Kidlat ng Silanganan | Salita ng Diyos | Ang Ikaanim na Pagbigkas
Dapat magbalik-tanaw sa nakaraan ang lahat ng Aking
bayan na naglilingkod sa Aking harapan: Nadungisan ba ng karumihan ang
inyong pag-ibig para sa Akin? Dalisay ba at taos-puso ang inyong
katapatan sa Akin? Tunay ba ang inyong kaalaman tungkol sa Akin? Gaano
ba kalaki ang lugar na Aking hawak sa loob ng inyong mga puso? Napunan
Ko ba ang kanilang kabuuan? Gaano ba ang natupad ng Aking mga salita sa
loob ninyo? Huwag mo Akong ituring na isang mangmang! Ganap na malinaw
sa Akin ang mga bagay na ito! Ngayon, sapagka’t binigkas ang tinig ng
Aking pagliligtas, mayroon bang nadagdag sa inyong pag-ibig para sa
Akin? Mayroon bang bahagi ng inyong katapatan para sa Akin ang naging
dalisay? Lumalim ba ang inyong kaalaman tungkol sa Akin? Naglatag ba ang
nakaraang papuri ng isang matatag na pundasyon para sa inyong kaalaman
ngayon? Gaano kalaki ang okupado ng Aking Espiritu sa loob ninyo? Gaano
kalaki ang lugar na hawak ng Aking imahe sa loob ninyo? Tumama ba ang
Aking mga pagbigkas sa inyong Achilles’ heel? Tunay bang nararamdaman
ninyo na kayo ay walang mapagtataguan ng inyong kahihiyan? Tunay bang
naniniwala kayo na hindi kayo karapat-dapat na maging Aking bayan? Kung
ikaw ay ganap na walang kamalayan sa mga katanungan sa itaas, sa gayon
nagpapakita ito na ikaw ay nangingisda sa madilim na tubig, na nandoon
ka lamang upang mapadami ang bilang, at sa panahong Aking itinalaga,
ikaw ay tiyak na aalisin at ihahagis sa napakalalim na hukay sa
pangalawang pagkakataon. Ito ang Aking mga salitang pangbabala, at ang
sinumang magwalang-bahala sa mga ito ay tatamaan ng Aking paghatol, at,
sa takdang panahon, ay sasalakayin ng kalamidad. Hindi nga ba ganito?
Kailangan Ko pa bang magbigay ng mga halimbawa upang ilarawan ito?
Kailangang Ko bang magsalita nang mas malinaw upang magbigay ng isang
huwaran para sa inyo? Mula sa panahon ng paglikha hanggang ngayon,
maraming mga tao ang sumuway sa Aking mga salita at sa gayon ay ihinagis
at inalis mula sa Aking daloy ng pagpapanumbalik; sa huli, namatay ang
kanilang mga katawan at itinapon ang kanilang mga espiritu sa Hades, at
kahit ngayon nagdaranas pa rin sila ng mabigat na kaparusahan. Maraming
mga tao ang sumunod sa Aking mga salita, ngunit nawala sila sa Aking
pagliliwanag at pagpapalinaw at sa gayon ay tinaboy Ko sa isang tabi,
nahulog sa ilalim ng sakop ni Satanas at nagiging yaong mga tutol sa
Akin. (Ngayon lahat yaong mga direktang tumututol sa Akin ay sumusunod
lamang sa kababawan ng Aking mga salita, at sumusuway sa diwa ng Aking
mga salita.) Mayroong marami, rin, ang nakinig lamang sa mga salitang
Aking sinabi kahapon, na tangan ang basura ng nakaraan at hindi
pinahalagahan ang bunga ng kasalukuyan. Hindi lamang naging bihag ni
Satanas ang mga taong ito, ngunit naging walang hanggang mga makasalanan
at naging Aking mga kaaway, at direkta silang tumututol sa Akin. Ang
ganitong mga tao ay ang mga layon ng Aking paghatol sa Aking
pinakamatinding poot, at ngayon bulag pa rin sila, nasa loob pa rin ng
mga madilim na piitan (na ang ibig sabihin, ang mga taong tulad nito ay
bulok, manhid na mga bangkay na kontrolado ni Satanas: sapagka’t ang
kanilang mga mata ay Aking tinakpan ng tabing, Aking masasabi na sila ay
mga bulag). Makabubuting magbigay ng isang halimbawa para sa inyong
pagtukoy, upang may matutunan kayo mula rito:
Sa pagbanggit kay Pablo, iisipin ninyo ang kanyang nakaraan, at ang
ilan sa mga kuwento tungkol sa kanya na hindi tumpak at wala sa
katotohanan. Tinuruan siya ng kanyang mga magulang mula sa murang edad,
at natanggap ang Aking buhay at bilang resulta ng Aking predestinasyon
siya ay nagmay-ari ng kakayahang Aking hinihiling. Sa edad na 19, nabasa
niya ang iba’t-ibang mga libro tungkol sa buhay; kaya hindi Ko na
kailangang magtungo sa detalye tungkol sa kung paano, dahil sa kanyang
kakayahan, at dahil sa Aking pagliliwanag at pagpapalinaw hindi lamang
siya nakakapagsalita ng ilang mga pananaw tungkol sa espirituwal na mga
bagay, ngunit may kakayahan ring unawain ang Aking mga intensyon.
