Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Huling Panahon. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Huling Panahon. Ipakita ang lahat ng mga post

Ago 26, 2017

Kidlat ng Silanganan | Isinasagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan,  Pagpapahayag ng Makapangyarihan Diyos, Jesus, Huling Panahon

Kidlat ng Silanganan | Isinasagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan
  Ang gawain sa mga huling araw ay upang pagbukud-bukurin ang lahat ayon sa kanilang uri, upang tapusin ang plano sa pamamahala ng Diyos, sapagkat ang oras ay malapit na at ang araw ng Diyos ay dumating na. Dadalhin ng Diyos ang lahat ng nakapasok sa Kanyang kaharian, iyon ay, lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang katapusan, sa panahon ng Diyos Mismo. Gayunman, bago dumating ang panahon ng Diyos Mismo, ang gawain na ninanais gawin ng Diyos ay hindi upang magmasid sa mga gawa ng tao o magtanong tungkol sa mga buhay ng tao, kundi upang hatulan ang kanyang paghihimagsik, sapagkat dadalisayin ng Diyos ang lahat ng lalapit sa Kanyang luklukan. Lahat ng mga nagsisunod sa mga yapak ng Diyos hanggang sa araw na ito ay yaong mga nagsilapit sa luklukan ng Diyos, kaya lahat ng tatanggap sa huling gawain ng Diyos ang siyang dadalisayin ng Diyos. Sa ibang salita, ang lahat ng tatanggap sa huling gawain ng Diyos ang siyang hahatulan ng Diyos.