Kidlat ng Silanganan | Ikaw Ba’y Nabuhay?
Kapag nakamit mo na ang pagsasabuhay sa labas ng normal na pagkatao, at ginawa ka nang perpekto, bagaman hindi mo magagawang magsalita ng propesiya o ng anumang misteryo, ang larawan ng isang tao ang isasabuhay at ibubunyag mo. Nilikha ng Diyos ang tao, pagkatapos ay sinira ni Satanas ang tao, at ginawang mga patay na katawan ang mga tao ng katiwalian na ito—kaya, matapos kang magbago, magiging iba ka mula sa mga patay na katawang ito. Ang mga salita ng Diyos ang nagbibigay buhay sa mga espiritu ng tao at nagdudulot ng kanilang muling magising, at kapag nagising muli ang mga espiritu ng tao, nabuhay na silang muli. Ang pagbanggit ng “patay” ay tumutukoy sa mga walang espiritung bangkay, sa mga taong ang kanilang espiritu ay namatay na. Kapag binigyang buhay ang espiritu ng mga tao, nabubuhay silang muli. Ang mga santo na pinag-usapan noon ay tumutukoy sa mga tao na nabuhay, ang mga nasa ilalim ng impluwensya ni Satanas ngunit dinaig si Satanas. Natiis ng mga napiling mamamayan ng Tsina ang malupit at di-makataong pag-uusig at panlalansi ng malaking pulang dragon, na iniwan silang pinsala ang pag-iisip at wala man lang kakaunting lakas ng loob upang mabuhay. Kaya, dapat magsimula ang pagkabuhay ng kanilang mga espiritu kasama ng kanilang substansya: Unti-unti, dapat buhayin ang kanilang espiritu sa kanilang substansya. Kapag isang araw ay nabuhay na sila, wala nang magiging sagabal pa, at lahat ay magpapatuloy nang maayos. Sa ngayon, nananatili itong hindi makakamtan. Karamihan sa mga taong nagsasabuhay ay naglalaman ng maraming pakiramdam ng kamatayan, nababalot sila ng aura ng kamatayan, at masyadong marami ang kanilang kakulangan. May dalang kamatayan ang mga salita ng ilang tao, may dalang kamatayan ang kanilang pagkilos, at kamatayan ang halos karamihan sa kanilang isinasabuhay. Kung magpapatotoo ngayon sa publiko ang mga tao tungkol sa Diyos, ang gawaing ito ay mabibigo kung gayon, dahil kailangan na muna nilang mabuhay muli nang ganap, at masyadong marami ang patay sa inyo. Ngayon, nagtatanong ang ilang tao kung bakit hindi nagpapakita ng ilang hudyat at himala ang Diyos upang mabilis Niyang maipalaganap ang Kanyang gawain sa mga bansang Gentil. Hindi maaaring magpatotoo ang patay tungkol sa Diyos; ang buhay ang maaari, ngunit karamihan sa mga tao ngayon ay patay, masyadong marami sa kanila ang namumuhay sa kulungan ng kamatayan, namumuhay sa ilalim ng impluwensya ni Satanas, at hindi kayang magtagumpay—kaya paano sila makakapagpatotoo tungkol sa Diyos? Paano nila maipapalaganap ang gawain ng ebanghelyo?