Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Banal na Espiritu. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Banal na Espiritu. Ipakita ang lahat ng mga post

Ene 29, 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Landas... (5)

katotohanan, Banal na Espiritu, buhay, Diyos, Paniwala


Kidlat ng Silanganan | Ang tinig ng Diyos | Ang Landas... (5)


Dati ay walang nakakakilala sa Banal na Espiritu, at partikular na hindi nila nalalaman kung ano ang landas ng Banal na Espiritu. Kaya laging dinadaya ng mga tao ang kanilang mga sarili sa harap ng Diyos. Maaaring masabi na halos lahat ng mga tao na naniniwala sa Diyos ay hindi nakakakilala sa Espiritu, kundi mayroon lamang isang litóng uri ng paniniwala. Maliwanag mula rito na hindi nauunawaan ng mga tao ang Diyos, at kahit sinasabi nila na sila ay naniniwala sa Kanya, sa mga tuntunin ng diwa nito, batay sa kanilang mga pagkilos sila ay naniniwala sa kanilang mga sarili, hindi sa Diyos. Mula sa Aking pansariling tunay na karanasan, nakikita Ko na sumasaksi ang Diyos sa Diyos na katawang-tao, at mula sa labas, lahat ng mga tao ay napipilitang kilalanin ang Kanyang pagsaksi, at halos hindi masabi na sila ay naniniwala na ang Espiritu ng Diyos ay lubos na walang mali. Gayunpaman, Aking sinasabi na ang pinaniniwalaan ng mga tao ay hindi ang personang ito at ito ay partikular na hindi Espiritu ng Diyos, kundi sila ay naniniwala sa kanilang sariling pakiramdam. Hindi ba’t iyan ay paniniwala lamang sa kanilang mga sarili? Ang mga salitang ito na Aking sinasabi ay totoong lahat. Ito ay hindi pagtatatak sa mga tao, nguni’t kailangan Ko na liwanagin ang isang bagay—na ang mga tao ay madadala sa araw na ito, kung sila man ay malinaw o sila ay litó, ang lahat ng ito ay ginagawa ng Banal na Espiritu at ito ay hindi isang bagay na maaaring idikta ng mga tao. Ito ay isang halimbawa ng Aking binanggit noong una tungkol sa Banal na Espiritu na pinipilit ang paniniwala ng mga tao. Ito ang paraan na ang Banal na Espiritu ay gumagawa, at ito ay isang landas na tinatahak ng Banal na Espiritu. Kahit na sino ang pinaniniwalaan ng mga tao sa diwa ng nilalaman, pinipilit bigyan ng Banal na Espiritu ang mga tao ng isang uri ng pakiramdam upang sila ay maniwala sa Diyos sa kanilang sariling puso. Hindi ba ito ang uri ng paniniwala na taglay mo? Hindi mo ba nadarama na ang iyong paniniwala sa Diyos ay isang kakatwang bagay? Hindi mo ba iniisip na ito ay isang kakatwang bagay na ikaw ay hindi makatakas mula sa daloy na ito? Hindi mo ba pinagsikapang bulay-bulayin ito? Hindi ba’t ito ang pinakadakilang tanda at himala? Kahit na ikaw ay nagkaroon ng pag-uudyok na tumakas nang maraming ulit, laging mayroong malakas na pwersa ng buhay na umaakit sa iyo at ginagawa kang atubiling lumayo. At sa tuwing makakatagpo mo ito ikaw ay laging nasasakal at humahagulgol, at hindi mo alam kung ano ang gagawin. At mayroong ilang mga tao na sinusubukang lumisan. Subali’t kapag sinusubukan mong umalis, ito ay parang patalim sa iyong puso, at ito ay parang ang iyong kaluluwa ay kinuha sa iyo ng isang multo sa lupa kaya’t ang iyong puso ay bagabag at walang kapayapaan. Matapos iyon, wala kang magáwâ kundi patatagin ang iyong sarili at bumalik sa Diyos…. Hindi ka ba nagkaroon ng ganitong karanasan? Ako ay naniniwala na ang mga batang kapatirang lalaki at babae na nakakapagbukas ng kanilang mga puso ay magsasabing: “Oo! Napakarami ko nang naging mga karanasang ganito; hiyang-hiya akong isipin ang mga iyon!” Sa Aking sariling pang-araw-araw na buhay Ako ay laging masaya na makita ang Aking mga batang kapatirang lalaki at babae bilang Aking mga kaniig sapagka’t sila ay punô ng kawalang-malay—sila ay dalisay at lubhang kaibig-ibig. Parang sila ay Aking sariling mga kasama. Ito ang kung bakit Ako ay laging naghahanap ng pagkakataon na dalhin ang lahat ng Aking mga kaniig na sama-sama, upang pag-usapan ang tungkol sa aming mga simulain at mga plano. Nawa ang kalooban ng Diyos ay maisakatuparan sa atin upang lahat tayo ay tulad ng laman at dugo, walang mga hadlang at walang pagkakalayo. Nawa ay manalangin tayong lahat sa Diyos: “O Diyos! Kung ito ay Iyong kalooban, sumasamo kami sa Iyo na pagkalooban kami ng akmang kapaligiran upang matanto naming lahat ang mga inaasam ng aming mga puso. Nawa ay mahabag Ka sa mga kasama namin na bata at kulang sa katwiran, upang magugol namin ang bawa’t patak ng kalakasan sa aming mga puso!”Ako ay naniniwala na ito dapat ang kalooban ng Diyos dahil noong matagal na, ginawa Ko ang sumusunod na pagsamo sa harapan ng Diyos: “Ama! Kaming mga nasa lupa ay tumatawag sa Iyo sa lahat ng sandali, at umaasa na ang Iyong kalooban ay matatapos sa lalong madaling panahon sa lupa. Ako ay handang hanapin ang Iyong kalooban. Nawa ay gawin Mo ang nais Mo, at tapusin ang ipinagkatiwala Mo sa Akin sa lalong madaling panahon. Hangga’t ang Iyong kalooban ay maaaring matupad sa lalong madaling panahon, handa kahit Ako para Ikaw ay magbukas ng isang bagong landas sa gitna namin. Ang tangi Kong pag-asa ay na ang Iyong gawain ay matatapos sa lalong madaling panahon. Ako ay naniniwala na walang mga panuntunan ang makapipigil sa Iyong gawain!” Ito ang gawain na ginagawa ng Diyos ngayon. Hindi mo ba nakita ang landas na tinatahak ng Banal na Espiritu? Kapag Aking nakakatagpo ang nakatatandang mga kapatirang lalaki at babae, palaging may damdamin ng kaapihan na hindi Ko matukoy. Kapag kasama Ko lamang sila Aking nakikita na sila ay umaalingasaw sa lipunan, at ang kanilang relihiyosong mga paniwala, mga karanasan sa pagtangan sa mga bagay-bagay, ang kanilang mga paraan ng pagsasalita, ang mga salitang kanilang ginagamit, atbp., ay nakakainis lahat. Para bang sila ay punô ng karunungan at Ako ay laging nananatiling malayo sa kanila sapagka’t sa Aking sarili, ang Aking pilosopiya sa buhay ay kulang na kulang. Kapag kasama nila Ako pakiramdam Ko ay lagi Akong pagód at pinahihirapan, at kung minsan ito ay nagiging masyadong seryoso, masyadong mapang-api na halos hindi Ako makahinga. Kaya sa mapanganib na mga sandaling ito, binibigyan Ako ng Diyos ng pinakamahusay na paraan na makalabas. Marahil ito ay sarili Kong maling kuru-kuro. Ang pinahahalagahan Ko lamang ay kung ano ang pakinabang sa Diyos; ang pagsasakatuparan ng kalooban ng Diyos ang pinakamahalaga. Nananatili Akong malayo sa mga taong ito, at kung kinakailangan ng Diyos na pakitunguhan Ko sila, sa gayon, Ako’y susunod. Hindi naman na sila ay kasuklam-suklam, kundi dahil sa ang kanilang “karunungan”, mga paniwala, at mga pilosopiya sa buhay ay masyadong nakakainis. Ako ay narito upang tapusin ang ipinagkatiwala ng Diyos sa Akin, hindi para matuto sa kanilang mga karanasan sa pagtangan ng mga pangyayari. Natatandaan Ko na minsan ay sinabi ng Diyos sa Akin ang sumusunod: “Sa lupa, hanapin Mo ang kalooban ng Ama at tapusin kung ano ang ipinagkatiwala Niya sa Iyo. Lahat ng iba pa ay walang kinalaman sa Iyo.” Kapag iniisip Ko ito nakakaramdam Ako ng bahagyang kapayapaan. Ito ay sapagka’t lagi Kong nararamdaman na ang mga makalupang mga bagay ay masyadong masalimuot at hindi Ko lubos na malirip ang mga iyon—kailanman hindi Ko alam kung ano ang gagawin. Kaya hindi Ko alam kung ilang ulit Akong masyadong naguluhan dahil dito at kinamuhian ang sangkatauhan—bakit ang mga tao ay masyadong kumplikado? Anong mali sa pagiging mas simple? Nagpupumilit na maging marunong—bakit nag-aabala? Kapag nakikitungo Ako sa mga tao kalimitan ito ay batay sa pagsusugo ng Diyos sa Akin, at kahit na may ilang ulit na hindi ito ang kaso, sinong maaaring makaalam kung ano ang natatago sa kaibuturan ng Aking puso?

Ene 26, 2018

Ang Kalooban ng Diyos | Inaakay ng Isang Normal Na Espirituwal na Buhay Ang Mga Tao sa Tamang Landas


Buhay, Diyos, Banal na Espiritu, katotohanan, Jesus

Kidlat ng SilangananAng Kalooban ng Diyos | Inaakay ng Isang Normal Na Espirituwal na Buhay Ang Mga Tao sa Tamang Landas


Ang nilakaran pa lamang ninyo ay isang napakaliit na bahagi ng landas ng isang sumasampalataya sa Diyos, at hindi pa kayo nakapasok sa tamang landas, kaya malayo pa rin kayo mula sa pagtatamo ng pamantayan ng Diyos. Sa ngayon, ang inyong tayog ay hindi sapat upang matugunan ang Kanyang mga kinakailangan. Dahil sa inyong kakayahan at sa inyong katutubong tiwaling kalikasan, palagi kayong padalus-dalos sa pagtrato sa gawain ng Diyos at hindi ito sineseryoso. Ito ang inyong pinakamalaking pagkukulang. Tangi sa roon, wala kayong kakayahan na mahanap ang landas ng Banal na Espiritu. Hindi ito naunawaan ng karamihan sa inyo at hindi ito nakikita nang malinaw. Higit sa rito, karamihan sa inyo ay hindi nagtutuon ng pansin sa usaping ito, at hindi gaanong seryoso tungkol rito. Kung magpapatuloy kayong gumawi kagaya nito at hindi nalalaman ang gawain ng Banal na Espiritu, kung gayon ang landas na inyong tinatahak bilang isang sumasampalataya sa Diyos ay magiging walang saysay. Ito ay dahil hindi ninyo ginagawa ang lahat sa inyong kapangyarihan upang hangarin na matupad ang kalooban ng Diyos, at sapagkat hindi kayo nakikipagtulungan nang husto sa Diyos. Hindi sa ang Diyos ay hindi gumawa sa iyo, o na hindi ka kinilusan ng Banal na Espiritu. Ito ay dahil sa ikaw ay masyadong walang ingat at hindi mo sineseryoso ang gawain ng Banal na Espiritu. Dapat mong kaagad na papanumbalikin ang mga bagay at lakaran ang landas na pinangungunahan ng Banal na Espiritu. Ito ang pangunahing paksa sa kasalukuyan. Itong “landas na pinangungunahan ng Banal na Espiritu” ay ang pagkakamit ng mga tao ng pagliliwanag sa kanilang espiritu, mayroon silang kaalaman ukol sa salita ng Diyos, nagkakamit sila ng kaliwanagan sa landas nila sa hinaharap, at nagagawa nilang pumasok sa katotohanan nang unti-unti, at lalo pang nakararating sa pagkaunawa sa Diyos. Ang landas na pinangungunahan ng Banal na Espiritu ay pangunahin na ang mga tao ay magkaroon ng isang mas malinaw na pagkaunawa sa mga salita ng Diyos, malaya mula sa mga paglihis at mga maling akala, upang malakaran nila ito. Upang matamo ang epektong ito, kailangan ninyong gumawa nang may pagkakaisa kasama ang Diyos, maghanap ng isang tamang landas na isasagawa, at lakaran ang landas na pinangungunahan ng Banal na Espiritu. May kinalaman ito sa pakikipagtulungan sa panig ng tao, iyon ay, kung ano ang inyong gagawin upang matamo ang mga kinakailangan ng Diyos sa inyo, at kung paano kayo gagawi upang pumasok sa tamang landas.

Dis 24, 2017

Ang Kalooban ng Diyos | Ang Pagtatatag ng Isang Wastong Kaugnayan sa Diyos ay Napakahalaga

Kidlat ng Silanganan Ang Kalooban ng Diyos | Ang Pagtatatag ng Isang Wastong Kaugnayan sa Diyos ay Napakahalaga



Ang mga tao ay naniniwala sa Diyos, iniibig ang Diyos, at napalulugod ang Diyos sa pamamagitan ng pag-antig sa Espiritu ng Diyos gamit ang kanilang mga puso, sa gayon ay nakakamtan ang Kanyang kaluguran; kapag nakikibahagi sa mga salita ng Diyos sa kanilang puso, sila sa gayon ay kinikilusan ng Espiritu ng Diyos. Kung nais mong matamo ang isang angkop na espirituwal na buhay at makapagtatag ng isang angkop na kaugnayan sa Diyos, dapat mo munang ibigay ang iyong puso sa Kanya, at ipanatag ang iyong puso sa harap Niya. Kapag naibuhos mo ang iyong puso sa Diyos saka mo lamang mapauunlad nang unti-unti ang isang espirituwal na buhay. Kung hindi ibinibigay ng mga tao ang kanilang puso sa Diyos sa kanilang paniniwala sa Kanya, kung ang kanilang puso ay wala sa Kanya at hindi nila tinatrato ang Kanyang pasanin bilang sariling kanila, kung gayon ang lahat ng kanilang ginagawa ay pandaraya sa Diyos, at ito ay pawang pag-uugali ng mga taong relihiyoso—hindi nito matatamo ang papuri ng Diyos. Ang Diyos ay hindi makakakuha ng anuman mula sa taong ito; ang ganitong uri ng tao ay makapaglilingkod lamang bilang isang pagkakaiba sa gawain ng Diyos, kagaya ng isang palamuti sa tahanan ng Diyos, nakapagpapasikip lamang, at isang walang kabuluhan—hindi kinakasangkapan ng Diyos ang ganitong uri ng tao. Sa isang taong gayon, hindi lamang sa walang pagkakataon para sa gawain ng Banal na Espiritu, ngunit higit pang, walang anumang halaga sa pagka-perpekto. Ang ganitong uri ng tao ang siyang totoong “patay na naglalakad.” Wala silang mga sangkap na maaaring kasangkapanin ng Banal na Espiritu—silang lahat ay inangkin ni Satanas, lubos na ginawang tiwali ni Satanas, at sila ang pakay ng pag-aalis ng Diyos. Hindi lamang kinakasangkapan ng Banal na Espiritu ang mga tao sa kasalukuyan sa pamamagitan ng pagpapairal sa kanilang mabubuting katangian, ngunit gayundin sa pagka-perpekto at pagbabago sa kanilang mga pagkukulang. Kung ang iyong puso ay maibubuhos sa Diyos at mananatiling payapa sa harap ng Diyos, kung gayon magkakaroon ka ng pagkakataon at ng mga kwalipikasyon upang kasangkapanin ng Banal na Espiritu, upang tanggapin ang pagliliwanag at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu, at lalo pang, makakamtam mo ang pagkakataon para sa Banal na Espiritu na makabawi para sa iyong mga pagkukulang. Kapag ibinigay mo ang iyong puso sa Diyos, mas lalo kang makapapasok nang maigi sa positibong aspeto at mapupunta sa pinakamataas na uri ng pananaw; sa negatibong aspeto, magkakaroon ka ng mas maraming pagkaunawa ukol sa iyong sariling mga pagkakamali at mga pagkukulang, magiging mas masigasig ka na hangaring mapalugod ang kalooban ng Diyos, at hindi ka magiging walang kibo, at aktibong makapapasok. Nangangahulugan ito na ikaw ay magiging isang tamang tao. Sa saligan na ang iyong puso ay panatag sa harap ng Diyos, ang susi kung nakatatanggap ka ng papuri mula sa Banal na Espiritu o hindi ay kung aktibo kang makapapasok. Kapag nililiwanagan ng Banal na Espiritu ang isang tao at kinakasangkapan ang isang tao, hindi kailanman nito siya ginagawang negatibo, ngunit palaging ginagawa siyang aktibong sumusulong. Bagamat mayroon siyang mga kahinaan, nagagawa niyang huwag mabuhay alinsunod sa mga ito, nagagawa niyang umiwas mula sa pag-aantala sa paglago ng kanyang buhay, at naipagpapatuloy niyang hangarin na mapalugod ang kalooban ng Diyos. Ito ay isang pamantayan na nagpapatunay na sapat na iyong nakamit ang presensiya ng Banal na Espiritu. Kapag ang isang tao ay palaging negatibo, at maging pagkatapos na siya ay niliwanagan upang makilala ang sarili niya nananatili pa rin siyang negatibo at walang kibo, hindi magawang bumangon at kumilos kasama ng Diyos, kung gayon tinatanggap lamang ng ganitong uri ng tao ang biyaya ng Diyos, ngunit ang Banal na Espiritu ay hindi niya kasama. Kapag ang isang tao ay negatibo, nangangahulugan ito na ang kanyang puso ay hindi ibinaling sa Diyos at ang kanyang espiritu ay hindi inantig ng Espiritu ng Diyos. Ito ay dapat kilalanin ng lahat.