Qin Shuting, Lungsod ng Linyi, Lalawigan ng Shandong
Sa ilang panahon, bagama't hindi ako tumigil sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, hindi ko kailanman naramdaman ang liwanag. Ako ay nanalangin sa Diyos para dito ngunit, pagkatapos, hindi pa rin ako naliwanagan. Kaya naisip ko, "kumain ako at uminom ng nararapat sa akin at ang Diyos ay hindi ako nililiwanagan. Wala akong magagawa, at wala akong kakayahan upang makatanggap ng mga salita ng Diyos. May oras para liwanagan ng Diyos ang bawat tao, kaya hindi kailangang pagsikapang madaliin ito." Pagkaraan, iningatan ko ang mga alituntunin at kumain at uminom ng mga salita ng Diyos nang walang pagkabalisa, "matiyagang" naghihintay sa pagliliwanag ng Diyos.
Hanggang isang araw, nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Sapagkat lumalapit kang may pasanin sa harap ng Diyos at palagi mong nadadama na masyado kang maraming kakulangan, na maraming mga katotohanan ang kailangan mong malaman, maraming realidad ang kailangan mong maranasan, at na dapat mong ibigay ang bawat pagmamalasakit sa kalooban ng Diyos—ang mga bagay na ito ay palaging nasa iyong isip, at para bang dinadaganan ka ng mga ito nang husto na hindi ka makahinga, at kung kaya nakadadama ka ng sobrang kalungkutan (ngunit hindi sa isang negatibong kalagayan). Ang mga tao lamang kagaya nito ang karapat-dapat na tumanggap sa pagliliwanag ng mga salita ng Diyos at kikilusan ng Espiritu ng Diyos. Ito ay dahil sa kanilang pasanin, dahil sila ay napakalungkot, at, maaaring sabihin, dahil sa halaga na kanilang ibinayad at ang pagdurusa na kanilang tiniis sa harap ng Diyos kaya nila natatanggap ang pagpapaliwanag at pagpapalinaw, sapagkat hindi binibigyan ng Diyos ang sinuman ng natatanging pagtrato. Palagi Siyang patas sa Kanyang pagtrato sa mga tao, ngunit hindi rin siya kapritsoso sa Kanyang paglalaan sa mga tao, at hindi nagbibigay sa kanila nang lubusan. Ito ay isang aspeto ng Kanyang matuwid na disposisyon” (“Ang Pagtatatag ng Isang Wastong Kaugnayan sa Diyos ay Napakahalaga” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sa pagninilay sa mga salitang ito ng Diyos, naunawaan ko: Ang Diyos ay isang matuwid na Diyos. Siya ay hindi kailanman di-makatwiran sa Kanyang pagkakaloob sa tao, at hindi nagbibigay sa tao nang walang kundisyon. Para ang mga tao ay makatanggap ng pagliliwanag at pagpapalinaw ng Diyos, dapat nilang payapain ang kanilang mga puso sa harap ng Diyos at magkaroon ng puso na nagnanais at humahanap sa mga salita ng Diyos. Dapat nilang dalhin ang pasanin para sa kanilang sariling mga buhay at hanapin ang kanilang sariling mga pagkukulang sa mga salita ng Diyos. Nagdadala ng kanilang pasanin, dapat sadyang kumain at uminom sila ng mga salita ng Diyos upang ibigay ang bawat pag-iingat sa Kanyang kalooban at tumungo nang lalong malalim sa katotohanan. Sa pamamagitan lamang ng totoong pagbabayad ng gayong halaga upang makasamang gumawa ang Diyos maaaring makuha ng isa ang pagliliwanag ng Diyos. Sa paggunita, wala akong dinadalang pasanin ni nag-iingat sa anumang paraan sa anumang pagnanasang kumain at uminom ng mga salita ng Diyos. Bawat pagkakataon na kinuha ko ang aklat ng salita ng Diyos, bubuksan ko at makikita na nabasa ko na ang siping ito at nabasa ko na ang siping iyon, iniisip na medyo mayroon akong ideya tungkol sa bawat sipi. Pagkatapos ay makakahanap ako ng anumang luma, bibigyan ito ng isang madaliang pagbasa, at pagkatapos ay tapos na ako. Kapag kumakain at umiinom ako ng mga salita ng Diyos, sapat lamang para sa akin na maunawaan ang literal na kahulugan ng mga salita, na tumutuon lamang sa pagsunod ng ilang mga alituntunin at kasanayan. Tiyak na hindi ko nakitang mabuti ang katotohanan na kailangan kong pasukan, ni hindi ko nabibigyang-kasiyahan ang puso ng Diyos. Wala talaga akong pinapasan sa sarili kong buhay, ni hindi ako nag-aalala tungkol sa hindi pagkakaroon sa aking sarili ng sapat na katotohanan; Ginagawa ko lang ang aking pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos nang walang bahala. Sa ganitong walang bahalang saloobin sa mga salita ng Diyos, papaano ko makukuha ang Kanyang pagliliwanag at pagpapalinaw? Hindi talaga ako gumagawa kasama ang Diyos, at ginagamit ang "May panahon na liliwanagan ng Diyos ang bawat tao" bilang isang dahilan upang maghintay nang walang taros sa pagliliwanag ng Diyos. Talagang ako ay naging napakamangmang! Ngayon ko lamang ito napagtanto, bagama't may oras na liliwanagan ng Diyos ang bawat tao, ito ay totoo, may prinsipyo sa likod ng gawain ng Banal na Espiritu sa tao. Ang tao mismo ay dapat na magkaroon ng nagnanasang, naghahanap na puso upang maging positibo at aktibong makasama sa gawain ang Diyos. Pagkatapos lamang magagawa ng Banal na Espiritu na kumilos sa tao at liwanagin at palinawin ang pag-unawa ng tao sa kalooban ng Diyos, upang maunawaan nila ang katotohanan sa Kanyang mga salita.
O Diyos! Nagpapasalamat ako sa iyong napapanahong pagliliwanag na nagpahintulot sa akin na makilala ang paglihis sa aking sariling karanasan. Ngayon ay nais kong bumalik sa positibo at aktibong paggawa kasama Ka, mapanatili ang nagnanasang, naghahanap na puso, dalhin ang aking pasanin na kumain at uminom ng Iyong mga salita, ipagpatuloy ang karagdagang pagliliwanag na nakamit sa pamamagitan ng Iyong mga salita, papasukin ang aking sarili nang mas malalim sa katotohanan, at palaguin ang aking buhay nang mas higit pa.