Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
"Sapaqka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios" (1 Pedro 4:17).
"Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao" (Mateo 24:27).
"At tumingin ako, at narito, ang Cordero ay nakatayo sa bundok ng Sion, at ang kasama niya’y isang daan at apat na pu’t apat na libong may pangalan niya, at pangalan ng kaniyang Ama, na nasusulat sa kanikaniyang noo. … Ang mga ito’y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka’t sila’y mga malilinis. At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon. Ang mga ito'y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero. At sa kanikaniyang bibig ay walang nasumpungang kasinungalingan: sila’y mga walang dungis" (Pahayag 14:1, 4-5).
"Nalalaman ko ang iyong mga gawa (narito, inilagay ko sa harapan mo ang isang pintuang bukas, na di mailalapat ng sinoman), na ikaw ay may kaunting kapangyarihan, at tinupad mo ang aking salita, at hindi mo ikinaila ang aking pangalan" (Pahayag 3:8).
"At siya’y kanilang dinaig dahil sa dugo ng Cordero, at dahil sa salita ng kanilang patotoo, at hindi nila inibig ang kanilang buhay hanggang sa kamatayan" (Pahayag 12:11).
"Ang mga ito’y ang nanggaling sa malaking kapighatian, at nangaghugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero" (Pahayag 7:14).
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Mga Klasikong Salita Mula sa Diyos:
Ginagawa Ko sa buong sansinukob ang Aking gawain, at sa Silangan, walang-katapusan ang paglabas ng dumadagundong na mga kalabog, yumayanig sa lahat ng mga taguri at mga sekta. Ang Aking tinig ang siyang nag-akay sa lahat ng tao tungo sa kasalukuyan. Sasanhiin Ko ang lahat ng tao na malupig ng Aking tinig, upang mangahulog sa batis na ito, at magpasakop sa Aking harapan, dahil matagal Ko nang binawi ang Aking kaluwalhatian mula sa buong daigdig at inilabas ito nang panibago sa Silangan. Sino ang hindi nananabik na makita ang Aking kaluwalhatian? Sino ang hindi balisang naghihintay sa Aking pagbabalik? Sino ang hindi nauuhaw para sa Aking muling pagpapakita? Sino ang hindi nagmimithi para sa Aking kariktan? Sino ang hindi lalapit sa liwanag? Sino ang hindi titingin sa kayamanan ng Canaan? Sino ang hindi nananabik sa pagbabalik ng Tagapagligtas? Sino ang hindi sumasamba sa Dakilang Makapangyarihan sa lahat? Ang Aking tinig ay lalaganap sa buong daigdig; nais Ko, kaharap ang mga taong Aking pinili, na magsalita pa ng higit na maraming salita sa kanila. Kagaya ng makapangyarihang mga kulog na yumayanig sa mga bundok at mga ilog, Aking winiwika ang Aking mga salita sa buong sansinukob at sa sangkatauhan. Kaya naman ang mga salita sa Aking bibig ay nagiging yaman ng tao, at minamahal ng lahat ng tao ang Aking mga salita. Kumikislap ang kidlat mula Silangan nang tuluy-tuloy hanggang Kanluran. Ang Aking mga salita ay gayon na umaayaw ang tao na isuko ang mga ito at kasabay nito ay nasusumpungang hindi maarok ang mga iyon, nguni’t nagbubunyi sa mga iyon, nang lalong higit pa. Gaya ng isang bagong-silang na sanggol, masaya at nagagalak ang lahat ng tao, ipinagdiriwang ang Aking pagdating. Sa pamamagitan ng Aking tinig, dadalhin Ko ang lahat ng tao sa Aking harapan. Mula roon, pormal Akong papasok sa sangkatauhan nang sa gayon ay lalapit sila para sambahin Ako. Sa pamamagitan ng kaluwalhatian na Aking pinasisinag at ng mga salita sa Aking bibig, Aking gagawin ito na anupa’t ang lahat ng mga tao ay lumalapit sa harapan Ko at makikita na kumikislap ang kidlat mula sa Silangan, at na nakábábâ na rin Ako sa "Bundok ng mga Olivo" ng Silangan. Makikita nila na matagal na Akong nasa daigdig, hindi na bilang Anak ng mga Hudyo bagkus ay bilang ang Kidlat ng Silangan. Dahil matagal na Akong nabuhay muli, at lumisan mula sa kalagitnaan ng sangkatauhan, at nagpakitang muli sa gitna ng mga tao nang may luwalhati. Ako ay Siyang sinamba nang di-mabilang na mga kapanahunan noon, at Ako rin ang "sanggol" na tinalikdan ng mga Israelita nang di-mabilang na mga kapanahunan noon. Higit pa rito, Ako ang lubos-na-maluwalhating Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat ng kasalukuyang kapanahunan! Hayaan ang lahat na lumapit sa harapan ng Aking trono at makita ang Aking maluwalhating mukha, marinig ang Aking tinig, at tumingin sa Aking mga gawa. Ito ay ang kabuuan ng Aking kalooban; ito ang katapusan at ang rurok ng Aking plano, gayundin ang layunin ng Aking pamamahala. Hayaan ang bawa’t bansa ay sambahin Ako, kilalanin Ako ng bawa’t dila, bawa’t tao’y panatilihin ang pananampalataya sa Akin, at bawa’t tao ay magpasakop sa Akin!
mula sa "Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nanghuhula Na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob"
Ngayon, ang Diyos ay bumalik sa mundo upang gawin ang Kanyang gawain. Ang Kanyang unang hinintuan ay ang engrandeng pagtitipon ng mga diktatoryal na namumuno: Tsina, ang matatag na balwarte ng ateismo. Nagkamit ang Diyos ng isang grupo ng mga tao sa pamamagitan ng Kanyang karunungan at kapangyarihan. Sa panahong iyon, Siya ay tinutugis ng namumunong partido ng Tsina sa lahat ng paraan at sumailalim sa matinding pagdurusa, na walang lugar sa pamamahinga ng Kanyang ulo at hindi makahanap ng sisilungan. Sa kabila nito, ipinagpatuloy pa rin ng Diyos ang gawaing Kanyang binabalak: Binibigkas Niya ang Kanyang tinig at nagpapakalat ng ebanghelyo. Walang sinuman ang makakaarok sa lalim ng kapangyarihan sa lahat ng Diyos. Sa Tsina, isang bansa na itinuturing ang Diyos bilang isang kaaway, ang Diyos ay hindi kailanman tumigil sa Kanyang gawain. Sa halip, mas maraming tao ang tumanggap ng Kanyang mga gawain at salita, dahil ginagawa ng Diyos ang lahat ng Kanyang makakaya upang iligtas ang bawat isa at ang bawat miyembro ng sangkatauhan. Pinagkakatiwalaan namin na walang bansa o kapangyarihan ang maaaring pumigil sa kung ano ang nais ng Diyos na makamit. Yaong mga sumasawata sa gawain ng Diyos, nilalabanan ang salita ng Diyos, iniistorbo at pinapahina ang plano ng Diyos sa huli ay parurusahan ng Diyos.
mula sa "Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan"
Ang gawain ng mga huling araw ay upang pagbukud-bukurin ang lahat ayon sa kanilang uri, upang tapusin ang plano sa pamamahala ng Diyos, sapagka’t ang oras ay malapit na at ang araw ng Diyos ay nakárátíng na. Dinadala ng Diyos ang lahat ng nakapasok sa Kanyang kaharian, iyon ay, lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang sa katapusan, tungo sa kapanahunan ng Diyos Mismo. Subali’t, hanggang sa pagdating ng kapanahunan ng Diyos Mismo, ang gawaing gagawin ng Diyos ay hindi upang magmasid sa mga gawa ng tao o magtanong tungkol sa buhay ng tao, kundi upang hatulan ang kanyang paghihimagsik, sapagka’t dadalisayin ng Diyos ang lahat ng lalapit sa harap ng Kanyang luklukan. Lahat ng mga nakásúnód sa mga yapak ng Diyos hanggang sa araw na ito ay yaong mga nagsilapit sa harap ng luklukan ng Diyos, at yamang ganito, ang bawat isang tao na tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng pagdadalisay ng Diyos. Sa ibang salita, ang lahat ng tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng paghatol ng Diyos.
mula sa "Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan"
Ang ginawang ganap bago ang kalamidad ay masunurin nga sa Diyos, namumuhay sila kay Cristo, nagpapatotoo at lubos din Siyang pinupuri. Sila ang matatagumpay na anak, at mabubuti Niyang sundalo.
mula sa "Ang Ikalabintatlong Pagbigkas" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao"
Ang isandaa’t apatnapu’t apat na libo ay iniuugnay sa matagumpay na mga batang lalaki. Sa gayon, ang 144,000 ay tumutukoy sa pangkat ng mga tao sa mga huling araw na maghahari, at siyang Aking minamahal. Iyan ay, ang 144,000 ay binibigyang-kahulugan bilang ang pangkat ng mga tao na dumating mula Sion at babalik sa Sion. Ang kumpletong paliwanag sa 144,000 matagumpay na mga batang lalaki ay ang sumusunod: Sila ang mga tao na nagmula sa Sion patungo sa mundo at pinásámâ ni Satanas, at na sa huli ay Aking mababawi at babalik sa Sion kasama Ko.
mula sa "Ang Ikasandaa’t-labing-isang Pagbigkas" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao"
Kapag dumating ang Diyos, tatamasahin ng mga tao ang Kanyang kamahalan at ang Kanyang matinding galit, ngunit gaano man kaanghang ang Kanyang mga salita, dumating Siya para iligtas at gawing perpekto ang sangkatauhan. Bilang mga nilalang, kailangan tuparin ng mga tao ang mga tungkulin na dapat nilang tuparin, at sumaksi para sa Diyos sa gitna ng kapinuhan. Sa bawat pagsubok dapat nilang pagtibayin ang saksi na dapat silang maging, at maging isang matunog na saksi para sa Diyos. Ito ay isang mananagumpay. Hindi alintana kung paano ka pipinuhin ng Diyos, manatili kang puno ng pagtitiwala at hindi mawawalan ng pagtitiwala sa Diyos. Gawin mo kung ano ang dapat gawin ng tao. Ito ang kinakailangan ng Diyos sa tao, at dapat ang iyong puso ay magawang ganap na ibalik sa Kanya at bumaling tungo sa Kanya sa bawat sandali. Ito ay isang mananagumpay. Sa kanila na tinutukoy ng Diyos na mga mananagumpay ay yaong nagagawa pang sumaksi, napapanatili ang kanilang pagtitiwala, at ang kanilang katapatan sa Diyos kapag nasa ilalim ng impluwensya ni Satanas at nasa ilalim ng pag-atake ni Satanas, iyon ay, kapag nasa loob ng mga puwersa ng kadiliman. Kung nagagawa mo pa ring mapanatili ang isang puso ng kadalisayan at ang iyong tunay na pag-ibig para sa Diyos anuman ang mangyari, ikaw ay magiging saksi sa harap ng Diyos, at ito ang tinutukoy ng Diyos na pagiging isang mananagumpay.
Ang tao ay lubusang gagawing ganap sa Kapanahunan ng Kaharian. Pagkatapos ng gawain ng panlulupig, ang tao ay papasailalim sa kapinuhan at pagdurusa. Ang mga magtatagumpay at tatayo upang maging patotoo sa pagdurusa ay ang mga gagawing ganap sa huli; sila ang mga nagtagumpay. Sa pagdurusang ito, ang tao ay inatasang tanggapin ang kapinuhan na ito, at ang kapinuhan na ito ang huling pagkakataon sa gawain ng Diyos. Ito ang huling pagkakataon na dadalisayin ang tao bago ang pagtatapos ng lahat ng gawain ng pamamahala ng Diyos, ang lahat ng sumusunod sa Diyos ay kailangang tanggapin ang huling pagsubok, kailangang tanggapin ang huling pagpipino. Ang mga pinaliligiran ng pagdurusa ay wala sa kanila ang gawain ng Banal na Espiritu at paggabay ng Diyos, ngunit ang mga tunay na nalupig at tunay na naghahangad sa Diyos ay makatatayo nang mabilis sa huli; sila ang mga nagtataglay ng kababaang-loob, at ang mga tunay na nagmamahal sa Diyos. Kahit na ano ang gawin ng Diyos, ang mga matagumpay na ito ay hindi mawawalan ng mga pangitain, at patuloy pa ring isinasagawa ang katotohanan at hindi nabibigo sa kanilang patotoo. Sila ang mga makalalampas sa pagdurusa.