Syempre, hindi nito iniisang-tabi ang kombinasyon ng mga panloob at
panlabas na mga kadahilanan. Gayon pa man, ang kanyang isang kamalian
ay, dahil sa kanyang mga talento, madalas siyang matamis magsalita at
mayabang. Bilang resulta, dahil sa kanyang pagsuway, bahagi nito ang
direktang pagkakatawan sa arkanghel, nang Ako ay nagkatawang-tao sa
unang pagkakataon, ginawa niya ang lahat ng hakbang upang lumaban sa
Akin. Isa siya sa mga taong hindi nalalaman ang Aking mga salita, at
naglaho na ang Aking lugar sa kanyang puso. Direktang tumututol ang
nasabing mga tao sa Aking pagka-Diyos, at sila ay Aking hinagupit, at
yumuyuko lamang at ikinukumpisal ang kanilang mga kasalanan sa
katapusan. Kaya, pagkatapos Kong gamitin ang kanyang mga matuwid na
punto—na ang ibig sabihin, matapos siyang maglingkod sa Akin sa isang
yugto ng panahon—nahulog siyang muli sa kanyang mga lumang gawain, at
kahit na hindi niya direktang sinuway ang Aking mga salita, sinuway niya
ang Aking panloob na gabay at pagliliwanag, at sa gayon ang lahat ng
kanyang ginawa nang nakaraan ay walang saysay; sa ibang salita, ang
korona ng kaluwalhatian na sinabi niya ay naging walang lamang salita,
produkto ng kanyang sariling imahinasyon, dahil kahit sa ngayon nasa
ilalim pa rin siya ng Aking paghatol sa gitna ng Aking mga gapos.
Mula sa halimbawa sa itaas makikita rito na kung sinuman ang tumutol
sa Akin (sa pagtutol hindi lamang sa Aking sariling panlaman ngunit mas
mahalaga, sa Aking mga salita at Aking Espiritu—na ang ibig sabihin,
Aking pagka-Diyos), ay makakatanggap ng Aking paghatol sa kanilang
laman. Kapag iniwan ka ng Aking Espiritu, bubulusok ka paibaba, pababa
direkta sa Hades. At bagaman ang iyong katawang laman ay nasa ibabaw ng
lupa, tulad ka ng isang tao na nagdurusa mula sa sakit ng pag-iisip:
Nawala mo ang iyong pangangatuwiran, at agad na mararamdamang parang
ikaw ay isang bangkay, anupat ikaw ay makikiusap sa Akin upang wakasan
Ko ang iyong laman nang madalian. Pagmamay-ari ng espiritu ang karamihan
sa inyo na may malalim na pagpapahalaga sa mga sitwasyong ito, at hindi
Ko na kailangang magtungo sa karagdagang detalye. Sa nakaraan, noong
gumawa Ako sa normal na pagkatao, ang karamihan ng tao ay nasukat na ang
kanilang sarili laban sa Aking poot at kamahalan, at mayroong kaunting
kaalaman sa Aking karunungan at disposisyon. Ngayon, direkta Akong
nagsasalita at kumikilos sa pagka-Diyos, at meron pa ring ilang mga tao
na makikita ang Aking poot at paghatol sa kanilang sariling mga mata;
higit pa rito, ang pangunahing gawain ng ikalawang bahagi ng panahon ng
paghatol ay upang gawin ang lahat ng Aking bayan na malaman ang Aking
mga gawa nang direkta sa nagkatawang-tao, at upang makita ninyo ang
Aking disposisyon nang direkta. Ngunit sapagka’t Ako’y nasa
katawang-tao, isinasaalang-alang Ko ang inyong mga kahinaan. Inaasahan
Ko na hindi ninyo tratratuhin ang inyong espiritu, kaluluwa at katawan
bilang laruan, walang pakialam na iniaalay ang mga ito kay Satanas. Mas
mabuti na pahalagahan ninyo ang lahat ng mayroon kayo, at upang huwag
itong tratuhin bilang isang laro, dahil nauugnay sa inyong kapalaran ang
mga bagay na ito. Naintindihan ba ninyo talaga ang tunay na kahulugan
ng Aking mga salita? May kakayahan ba kayo talagang magbigay ng
pagsasaalang-alang sa Aking tunay na damdamin?
Handa ba kayong magtamasa ng Aking mga pagpapala sa lupa, mga
pagpapalang katulad yaong nasa langit? Handa ba kayong makitungo sa
pag-iintindi sa Akin, at sa pagtamasa sa Aking mga salita at kaalaman sa
Akin, tulad ng pinakamahalagang bagay at makahulugang mga bagay sa
inyong buhay? Magagawa ba ninyo talagang magpasakop sa Akin, na walang
pagpapahalaga sa inyong mga sariling pagnanais? Magagawa ba ninyo
talagang hayaan ang inyong sarili na mapunta sa kamatayan sa pamamagitan
Ko, at pamunuan Ko, tulad ng isang tupa? Mayroon ba sa inyo na may
kakayahang makamit ang ganyang mga bagay? Maaaring ba na ang lahat na
Aking tinanggap at tumanggap ng Aking mga pangako ay ang mga yaong
magkakamit ng Aking mga pagpapala? May naintindihan ba kayo sa anumang
bagay mula sa mga salitang ito? Kung susubukin Ko kayo, kaya ninyo bang
lubusang ilagay ang inyong sarili sa Aking awa, at, sa gitna ng mga
pagsubok na ito, hanapin ang Aking mga intensyon at maramdaman ang Aking
puso? Hindi Ko nais para sa iyo na makapagsalita ng maraming
makabagbag-damdaming salita, o makapagsabi ng mga nakapupukaw na mga
kuwento; sa halip, hinihiling Ko na ikaw ay makayanang magpatotoo nang
mainam sa Akin, at kaya mong lubusan at malalimang pumasok sa
katotohanan. Kung hindi Ako magsalita nang direkta, maaari mo bang
itakwil ang lahat ng bagay sa iyong paligid at hayaan ang iyong sarili
upang magamit Ko? Hindi ba ito ang katotohanan na Aking hinihingi? Sino
ang makauunawa sa kahulugan ng Aking mga salita? Ngunit hinihiling Ko na
hindi na kayo napapabigatan ng pagaalinlangan, na kayo ay maging maagap
sa inyong pagpasok at maunawaan ang kahulugan ng Aking mga salita.
Pipigilan kayo nito sa maling pagkaunawa ng Aking mga salita, at sa
pagiging malabo sa Aking kahulugan, at sa gayon lumalabag sa utos ng
Aking mga batas ng pamamahala. Umaasa Ako na maunawaan ninyo nang
lubusan ang Aking mga intensyon na para sa inyo sa Aking mga salita.
Huwag nang mag-isip pa ng inyong sariling mga inaasam, at kumilos bilang
may kapasiyahan sa Aking harapan na ang lahat ay dapat nasa awa ng
Diyos. Dapat ang lahat ng mga taong tumayo sa loob ng Aking tahanan ay
gumawa ng marami hanggang sa abot ng kanilang makakaya; dapat mong
ihandog ang iyong pinakamahusay na sarili sa huling bahagi ng Aking
gawain sa lupa. Handa ka ba talagang isagawa ang mga nasabing bagay?
Pebrero 23, 1992
Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Mga Talababa:
a. Sa orihinal na texto, niligtaan ang “sa sarili niyang buhay.”
Ang pinagmulan:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Rekomendasyon:
Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!
Paano natin sasalubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus ?