Kidlat ng Silanganan | Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Magpakailanmang Mamumuhay sa Loob ng Kanyang Liwanag
Ang substansya ng paniniwala sa Diyos ng karamihan ng tao ay ang paniniwala sa relihiyon: Ang mga ito ay hindi kayang umibig sa Diyos, at maaari lamang sundin ang Diyos tulad ng isang robot, hindi magawang tunay na maghangad para sa Diyos o sambahin Siya. Sila ay sumusunod lamang sa Kanya nang tahimik. Maraming tao ang naniniwala sa Diyos, ngunit kaunti lamang ang mga umiibig sa Diyos; iginagalang lamang nila ang Diyos dahil takot sila sa sakuna, o kaya hinahangaan nila ang Diyos dahil Siya ay mataas at makapangyarihan—ngunit sa kanilang paggalang at paghanga ay walang pag-ibig o tunay na matinding paghangad. Sa kanilang mga karanasan kanilang hinahanap ang mga detalye ng katotohanan, o kaya ibang hindi gaanong mahalagang misteryo. Karamihan ng tao ay sumusunod lamang, nangingisda sila sa maburak na tubig upang makatanggap lamang ng mga biyaya; hindi nila hinahanap ang katotohanan, at hindi rin sila tunay na sumunod sa Diyos upang makatanggap ng mga biyaya ng Diyos. Ang buhay ng lahat ng paniniwala ng tao sa Diyos ay walang kahulugan, ito ay walang halaga, at sa loob nito ay ang kanilang mga pansariling pag-iintindi at paghahangad; hindi sila naniniwala sa Diyos upang ibigin ang Diyos, ngunit para sa kapakanan ng pagiging mapalad. Maraming tao ang kumikilos ayon sa gusto nila, ginagawa nila ang anumang kanilang naisin, at hindi kailanman iniintindi ang mga kagustuhan ng Diyos, o kung ang ginagawa nila ay alinsunod sa kalooban ng Diyos. Ang mga ganitong tao ay hindi kayang magkamit ng tunay na paniniwala, mas lalo na ang pag-ibig ng Diyos. Ang substansya ng Diyos ay hindi lamang para paniwalaan ng tao; ito ay, higit pa rito, para ibigin ng tao. Subalit karamihan ng tao na naniniwala sa Diyos ay hindi kayang tuklasin itong “lihim.” Hindi naglalakas-loob ang mga tao na ibigin ang Diyos, o subukan man lang ibigin Siya. Hindi nila kailanman natuklasan na marami ang kaibig-ibig sa Diyos, hindi nila kailanman natuklasan na ang Diyos ay ang Diyos na nagmamahal sa tao, at Siya ang Diyos na dapat ibigin ng tao. Ang kagandahan ng Diyos ay ipinahayag sa Kanyang gawa: Kapag naranasan nila ang Kanyang gawa, saka lamang matutuklasan ng tao ang Kanyang kagandahan, sa tunay na mga karanasan lamang nila maaaring pahalagahan ang kagandahan ng Diyos, at ang hindi pagsunod nito sa tunay na buhay, walang sinuman ang maaaring makatuklas ng kagandahan ng Diyos. Marami ang kaibig-ibig sa Diyos, ngunit hindi ito magagawang tuklasin ng tao nang hindi nakikipag-ugnayan sa Kanya nang aktwal. Na ang ibig sabihin, kung hindi naging tao ang Diyos, Hindi magagawa ng mga tao ang aktwal na makipag-ugnayan sa Kanya, at kung hindi nila magawang makipag-ugnayan sa Kanya, hindi rin sila makararanas ng Kanyang gawa—at pati ang kanilang pag-ibig sa Diyos ay mababahiran ng mga kasinungalingan at imahinasyon. Ang pag-ibig ng Diyos sa langit ay hindi tunay na tulad ng pag-ibig ng Diyos sa lupa, sapagka’t ang pagkilala ng mga tao ng Diyos sa langit ay gawa lamang sa kanilang mga imahinasyon, sa halip na kung ano ang kanilang nakita sa kanilang sariling mga mata, at kung ano ang kanilang naging sariling karanasan. Kapag dumating ang Diyos sa lupa, magagawang pagmasdan ng mga tao ang Kanyang aktwal na mga gawa at Kanyang kagandahan, at maaari nilang makita ang lahat ng Kanyang praktikal at karaniwang disposisyon, ang lahat ng ito ay libu-libong beses na mas totoo kaysa sa pagkilala sa Diyos sa langit. Hindi alintana sa kung gaano kamahal ng sangkatauhan ang Diyos sa langit, walang kahit ano ang totoo sa pag-ibig na ito, at ito ay puno ng kuru-kuro ng tao. Gaano man kaliit ang kanilang pag-ibig para sa Diyos sa lupa, ang pag-ibig na ito ay totoo; kahit na may kaunti lamang nito, ito ay totoo pa rin. Nagpapakilala ang Diyos sa tao sa pamamagitan ng tunay na gawa, at sa pamamagitan ng kaalaman na ito nakakamit Niya ang kanilang pag-ibig. Katulad ito ni Pedro: Kung hindi siya nanirahan kasama si Jesus, naging imposible para sa kanyang sambahin si Jesus. Gayundin, ang kanyang katapatan kay Jesus ay nabuo sa kanyang pakikipag-ugnayan kay Jesus. Upang mahalin Siya ng tao, ang Diyos ay dumating sa gitna ng tao at namuhay kasama ng tao, at lahat ng Kanyang ginagawa na nakikita at nararanasan ng tao ay katotohanan ng Diyos.
