saysay ng pagpapahayag sa labi lamang sa kanilang mga panalangin? Kung walang pagkaunawa sa kalikasan ng mga tao, ang lahat ay pagsasayang ng oras, at kung walang isang landas para isagawa, ang lahat ay isang pagsasayang ng pagsisikap! Mapananatili ng wastong mga panalangin ang isang wastong kalagayan sa loob ng mga tao, ngunit hindi nito sila mababago nang lubos. Ang pagkaalam sa pansariling pagkamatuwid, kayabangan, kapalaluan, pagmamataas, at tiwaling disposisyon—ang kaalaman ukol sa mga bagay na ito ay hindi nagmumula sa pamamagitan ng mga panalangin, ngunit natutuklasan ang mga ito sa pamamagitan ng pagnamnam sa mga salita ng Diyos, at ang mga ito ay nakikilala sa pamamagitan ng pagliliwanag ng Banal na Espiritu sa totoong buhay. Ang mga tao sa kasalukuyan ay nagagawang mahusay na magsalita, at nakapakinig sila sa pinakamatayog na pangangaral, mas matayog kaysa iba pa sa kabuuan ng mga kapanahunan, ngunit napakaliit ng ukol rito ang totoong naisasakatuparan sa kanilang totoong buhay. Na ang ibig sabihin, sa totoong buhay ng mga tao ay walang Diyos, at sila ay kulang sa buhay ng isang bagong tao pagkatapos ng pagbabago. Walang pagsasabuhay sa katotohanan sa totoong buhay, at walang pagdadala sa Diyos sa totoong buhay. Ang mga buhay ng mga tao ay ibinubuhay na parang sila ay mga anak na lalaki ng impiyerno. Hindi ba ito malinaw na paglihis?
Upang mapanumbalik ang wangis ng isang normal na tao, iyon ay, upang matamo ang pagkakaroon ng normal na pagkatao, hindi basta na lamang mapalulugod ng mga tao ang Diyos sa kanilang mga salita. Sinasaktan nila ang kanilang mga sarili sa paggawa nito, at wala itong dalang pakinabang sa kanilang pagpasok at pagbabago. Kung gayon, upang matamo ang pagbabago, ang mga tao ay dapat magsagawa nang paunti-unti, pumasok nang dahan-dahan, maghanap at magsaliksik nang paunti-unti, pumasok mula sa positibo, at isabuhay ang isang praktikal na buhay ng katotohanan, isang buhay ng mga banal. Mula ngayon, ito ay kinasasangkutan ng mga totoong usapin, totoong mga bagay, at totoong mga kapaligiran, nagpapahintulot sa mga tao na magkaroon ng praktikal na pagsasanay. Hindi nito kinakailangan sa kanila na magpahayag sa labi lamang; sa halip, kinakailangan nito ng pagsasanay sa totoong mga kapaligiran. Naunawaan ng mga tao na mahihina ang kanilang kakayahan, at pagkatapos ay taglay nila ang wastong pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, wastong pagpasok, at wastong pagsasagawa; ito ang paraan kung paano nila matatamo ang realidad, at ito ang paraan kung paano ang pagpasok ay lilitaw nang lalong mas mabilis. Upang baguhin ang mga tao, dapat magkaroon ng ilang praktikalidad, dapat silang magsagawa kasama ng mga totoong usapin, totoong mga bagay, at totoong mga kapaligiran. Sa pamamagitan ng pananangan lamang sa buhay iglesia, maaari bang matamo ang tunay na pagsasanay? Makapapasok ba ang tao sa realidad? Hindi. Kung hindi magagawa ng tao na pumasok sa totoong buhay, kung gayon hindi niya nagagawang baguhin ang kanyang dating mga pamamaraan ng paggawa sa mga bagay at pamumuhay sa buhay. Sa kabuuan hindi ito dahil sa katamaran ng tao o sa kanyang malakas na pagpapakandili, ngunit sa halip ito ay dahil ang tao ay wala talagang kakayahan para mabuhay, at higit sa rito, wala siyang pagkaunawa ukol sa pamantayan ng anyo ng isang normal na tao na kinakailangan ng Diyos. Noong una, ang mga tao ay palaging nag-uusap, nagsasalita, nagkakaroon ng pagbabahagi, at sila ay naging “mga mananalumpati” pa; ngunit walang sinuman sa kanila ang naghahangad ng mga pagbabago sa disposisyon sa buhay; iginigiit lamang nila ang paghahanap ng malalalim na teorya. Kung gayon, dapat ninyong baguhin sa kasalukuyan ang relihiyosong buhay na ito ng paniniwala sa Diyos. Dapat kayong pumasok at magsagawa sa pamamagitan ng pagtutuon sa isang bagay, isang usapin, isang tao. Dapat ninyong gawin ang mga bagay nang may pagtutuon—sa gayon lamang kayo makapagkakamit ng mga resulta. Upang baguhin ang mga tao, dapat itong magsimula sa kanilang sangkap. Ang gawain ay dapat ituon sa sangkap ng mga tao, sa kanilang buhay, sa katamaran, pagpapakandili, at pagkaalipin ng mga tao, at sa ganitong paraan lamang sila maaaring baguhin.
Bagamat ang buhay ng iglesia ay nakagagawa ng mga resulta sa ilang mga bahagi, ang pinakamahalaga ay ang totoong buhay pa rin ang makapagbabago ng mga tao, at ang kanilang dating kalikasan ay hindi maaaring baguhin kung walang totoong buhay. Suriin natin ang gawain ni Jesus sa panahon ng Kapanahunan ng Biyaya. Nang alisin ni Jesus ang dating mga kautusan at itinatag ang mga utos ng bagong kapanahunan, Siya ay nagsalita sa pamamagitan ng mga halimbawa ng totoong buhay. Nang pangunahan ni Jesus ang mga disipulo sa taniman ng trigo sa isang araw ng Linggo, nang ang mga disipulo ay nagutom at pinitas at kinain ang mga butil ng trigo, nakita ito ng mga hindi sumasampalataya at sinabi na hindi sila nangilin ng Sabbath. Sinabi din nila na ang mga tao ay hindi pinahihintulutan na iligtas ang mga bisiro na nangahulog sa isang hukay sa Sabbath, sinasabi na walang paggawa ang maaaring gampanan sa panahon ng Sabbath. Ginamit ni Jesus ang mga pangyayaring ito upang unti-unting ipalaganap ang mga utos ng bagong kapanahunan. Sa panahong iyon, gumamit siya ng maraming mga praktikal na usapin upang maipaunawa at mapagbago ang mga tao. Ito ang panuntunan kung saan ginagampanan ng Banal na Espiritu ang Kanyang gawain, at sa ganitong paraan lamang makapagbabago ang mga tao. Kapag nagkukulang sa praktikal na mga usapin, maaari lamang magtamo ng pagkaunawa ang mga tao sa teorya at nagagawa lamang nilang maunawaan ang mga bagay sa pamamagitan ng talino—hindi ito mabisang paraan upang baguhin ang mga tao. Kung pag-uusapan ang ukol sa pagkakamit ng karunungan at pananaw sa pamamagitan ng pagsasanay, paano ito matatamo? Makapagkakamit ba ang mga tao ng karunungan at pananaw mula lamang sa pakikinig, pagbabasa, at pagpapaunlad sa kanyang kaalaman? Paano ito makararating sa pagkakamit ng karunungan at pananaw? Dapat magsikap ang tao upang makaunawa at magdanas sa pamamagitan ng totoong buhay. Kung gayon, hindi maaaring magkulang ng pagsasanay at ang isang tao ay hindi makalalayo mula sa totoong buhay. Kailangang mag-ukol ng pansin ang tao sa iba’t-ibang mga aspeto at dapat magkaroon ng pagpasok sa iba’t-ibang mga aspeto: antas ng edukasyon, pagiging mapagpahayag, ang kakayahan na makita ang mga bagay, pagkaunawa, ang kakayahan na maunawaan ang mga salita ng Diyos, sentido kumon at mga patakaran ng pagkatao, at iba pang mga bagay na may kaugnayan sa pagkatao na dapat isangkap sa tao. Pagkatapos makamit ang pagkaunawa, dapat magtuon ang tao sa pagpasok, at sa gayon lamang makakamit ang pagbabago. Kung nakamit ng tao ang pagkaunawa ngunit isinawalang-bahala ang pagsasagawa, paano mangyayari ang pagbabago? Sa ngayon, ang tao ay natuto nang napakarami, ngunit hindi niya isinasabuhay ang realidad, kaya nagagawa niyang magkaroon lamang ng kaunting tatag ng pagkaunawa ukol sa mga salita ng Diyos. Limitado lamang ang pagliliwanag sa iyo; tumanggap ka ng kaunting pagpapalinaw mula sa Banal na Espiritu, ngunit wala kang taglay na pagpasok sa totoong buhay, o maaaring ni hindi ka man nababahala tungkol sa pagpasok, kaya magkakaroon ka lamang ng kaunting pagbabago. Pagkatapos ng napakahabang panahon, nakaunawa ang mga tao nang napakarami at nagagawa nilang magsalita nang marami tungkol sa kanilang kaalaman ukol sa mga teorya, ngunit ang kanilang panlabas na disposisyon ay kagaya pa rin ng dati, at ang kanilang likas na kakayahan ay tumatagal nang wala ni katiting na pag-angat. Kung ito ang usapin, kailan ka makapapasok sa wakas?
Ang buhay iglesia ay isa lamang uri ng buhay kung saan ay nagtitipon ang mga tao upang namnamin ang mga salita ng Diyos, at kailangan lamang ng isang maliit na bahagi ng buhay ng isang tao. Kung ang totoong buhay ng isang tao ay makakatulad ng kanyang buhay iglesia, kabilang ang isang wastong espirituwal na buhay, wastong pagnamnam sa mga salita ng Diyos, pananalangin at pagiging malapit sa Diyos sa tamang paraan, pamumuhay ng isang totoong buhay kung saan ang lahat ay ipinatutupad alinsunod sa kalooban ng Diyos, pamumuhay ng isang totoong buhay kung saan ang lahat ay alinsunod sa katotohanan, pamumuhay sa isang totoong buhay ng pagsasagawa ng mga panalangin at pagiging tahimik sa harap ng Diyos, ng pagsasagawa ng pag-awit ng mga himno at pagsasayaw, ang gayong buhay lamang ang makapagdadala sa tao sa isang buhay ng mga salita ng Diyos. Karamihan sa mga tao ay nagtutuon ng pansin sa ilang mga oras ng kanilang buhay iglesia nang walang “pag-aasikaso” sa kanilang buhay sa labas ng mga oras na iyon, na para bang wala itong kinalaman sa kanila. Mayroon ding maraming mga tao na pumapasok lamang sa buhay ng mga banal kapag kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, umaawit ng mga himno o nananalangin, at pagkatapos ay nagbabalik sila sa kanilang dating mga sarili sa labas ng mga panahong iyon. Hindi mababago ang mga tao ng gayong mga buhay, at hindi sila tutulutan ng mga ito na makilala ang Diyos. Sa paniniwala sa Diyos kung hahangarin ng tao ang pagbabago sa kanyang sariling disposisyon, kung gayon hindi niya dapat kalasin ang sarili niya mula sa totoong buhay. Sa totoong buhay, dapat mong makilala ang sarili mo, pabayaan ang sarili mo, isagawa ang katotohanan, gayundin naman ay matutunan ang mga panuntunan, sentido kumon at mga patakaran ng pag-uugali sa sarili sa lahat ng mga bagay bago mo magagawang matamo ang unti-unting pagbabago. Kung magtutuon ka lamang ng pansin sa kaalaman sa mga teorya at mabubuhay lamang sa gitna ng mga relihiyosong seremonya nang hindi pinag-aaralang mabuti ang realidad, nang hindi pumapasok sa totoong buhay, kung gayon hindi ka kailanman makapapasok sa realidad, hindi mo kailanman makikilala ang iyong sarili, ang katotohanan, o ang Diyos, at palagi kang magiging bulag at mangmang. Ang layunin ng Diyos sa paggawa sa tao ay hindi upang tulutan siyang magkaroon ng isang angkop na buhay lamang mga ilang oras sa loob ng maghapon habang nabubuay sa laman sa natitirang panahon. At hindi upang baguhin ang kaalaman ng tao ukol sa mga teorya. Sa halip, ito ay upang baguhin ang kanyang dating disposisyon, upang baguhing lahat ang kanyang dating buhay, upang baguhin ang lahat ng kanyang lipas nang pag-iisip at ang kanyang pangkaisipang-pananaw. Hindi mababago ng pagtutuon lamang ng pansin sa buhay iglesia ang mga dating kinagawian ng tao sa buhay o mababago ang dating mga pamamaraan na kanyang ibinuhay sa mahabang panahon. Anuman ang mangyari, ang tao ay hindi dapat maging hiwalay mula sa totoong buhay. Hinihiling ng Diyos sa mga tao na isabuhay ang normal na pagkatao sa totoong buhay, hindi lamang sa buhay iglesia; na isasabuhay nila ang katotohanan sa totoong buhay, hindi lamang sa buhay iglesia; na tuparin nila ang kanilang mga tungkulin sa totoong buhay, hindi lamang sa buhay iglesia. Upang pumasok sa realidad, dapat ibaling ng isang tao ang lahat tungo sa totoong buhay. Kung ang mga naniniwala sa Diyos ay hindi makapapasok sa totoong buhay o makikilala ang kanilang mga sarili o isasabuhay ang normal na pagkatao sa realidad, sila ay magiging mga bigo. Yaong mga sumusuway sa Diyos ay ang lahat ng mga tao na hindi makapapasok sa totoong buhay. Sila ang mga tao na nagsasalita ukol sa pagkatao ngunit isinasabuhay ang kalikasan ng mga demonyo. Sila ay ang lahat ng mga tao na nagsasalita ukol sa katotohanan ngunit sa halip ay isinasabuhay ang mga doktrina. Yaong mga hindi makapagsasabuhay sa katotohanan sa totoong buhay ay yaong mga naniniwala sa Diyos ngunit kinasuklaman at itinakwil Niya. Dapat mong isagawa ang iyong pagpasok sa totoong buhay, kilalanin ang iyong sariling mga kakulangan, pagkamasuwayin at kamangmangan, at kilalanin ang iyong abnormal na pagkatao at mga kahinaan. Sa gayong paraan, ang lahat ng iyong kaalaman ay isasama sa iyong totoong sitwasyon at mga kahirapan. Ang uri lamang ng kaalamang ito ang totoo at maaari kang tulutan na tunay na maunawaan ang iyong sariling kalagayan at matamo ang iyong pagbabago sa disposisyon.
Ngayon na ang pagka-perpekto ng sangkatauhan ay pormal nang nagsimula, dapat pumasok ang isang tao sa totoong buhay. Kung gayon, upang matamo ang pagbabago, dapat magsimula ang isang tao sa pagpasok sa totoong buhay, at unti-unting magbago. Kung iiwasan mo ang normal na buhay ng tao at magsasalita lamang tungkol sa mga usaping espirituwal, kung gayon ang mga bagay ay magiging tuyo at patag, ang mga ito ay nagiging di-makatotohanan, at paano magbabago ang tao? Ngayon ay sinabihan kayo na pumasok sa normal na buhay upang magsagawa, upang maitatag ang isang saligan para sa pagpasok sa tunay na karanasan. Ito ay isa sa mga bagay na dapat gawin ng tao. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay pangunahin nang sa paggabay, samantalang ang natitira ay nakasalalay sa pagsasagawa at pagpasok ng mga tao. Maaaring matamo ng bawat isa ang pagpasok sa totoong buhay sa pamamagitan ng iba’t-ibang mga landas, anupa’t madadala ng mga ito ang Diyos sa totoong buhay, at isasabuhay ang isang totoong normal na pagkatao. Ito lamang ang isang buhay na mayroong kahulugan!
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:

Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!

Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?