Baixue Shenyang City
Dahil sa isang pangangailangan sa trabaho, inilipat ako sa ibang lugar ng trabaho. Nang panahong iyon, labis akong nagpasalamat sa Diyos. Pakiramdam ko’y marami pang kulang sa akin, gayunman sa pamamagitan ng banal na pagsusulong ng Diyos, nabigyan ako ng pagkakataon upang tuparin ang aking tungkulin sa isang kahanga-hangang lugar ng trabaho. Gumawa ako ng panata sa Diyos sa aking puso: Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang makabayad sa Diyos.
Subalit, nang makarating na ako, natuklasan ko ang maraming butas sa mga trabahong isinasagawa. Bilang resulta, pinagpasyahan ko na simulang inspeksyunin ang bawat bagay sa trabaho. Habang ginagawa ko ang aking mga inspeksyon, iniisip ko rin sa aking sarili: “Paano nagawa ang anumang trabaho nang ganito? Wala ni isang trabaho ang napangasiwaan nang maayos! Ang akala ko’y mahusay ang mga trabahong gawa rito. Ngunit hindi ko kailanman naisip na masahol pa ito kaysa sa dati kong trabaho. Ngayong narito na ako, dapat na itong mapamahalaan nang maayos, unti-unti, ayon sa napagkasunduan sa trabaho. Pangungunahan ko ang lahat ng kapatid na lalaki at kapatid na babae sa pagpasok sa buhay.” Dahil dito, nakipagkita ako sa mga coordinator, sinimulan ang pag-oorganisa ng bawat bagay sa trabaho, pakikipag-usap, pagpaplano, at paggawa ng mga kaayusan. Sa buong panahon ng aking mga pakikipag-usap, madalas kong ibunyag ang mga tunay kong damdamin, “Ang kalidad ng trabaho rito ay napakababa. Ang dati kong trabaho ay hindi tulad ng kung paano ang sa inyo ngayon. Sa lugar na pinagtatrabahuhan ko dati, palagi naming ginagawa ang trabaho sa ganito-at-ganyang paraan, lagi naming ginawa ang kung anu-ano nang maayos. Masunurin kami sa Diyos….” Pagkatapos ng mga pagpupulong na ito, ang sabi ng ilang mga coordinator: “Tama! Wala kaming nagawang anuman na tunay na makahulugan. Sa pagkakataong ito, kailangan nating magsimulang muli at gawin ang ating trabaho nang naaayon sa mga kahilingan ng Diyos.” Ang sinasabi naman ng iba: “Salamat sa iyong mahusay na pakikipag-usap at para sa mga kaayusang ginawa mo ngayon. Kung hindi, ang aming kawalan ng pansin sa mga panukala sa kaligtasan ay magiging lubhang mapanganib.” Nang marinig ang mga salitang ito, naging napakasaya ko. Nadama ko na talagang mas malakas ako kaysa sa dati nilang pinuno. Habang ipinagmamalaki ko ang aking sarili, hindi ko rin napigilan na makonsyensya nang kaunti: Tunay nga bang tama para sa akin na magsalita nang ganoon? Bakit lagi kong sinasabi na mas mahusay ang dati kong pinagtatrabahuhan? Ngunit sa kabilang banda, naisip ko: Anong mali sa pagsasabi nito? Sinusubukan ko lamang na turuan sila kung paano gumawa ng isang mas mahusay na trabaho. Sa ganitong paraan, hindi ko sinunod ang pag-uudyok ng Banal na Espiritu upang suriin ang aking sarili. Sa Biblia, sinasabi ng Aklat ng mga Kawikaan, “Ang kapalaluan ay nagpapauna sa kapahamakan, at ang mapagmataas na diwa ay sa pagkabuwal” (Kawikaan 16:18). At habang una-ulo kong sinisisid ang aking trabaho nang may napakataas na pag-asa, naramdaman ko na, sa aking puso, nawawala rin ang aking ugnayan sa Diyos. Hindi lamang bigong mahulog sa dapat kalagyan ang aking trabaho, kundi pati na rin ang pagiging epektibo ng ating gawaing ebanghelyo na nagmula sa pailanlang tungo sa pagbulusok. Nahulog ako sa napakasakit na kalagayan, ngunit hindi sigurado kung ano ang nagawa kong mali. Kaya naman, nagpunta ako sa harapan ng Diyos sa panalangin upang taimtim na humingi ng patnubay. Sa pagkakataong ito, ang mga salita mula sa isang himno ay nagsimulang tumunog sa aking tainga: “Bilang isang pinuno na naglilingkod sa Diyos, siya ay kailangang manindigan sa mga prinsipyo. Kahit na hindi mo maipahayag nang malinaw ang katotohanan, dapat nasa tamang lugar ang iyong puso. Dapat mong itaas ang Diyos kahit ano pa man at sumaksi sa Diyos sa abot ng iyong makakaya. Sabihin lamang ang katulad ng mga nauunawaan mo sa iyong sarili, itaas lamang at sumaksi sa Diyos. Huwag mong itaas ang iyong sarili at hayaan ang ibang sambahin ka. Anuman ang ginagawa mo, huwag mong itaas ang iyong sarili at hayaan ang ibang sambahin ka. Ito ang unang prinsipyo na dapat mong tandaan” (“Tatlong Prinsipyo na Dapat Tandaan ng mga Pinuno” sa Sundin ang Kordero at Umawit ng mga Bagong Kanta). Dumaloy ang mga luha sa aking mukha. Pagsisisi, pagkakasala, at pasasalamat ang sabay-sabay na pumuno sa aking puso. Naalala ko ang lahat ng sinabi ko sa mga coordinator at nadama na talagang hindi ako karapat-dapat sa banal na pagsusulong ng Diyos. Isinaayos para sa akin ng iglesia ang pagpunta rito upang magawa kong itaas at magpatotoo sa Diyos, pamunuan ang mga kapatid na lalaki at kapatid na babae sa harap ng Diyos, at tulungan silang makilala Siya. Gayunpaman, ako ay walang-kahihiyang nagpasikat, itinaas ang aking sarili, sumaksi para sa aking sarili, at ipinagmalaki ang sarili ko. Ginawa ko ito upang tingalain at sambahin ako ng iba. Naging mapagmataas ako. Sumaksi ako para sa aking sarili at ipinagmalaki ang sarili ko sa ngalan ng pagmamahal at pagbibigay-lugod sa Diyos. Paano naging karapat-dapat ang kasuklam-suklam na taong ito upang maglingkod sa Diyos? Paano pagpapalain ng Diyos ang gawain ng gayong tao? Ang lahat ng ginagawa ko ay pakikipagkumpitensya sa Diyos para sa mga puso ng tao. Wala ako kundi isang anticristo. Nakakasagabal ako sa gawain ng Diyos at kumikilos bilang karibal Niya. Ang ministeryo ko ay puro laban sa Diyos, at kinamumuhian ito ng Diyos. At habang lalo kong naiisip ang tungkol dito, lalo ko lamang kinasuklaman ang sarili ko. Hindi ko maiwasan na buong-pagsisising magpatirapa ako sa harap ng Diyos, at dumaing sa Kanya, “O Diyos! Salamat sa Iyong pagkastigo at paghatol na siyang gumising sa akin, pinahintulutan akong kilalanin ang aking anticristong kakanyahan at kalikasan na tulad ng sa arkanghel. Ibinunyag mo rin ang direksyon ng aking ministeryo sa akin, tinutulungan akong maunawaan na tanging sa pagtaas at pagsaksi ko sa Iyo ay malulugod Ka na sa akin, pahintulutang maisagawa ang Iyong kalooban, at maisakatuparan ang misyon na ibinigay mo upang gawin ko. Tanging ang pagtataas at pagsasaksi sa Iyo ang maluwalhati. Iyan ang tungkulin ko bilang nilikha para sa Lumikha. O, Diyos! Mula ngayon, panata kong suriin ang aking puso at mga motibo bago ako magsalita o kumilos, sadyang pagtataas sa Iyo at pagsasaksi sa Iyo, pamumunuan ang mga kapatid na lalaki at mga kapatid na babae upang makilala Ka, at aaliwin ang Iyong puso sa pamamagitan ng pagiging isang tao na nagtataglay ng katotohanan at pagkatao.”