Kidlat ng Silanganan | Alam Mo Ba? Nakágáwâ ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao
Dahil ang gawain ng Diyos ay hindi maaaring makita ni mahawakan, at lalong hindi ang makita ito ng mundo, kung gayon paano ito naging dakila? Anong mga bagay ang maituturing na dakila? Tiyak na walang makatatanggi na ang lahat ng gawain ng Diyos ay maituturing na dakila, ngunit bakit ko sinasabi na ang gawain ng Diyos ngayon ay dakila? Kapag aking sinasabi na ang Diyos ay gumawa ng isang dakilang bagay, walang duda na ito ay nagtataglay ng maraming hiwaga na marapat lamang na maunawaan ng tao. Atin silang pag-usapan ngayon.
Si Jesus ay isinilang sa isang sabsaban sa panahon na hindi pinahihintulutan ang Kanyang pag-iral, ngunit hindi pa rin Siya mapipigilan ng mundo, at Siya ay namuhay kasama ng mga tao sa loob ng tatlumpu’t tatlong taon sa ilalim ng pangangalaga ng Diyos. Sa maraming mga taon na iyon nang pamumuhay, naranasan Niya ang kapaitan ng mundo at natikman ang buhay na puno ng dalamhati sa lupa. Tinanggap Niya ang mabigat na pananagutan ng pagkakapako sa krus upang tubusin ang buong sangkatauhan. Tinubos Niya ang lahat ng mga makasalanan na patuloy na namumuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas, at sa wakas, ang Kanyang katawan na muling nabuhay ay bumalik sa Kanyang lugar na pahingahan. Ngayon, nagsimula ang bagong gawain ng Diyos, at ito rin ang simula ng bagong kapanahunan. Dinadala ng Diyos sa Kanyang tahanan ang mga tinubos upang masimulan ang Kanyang bagong gawain ng pagliligtas. Sa pagkakataong ito, ang gawain ng pagliligtas ay mas masusi kaysa sa nakaraan. Hindi ito isasagawa ng Banal na Espiritu na kumikilos sa tao upang pahintulutan siyang magbago sa kanyang sarili, ni hindi rin ito isasagawa sa pamamagitan ng katawan ni Jesus na humaharap sa mga tao, at lalong hindi ito isasagawa sa ibang paraan. Sa halip, ang gawain ay isasagawa at papatnubayan ng Diyos Mismo na nagkatawang-tao. Ito ay ginawa upang pangunahan ang tao papunta sa bagong gawain. Hindi ba ito isang dakilang bagay? Hindi isinasagawa ng Diyos ang mga gawaing ito na kabahagi ang ilang mga tao o sa pamamagitan ng mga hula, ngunit ng Diyos Mismo. Ang ilan ay magsasabi na ito ay hindi isang dakilang bagay at hindi nito mabibigyan ang tao nang lubos na kaligayahan. Gayunman, sasabihin ko sa iyo na ang gawain ng Diyos ay hindi ito lamang, ngunit isang bagay na mas malaki at higit pa.
Sa pagkakataong ito, pumarito ang Diyos upang magsagawa ng gawain hindi sa espirituwal na katawan ngunit sa isang karaniwang katawan. Hindi lamang ito ang katawan ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, ito rin ang katawan kung saan magbabalik ang Diyos. Ito ay isang napaka-karaniwang laman. Sa Kanya, wala kang makikitang kaiba kumpara sa iba, ngunit maaari kang makatanggap ng mga katotohanang mula sa Kanya na hindi mo pa kailanman naririnig. Ang hamak na laman na ito ay ang sagisag nang lahat ng mga salita ng katotohanan mula sa Diyos, na tumatanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, at ang pagpapahayag ng kabuuan ng disposisyon ng Diyos para sa tao. Hindi ba labis ang iyong pagnanais na makita ang Diyos sa langit? Hindi ba labis ang iyong pagnanais na maintindihan ang Diyos sa langit? Hindi ba labis ang iyong pagnanais na makita ang hantungan ng sangkatauhan? Sasabihin Niya sa iyo ang lahat ng mga lihim, at sasabihin rin Niya sa iyo ang mga katotohanan na hindi mo nauunawaan. Siya ang iyong daan papunta sa kaharian, at ang iyong gabay papunta sa bagong kapanahunan. Ang isang karaniwang laman ay nagtataglay ng maraming hindi maarok na mga hiwaga. Ang Kanyang mga gawa ay maaaring hindi mo maunawaan, ngunit ang layunin ng lahat ng isinasagawa Niyang gawain ay sapat upang iyong makita na hindi Siya isang karaniwang laman lamang gaya ng inaakala ng iba. Sapagkat kinakatawan Niya ang kalooban ng Diyos gayundin ang pangangalaga na ipinakita ng Diyos sa sangkatauhan sa mga huling araw. Kahit na hindi mo naririnig ang mga salitang Kanyang sinasabi na tila yumayanig sa langit at lupa, o makita ang Kanyang mga mata na tila mga nag-aalab na apoy, at kahit na hindi mo maramdaman ang disiplina ng Kanyang bakal na pamalo, maririnig mo mula sa Kanyang mga salita ang galit ng Diyos at malalaman na ang Diyos ay nagpapamalas ng pagkahabag sa sangkatauhan; makikita mo ang Kanyang matuwid na disposisyon at ang Kanyang karunungan, at higit sa lahat, mapagtanto ang pagmamalasakit at pag-aalaga ng Diyos sa sangkatauhan. Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ang pahintulutan ang tao na makita ang Diyos sa langit na buhay sa kalagitnaan ng mga tao sa lupa, at ang payagan ang tao na makilala, sundin, igalang at ibigin ang Diyos. Ito ang dahilan kung bakit Siya nagkatawang-tao sa pangalawang pagkakataon. Kahit na ang nakikita ng tao sa kasalukuyan ay ang Diyos na katulad ng mga tao, ang Diyos na mayroong ilong at dalawang mata, ang di-katangi-tanging Diyos, sa katapusan ay ipapakita sa iyo ng Diyos na kung wala ang pag-iral ng taong ito, ang langit at lupa ay sasailalim sa napakalaking pagbabago; kung wala ang pag-iral ng taong ito, ang langit ay magiging madilim, magkakagulo sa lupa, ang buong sangkatauhan ay mamumuhay sa gutom at sakuna. Ipapakita Niya sa inyo na kung wala ang pagliligtas ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw, matagal na sanang winasak ng Diyos ang buong sangkatauhan sa impiyerno; kung wala ang pag-iral ng katawang-tao na ito, kung gayon kayo ay magiging pinakapinuno ng mga makasalanan at mga bangkay habambuhay. Nararapat ninyong malaman na kung hindi umiiral ang katawang-tao na ito, ang lahat ng sangkatauhan ay mahaharap sa hindi mapipigilang kapahamakan at mahihirapan silang makatakas sa mas malubhang kaparusahan ng Diyos sa sangkatauhan sa mga huling araw. Kung hindi isinilang ang karaniwang katawang-tao na ito, lahat kayo ay mapupunta sa katayuan na ang pagkabuhay ni kamatayan ay darating gaano man ninyo ito naisin; kung wala ang pag-iral ng katawang-tao na ito, kung gayon hindi ninyo makakamit ang katotohanan at hindi kayo makalalapit sa trono ng Diyos sa araw na iyon. Sa halip, parurusahan kayo ng Diyos dahil sa inyong mabigat na mga kasalanan. Alam ba ninyo? Kung hindi dahil sa muling pagkakatawang-tao ng Diyos, walang magkakaroon ng pagkakataon sa kaligtasan; kung hindi dahil sa pagdating ng katawang-tao na ito, matagal nang tinapos ng Diyos ang lumang kapanahunan. Kaya, magagawa ninyo pa bang tanggihan ang ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos? Dahil lubha kayong makikinabang sa karaniwang taong ito, bakit hindi ninyo Siya tanggapin nang buong puso?
Ang gawain ng Diyos ay hindi mo mauunawaan. Kung hindi mo matanto kung ang iyong desisyon ay tama ni hindi mo malaman kung ang gawain ng Diyos ay magtatagumpay, bakit hindi mo subukin ang iyong kapalaran at tingnan kung ang karaniwang taong ito ay malaking tulong sa iyo, at kung ang Diyos ay gumawa ng dakilang gawain. Ngunit, dapat kong sabihin sa iyo na sa panahon ni Noe, kumakain at umiinom ang mga tao, nagpapakasal at sumusuko sa pagsasama sa puntong hindi na kayang tingnan ito ng Diyos, kaya Siya ay nagpadala ng malaking baha upang wasakin ang sangkatauhan at iwan lamang ang pamilya ni Noe na walong tao at ang lahat ng uri ng mga ibon at hayop. Sa mga huling araw, gayunman, ang mga kinupkop ng Diyos ay ang mga naging tapat sa Kanya hanggang sa katapusan. Kahit na ang parehong panahon ay puno nang katiwaliang hindi mabata ng Diyos na masaksihan pa ito, at ang sangkatauhan sa parehong kapanahunan ay napakatiwali na ipinagkanulo niya ang Diyos bilang Panginoon, ang lahat ng mga tao sa panahon ni Noe ay winasak ng Diyos. Nagdulot nang labis na kapighatian sa Diyos ang sangkatauhan sa parehong kapanahunan, ngunit nanatiling matiisin ang Diyos sa mga tao sa mga huling araw hanggang sa kasalukuyan. Bakit ganito? Hindi ba ninyo ito pinag-isipan kailanman? Kung talagang hindi ninyo alam, hayaan ninyong sabihin Ko. Ang katuwiran kung bakit kayang pakitunguhan ng Diyos ang mga tao sa mga huling araw, hindi dahil sila ay di gaanong tiwali kaysa sa mga tao sa panahon ni Noe o sila ay nagpakita ng pagsisisi para sa Diyos, lalong hindi dahil hindi matiis ng Diyos na wasakin ang mga tao sa huling mga araw na kung saan ang teknolohiya ay umuunlad. Sa halip, ito ay dahil ang Diyos ay mayroong isasagawang gawain sa lupon ng mga tao sa mga huling araw at ito ay isasagawa ng Diyos Mismo na nagkatawang-tao. Higit pa rito, mamimili ang Diyos ng isang bahagi ng lupon na ito bilang mga pakay ng Kanyang pagliligtas, ang bunga ng Kanyang plano sa pamamahala, at dadalhin ang mga taong ito kasama Niya sa susunod na kapanahunan. Samakatuwid, anuman ang mangyari, ang halagang ibinayad ng Diyos ay para sa paghahanda sa gawain ng Kanyang pakakatawang-tao sa mga huling araw. Ang lahat ng mayroon kayo sa kasalukuyan ay dahil sa katawang-tao na ito. Dahil sa nabubuhay ang Diyos sa katawang-tao kaya kayo ngayon ay may pagkakataong mabuhay. Ang lahat ng magandang kapalaran na ito ay nakamit dahil sa karaniwang tao na ito. Hindi lamang ito, ngunit sa katapusan ang lahat ng bansa ay dapat sambahin ang karaniwang tao na ito, gayundin nagbibigay pasasalamat at susunod sa walang-halagang taong ito. Sapagkat Siya ang nagbigay ng katotohanan, nang buhay, at nang daan upang mailigtas ang buong sangkatauhan, malunasan ang hindi pagkakainitindihan ng Diyos at tao, at mailapit ang tao sa Diyos, at ang makipag-usap nang kaisipan sa pagitan ng Diyos at ng tao. Siya rin ang nagdala nang higit na kaluwalhatian sa Diyos. Hindi ba karapat-dapat ang karaniwang taong ito sa iyong pagtitiwala at pagmamahal? Ang karaniwang laman bang ito ay hindi angkop upang tawaging Kristo? Ang karaniwang tao bang ito ay hindi maaaring maging pagpapahayag ng Diyos sa mga tao? Hindi ba karapat-dapat sa inyong pagmamahal ang taong ito na tumulong sa inyo upang mailigtas sa sakuna? Kapag tinanggihan ninyo ang mga katotohanan na namutawi sa Kanyang bibig at kamuhian din ang Kanyang pag-iral sa gitna ninyo, ano ang inyong magiging kapalaran?
Ang lahat ng gawain ng Diyos sa mga huling araw ay isinasagawa sa pamamagitan ng karaniwang taong ito. Ihahandog Niya ang lahat para sa iyo, bukod pa rito, Siya ang magkapagpapasiya sa lahat para sa iyo. Ang ganoong tao ba ay maaaring maging katulad ng inyong inaakala: ang taong napakapayak upang maging hindi karapat-dapat na banggitin? Ang katotohanan ba Niya ay hindi sapat upang kayo ay mahikayat? Ang saksi ba ng Kanyang mga gawain ay hindi sapat upang kayo ay mahikayat? O ang landas ba kung saan Niya kayo pinangungunahan ay hindi ninyo karapat-dapat na sundan? Ano ang naguudyok sa inyo upang makaramdam ng pag-ayaw sa Kanya at itaboy Siya at iwasan Siya? Siya ang naghahayag ng katotohanan, Siya ang nagbibigay ng katotohanan, at Siya ang nagbibigay ng kakayahan sa inyo upang magkaroon ng landas na tatahakin. Hindi ninyo pa rin ba nakikita ang mga bakas ng mga gawain ng Diyos sa mga katotohanang ito? Kung wala ang gawain ni Jesus, hindi makakababa ang sangkatauhan mula sa krus, ngunit kung wala ang pakakatawang-tao ngayon, ang mga bumaba mula sa krus ay hindi ipagtatagubilin ng Diyos o makapapasok sa bagong kapanahunan. Kung hindi dumating ang karaniwang tao na ito, hindi kayo magkakaroon ng pagkakataon upang makita ang anyo ng Diyos, dahil lahat kayo ay matagal nang dapat na winasak. Dahil sa pagdating ng ikalawang pakakatawang-tao ng Diyos, naawa at pinatawad kayo ng Diyos. Sa kabila nito, ang mga salita na iiwan ko sa inyo sa katapusan ay ang mga ito pa rin: Ang karaniwang tao na ito, na Siyang Diyos na nagkatawang-tao, ay napakahalaga sa inyo. Ito ang dakilang bagay na ginawa ng Diyos sa inyo.
Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Rekomendasyon:
Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Nabuo ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos—ang nagbalik na Panginoong Jesus—ang Cristo ng mga huling araw, at gayundin sa ilalim ng Kanyang matuwid na paghatol at pagkastigo. Ang iglesia ay binubuo ng lahat ng taong tunay na tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nalupig at nailigtas ng salita ng Diyos. Lubos itong itinatag ng Makapangyarihang Diyos nang personal, at personal Niyang pinamunuan at ginabayan, at hindi ito itinatag ng sinumang tao. Ito ay isang katotohanang tanggap ng lahat ng piniling tao sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.