Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos| "Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" (Ikalawang Bahagi)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa bawa’t pagkakataon ng gawain ng Diyos ay naroon ang mga pangitain na kailangang malaman ng tao, mga pangitain na sinusundan ng mga angkop na kinakailangan ng Diyos sa tao. Kung wala ang mga pangitaing ito bilang saligan, hindi kayang magsagawa ng tao, o makakayang lubos na sumunod sa Diyos. Kung hindi kilala ng tao ang Diyos at hindi nauunawaan ang Kanyang kalooban, lahat ng ginagawa ng tao ay walang kabuluhan, at walang kakayahang sang-ayunan ng Diyos. Kahit gaano kasagana ang mga kaloob sa tao, hindi pa rin siya maihihiwalay mula sa gawain at sa patnubay ng Diyos. Kahit gaano kabuti o karami ang mga pagkilos ng tao, hindi pa rin mapapalitan ng mga ito ang gawain ng Diyos. Kaya, hindi maihihiwalay ang pagsasagawa ng tao mula sa mga pangitain kahit ano pa man ang mga kalagayan. Ang mga hindi tumatanggap sa mga bagong pangitain ay walang bagong pagsasagawa. Ang kanilang pagsasagawa ay walang kaugnayan sa katotohanan dahil sila ay sumusunod sa mga doktrina at nananatili sa walang-buhay na batas; wala silang mga bagong pangitain kahit kailan, at bilang kinalabasan, wala silang isinasagawa sa bagong kapanahunan. Naiwala nila ang mga pangitain, at dahil dito, naiwala rin nila ang gawain ng Banal na Espiritu, at naiwala ang katotohanan."
Inirekomendang pagbabasa:Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos
Inirekomendang pagbabasa:Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos