Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Espiritu ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Espiritu ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

Set 25, 2017

Ang Mahalagang Pagkakaiba sa Pagitan ng Diyos na Nagkatawang-tao at ang mga Taong Ginamit ng Diyos

Kidlat ng Silanganan-Ang Mahalagang Pagkakaiba sa Pagitan ng Diyos na Nagkatawang-tao at ang mga Taong Ginamit ng Diyos

Kidlat ng Silanganan | Ang Mahalagang Pagkakaiba sa Pagitan ng Diyos na Nagkatawang-tao at ang mga Taong Ginamit ng Diyos

  Sa maraming taon ang Espiritu ng Diyos ay masusing gumagawa sa lupa. Sa paglipas ng panahon, gumamit ang Diyos ng maraming tao upang isagawa ang Kanyang gawain. Ngunit ang Espiritu ng Diyos ay wala pa ring angkop na lugar na mapagpapahingahan. Kaya’t kumilos ang Diyos sa iba’t-ibang tao sa pagsasagawa ng gawain Niya at higit sa lahat Siya ay gumamit ng mga tao upang isagawa ito. Iyon ay dahil, sa loob ng maraming taon, hindi huminto ang gawain ng Diyos. Nagpatuloy itong sumulong sa pamamagitan ng mga tao, hanggang sa kasalukuyan. Kahit na marami na ang sinabi at ginawa ng Diyos, hindi pa rin kilala ng tao ang Diyos, dahil hindi kailanman nagpakita ang Diyos sa tao, at Siya ay walang anyo. Kaya kailangang tuparin ng Diyos ang gawaing ito—ang pagpapahayag sa lahat ng tao ng tunay na kahalagahan ng praktikal na Diyos. Sa hangaring ito, dapat ipakita ng Diyos ang Kanyang Espiritu, tunay at nahahawakan, sa mga tao at kumilos sa kanilang kalagitnaan. Tanging kapag nagkaanyo ang Espiritu ng Diyos, at nagkaroon ng laman at mga buto, at nakikitang lumakad sa gitna ng mga tao, sinasamahan sila sa kanilang mga buhay, minsan ay nagpapakita at minsan ay ikinukubli ang Sarili Niya, ang mga tao ay mas mauunawaan Siya. Kapag nanatili sa laman ang Diyos, hindi Niya lubos na matatapos ang Kanyang gawain. Pagkatapos gumawa sa laman ng ilang panahon, isinasagawa ang ministeryo na kailangang gawin sa laman, dapat lisanin ng Diyos ang laman at gumawa sa espirituwal na dako sa anyo ng laman katulad ng ginawa ni Jesus matapos gumawa sa isang panahon sa normal na pagkatao at kinukumpleto ang lahat ng gawaing kailangang tapusin. Maaaring naaalala ninyo ito mula Sa Landas … (5): “Naaalala Ko ang Aking Ama na sinasabi sa Akin, ‘Sa lupa, isagawa Mo lamang ang Aking kalooban at tapusin ang Aking atas. Wala Ka nang ibang aalalahanin.’” Ano ang nakikita mo sa mga siping ito? Nang ang Diyos ay pumarito sa lupa, ginawa Niya lamang ang gawain ng pagka-Diyos. Ito ang komisyon ng makalangit na Espiritu sa Diyos na nagkatawang-tao. Siya ay pumarito lamang upang pumunta sa lahat ng dako at mangusap, upang ihayag ang Kanyang tinig sa iba’t-ibang paraan at mula sa iba’t-ibang pananaw. Ang Kanyang pangunahing layunin at simulain sa paggawa ay ang tustusan ang tao at turuan sila. Hindi Niya inaalala ang mga bagay na katulad ng magkaakibat na panaong relasyon o ang mga salaysayin sa buhay ng tao. Ang Kanyang pangunahing ministeryo ay ang mangusap para sa Espiritu. Nang nagpakita sa laman ang Espiritu ng Diyos nang actuwal, nagbibigay lamang Siya para sa buhay ng tao at inihahayag ang katotohanan. Hindi Siya nakikialam sa mga suliranin ng tao, iyon ay, hindi Siya nakikisali sa gawain ng pagkatao. Hindi maaaring gumawa ang tao ng maka-Diyos na gawain, at hindi nakikisali ang Diyos sa gawain ng tao. Sa loob ng ilang taong gumawa ang Diyos sa lupa, gumamit Siya ng mga tao upang isagawa ang mga gawain Niya. Ngunit ang mga taong ito ay hindi maituturing na Diyos na nagkatawang-tao; maituturing lamang silang mga taong ginamit ng Diyos. Ngunit ang Diyos ng ngayon ay maaaring tuwirang mangusap mula sa pananaw na pagka-Diyos, isugo ang tinig ng Espiritu, at gumawa sa ngalan ng Espiritu. Ang lahat ng mga tao na ginamit ng Diyos sa paglipas ng panahon ay nagtataglay din ng Espiritu ng Diyos sa kanilang mga katawan, ngunit bakit hindi sila maaaring tawaging Diyos? Ang Diyos ngayon ay Espiritu ng Diyos na tuwirang gumagawa sa laman, si Jesus rin ay Espiritu ng Diyos na gumagawa sa laman. Ang panghuling dalawang ito ay tinatawag na Diyos. Kaya’t ano ang pagkakaiba? Sa paglipas ng panahon, ang mga taong ginamit ng Diyos ay may mga karaniwang pag-iisip at katuwiran. Alam nilang lahat kung paano kumilos at pangasiwaan ang mga pangyayari sa buhay. Nagtataglay sila ng payak na kaisipan at mga karaniwang bagay na nararapat mayroon ang mga tao. Ang karamihan sa kanila ay mayroong mga bukod-tanging kakayahan at likas na talino. Sa paggawa sa pamamagitan ng mga taong ito, ginagamit ng Espiritu ng Diyos ang mga kakayahan nila, na ibinigay ng Diyos. Ang Espiritu ng Diyos ang kumikilos upang gumana ang mga kakayahan nila, at ginagamit ang kanilang lakas upang paglingkuran ang Diyos. Ngunit, ang katangian ng Diyos ay malaya mula sa kaisipan at malaya mula sa diwa. Hindi nito isinasama ang mga kuro-kuro ng tao at mayroong kakulangan sa kung ano angkaraniwang tinataglay ng tao. Iyon ay dahil, hindi nauunawaan ng Diyos ang mga simulain ng pag-uugali ng tao. Ito ang mangyayari kapag ang Diyos ngayon ay bumaba sa lupa. Siya ay gumagawa at nangungusap na hindi isinasama ang mga makataong palagay at makataong kaisipan, ngunit tuwirang inihahayag ang orihinal na kahulugan ng Espiritu at tuwirang gumagawa sa ngalan ng Diyos. Ito ay nangangahulugang ang Espiritu ay lumalabas upang gumawa, na hindi rin nagsasama ng kahit na kaunting pag-iisip ng tao. Iyon ay, ang Diyos na nagkatawang-tao na kumakatawan sa tuwirang pagka-Diyos, ay walang kaisipang pantao o ideolohiya, walang pagkakaunawa sa mga simulain ng pag-uugali ng tao. Kung mayroon lamang pagka-Diyos na gawain (nangangahulugan na kung ang Diyos Mismo lamang ang nagsasagawa ng gawain), ang gawain ng Diyos ay hindi maisasagawa sa lupa. Kaya kapag pumarito sa lupa ang Diyos, kailangan Niyang magkaroon ng ilang tao na magagamit Niya upang gumawa sa sangkatauhan na kaugnay sa Kanyang gawain sa pagka-Diyos. Sa ibang salita, gumagamit Siya ng mga gawain ng tao upang alalayan ang Kanyang pagka-Diyos na gawain. Kung hindi, ang tao ay mahihirapang tuwirang makisama sa gawaing pagka-Diyos. Ganito ang nangyari kay Jesus at sa Kanyang mga alagad. Sa panahon ng Kanyang buhay, binuwag ni Jesus ang mga lumang kautusan at nagtatag ng mga bago. Siya rin ay madalas na nangusap. Ang lahat ng ito ay ginawa sa pagka-Diyos. Ang ilan, katulad nina Pedro, Pablo at Juan, lahat sila ay nanalig sa mga salita ni Jesus bilang kanilang saligan. Iyon ay dahil, nagsasagawa ang Diyos sa panahon ng gawain sa paglulunsad, at inihahatid ang Kapanahunan ng Biyaya. Nagdala Siya ng bagong panahon at binuwag ang luma, at tinupad ang mga salitang “Ang Diyos ang Simula at ang Katapusan”. Sa madaling salita, dapat magsagawa ang tao ng gawain ng tao bilang saligan sa pagka-Diyos na gawain. Matapos sabihin ni Jesus ang mga nais Niyang sabihin at tinapos ang Kanyang gawain sa lupa, iniwan Niya ang tao. At ang mga tao ay gumawa ayon sa simulain ng Kanyang mga salita at gumawa ayon sa mga katotohanang sinabi Niya. Ang lahat ng mga taong ito ay gumagawa para kay Jesus. Kung si Jesus lamang ang nagsasagawa ng mga gawain, kahit gaano karaming ulit Siya mangusap, hindi pa rin mauunawaan ng mga tao ang mga salita Niya, dahil Siya ay gumagawa sa pagka-Diyos at maaari lamang mangusap nang maka-Diyos. Mahirap para sa Kanya ang magpaliwanag ng mga bagay na maiintindihan ng mga karaniwang tao. Kaya’t kinailangan Niya ang mga apostol at mga propetang sumunod sa Kanya upang punan ang gawain Niya. Ito ang simulain kung paano gumawa ang Diyos na nagkatawang-tao—ginagamit ang katawang-tao upang mangusap at kumilos upang matapos ang gawaing pagka-Diyos, at ginagamit ang ilan pang mga tao na sumusunod sa puso ng Diyos na punan ang mga gawain ng Diyos. Gumagamit ang Diyos ng mga tao na nagawang sumunod sa Kanyang puso upang magpastol at diligan ang sangkatauhan sa gayon ay makatanggap ng katotohanan ang bawat tao.