Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Peb 8, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo|Ikaw ba ay Totoong Mananampalataya sa Diyos?

Marahil ang iyong paglalakbay ng pananampalataya sa Diyos ay mahigit isa o dalawang taon na, at marahil sa iyong buhay sa paglipas ng mga taong ito, marami kang napagdaanang kahirapan; o marahil hindi ka napasailalim sa kahirapan at sa halip nakatanggap na ng labis na biyaya. Maaaring hindi ka nakaranas ng alinman sa paghihirap o biyaya, nguni’t sa halip ay namuhay nang napaka-karaniwan. Sa kabila nito, tagasunod ka pa rin ng Diyos, kaya’t hayaang magkaroon tayo ng pagbabahagi tungkol sa paksa ng pagsunod sa Kanya. Gayunman, Aking pinaaalalahanan ang lahat na magbabasa ng mga salitang ito na ang salita ng Diyos ay nakadirekta tungo sa lahat ng kumikilala sa Diyos at lahat ng sumusunod sa Diyos, hindi tungo sa lahat ng tao sa pangkalahatan, kabilang ang mga hindi kumikilala sa Diyos. Kung naniniwala ka na ang Diyos ay nagsasalita para sa karamihan, sa lahat ng tao sa mundo, walang magiging epekto sa’yo kung gayon ang salita ng Diyos. Kaya, dapat mong ingatan ang lahat ng mga salita na malapit sa inyong puso, at huwag mong ilagay ang iyong sarili sa labas ng nasasakupan nito. Sa anumang pagkakataon, ating pag-usapan kung anong nangyayari sa ating tahanan.

Dapat na ninyong naiintindihan sa ngayon ang totoong kahulugan ng paniniwala sa Diyos. Ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos na Aking nauna nang nabanggit ay may kaugnayan sa inyong positibong pagpasok. Hindi na ito sa ngayon. Ngayon nais Kong suriin ang pinakadiwa ng inyong pananampalataya sa Diyos. Syempre, ito’y ang gabayan kayo mula sa negatibo; kung hindi Ko ito gagawin, hindi ninyo kailanman malalaman kung gayon ang inyong tunay na pagsang-ayon at walang hanggan ninyong ipagyayabang ang inyong kataimtiman at katapatan. Sa madaling salita, kung hindi Ko matuklasan ang kapangitan sa kaibuturan ng inyong mga puso, ang bawat isa sa inyo kung gayon ay maglalagay ng korona sa inyong ulo at magbibigay pugay sa inyong sarili. Ang inyong mapagmataas at mayabang na kalikasan ang nagtutulak sa inyong linlangin ang inyong konsensya, at magrebelde at tutulan si Cristo, at ibunyag ang inyong kapangitan, na isang paglalantad sa liwanag ng inyong mga intensyon, paniwala, labis na pagnanasa, at mga matang puno ng kasakiman. Sa kabila nito, patuloy ninyong sinasabi na inyong inaalay ang buhay para sa gawain ni Cristo, at inyong binabanggit nang paulit-ulit ang katotohanan na sinambit ni Cristo noong unang panahon. Ito ang inyong “pananampalataya.” Ito ang inyong “pananampalataya na walang bahid ng karumihan.” Inilagay Ko ang sangkatauhan sa mahigpit na pamantayan mula pa noon. Kung ang iyong katapatan ay may mga kaakibat na intensyon at kondisyon, kung gayon hindi Ko nanaisin ang iyong kung tawagin ay katapatan, sapagkat Ako’y nasusuklam sa mga nanlilinlang sa Akin sa pamamagitan ng kanilang mga intensyon at nangingikil ng mga kondisyon sa Akin. Ang nais Ko lamang para sa tao ay maging tapat sa walang iba kundi sa Akin, at gawin ang lahat ng bagay para sa kapakanan ng at patunayan ang isang salita: pananampalataya. Aking kinamumuhian ang inyong paggamit ng matamis na pananalita para masiyahan Ako. Sapagkat lagi Ko kayong itinuring nang buong katapatan at iyon din ang nais Kong gawin ninyo sa Akin na may totoong pananampalataya. Pagdating sa pananampalataya, naniniwala ang karamihan na sumusunod sila sa Diyos sapagkat may pananampalataya sila, kung hindi gayon hindi nila kakayanin ang ganoong pasakit. Kung gayon Ako’y tinatanong ka nito: Bakit hindi mo kailanman igalang ang Diyos gayong naniniwala ka sa Kanyang pag-iral? Bakit, kung gayon, wala kang takot sa Diyos sa iyong puso kung naniniwala ka sa Kanyang pag-iral? Pinaniniwalaan mo na si Cristo ang pagkakatawang-tao ng Diyos, ngunit bakit mayroon kang gayong paghamak at kumikilos nang walang paggalang sa Kanya? Bakit lantaran ang iyong paghatol sa Kanya? Bakit lagi mong binabantayan ang Kanyang galaw? Bakit hindi ka nagpapasakop sa Kanyang mga plano? Bakit hindi ka kumikilos nang naaayon sa Kanyang salita? Bakit ka nangingikil at nagnanakaw ng mga alay para sa Kanya? Bakit ka nagsasalita na parang si Cristo? Bakit mo hinahatulan kung tama o mali ang Kanyang gawain o Kanyang salita? Bakit ka nangangahas na lapastanganin Siya sa Kanyang likuran? Ang mga ito ba at iba pa ang bumubuo sa inyong pananampalataya?

Ibinubunyag ng bawat bahagi ng inyong pananalita at pag-uugali ang mga elemento ng kawalan ng pananampalataya kay Cristo na inyong dala sa inyong kaloob-looban. Ang inyong mga motibo at layunin sa inyong mga gawain ay pinangingibabawan ng di-pananampalataya; maging ang pakiramdam na nagmumula sa titig ng inyong mga mata ay nababahiran ng mga gayong elemento. Sa ibang salita, bawat isa sa inyo, sa bawat minuto ng araw, dala-dala ninyo ang mga elemento ng di-pananampalataya. Ibig sabihin nito, sa bawat pagkakataon, kayo ay nanganganib na ipagkanulo si Cristo, sapagka’t ang dugo na nananalaytay sa inyong katawan ay nababahiran ng di-pananampalataya sa Diyos na nagkatawang-tao. Samakatuwid, masasabi Ko na ang bakas ng paa na inyong naiwan sa landas ng paniniwala sa Diyos ay hindi malaki. Ang inyong paglalakbay sa landas ng pananampalataya sa Diyos ay hindi matibay ang saligan, at sa halip ay basta kumikilos lamang. Lagi kayong may pag-aalinlangan sa salita ni Cristo at hindi ito kaagad nailalagay sa pagsasagawa. Ito ang dahilan na wala kayong pananampalataya kay Cristo, at laging may mga paniwala tungkol sa Kanya ang isa pang dahilan kaya’t hindi kayo nananampalataya kay Cristo. Ang laging pagpapanatili ng alinlangan tungkol sa gawain in Cristo, ang pagpapabaya na ang salita ni Cristo ay mahulog sa mga taingang bingi, ang pagkakaroon ng opinyon sa kung anong gawa ang nagampanan ni Cristo at hindi nauunawaan ito nang wasto, ang pagkakaroon ng kahirapang isantabi ang mga paniwala kahit ano pa ang paliwanag na inyong matanggap, at iba pa; ang lahat ng ito ay mga elemento ng di-pananampalataya na humalo sa inyong mga puso. Kahit sundin ninyo ang gawain ni Cristo at hindi kailanman magkulang dito, masyadong maraming panghihimagsik ang humalo sa inyong mga puso. Ang panghihimagsik na ito ay bahid ng karumihan ng inyong pananampalataya sa Diyos. Marahil hindi kayo sumasang-ayon, ngunit kung hindi mo mabatid ang iyong mga layunin mula rito, siguradong magiging isa ka sa mga mapapahamak kung gayon. Sapagkat ginagawang perpekto lamang ng Diyos ang mga totoong naniniwala sa Kanya, hindi yaong mga nagdududa sa Kanya, at lalong hindi ang mga sumusunod sa Kanya ngunit hindi kailanman nananampalataya na Siya ay Diyos.

Ang ilang tao ay hindi nagagalak sa katotohanan, lalo na sa paghatol. Sa halip, nagagalak sila sa kapangyarihan at kayamanan; ang mga taong ito’y pinaniniwalaang mga magpagmataas na tao. Hinahanap lamang nila ang mga sekta sa mundo na may impluwensya at ang mga pastor at mga gurong galing sa mga seminaryo. Sa kabila ng pagtanggap ng daan ng katotohanan, nananatili silang may pag-aalinlangan at hindi nila mailaan ang kanilang mga sarili nang lubusan. Nagsasalita sila ng pagsasakripisyo para sa Diyos, ngunit ang kanilang mga mata ay nakatitig sa mga dakilang pastor at mga guro, at isinantabi si Cristo. Punong-puno ang kanilang mga puso ng kasikatan, kayamanan at karangalan. Talagang hindi sila naniniwala na ang isang ganoong kahinang tao ay may kakayahan ng panlulupig sa karamihan, na ang isang hindi kapansin-pansin ay may kakayahang gawing perpekto ang mga tao. Talagang hindi sila naniniwala na itong mga walang saysay na taong kasama sa mga alikabok at mga tambak na dumi ay ang mga taong pinili ng Diyos. Naniniwala sila na kung ang mga tulad ng mga taong ito ang layunin ng kaligtasan ng Diyos, kung ganoon ang langit at lupa ay mababaliktad at lahat ng tao ay magtatawanan nang malakas. Naniniwala sila na kung pinili ng Diyos ang gayong walang saysay na mga tao na maging perpekto, kung ganoon ang mga dakilang taong iyon ay magiging Diyos Mismo. Ang kanilang mga pananaw ay nababahiran ng di-pananampalataya, sa katunayan, sa halip na di-pananampalataya, ang mga ito ay malaking kahibangang mga halimaw. Sapagkat ang pinahahalagahan lamang nila ay posisyon, reputasyon at kapangyarihan; kanilang pinaguukulan ng mataas na pagpapahalaga ang mga malalaking grupo at mga sekta. Talagang wala silang pagsasaalang-alang para sa mga pinangungunahan ni Cristo; sila ay mga traydor lamang na tumalikod kay Cristo, sa katotohanan, at sa buhay.

Hindi ang kababaang-loob ni Cristo ang iyong hinangaan, kundi ang mga huwad na pastol na may prominenteng katayuan. Hindi mo minamahal ang pagiging kaibig-ibig o karunungan ni Cristo, kundi ang mga walang pakundangang nauugnay sa malaswang mundo. Tinatawanan mo ang mga pasakit ni Cristo na walang lugar para pagpatungan ng Kanyang ulo, ngunit hinahangaan ang mga bangkay na kumakamkam ng mga pag-aalay at namumuhay sa kahalayan. Hindi ka handang magdusa sa tabi ni Cristo, kundi masayang pumupunta sa mga bisig ng mga padalus-dalos na anticristo bagama’t tinutustusan ka lamang ng laman, mga letra at pagkontrol. Kahit ngayon, tumatalima patungo sa mga ito ang iyong puso, sa kanilang reputasyon, sa kanilang katayuan sa puso ng mga Satanas, sa kanilang impluwensya, at sa kanilang awtoridad, ngunit patuloy kang nagkakaroon ng saloobin ng paglaban at hindi pagtanggap sa gawain ni Cristo. Ito ang dahilan kung bakit Ko sinasabi na wala kang pananampalataya ng pagkilala kay Cristo. Ang dahilan ng pagsunod mo sa Kanya magpahanggang ngayon ay sa kadahilanang pinilit ka. Namumukod magpakailanman sa puso mo ang matatayog na mga larawan; hindi mo makalimutan ang kanilang bawat salita at gawa, maging ang kanilang maimpluwensiyang mga salita at gawa. Nasa puso ninyo sila, kataas-taasan magpakailanman at mga bayani magpakailanman. Ngunit hindi ito para sa Cristo sa panahong ito. Wala Siyang kabuluhan magpakailanman sa iyong puso at di-karapat-dapat sa paggalang magpakailanman. Sapagka’t napaka-karaniwan Niya, may lubhang napakaliit na impluwensya, at malayo sa napakatayog.

Magkagayunman, masasabi Ko na lahat ng hindi nagpapahalaga sa katotohanan ay lahat mga di-mananampalataya at mga taksil sa katotohanan. Ang mga ganitong tao ay hindi kailanman makatatanggap ng papuri ni Cristo. Napagtanto mo na ba ngayon kung gaano ang di-pananampalatayang nasa kalooban mo? At gaano ang pagtataksil kay Cristo? Ikaw ay Aking pinapayuhan nang ganito: Dahil pinili mo ang daan tungo sa katotohanan, dapat mong ilaan ang iyong sarili nang buong puso; huwag maging bantulot o panghinaan ng loob. Dapat mong maintindihan na ang Diyos ay hindi kabilang sa mundo o sinumang tao, ngunit sa lahat ng mga totoong nanampalataya sa Kanya, sa lahat ng sumasamba sa Kanya, at lahat ng mapagmahal at tapat sa Kanya.

Sa ngayon, marami pa ring di-pananampalataya sa inyong kaloob-looban. Subukang maghanap nang masigasig sa inyong mga sarili at tiyak na matatagpuan ninyo ang kasagutan. Kapag natagpuan mo ang tunay na kasagutan, iyong aaminin na hindi ka mananampalataya sa Diyos, ngunit mga manlilinlang, lapastangan, at nagkakanulo sa Kanya, at mga di-tapat sa Kanya. At iyong mapagtatanto na si Cristo ay hindi tao, ngunit Diyos. Pagdating ng araw na iyon, kung gayon iyong igagalang, katatakutan, at tunay na mamahalin si Cristo. Sa kasalukuyan, ang inyong pananampalataya ay tatlumpung porsyento lamang ng inyong puso, habang ang pitumpung porsyento ay pagmamay-ari ng pagdududa. Anumang gawa na nagawa na at anumang pangungusap ang nasabi ni Cristo ay magiging dahilan upang bumuo kayo ng mga paniwala at opinyon tungkol sa Kanya. Ang mga paniwala at mga opinyong ito ay mula sa inyong ganap na di-pananampalataya sa Kanya. Humahanga at takot lamang kayo sa di-nakikitang Diyos sa langit at walang pagsasaalang-alang sa buhay na Cristo sa lupa. Hindi ba ito rin ang inyong di-pananampalataya? Hinahangad lamang ninyo ang Diyos na gumawa sa nakaraan ngunit ayaw harapin ang Cristo ng panahong ito. Ito parati ang “pananampalatayang” humalo sa inyong mga puso na hindi nananampalataya sa Cristo ng panahong ito. Hindi Ko kayo minamaliit, sapagkat napakaraming di-pananampalataya sa inyong kaloob-looban, halos ang kabuuan ninyo ay marumi at dapat na masuri. Ang mga karumihang ito ay tanda na wala kayong anumang pananampalataya; marka ito ng inyong pagtatakwil kay Cristo at tinatatakan kayo bilang taksil kay Cristo. Ang mga ito ay mga talukbong na nagtatakip sa inyong kaalaman tungkol kay Cristo, isang hadlang sa pagkamit ninyo kay Cristo, isang balakid na pumipigil sa inyong pagiging-kaayon kay Cristo, at patunay na hindi kayo sinasang-ayunan ni Cristo. Ngayon ang panahon upang suriin ang lahat ng bahagi ng inyong buhay! Makikinabang Ka sa lahat ng paraang maiisip sa paggawa mo nito!

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao