❀*¨*•.¸¸✿ .•*¨*•.¸¸ ❀*¨*•.¸¸✿ .•*¨*•.¸¸ ✿❀*¨*•.¸¸✿ .•*¨*•.¸¸ ✿
★⋰ * ⋱★⋰ *⋱★⋰*⋱★⋰ * ⋱★⋰ *★⋰ * ⋱★⋰ *⋱★⋰*⋱★⋰ * ⋱★⋰ *
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Naisip mo ba kung gaano namighati at
nabalisa ang puso ng Diyos? Paano Niyang matitiis na makita ang
inosenteng sangkatauhan na nilikha Niya ng Kanyang sariling mga kamay na
dumaranas ng gayong pagdurusa? Pagkatapos ng lahat, ang sangkatauhan ay
ang mga kapus-palad na nilason. Kahit na nanatili silang buhay hanggang
sa araw na ito, sino ang makaiisip na sila ay matagal nang nilason ng
masamang nilalang? Nakalimutan mo bang isa ka sa mga biktima? Dala ng
iyong pag-ibig sa Diyos, hindi ka ba handang magsikap upang iligtas ang
mga yaong nanatiling buhay? Hindi ba kayo handang gamitin ang lahat ng
inyong pagsisikap upang gantihan ang Diyos na iniibig ang sangkatauhan
tulad ng Kanyang sariling laman at dugo? Paano mo bibigyang kahulugan
ang pagkasangkapan ng Diyos upang isabuhay ang iyong pambihirang buhay?
Talaga bang mayroon kang pagpapasya at tiwala sa sarili na isabuhay ang
isang makabuluhang buhay ng isang taong madasalin at naglilingkod sa
Diyos?”
Rekomendasyon:
Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw