Shi Han Hebei Province
Ipinanganak ako sa isang mahirap na pamilya ng magsasaka.Matino ako mula pagkabata, dahil hindi ako kailanman nakipag-away sa ibang bata at sinunod ang aking mga magulang, kaya ako ay naging isang karaniwang “mabaitna batang babae” sa mga mata ng mga matatanda. Lubhang nainggit ang ibang mga magulang sa aking mga magulang, na nagsasabi na masuwerte sila sa pagkakaroon ng mabait na anak na babae.At tulad nito, lumaki akong araw-araw na naririnig ang mga papuri ng mga taong nakapaligid sa akin.Noong ako’y nasa elementarya, namumukod-tangi ang aking akademikong rekord, at palagi akong nangunguna sa mga pagsusulit.Isang beses, nakatanggap ako ng pinakamataas na marka sa isang paligsahan sa sanaysay na ginanap sa aming bayan, na nagpanalo ng karangalan para sa aming paaralan.Hindi lamang iginawad sa akin ng punong-guro ang premyo at sertipiko, ngunit pinuri rin ako sa harap ng buong paaralan at tinawag ang mga mag-aaral upang matuto sa akin.Bigla akong naging “tanyag na tao” ng paaralan, at binansagan pa ako ng aking mga kaklase na “laging matagumpay na heneral.”Ang mga papuri mula sa aking mga guro, ang pagkainggit ng aking mga kaklase, at ang pagkahaling ng aking mga magulang ay nagbigay sa akin ng pakiramdam nakahihigit sa aking puso, at talagang nasiyahan ako sa pakiramdam na hinahangaan ng lahat. Ayon dito, walang pag-aalinlangan na naniwala ako na ang pinakadakilang kagalakan sa buhay ay ang paghanga ng iba, at na ang pakiramdam na kaligayahan ay nagmula sa papuri ng iba. Lihim kong sinabi sa aking sarili: Gaano man kahirap at nakakapagod ito, dapat akong maging isang taong tanyag at may katayuan, at hindi kailanman hahamakin ng iba.Simula noon, naging patnubay sa buhay ko ang mga salawikain tulad ng “Ang ligaw na gansa ay nag-iiwan ng tinig; ang tao ay nag-iiwan ng reputasyon,” at “Habang nabubuhay, maging tao ng mga tao; patay, maging kaluluwa ng mga kaluluwa” ay naging mga kasabihan ko sa buhay.
Gayunman, noong ako ay 13 taong gulang, nagkasakit nang malubha ang aking ama at ipinasok sa ospital, kaya nagkaroon ng malaking pagkakautang ang dati na naming mahirap na pamilya. Nang makita ko ang aking ama na dumadaing sa sakit dahil sa karamdaman at nagpapakapagod ang aking ina para sa aming kabuhayan, masyado akong nalungkot na ninais kong lumaki na ako nang mabilis upang makibahagi ako sa kanilang kalungkutan at pasakit. Kaya gumawa ako ng masakit na desisyon na huminto sa pag-aaral, iniisip na: kahit hindi na ako papasok sa paaralan, hindi ako gaganap nang mas masahol pa sa iba. Sa paglaki ko, magiging isang matatag at matagumpay na babae ako, at magagawa ko ring magkaroon ng isang magandang buhay! Dahil sa aking kahusayan sa pag-aaral, naging isa akong “batang tanyag” sa aming kapitbahayan. Kaya, nang kumalat ang balita na hihinto ako sa pag-aaral, sinimulan gpag-usapan ito ng mga tagabaryo, na sinasabing: “Napakatangang batang ito! Masisira ang kanyang kinabukasan sa pagtigil sa pag-aaral!” at “Hindi igagalang ng sinuman ang taong walang pinag-aralan. Magdurusa siya sa paghihirap at karalitaan sa buong buhay niya!” Bilang isang taong nasanay na tumanggap ng mga papuri mula pagkabata, naramdaman ko ang kalungkutan na “Ang nahulog na piniks ay mas mababa kaysa manok” biglang dumating sa akin. Natakot akong lumabas, natakot na makipagkita sa mga tao, natakot na maramdamang hinahamak. Upang maiwasan ang ganitong kalungkutan, halos hindi ako lumabas ng aming bahay sa loob ng dalawang buong taon, at palagi akong walang kibo. Kasabay nito, lalong tumindi ang aking pagnanais na maging isang matatag at matagumpay na babae, kaya pagkatapos ng dalawang taon,l umabas ako upang magsimulang magtrabaho. Marami akong pinasukan na trabaho, ngunit madali akong sumuko sa bawat pagkakataon dahil naramdaman ko na ang trabaho ay alinman sa masyadong nakakapagod at nakakabalisa, o ang suweldo ay masyadong mababa, o ang amo ay hindi mabait. Matapos mabigo nang paulit-ulit, ako ay lubusang nasiraan ng loob at nadama na naging malayong matupad ang aking pangarap na maging isang matatag at matagumpay na babae.
Noong 2005, nagkaroon ako ng pribilehiyo na tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Simula noon, ang aking istilo ng pamumuhay at maging ang aking buong buhay ay ganap na nagbago. Nakita ko sa salita ng Diyos:“Ang kapalaran ng tao ay nasa pamamahala ng mga kamay ng Diyos.Ikaw ay walang kakayahang kontrolin ang iyong sarili: Sa kabila ng parating pagmamadali at maraming ginaKidlat ng Silanganangawa para sa sarili, nananatiling walang kakayahan ang tao na kontrolin ang kanyang sarili. Kung maaari mong malaman ang iyong sariling mga inaasam, kung makokontrol mo ang iyong sariling kapalaran, mananatili ka pa bang isang nilikha?” (“Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Malalim na tumimo sa aking puso ang makapangyarihang mga salita ng Diyos, ipinaunawa sa akin na ang kapalaran ng bawat isa ay nasa Kanyang mga kamay at hindi talagang kontrolado mismo ng lahat ng tao, at na anumang oras iyon, hindi matatakasan ng mga tao ang dakilang kapangyarihan at mga plano ng Diyos, at dapat maging masunurin sa ilalim ng awtoridad ng Diyos.Ito ang tanging paraan na magkakaroon ang mga tao ng magandang kapalaran.Sa anong uri ng pamilya ako ipinanganak, gaano ako kasibilisado, mahirap man o mayaman ang aking buhay—lahat ng mga bagay na ito ay itinakda ng Diyos. Hindi ito isang bagay na maaaring baguhin ng aking isip o mga kakayahan. Determinado akong maging matatag at matagumpay na babae nang buong puso at kaluluwa ko, ngunit sa kabila ng pagtitiis ng kahirapan at pagdurusa, hindi rin ako nagkaroon ng matatag na trabaho. Pinilit nitong tanggapin ko na hindi palaging matatamo sa pamamagitan ng kasipagan ang kung ano ang gusto ko, at dapat pa ring umasa sa kung ito ay pinahintulutan ng Diyos, at kung ang landas na tinatahak ko ay itinalaga ng Diyos. Kung hindi, anumang halaga ang ibayad ko, ito’y walang kabuluhan. Matapos maunawaan ang kalooban ng Diyos, hindi na ako nabigo sa aking mga karanasan, at hindi na ako nag-alala tungkol sa sinabi ng ibang tao. Sa halip, naging determinado akong maniwala sa Diyos at tumpak na hinangad ang katotohanan, at namuhay ng isang makahulugang buhay. Pagkatapos nito, nagpatuloy ako sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos araw-araw, at nanalangin, umawit ng mga himno, at dumalo sa mga pulong kasama ang kapatiran. Dahil sa aking medyo mabilis na pag-unawa sa katotohanan at sa aking madamdaming paghahangad, natamo ko ang pagpapahalaga ng kapatid na babae na nagdidilig sa akin, kaya nadama ko ang lahat ng papuri nang labis-labis sa kalooban. Nang makapasok sa iglesia, narinig ko ang mga pinuno ng iglesia na nagsasabi na dapat akong maging tampulanng kanilang paglilinang, na ginawangmas mahirap na pigilan ko ang kagalakan sa aking puso at binigyan pa ako ng dagdag na sigla sa aking paghakbang. Kaya sinabi ko sa aking sarili: Dapat akong magpatuloy nang buong puso at kaluluwa! Hindi ko maaaring ipahiya ang mga lider ng iglesia. Kahit na ito ay para lang sa aking magandang reputasyon, dapat akong magtrabaho nang mabuti upang maibalik ko dito ang katanyagan at katayuan na nawala sa akin sa labas na mundo. Nang panahong iyon, wala talaga akong pakialam tungkol sa kalooban ng Diyos. Ang tanging bagay na nasa isip ko ay katanyagan, tagumpay, at katayuan sa harap ko, tulad ng nakasisilaw na mga sinag sa ulo na patuloy na kumakaway sa akin. Hindi nagtagal, ginampanan ko ang tungkulin ng pagdidilig sa mga bagong mananampalataya sa iglesia. Upang makamit ang mataas na papuri mula sa kapatiran, at matupad ang titulong “tampulan ng paglilinang,” pinagpasyahan ko na gampanan ang aking tungkulin sa abot ng aking pinakamahusay na kakayahan. Naisip ko na hangga't inaprubahan ako ng kapatiran, natural na magugustuhan din ako ng Diyos. Dahil sa aking “kasipagan at mga pagsisikap,” sa wakas ay nagawa kong matupad ang aking pagnanais matapos ang isang panahon, nakamit ang papuri at pagpapalakas ng loob ng kapatiran. Wala akong magawa kundi isipin: Dahil napakarami sa kapatiran ang naaprubahan ako dapat mangahulugan na mas mahusay ako kaysa sa ibang tao. Kung alam ito ng mga lider ng iglesia, tiyak na itataas at ilalagay ako sa isang mahalagang posisyon. Pagkatapos, tiyak na mapupuno ang aking kinabukasan ng walang limitasyong potensiyal. Dahil nabuhay ako sa pagkakuntento at kasiyahan sa sarili, hindi ko namalayang nagsimula akong gumanap sa aking tungkulin sa isang hindi matamlay na paraan at tumigil sa pagdidilig ng mga bagong mananampalataya nang may kasipagan.
Bilang resulta, ilan sa mga bagong mananampalataya ay hindi nakatanggap ng tunay na pagdidilig at namuhay nang negatibo at may kahinaan. Labis akong nabahala sa harapng sitwasyong ito at naisip: Malayo na ang narating ko upang makamit ang “karangalan” na mayroon ako ngayon.Paano kopapayagan angmga bagong mananampalataya na magpatuloy nang tulad nito? Kung malaman ng mga pinuno ng iglesia, tiyak na sasabihin nila na wala akong kakayahan at maaari ding itigil pati ang aking tungkulin. Hindi ba't tapos na ang lahat para sa akin kung gayon? Dapat akong gumawa ng isang bagay upang baguhin ang sitwasyong ito. Sa mga sumunod na araw, araw-araw akong lumabas upang suportahan ang mga bagong mananampalataya. Minsan, alang-alang sa isang pulong, umaakyat ako ng ilang burol at umaabot ng tatlo hanggang apat na oras upang maglakad nang balikan, ngunit hindi ko talaga naramdamang masaklap ito. Pagkalipas ng isang buwan, ako ay napagod na, ngunit dahil wala akong gawain ng Banal na Espiritu, ang aking pagpapahayag ng salita ng Diyos ay mapurol at tuyô, at bilang resulta hindi nagbago ang sitwasyon ng mga bagong mananampalataya sa isang napapanahong paraan. Naramdaman ko ang labis na hirap nito kaya sumakit ang aking ulo, ngunit hindi ko pa rin napagtanto na dapat akong pumunta sa harap ng Diyos upang magnilay sa aking sarili. Dahil sa pangmatagalang pagiging hindi epektibo ng aking gawain, na naging sanhi ng pinsala sa buhay ng mga bagong mananampalataya, sa huli ay pinauwi ako sa bahay. Tulad ng pagbagsak sa lupa mula sa langit ang sandali nang pag-uwi ko sa bahay. Nakaramdam ng panlalata at panghihina ang aking buong katawan. Naisip ko kung gaano karami ang kapatiran na tumingala sa akin noon, at ngayon pa ay nahulog ako nang ganoong katindi. Paano ako ituturing ng kapatiran kapag nalaman nila? Habang mas iniisip ko ang tungkol dito mas lalo kong nadama na hindi ko kayang humarap sa kapatiran, kaya tumanggi akong lumabas para sa mga pulong at sa halip ay nanatili sa bahay araw-araw na lumuluha. Naghihirap ang aking kalooban. Isang araw, nakita ko ang mga sumusunod na mga salita ng Diyos: “Sa inyong paghahanap, mayroon kayong napakaraming indibidwal na mga paniwala, mga inaasam, at mga hinaharap. Ang kasalukuyang gawain ay sa layuning pakitunguhan ang inyong pagnanasa para sa estado at inyong maluluhong mga pagnanasa. Ang mga inaasam, ang pagnanasa para sa estado, at ang mga paniwala lahat ay klasikong mga pagkatawan sa maka-Satanas na disposisyon. … Sa maraming mga taon, ang mga kaisipan na pinanaligan ng mga tao para sa kanilang pananatiling buhay ay sumisira sa kanilang mga puso hanggang sa punto na sila ay naging mapanlinlang, may-karuwagan, at kasumpa-sumpa. Hindi lamang sila kulang sa matibay na paninindigan at kapasyahan, subali’t sila rin ay naging ganid, mayabang, at matigas ang ulo. Sila ay lubos na nagkukulang sa anumang kapasyahan na dumaraig sa sarili, at higit pa, sila ay walang kahit kaunting katapangan upang iwaksi ang mga pamumuna ng mga madidilim na impluwensyang ito. Ang mga kaisipan at mga buhay ng mga tao ay bulok, ang kanilang mga pananaw sa paniniwala sa Diyos ay nananatiling di-matingnan sa kapangitan, at kahit kapag ang mga tao ay nagsasalita tungkol sa kanilang mga pananaw sa paniniwala sa Diyos ito ay tahasang di-kayang pakinggan. Ang mga tao ay naduduwag lahat, walang-kakayahan, kasumpa-sumpa, gayundin ay marupok. Sila ay hindi nakadarama ng pagkainis para sa mga pwersa ng kadiliman, at hindi sila nakadarama ng pagmamahal para sa liwanag at sa katotohanan; sa halip, ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang mapaalis ang mga ito” (“Bakit Hindi Ka Handang Maging Isang Hambingan?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sa pamamagitan lamang ng mabisang pagbubunyag ng mga salita ng Diyos na napagtanto ko na mali mula pa sa simula ang aking pagtanaw sa paniniwala sa Diyos. Nais kong gamitin ang aking paniniwala sa Diyos upang magtamo ng katanyagan, tagumpay, at katayuan na nabigo akong makamtan sa mundo, at naisip nang walang katotohanan: Itataas ako at ilalagay sa isang mahalagang posisyon hangga't nakamit ko ang papuri ng kapatiran, at magugustuhan at pupurihin din ako ng Diyos. Sa ilalim ng dominyon ng mga saloobing ito, naging mahina ako at kamuhi-muhi. Kapag pinuri ako ng kapatiran, mapupuno ako ng pagtitiwala, ngunit nang mawalan ako ng mga bagay na ito, agad akong nawalan ng pag-asa at nalungkot, negatibo at umaatras. Paano ito paniniwala sa Diyos? Ang lahat ng pinaniniwalaan ko ay katanyagan, tagumpay, at katayuan! Ang layunin ng Diyos ay hindi upang sanayin ako upang maging isang kahanga-hangang manggagawang may talento, at bukod pa rito hindi iyon upang hayaan ako na samantalahing tuparin ang aking tungkulin upang masiyahan ang mga personal na pagnanasa. Sa halip, umaasa Siya na kaya ko, sa pamamagitan ng proseso ng pagtupad sa aking tungkulin, na matutuklasan ang aking mga kakulangan at maranasan ang mga salita at gawain ng Diyos, at sa gayon ay maunawaan at makuha pa ang higit pang katotohanan, at sa huli ay tanggapin ang kaligtasan ng Diyos.Kasabay nito, gayon din ay maaari kong gamitin ang aking sariling mga karanasan at pagkaunawa sa katotohanan upang matustusan ang kapatiran na mga bagong mananampalataya sa Diyos, at tulungan silang ilagay ang pundasyon sa tunay na paraan upang maaaring makapasok sila sa tamang landas ng paniniwala sa Diyos sa lalong madaling panahon. Gayunman, hindi ko hinangad ang mga layunin ng Diyos gaya ng palagi kong pagsisikap para sa katanyagan at katayuan, at para sa sarili kong mga ambisyon. Sa huli, hindi ko talaga natanggap ang gawain ng Banal na Espiritu, kaya gaano man karaming pagsisikap ang gawin ko, hindi ko nadilig nang maayos ang mga bagong mananampalataya. Matapos akong pahintuin sa paggawa ng aking tungkulin, naging labis akong negatibo at hindi naunawaan ang mga layunin ng Diyos, iniisip na wala akong pag-asa na matanggap ang kaligtasan ng Diyos. Sa oras na ito bigla kong naalaala ang mga salita ng Diyos: “Wala Akong pakialam gaano man kapuri-puri ang iyong pagsisikap, kung gaano man kahanga-hanga ang iyong mga pagkamarapat, kung gaano mo man kahigpit Akong sinusunod, kung gaano ka man kabantog, o kung gaano man ang iniunlad ng iyong pag-uugali; hangga’t hindi mo ginagawa ang Aking hinihiling, hindi mo kailanman makakamit ang aking papuri” (“Ang Mga Pagsalangsang ay Maghahatid sa Tao sa Impiyerno” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Maging ang taos-pusong naghahanap ay hindi natukoy sa kung paano sila hatulan ng iba o kung paano sila tingnan ng mga tao sa paligid nila, ngunit sa pamamagitan ng kung paano gumana ang Banal na Espiritu sa kanila at kung mayroon silang presensya ng Banal na Espiritu, at ito ay mas tinutukoy sa pamamagitan ng kung ang kanilang disposisyon ay magbabago at kung mayroon silang kaalaman sa Diyos matapos sumailalim sa gawain ng Banal na Espiritu sa loob ng isang tiyak na panahon …” (“Ang Diyos at Tao ay Papasok sa Kapahingahan na Magkasama” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sa mga salita ng Diyos ay naunawaan ko ang Kanyang mga layunin at mga kinakailangan. Lumabas na ang aking naunang paniniwala na ang mas mataas na katayuan ay nangangahulugan ng isang mas maaasahang kinabukasan at ang mas maraming papuri mula sa Diyos ay ang pagsukat ng gawain ng Diyos mula sa makalupang pagtanaw, na hindi maaaring maging mas mali.Kung paano sinusukat at tinutukoy ng Diyos ang wakas ng isang tao ay hindi nakabatay sa kanilang katayuan, katandaan, o ang halaga ng kanilang ginawa, sa halip ay kung natamo nila ang katotohanan at kung nakamit ang pagbabago ng disposisyon. Kung hindi nakuha ng isang tao ang katotohanan o nakamit ang pagbabago sa pamamagitan ng gawain ng Diyos, kung gayon ay napakataas ng kanilang katayuan o nawawalan ng kabuluhan ang kung gaano karaming tao ang kumakatig sa kanila. Hindi lamang sila hindi tatanggap ng pagpayag ng Diyos, sila rin ay kamumuhian, tatanggihan, at kokondenahin ng Diyos. Sa pamamagitan lamang ng pagpansin sa pagkilala sa kanilang sarili at sa Diyos habang tinutupad ang kanilang tungkulin, at paggamit ng kanilang tunay na mga karanasan upangdiligin at suportahanang kapatiran,maaari nilang malutas ang mga aktuwal na problema, maghanap ng landas upang gabayan ang kapatiran, at gawing epektibo ang kanilang gawain.Ang isang taong tulad ko, na hindi talaga naghangad na matamo ang kanyang sariling pagpasok at pagbabago habang nagtatrabaho, ngunit sa halip ay walang taros na sinikap na matamo ang katanyagan, tagumpay, at katayuan, sa huli ay nagdulot lamang ng pinsala sa mas maramipang kapatiran, at personal na aalisin sa wakas. Nang naisip ko ito, naintindihan ko na ang pagpapahinto ng aking tungkulin sa iglesia ay isang kapaligiran na itinatag ng Diyos na pinupuntirya ang aking mga maling layunin at pagnanasa, pati na rin ang aking tiwaling kalikasan, upang maaari akong magnilay at makilala ko ang aking sarili, baguhin ang aking mga maling pagtanaw sa paghangad at sundin ang tamang landas ng paghahangad na matamo ang katotohanan sa lalong madaling panahon. Sa sandaling iyon, talagang nadama ko ang pag-ibig, pag-aalaga, at pagpapahalaga ng Diyos, at walang magawa kundi ang manalangin sa Diyos: “O Diyos! Salamat sa pagbibigay Mo sa akin ng Iyong dakilang pagmamahal. Dati ay hindi ko nauunawaan ang Iyong mga layunin at iniisip na ang pagkakaroon ng katanyagan, tagumpay, at katayuan ay gagarantiyahan ang Iyong pagpapahalaga. Ito ang dahilan kung bakit hindi ako nagmamalasakit tungkol sa pagpasok sa katotohanan sa panahon ng aking gawain. Lahat ng ginawa ko ay walang taros na hangarin ang katanyagan at tagumpay, na lubos na naiiba sa Iyong mga kinakailangan. Sa pamamagitan ng pagliliwanag ng Iyong salita, nauunawaan ko na ngayon ang Iyong mga kinakailangan. Hindi na ako direktang lalabag sa Iyong gawain gaya ng ginawa ko noon. Sisikapin kong hangarin ang pagbabago ng diposisyon at sundin ang tamang landas ng paghahangad na ng katotohanan.”
Hindi nagtagal, muling inayos ng iglesia para sa akin na diligin ang mga bagong mananampalataya, at upang mamuhay rin akong kasama ang isang batangkapatid na babae. Matapat at madamdamin ang pagkatao ng batang kapatid, kaya naisip ko: Dahil ako ay mahiyain at hindi masyadong gustong makipag-usap, habang ang batang kapatid na babae ay mapagkaibigan at nagsasalita nang walang pasubali, maaari naming gamitin ang pagkakataong ito upang matuto mula sa malakas na katangian ng isa't isa upang pagaanin ang aming mga kahinaan. Kahit na naisip ko ang ganitong paraan, mayroon pa ring ilang mga tunggalian at hindi mga pagkakaunawaan sa aming mga aktuwal na pakikipag-ugnayan. Upang baguhin ang sitwasyong ito, nagsimula akong magsalita at kumilos nang mas maingat, natatakot na maaaring magkaroon ng mas maraming hindi kasiya-siyang mga pangyayari. Kadalasang pumapasok sa trabaho ang batang kapatid. Nakikitang lubhang abala siya sa lahat ng oras, nagpasya akong gawin ang lahat ng gawaing-bahay upang bigyan siya ng magandang impresyon at upang makatulong na mapanatili ang aming relasyon. Hindi ko inaasahan na pagkalipas ng ilang buwan, ang aming relasyon ay talagang naging mas mahirap, na nakita kong lalong nakakalungkot at masakit. Gayunman, hindi ako nagsiyasat at kinikilala ang aking katiwalian at sa halip ay itinuon ang aking atensiyon sa batang kapatid na babae, iniisip na mahirap siyang pakisamahan at masyadong hindi makatwiran. Isang araw, nang bumalik ang kapatid na babae mula sa trabaho at nakitang ginagawa ko ang mga gawaing-bahay, tahasan niyang sinabi na ginagawa ko ito dahil sa kasigasigan. Nang marinig ito, hindi ko na mapigilang sumabog ang aking mga luha ng karaingan. Sa sandaling iyon, talagang gusto kong kaagad na umalis at hindi na kailanman bumalik. Ngunit naisip ko na mas bata sa akin ang kapatid, at matagal siyang hindi naniwala sa Diyos. Kung hindi ko isaisantabi ang aking sarili, at patuloy na nagkaroon ng sama ng loob laban sa kanya, paano ako titingnan ng mga pinuno ng iglesia at iba pa sa kapatiran? Sasabihin nila na hindi ako nagpakita ng pagmamahal sa batang kapatid na babae at na ako ay iresponsable. Papaano ko sila magagawang harapin sa gayon? Sa pagharap sa gayong sitwasyon, wala talaga akong ideya kung ano ang gagawin. Sa sakit, pumunta ako sa harapan ng Diyos upang manalangin: “O Diyos! Masyado akong nasaktan. Parang may mabibigat at malalaking bato na dumadagan sa akin, kaya imposible na magkaroon ako ng lakas upang tumakas. Ngunit naniniwala ako na ang Iyong mabuting layunin ay dapat na malagay sa sitwasyong ito na nangyari sa akin. Naninikluhod lamang ako na liwanagan Mo ako upang maunawaan ko ang Iyong mga layunin at matutunan ang aral na dapat kong matutunan.” Hindi nagtagal pagkatapos ng panalangin, isang kapatid na babae ang dumating at nakita ako, kaya binuksan ko ang aking puso at sinabi sa kanya ang tungkol sa aking sitwasyon. Matapos pakinggan ito, sinabi ng kapatid na: “Ang lahat ng gawain ng Diyos ay para sa pagliligtas ng sangkatauhan, at ang lahat ng sitwasyong nangyari sa atin ay upang sanayin tayong lahat at gawin tayong perpekto. Kung mayroon tayong mga negatibong bagay sa ating kalooban, nangangahulugan ito na mayroon pa rin tayong ilang makademonyong lason sa ating kalooban na kinamuhian ng Diyos. Gagawin tayong perpekto ng Diyos at babaguhin tayo sa pamamagitan ng mga sitwasyong ito....” Pagkaalis ng kapatid, nagpabali-baliktad ako sa higaan at hindi makatulog, iniisip na: Ano ang ginawang perpekto at binago ng Diyos sa akin? Kaya, bumangon ako at bumasa ng salita ng Diyos: “… makikilala ang kalikasan ng tao at kung kanino siya kabilang mula sa pananaw niya sa buhay at mga pinapahalagahan. Pinasasama ni Satanas ang mga tao sa pamamagitan ng edukasyon at impluwensya ng mga pambansang pamahalaan at ng mga sikat at dakila. Ang mga kasinungalingan at bagay na walang kapararakan ang naging buhay at kalikasan ng tao. Ang makademonyong popular na kasabihang ‘Sarili mo lamang at hindi ang kapakanan ng iba ang isipin’ ay naitanim sa lahat at maging sa buhay ng tao. May ilan pang ibang mga salitang pilosopiya ng buhay na katulad din ng mga ito. … Marami pa ring makademonyong mga lason sa buhay ng mga tao at sa kanilang pag-uugali at pakikitungo sa iba—halos wala silang katiting mang katotohanan—halimbawa, ang mga pilosopiya nila sa buhay, mga kasabihan para sa pagtatagumpay, o ang mga paraan ng paggawa ng mga bagay. Bawat tao ay puno ng mga lason ng malaking pulang dragon, at lahat ng mga ito ay galing kay Satanas. Kaya, ang dumadaloy sa mga buto at dugo ng mga tao ay lahat mga bagay na kay Satanas” (“Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Habang pinag-iisipan ko ang mga salita ng Diyos, naging abala ako sa pag-iisip: Sa nakalipas na ilang buwang ito, bakit ako nabubuhay sa ganoong depresyon at sakit? Aling mga lason ni Satanas ang sumasaklaw sa aking pag-uugali? Sa ilalim ng pagliliwanag ng Diyos, nadama kong unti-unting nagliwanag ang loob ng aking puso, at napagtanto ko na ang dahilan kung bakit lagi kong sobrang binibigyang-pansin ang katanyagan at katayuan ay ang impluwensiya at kaguluhan ng mga lason ni Satanas tulad ng “Ang ligaw na gansa ay nag-iiwan ng tinig; ang tao ay nag-iiwan ng reputasyon,” “Nabubuhay ang puno sa balakbak nito; nabubuhay ang tao sa kanyang mukha,” at “Habang nabubuhay, maging tao ang mga tao; patay, maging kaluluwa ng mga kaluluwa.” Ang makademonyong mga lason na hindi sinasadyang naging patnubay ng aking pag-uugali at mga layunin sa buhay, na maling nagpapaniwala sa akin na tanging katanyagan at katayuan ang maaaring makagawa sa buhay na makabuluhan at mahalaga. Ang pangingibabaw ng mga lason na ito ang dahilan kung bakit inalagaan kong mabuti ang aking kahihiyan at kapalaluan, pati na rin ang kung ano ang iniisip ng iba sa akin. Lahat ng ginawa ko at sinabi ay upang mapanatili ang aking imahe at katayuan sa puso ng ibang tao. Sa sandaling may isang bagay na bumangga sa aking kahihiyan o kapalaluan, masasaktan ako at magdurusa. Lahat ng paghihirap at kapaitan na ito ay dahil kay Satanas. Naalala ko na mula noong ako ay lumipat kasama ang batang kapatid na babae, palagi akong maingat na nakisama sa kanya upang mag-iwan ng magandang impresyon, natatakot na mag-iwan ako ng masamang impresyon kung may masabi o may magawa akong anumang mali. Samakatuwid ako ay nabubuhay na mapanuyo at kumikilos tulad ng isang hangal. Nang makitungo sa aking ang batang kapatid na babae, hindi ko ginamit ang pagkakataong makilala ang sarili ko, ngunit napuno ng mga opinyon at masamang palagay laban sa kapatid na babae dahil ayaw kong mawalan ng kahihiyan, at ninais pa na makatakas sa kapaligirang ito. Upang mapanatili ang aking imahe at kahihiyan, hindi ako naglakas-loob na maging bukas sa batang kapatidna babae kahit na kung minsan ay nakita ko siyang nagpapakita ng kaunting katiwalian o gumagawa ng bagay na hindi tugma sa katotohanan, natatakot na masaktan ko siya at maging sanhi ng lalong paglalayo ng aming relasyon. … Gayunman, ang mga lason na ito ni Satanas ay ginawa akong higit pang mapagkunwari at tuso, na ginawang nakakapagod at masaklap ang aking buhay. Talagang ninais kong mapasok itong madilim na hawla at punitin ang aking pekeng mukha, upang mabuhay ako nang may ganap na kalayaan at kaginhawahan. Ngunit hindi ko magawa ito sa aking sarili, kaya lumuhod ako sa harapan ng Diyos at ibinuhos ang aking puso sa Kanya: “O Diyos! Nasanay akong ituring ang papuri at karangalan bilang isang uri ng kasiyahan. Ngayon nakikita ko na ako ay mali. Ang paghahangad na matamo ang mga bagay na ito ay hindi kahanga-hangang kasiyahan kundi pasakit, depresyon, pagkaalipin, at pagpilit. Ngayon ay nakikita ko rin nang malinaw na ang mga pilosopiya ni Satanas ang nanlinlang at kumontrol sa akin, kung kaya hinangad kong matamo ang katanyagan, tagumpay, at katayuan, pati na rin ang kahihiyan at kapalaluan. Lahat ng aking pasakit ay dala ni Santanas. O Diyos! Hindi ko na talaga gustong mamuhay pa sa mga pilosopiya ni Satanas. Humihingi ako ng Iyong kaligtasan; ipakita mo sa akin ang tamang landas ng pagsasagawa, at bigyan mo ako ng kumpiyansa at kapangyarihan upang sirain ang bitag ni Satanas at kumilos alinsunod sa Iyong mga kinakailangan.” Matapos ang panalangin, nadama ko ang walang kapantay na kaginhawahan. Kasabay nito, natanto ko na maaari ko lamang malutas ang aking tiwaling disposisyon sa pamamagitan ng paghahangad na matamo ang katotohanan. Pagkatapos nito, nakita ko ang sumusunod na sipi ng salita ng Diyos: “Kung hindi ka magtutuon ng pansin sa iyong mga kaugnayan sa mga tao ngunit nagpapanatili ng isang wastong kaugnayan sa Diyos, kung ikaw ay nakahandang ibigay ang iyong puso sa Diyos at matututuhang sundin Siya, likas lamang na, ang iyong mga kaugnayan sa lahat ng mga tao ay magiging wasto. Sa ganitong paraan, ang mga kaugnayang ito ay hindi itinatatag sa laman, ngunit sa saligan ng pag-ibig ng Diyos. Halos walang mga pakikipag-ugnayan batay sa laman, ngunit sa espiritu ay mayroong pagsasamahan at pag-ibig, kaaliwan, at paglalaan para sa isa’t isa. Ang lahat ng ito ay ginagawa sa saligan ng isang puso na pinalulugod ang Diyos. Ang mga kaugnayang ito ay hindi pinananatili sa pananangan sa pantaong pilosopiya sa buhay, ngunit ang mga ito ay likas na binubuo sa pamamagitan ng pasanin para sa Diyos. Hindi kinakailangan ng mga ito ang pagsisikap ng tao—ang mga ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng mga panuntunan ng salita ng Diyos. Nakahanda ka bang maging mapagbigay tungo sa kalooban ng Diyos? ... Nakahanda ka bang ibigay nang lubos ang iyong puso sa Diyos, at hindi isasaalang-alang ang iyong katayuan sa gitna ng mga tao?” (“Ang Pagtatatag ng Isang Wastong Kaugnayan sa Diyos ay Napakahalaga” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Itinuro ng mga salita ng Diyos ang isang malinaw na paraan ng pagsasanay sa akin, at iyon ay ang magsanay na maging tapat na tao at hindi na mabahala tungkol sa katanyagan at tagumpay o mapanatili ang aking imahe at katayuan sa mga puso ng mga tao. Sa halip, dapat kong ibigay ang aking puso sa Diyos, purihin at patunayan ang mga salita ng Diyos sa lahat ng bagay, gawin ang katotohanan, at sundin ang Diyos. Sa ganitong paraan, makakapagtatag ako ng isang normal na relasyon sa Diyos. Ang pagkakaroon ng isang normal na relasyon sa Diyos ay natural na nagreresulta rin sa normal na mga ugnayan sa ibang tao. Kaya, pansarilinan kong binago ang aking pag-iisip na kumilos alinsunod sa mga salita ng Diyos at unti-unting iwinaksi ang aking tiwaling disposisyon. Mula noon, madalas kong sinasadya ang pakikipag-usap sa batang kapatid na babae at binabasa ang mga salita ng Diyos nang magkasama. Kung magkaroon kami ng mga problema sa pagganap ng aming mga tungkulin na hindi namin malutas, magkasama kaming nanalangin sa Diyos at hinahanap ang mga sagot sa mga salita ng Diyos. Nagkasundo kami nang mabuti sa isa’t isa. Hindi ko namalayan, naglaho ng lahat ang pasanin sa aking katawan at ang depresyon sa aking puso, ay naglaho ng lahat at lumitaw sa aking mukha ang isang matagal nang pinakahihintay na ngiti. Tunay na naranasan ko ang kaginhawahan at kagalakan na dulot ng pagsasagawa ng mga salita ng Diyos. Taos-puso kong pinasasalamatan ang Diyos sa pagliligtas sa akin.
Pagkatapos ng ilang buwang ito ng masakit na pagpipino, naunawaan ko sa wakas kung bakit hindi tayo pinahihintulutan ng Diyos na gamitin natin ang mga pilosopiya ng buhay upang mapanatili ang ugnayan sa ibang tao. Ito ay dahil ang lahat ng mga pilosopiya ng buhay at ang tinatawag na salawikain ay mga lason na itinanim niSatanas sa mga tao, at mga kasangkapan na ginagamit ni Satanas upang igapos at makapinsala sa mga tao. Ginagawa lamang ng mga makademonyong pilosopiya na gumawa ang mga tao ng dibisyon, sigalot, at kamatayan, at maaari lamang maghatid sa mga tao ng depresyon at pasakit. Ito ay dahil si Satanas mismo ay katiwalian at dibisyon, at ang mga salita lamang ng Diyos at kung ano ang Kanyang kinakailangan sa mga tao ang maaaring magbigay-daan sa kanila na gumawa ng kapayapaan sa isa’t isa. Sa pamamagitan lamang ng pamumuhay sa mga salita ng Diyos at pagkilos alinsunod sa Kanyang mga salita maaaring sirain ng mga tao ang madilim na mga impluwensiya ni Satanas at mamuhay nang may ganap na kalayaan at kaginhawahan sa harapan ng Diyos. Kasabay nito, nakita ko rin na ang aking pamumuhay kasama ang batang kapatid na babae ay isang kahanga-hangang pagsasaaayos ng Diyos, na itinakda upang puntiryahin ang malalim na mga ugat ng lason ni Satanas sa aking kalooban at sa aking praktikal na mga pangangailangan. Kung hindi gumawa ang Diyos sa ganitong paraan, hindi ko kailanman makikilala ang lawak ng pinsala na ginawa sa akin ng makademonyong mga lason tulad ng “Ang ligaw na gansa ay nag-iiwan ng tinig; ang tao ay nag-iiwan ng reputasyon” at “Nabubuhay ang puno sa balakbak nito; nabubuhay ang tao sa kanyang mukha”. Sasambahin ko pa rin sana ang mga lason na ito bilang mga positibong bagay, na maaaring ginawa akong mas lalong mapagmataas at tiwali, at sa huli ay patungo sa kawalang-dangal at pagkawasak. Ang mga sitwasyon at pagsubok na ito ay tiyak na dakilang kaligtasan ng Diyos sa akin!
Nang maglaon, natanggap ko ang kapurihan ng Diyos at naging isang lider ng iglesia. Nang dumanas ako ng mga problema sa simula, madalas kong pinapakinggan ang mga mungkahi mula sa kapatiran, at hindi nabahala sa kung ano ang iisipin ng ibang tao sa akin. Ngunit hindi natagalan para ang aking pagnanais na hangaring matamo ang katanyagan at tagumpayay magsimulang lumawak muli. Dahil nagsimula akong tuparin ang tungkuling ito nang mas maaga kaysa sa isa pang lider sa iglesia, natural na mas lalapitsa akin ang kapatiran sa akin kapag may problema. Unti-unti, nagsimula akong madala at inakalang mataas pa rin ako sa kapatid na iyon. Kapag nasa mga pulong kasama ang kapatid na iyon, gusto kong palaging makipag-usap tungkol sa ilang tila mahalagang doktrina upang magpasikat at magtamo ng pagkilala at paghanga mula sa kapatiran, pati na rin maiparamdam sa kanila na mas mahusay ako kaysa sa kanya. Minsan, habang nasa isang pulong ng maliit na grupo, may sumagi sa aking isip pagkatapos na makipag-usap ng ilang sandali ang kapatid: Dapat akong makipag-usap nang higit pa, o kung hindi iisipin ng kapatiran na hindi ako kasing husay niya. Kaya, ako ay sumabad kapag may isang paghinto at nagsimulang makipagtalakayan nang walang hinto. Habang ginagawa ko iyon, isang kapatid na lalaki sa tabi ko ang sumabad sa akin: “Hindi natin maaaring pag-usapan lamang ang tungkol sa hungkag na mga doktrina. Dapat nating ipahayag ang ilang mga praktikal na karanasan at kaalaman upang makapagbigay sa kapatiran.” Matapos pakinggan ang mga salita ng kapatid na lalaki, naramdaman ko na parang sinampal ako sa publiko. Habang namula ang mukha ko, naisip ko: nilayon ko sa simula na magsabi ng ilang karagdagang salita upang mataas na pagpapahalaga ang ibigay ng kapatiran sa akin, ngunit ngayon ito ay naging nakakahiya para sa akin! Sa oras na iyon, gusto kong maghanap ng isang butas sa lupa upang magtago. Habang naramdaman ko ang sakit ng kalooban, binasa ng kapatid na lalaki ang isang sipi mula sa salita ng Diyos: “… may ilang taong umiidolo partikular na kay Pablo: Gusto nilang nagbibigay ng mga talumpati at gumagawa sa labas. Gusto nilang nagtitipon-tipon at nagsasalita; gusto nila kapag nakikikinig ang mga tao sa kanila, sumasamba sa kanila, pumapalibot sa kanila. Gusto nilang magkaroon ng katayuan sa isipan ng iba at ikinatutuwa nila kapag pinapahalagahan ng tao ang kanilang imahe. … Kung talagang umaasal siya sa ganitong paraan, sapat na iyan para ipakita na siya ay mapagmataas at palalo. Hindi siya sumasamba sa Diyos sa anumang paraan; naghahangad siya ng mataas na estado, at gusto niyang magkaroon ng awtoridad sa iba, para angkinin sila, para magkaroon ng katayuan sa kanilang mga isip. Ito ang klasikong imahe ni Satanas. Ang nangingibabaw na kalikasan niya ay pagmamataas at kapalaluan, pagtangging sambahin ang Diyos, at pagnanasa sa pagsamba ng iba” (“Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Ang bawat salita ng paghatol ng Diyos ay tulad ng isang karayom na sumasaksak sa aking puso, na lalong nagpapahiya sa akin. Naalala ko na bago ako naniwala sa Diyos, tuwang-tuwa ako sa pagiging hinahangaan ng lahat, at nagsikap nang may puso at kaluluwa upang manindigan at maging isang matatag at matagumpay na babae. Matapos mabasag ang pangarap na ito, naisip ko na kaya kong matupad ang aking pangarap na katanyagan, tagumpay, at katayuan sa simbahan. Lalo na sa panahong ito, lihim akong nakipagkumpitensiya laban sa kapatid na babae na iyon upang tingalain ako ng kapatiran. Sa panlabas, nakikipagkumpitensiya ako para sa katayuan laban sa isang tao, ngunit sa katotohanan, nakikipagkumpitensiya ako para sa katayuan laban sa Diyos. Ito ay dahil ang mga naniniwala sa Diyos ay dapat tumingala sa Diyos, sambahin Siya, at bigyan ang Diyos ng lugar sa kanilang mga puso. Sa halip, nais kong magkaroon ng lugar sa puso ng aking mga kapatid, tingalain nila ako at sambahin ako. Hindi ba ito ang maliwanag na pagtutol sa Diyos? Tanging bago pa ang mga katunayan ay nakikita ko na ang aking kalikasan laban sa Diyos. Kung hindi ko nararanasan ang pagkastigo at paghatol ng Diyos at walang nagawang pagbabago sa aking disposisyon, samakatuwid kahit na ako ay mukhang masigasig at aktibong gumugugol ng oras para sa Diyos sa panlabas, sa katunayan ako ay gumagawa ng masama at nilalabanan ang Diyos. Kasabay nito, nakita ko nang malinaw na sinisira ni Satanas ang sangkatauhan sa pamamagitan ng paglason sa kanilang mga isip at kaluluwa sa iba’t ibang paraan, upang mag-agawan sila sa katanyagan, tagumpay, at katayuan, at sa pamamagitan nito ay dahan-dahan silang magkakasala sa Diyos, magtataksil sa Diyos, at sa huli ay dadalhin sila sa impiyerno. Iniisip ito, hindi ko mapigilan na matakot, at sinimulan ko rin ang pagkamuhi sa aking pagkabulag at kahangalan, ang aking malalim na katiwalian, at ang mga makademonyong lason na nag-ugat sa aking kalooban. Kung hindi ako napunta sa saklaw ng kapangyarihan ng katanyagan, kapalaran, at katayuan, hindi sana ako kontrolado ng sinumang tao, pangyayari, o bagay, at sana’y hinangad na lamang na bigyang kasiyahan ang Diyos sa pamamagitan ng pagtupad sa aking tungkulin bilang isang nilalang na nilikha. Kung hindi ako nakontrolado ng katanyagan, tagumpay, at katayuan, ako sana, sa pamamagitan ng pagtupad sa aking tungkulin, ay nakatuon sa pagpuri sa Diyos, sumasaksi sa Diyos, at dinadalaang mga kapatid sa harap Niya. Kung hindi ako nakontrolado ng katanyagan, tagumpay, at katayuan, hindi sana ako nabuhay sa depresyon at pagdurusa araw-araw, na hindi kayang tamasahin ang kaginhawahan at kaligayahan na hatid ng katotohanan. Kung hindi ako nakontrolado ng katanyagan, tagumpay, at katayuan, naitatatag ko sana ang normal na ugnayan sa kapatiran at sinuportahan at tinulungan ang bawat isa sa espiritu, sa halip na gamitin ang isang pagkukunwari upang linlangin ang iba para sa kanilang tiwala at paghanga. … Ang lahat ng ito ay dahil sa mga lason ni Satanas, na sinaktan ako hanggang sa araw na iyon. Si Satanas ay tunay na kasuklam-suklam at masama. Ito ay ganap na isang demonyong lumalamon ng kaluluwa! Sa ilalim ng pagliliwanag at patnubay ng Diyos, nabuo ko ang kalooban at katapangan na talikuran ang aking laman at isagawa ang katotohanan. Kaya nanalangin ako sa Diyos: “O Diyos! Ang pinsala ng katanyagan, tagumpay, at katayuan ang naglagay sa akin sa sitwasyon ngayon. Upang hangaring makamit ang mga bagay na ito, iniwan ko ang Iyong mga kinakailangan, sumusuway at lumalaban sa Iyo nang paulit-ulit na siyang nagpalungkot at nagpasuklam sa Iyo. Napopoot ako ngayon sa mga bagay na ito mula sa kaibuturan ng aking puso. Iiwan ko ang mga ito at lubusan silang tatalikuran. Nawa'y gabayan Mo ako sa aking landas sa hinaharap.” Simula noon, pinanatili ko ang isang mas mababang balangkas, at sa panahon ng mga pulong sinisimulan kong tumuon sa pagpapahayag tungkol sa aking mga aktuwal na karanasan. Kapag may mga problema ang kapatiran, sadya kong binubuksan ang aking puso upang makipag-usap sa kanila tungkol sa mga panahong nagkaroon din ako ng mga problema at ang pagliliwanag at patnubay ng mga salita ng Diyos, upang maunawaan nila ang mga layunin ng Diyos at makilala ang pag-ibig ng Diyos. Nang kumilos ako sa ganitong paraan, mas nadama ko ang kaginhawahan at kaliwanagan sa kaibuturan ng aking puso, na siyang lalong nagbibigay-katuparan sa bawat araw.
Matapos maranasan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos at pinakitunguhan at pinungusan Niya paulit-ulit, nagsimula akong magkaroon ng ilang tunay na kaalaman sa aking makademonyong kalikasan. Sa tuwing muli akong nahaharap sa mga bagay tulad ng katanyagan, tagumpay, katayuan, at karangalan, sinasadya kong manalangin sa Diyos at makipagtulungan sa Kanya, at talikuran ang aking laman at magsagawa ng katotohanan. Minsan, isang kapatid na babae sa isang kalapit na iglesia ay nasa isang hindi mabuting kalagayan. Matapos marinig ito, madalas kaming magpunta upang makipag-usap sa kanya nang taos sa puso. Pagkaraan ng ilang maikling panahon, bumuti ang kanyang sitwasyon at nagsimula siyang maging aktibo sa pakikipagtulungan sa gawain ng ebanghelyo. Kabilang sa mga bagong mananampalataya na dinala niya, may isa na tunay na nasasabik sa katotohanan at mabilis na sumulong. Kaya nilayon namin na linangin siya bilang isang lider ng iglesia para sa mga bagong mananampalataya. Sa panahong ito, sumulat sa amin ang kalapit na iglesia, humihiling na pumunta roon ang kapatid na babae upang maisagawa ang kanyang tungkulin. Lubos akong nag-aatubili sa aking kalooban, ngunit nagbago ang isip ko: Ang mga iglesia. Ang nais ng Diyos ay isang pagpapahayag ng isang korporasyon. Hindi mahalaga kung sa aling iglesia dumadalo ang mga bagong mananampalataya, hangga't nagagampanan niya ang kanyang tungkulin, isang bagay ito na aaliw sa puso ng Diyos. Ang aking naunang inisip ba ay para pa rin sa katanyagan, tagumpay, at katayuan? Nakatuon pa rin ba ako sa aking personal na imahe at kahihiyan? Ipinaalala nito sa akin ang mga salita ng Diyos: “Malupit, marahas na sangkatauhan! Ang pakikipagsabwatan at intriga, ang pagsasakitan sa isa’t-isa, ang pag-aagawan ng reputasyon at kayamanan, ang palitang pagpatay—kailan ito matatapos? Ang Diyos ay nagsalita ng daang-libong mga salita, ngunit walang isa mang tao ang natauhan. Sila ay kumikilos para sa kapakanan ng kanilang mga pamilya, at mga anak na lalaki at babae, para sa kanilang mga propesyon, pag-asa, katayuan, karangyaan, at kayamanan, para sa kanilang mga damit, para sa pagkain at sa laman—kaninong mga pagkilos ang talagang para sa kapakanan ng Diyos? Kahit sa gitna ng mga kumikilos para sa Diyos, kaunti lang ang nakakakilala sa Diyos. Ilan ang hindi kumikilos upang mapanatili ang kanilang sariling kapakanan? Ilan ang hindi nang-aapi ng iba para sa pagpapanatili ng kanilang sariling katayuan?” (“Ang Masama ay Nararapat Parusahan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Tama! Tingnan mo ang aking asal at pag-uugali. Palagi ko lang hinahabol ang katanyagan at tagumpay, na walang alinman na para sa Diyos. Naging makasarili ako! Nasiyahan ako sa kadakilaan at kabutihan ng Diyos, ngunit sinubukan ko nang napakaingat at piniga ang utak ko araw-araw upang makamit ang katanyagan, tagumpay, at katayuan. Kahit naniniwala ako sa Diyos sa pangalan, hindi ako kumilos alinsunod sa mga layunin at mga kinakailangan ng Diyos, at sa diwa ay hindi talaga sinunod ang Diyos. Ang sukatan ng Diyos kung ang tao ay taos-pusong naniniwala sa Diyos ay hindi batay sa kanyang panlabas na pag-uugali o sa pagsusuri ng iba, sa halip ay kung kaya niyang alisin ang mga bagay sa kanyang puso na hindi tugma sa mga layunin ng Diyos kapag nangyari sa kanya ang mga bagay-bagay, kung maaari siyang mag-isip para sa pinakamahusay na kapakanan ng iglesia, at kung magagawa niyang masiyahan at mahalin ang Diyos sa lahat ng bagay. Matapos unawain ang mga layunin ng Diyos, biglang naging masaya ang aking puso, at agad kong inilipat ang bagong mananampalataya na ito sa kalapit na iglesia.
Matapos maranasan ang gawain ng Diyos sa loob ng maraming taon, mas malinaw kong naunawaan: Ang katanyagan, tagumpay, at katayuan ay mga pandaraya na ginamit ni Satanas upang linlangin ang mga tao at mga kadena na ginamit upang igapos ang mga tao. Ang mga taong naninirahan sa ilalim ng kapangyarihan nito ay maaari lamang na matali at malinlang nito, nang walang anumang kalayaan kahit ano pa man. Sa kabilang banda, ang salita ng Diyos ay ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Ang mga taong nabubuhay sa ilalim ng salita ng Diyos ay nabubuhay sa liwanag at mga pagpapala ng Diyos. Makakaranas ang tao ng kaginhawahan at kalayaan sa pamumuhay sa harap ng Diyos hangga't nagsisikap siyang matugunan ang mga kinakailangan ng Diyos at isagawa ang katotohanan gaya ng hinihiling ng Diyos. Inaalala ang sakit at kapighatian na dulot sa akin ng katanyagan, tagumpay, at katayuan, pagkatapos ang gawain ng kaligtasan na ginawa sa akin ng Diyos, tunay na nagpapasalamat ako at may utang na loob sa Diyos. Upang iligtas ako mula sa pagkaalipin ng katanyagan, tagumpay, at katayuan, isinaayos nang mabuti ng Diyos ang iba't ibang kapaligiran, tao, bagay, at pangyayari, at inakay at pinatnubayan ako sa bawat hakbang gamit ang Kanyang praktikal na gawain, na nagbigay-daan sa akin na tahakin ang tamang landas ng buhay. Ang bawat kapaligiran at bawat palatandaan ay napakahusay na plinanong lahat ng Diyos, at sa likod ng bawat isa ay matatagpuan ang dakilang pag-ibig ng Diyos para sa akin. Matapos danasin ang pagkastigo at paghatol nang paulit-ulit, unti-unti kong nakita ang katotohanan ng aking katiwalian. Nagtamo rin ako ng kaalaman sa praktikal na gawain ng Diyos, nakita ang kabanalan, kadakilaan, at walang pag-iimbot ng Diyos, at nadama nang malalim ang pagpapahalaga at pangangalaga ng Diyos sa pagliligtas ng sangkatauhan. Sa aking mga karanasan sa hinaharap, magiging mas handa akong tanggapin ang pagkastigo at paghatol ng Diyos, ang Kanyang mga pagsubok at pagpipino upang ang aking masamang disposisyon ay lubusang malinis at mabago sa lalong madaling panahon, at sa gayon kaya kong mabuhay nang tunay na makahulugan at mahalagang buhay!