Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Peb 5, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo|Dapat Kang Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan

Nakágáwâ na Ako ng maraming gawain sa kalagitnaan ninyo, at siyempre, nakágáwâ na rin ng ilang mga pagbigkas. Nguni’t hindi Ko mapigilang maramdaman na hindi pa lubusang natutupad ng mga salita at mga gawain Ko ang layunin ng Aking gawain sa mga huling araw. Dahil, sa mga huling araw, ang gawain Ko ay hindi alang-alang sa isang tao o grupo ng mga tao, kundi upang ipakita ang Aking likas na disposisyon. Gayunman, dahil sa hindi mabilang na kadahilanan—marahil sa kakulangan ng oras o masyadong abala sa trabaho—hindi nagawa ng Aking disposisyon na makilala ako ng tao kahit na katiting. Kaya nagpapatuloy ako sa bago Kong plano, tungo sa pangwakas Kong gawain, para magbuklat ng isang bagong pahina sa Aking gawain upang ang lahat ng makakakita sa Akin ay magsisisuntok sa kanilang dibdib at tatangis at mananaghoy nang walang tigil dahil sa Aking pag-iral. Ito ay dahil dinadala ko ang katapusan ng sangkatauhan sa mundo, at mula sa puntong ito, inilalantad Ko ang Aking buong disposisyon sa harap ng sangkatauhan, upang ang lahat ng nakakakilala sa Akin at lahat ng hindi ay magpiyesta ang kanilang mga mata at makita na totoo ngang nakarating ako sa daigdig ng tao, dumating sa lupa kung saan ang lahat ng bagay ay nagpaparami. Ito ang plano Ko, ito ang tangi Kong “pangungumpisal” mula nang likhain Ko ang sangkatauhan. Ninanais Ko na maibigay sana ninyo ang buo ninyong pansin sa bawa’t galaw Ko, dahil minsan pang lumalapit ang Aking pamalo sa sangkatauhan, sa lahat ng sumasalungat sa Akin.

Kasama ang mga kalangitan, sinisimulan ko ang gawain na dapat kong gawin. Kaya dumadaan Ako sa gitna ng agos ng mga tao at kumikilos sa pagitan ng langit at lupa, nang walang sinuman kahit kailan ang nakakaramdam ng mga galaw Ko o nakakapansin ng mga salita Ko. Kaya, maayos pa ring sumusulong ang plano ko. Kaya lamang ay naging lubhang manhid ang lahat ng pakiramdam ninyo kaya hindi ninyo alam ni bahagya ang mga hakbang ng gawain Ko. Pero siguradong darating ang araw na matatanto ninyo ang intensyon Ko. Ngayon, naninirahan Akong kasama ninyo at nagdurusang kasama ninyo. Matagal ko nang naunawaan ang saloobin ng tao sa Akin. Hindi ko nais na linawin pa nang higit, lalo na ang magbigay ng higit pang mga pagkakataon ng masakit na paksa para hiyain kayo. Ang tanging nais ko ay panatilihin ninyo ang lahat ng nagawa ninyo sa inyong mga puso upang makapagkuwenta tayo sa araw ng muli nating pagkikita. Hindi ko nais na paratangan nang mali ang sinuman sa inyo, dahil palagi akong kumikilos nang makatarungan, walang kinikilingan, at may dangal. Siyempre, nais Ko ring kayo ay maging bukas at magkaroon ng magandang kalooban at huwag gumawa ng anumang laban sa langit at lupa at sa inyong konsensya. Ito lamang ang bagay na hinihingi Ko sa inyo. Maraming tao ang hindi mapalagay at naiilang dahil nakagawa sila ng mga nakakapangilabot na kamalian, at marami ang nahihiya sa kanilang sarili dahil hindi sila kailanman nakaganap ng isang mabuting gawa. Nguni’t marami rin ang hindi man lamang nahihiya sa kanilang mga kasalanan, palala nang palala, at ganap nang nagtanggal ng maskarang nagtatakip sa kanilang napakapangit na mga katangian—na hindi pa lubusang nalalantad—para subukin ang Aking disposisyon. Hindi ko pinapansin, o binubusisi, ang mga kilos ng sinumang tao. Sa halip, ginagawa Ko ang gawaing dapat kong gawin, iyon man ay pag-iipon ng impormasyon, o paglilibot sa lupain, o paggawa ng isang bagay na gusto Ko. Sa mahahalagang pagkakataon, ipagpapatuloy ko ang gawain Ko sa gitna ng mga tao tulad ng orihinal na nakaplano, hindi nahuhuli o napapaaga ng isa mang segundo, at nang kapwa madali at mabilis. Gayunman, sa bawa’t hakbang ng gawain Ko may ilang taong naiwaksi, dahil kinamumuhian ko ang kanilang mga pambobola at pakunwaring pagsunod. Tiyak na iiwanan ang mga kasuklam-suklam sa Akin, sinasadya man o hindi. Sa madaling salita, gusto Kong malayo sa Akin ang lahat ng kinasusuklaman Ko. Sabihin pa, hindi ko palalampasin ang masasamang natitira sa tahanan Ko. Dahil nalalapit na ang araw ng kaparusahan ng tao, hindi ako nagmamadali na itapon ang lahat ng mga kasuklam-suklam na kaluluwa, sapagka’t may sarili Akong plano.

Ngayon ang panahon na Aking inaalam ang katapusan ng bawa’t tao, hindi ang yugto na sinimulan Kong hubugin ang tao. Sinusulat Ko sa Aking talaang libro, isa-isa, ang mga salita at kilos ng bawa’t tao, maging ang kanilang daan sa pagsunod sa Akin, ang kanilang likas na mga katangian, at ang kanilang huling paggawa. Sa ganitong paraan, walang uri ng tao ang makakatakas sa kamay Ko at lahat ay makakasama ng kanilang kauri ayon sa itinalaga Ko. Ako ang nagpapasya sa hantungan ng bawa’t tao hindi batay sa edad, katandaan, laki ng paghihirap, at lalong hindi, ayon sa tindi ng kanilang pagiging kaawa-awa, kundi ayon sa kung may angkin silang katotohanan. Walang ibang mapipili kundi ito. Dapat mong matanto na lahat ng hindi sumusunod sa kalooban ng Diyos ay parurusahan. Ito ay hindi nababagong katotohanan. Samakatuwid, lahat niyaong pinarusahan ay pinarusahan nang gayon dahil sa pagkamatuwid ng Diyos at bilang ganti sa kanilang maraming masasamang gawa. Wala Akong nagawang isa mang pagbabago sa plano Ko mula noong sinimulan ito. Kaya lamang, pagdating sa tao, yaong mga sinasabihan Ko ng mga salita Ko ay tila nababawasan ang bilang, gaya rin ng mga tunay Kong kinasisiyahan. Gayunman, sinasabi ko na ang plano Ko ay hindi kailanman nagbago; sa halip, ang pananampalataya at pag-ibig ng tao ang laging nagbabago, laging nababawasan, hanggang sa punto na posible para sa bawa’t tao na mapunta mula sa pagsunud-sunod sa Akin tungo sa pagiging malamig sa Akin o maging pagwawaksi sa Akin. Hindi Ako magiging mainit o malamig sa inyo, hanggang sa masuklam at mapoot Ako, at sa katapusan ay magpataw ng kaparusahan. Gayunman, sa araw ng inyong kaparusahan, makikita Ko pa rin kayo, pero hindi na ninyo Ako makikita. Dahil ang pakikisama sa inyo ay naging nakakapagod at nakakabagot sa Akin, kaya, sabihin pa, pumili ako ng iba’t ibang kapaligiran na titirahan, mas mabuti para iwasan ang sakit ng inyong malisyosong mga pananalita at iwasan ang inyong labis na maruming ugali, upang hindi na ninyo ako maloko o tratuhin nang basta-basta lamang. Bago Ko kayo iwan, hinihikayat ko kayong tumigil sa paggawa niyaong hindi ayon sa katotohanan. Sa halip, dapat ninyong gawin yaong nakakalugod sa lahat, na nagdadala ng benepisyo sa lahat ng tao, at yaong may pakinabang sa sarili mong patutunguhan, kung hindi ang magdurusa sa gitna ng kapahamakan ay walang iba kundi ikaw.

Ang Aking awa ay nahahayag sa mga nagmamahal sa Akin at nagtatakwil ng kanilang mga sarili. At ang kaparusahang sumapit sa masama ay tiyak na patunay ng Aking matuwid na disposisyon at, higit pa, patotoo sa Aking poot. Kapag dumarating ang sakuna, taggutom at salot ang sasapitin ng lahat niyaong sumasalungat sa Akin at sila ay tatangis. Silang nakagawa na ng lahat ng paraan ng kasamaan, subali’t nakasunod sa Akin ng maraming taon, ay hindi makakatakas sa pagsasakdal; sila man, nahuhulog sa sakuna, na ang katulad ay bihirang makita sa lahat ng panahon, ay darating sa pamumuhay sa palagiang katayuan ng sindak at takot. At yaon lamang Aking mga tagasunod na nakapagpakita ng katapatan sa Akin ang magagalak at magpupuri sa Aking kapangyarihan. Mararanasan nila ang di-mailarawang kapanatagan at mabubuhay sa isang kagalakan na kailanman ay hindi Ko pa naipagkaloob sa sangkatauhan. Dahil itinuturing Kong kayamanan ang mabubuting gawa ng mga tao at kinasusuklaman ang kanilang masasamang gawa. Mula nang una Kong sinimulang pangunahan ang sangkatauhan, umaasa Ako nang husto na makakamit ng isang grupo ng mga taong may kaisipang katulad ng sa Akin. Hindi ko kailanman nalilimutan yaong mga hindi ko kaisa sa pag-iisip; nasusuklam ako sa kanila sa Aking puso, naghihintay lamang ng pagkakataon para gantihan Ko sila, at ikatutuwa Kong makita iyon. Ang araw Ko ay dumating na ngayon sa wakas, at hindi Ko na kailangan pang maghintay!

Ang huling gawain ko ay hindi lamang para parusahan ang tao kundi para din sa kapakanan ng pagsasaayos ng hantungan ng tao. Higit pa rito, ito ay para sa kapakanan ng pagtanggap ng pagkilala mula sa lahat para sa lahat ng nagawa Ko. Nais Kong makita ng bawa’t isang tao na ang lahat ng nagawa Ko ay tama, at ang lahat ng nagawa Ko ay kapahayagan ng Aking disposisyon; hindi ito gawain ng tao, lalong hindi ng kalikasan, na nagbunga ng sangkatauhan. Bagkus, Ako ang nag-alaga sa lahat ng nabubuhay na nilalang sa sangnilikha. Kung wala Ako, mapapahamak lamang ang sangkatauhan at sasailalim sa hampas ng kalamidad. Walang taong makakakitang muli kahit kailan ng magandang araw at buwan o ng luntiang mundo; ang mararanasan lamang ng sangkatauhan ay ang maginaw na gabi at hindi natitinag na lambak ng anino ng kamatayan. Ako lamang ang kaligtasan ng sangkatauhan. Ako lamang ang tanging pag-asa ng sangkatauhan at, lalo na, Ako ang Siyang dahilan kung bakit umiiral ang sangkatauhan. Kung wala Ako, ang sangkatauhan ay agad na darating sa ganap na pagtigil. Kung wala Ako, ang sangkatauhan ay daranas ng malawakang kapahamakan at tatapakan ng lahat ng uri ng mga multo, kahit na walang nakikinig sa Akin. Nakagawa Ako ng gawaing walang sinuman ang makagagawa, ang tangi Kong pag-asa ay mababayaran Ako ng tao ng ilang mabubuting gawa. Kahit na yaong makakabayad sa Akin ay napakaunti, tatapusin Ko pa rin ang Aking paglalakbay sa mundo ng tao at uumpisahan ang susunod na hakbang ng Aking gawaing nalalantad, dahil lahat ng Aking pagmamadaling pagparoo’t parito sa gitna ng tao nitong maraming taon ay naging mabunga, at lubos Akong nasisiyahan. Ang Aking iniintindi ay hindi ang bilang ng mga tao bagkus ang kanilang mabubuting gawa. Gayon pa man, umaasa Ako na naghahanda kayo ng sapat na mabubuting gawa para sa inyong patutunguhan. Saka Ako masisiyahan; kung hindi, wala sa inyo ang makatatakas sa sakunang darating sa inyo. Ang sakuna ay nagmumula sa Akin at mangyari pa ay isinasaayos Ko. Kung hindi kayo makapagpapakita bilang mabuti sa Aking mga mata, kung gayon hindi ninyo matatakasan ang paghihirap ng sakuna. Sa gitna ng kapighatian, ang inyong mga pagkilos at mga gawa ay hindi itinuring na lubusang karapat-dapat, dahil ang inyong pananampalataya at pag-ibig ay hungkag, at ipinakita lamang ninyo ang inyong mga sarili na alinman sa duwag o matigas. Tungkol dito, gagawa lamang Ako ng paghatol ng mabuti o masama. Ang Aking patuloy na pinahahalagahan ay ang paraan kung saan bawa’t isa sa inyo ay kumikilos at inihahayag ang kanyang sarili, ang batayan kung saan pagpapasyahan Ko ang inyong wakas. Datapwa’t, kailangang gawin Ko itong malinaw: hindi na Ako magbibigay ng awa sa mga hindi nagbigay sa Akin kahit katiting na katapatan sa mga panahon ng kapighatian, sapagka’t ang awa Ko ay hanggang doon lamang. Bukod diyan, wala Akong pagkagusto kaninuman na minsan na Akong naipagkanulo, lalong hindi Ko gusto na makisama roon sa mga nagkakanulo ng mga hinahangad ng kanilang mga kaibigan. Ito ang disposiyon Ko, sinuman ang taong iyan. Kailangang sabihin Ko ito sa inyo: Sinumang dumudurog sa Aking puso ay hindi tatanggap ng kaawaan mula sa Akin sa ikalawang pagkakataon, at sinumang naging matapat sa Akin ay mananatili sa puso Ko magpakailanman.

FacebookTwitterGoogle+EmailPinterestRedditShare