Ginagamit ng Diyos ang katotohanan at ang pagdating ng mga katotohanan upang gawing perpekto ang mga tao; tinutupad ng mga salita ng Diyos ang bahagi ng Kanyang pagpeperpekto sa tao, at ito ang gawa ng paggabay at pagbubukas ng daan. Na ang ibig sabihin, sa mga salita ng Diyos ay dapat mong mahanap ang daan ng pagsasagawa, at dapat mahanap ang kaalaman ng mga pangitain. Sa pag-unawa ng mga bagay na ito, magkakaroon ang tao ng isang landas at pangitain kapag ito ay aktwal na isinagawa, at magagawang maliwanagan sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, mauunawaan din nila na ang mga bagay na ito ay galing sa Diyos, at mas magagawang maunawaan. Matapos unawain, kailangan nilang pumasok agad sa katotohanang ito, at dapat gamitin ang mga salita ng Diyos upang bigyang kasiyahan ang Diyos sa kanilang aktwal na buhay. Gagabayan ka ng Diyos sa lahat ng bagay, at bibigyan ka ng landas ng pagsagawa, at ipapadama sa iyo na ang Diyos ay kaibig-ibig, at hahayaan kang makita na ang bawat hakbang ng gawa ng Diyos sa iyo ay upang gawin kang perpekto. Kung nais mong makita ang pag-ibig ng Diyos, kung nais mong tunay na maranasan ang pag-ibig ng Diyos, gayon kailangan mong magtungo sa kailaliman ng katotohanan, kailangan mong magtungo sa kailaliman ng tunay na buhay, at makita na ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay pag-ibig, at kaligtasan, at nang magawang iwanan ng mga tao kung alin ang hindi malinis, at upang pinuhin ang mga bagay sa loob nila na hindi kayang palugurin ang kalooban ng Diyos. Gumagamit ang Diyos ng mga salita upang makapaglaan sa tao habang lumilikha ng mga kapaligiran sa tunay na buhay na pinahihintulutan ang mga tao na maranasan, at kung kumakain at umiinom ang mga tao ng maraming salita ng Diyos, sa gayon kapag kanilang isinagawa ang mga ito, malulutas nila ang lahat ng mga paghihirap sa kanilang buhay gamit ang mga salita ng Diyos. Na ang ibig sabihin ay, kailangan mayroon kang mga salita ng Diyos upang makarating nang malalim sa katotohanan; kung hindi mo kakainin at iinumin ang mga salita ng Diyos, at walang gawa ng Diyos, sa gayon ikaw ay walang landas sa tunay na buhay. Kung hindi ka pa kailanman nakakain o nakainom ng mga salita ng Diyos, sa gayon ikaw ay malilito kapag mayroong nangyari sa iyo. Alam mo lamang ibigin ang Diyos, at hindi kaya ang anumang pagkakaiba, at walang landas ng paggawa; ikaw ay naguguluhan at nalilito, at kung minsan ikaw ay naniniwala na sa pamamagitan ng pagbibigay kasiyahan sa katawang-tao, ikaw ay nagbibigay kasiyahan sa Diyos—na ang lahat ay resulta ng hindi pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos. Na ang ibig sabihin, kung ikaw ay walang tulong ng mga salita ng Diyos, at tanging nangangapa sa loob ng katotohanan, sa gayon pangunahin kang walang kakayahang mahanap ang landas ng pagsasagawa. Ang mga tao na tulad nito ay payak na hindi maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng paniniwala sa Diyos, mas lalong hindi nila naiintindihan kung ano ang ibig sabihin kung paano mahalin ang Diyos. Kung, gagamitin ang pagliliwanag at pag-gabay ng mga salita ng Diyos, madalas kang manalangin, at magsiyasat, at maghanap, kung saan matutuklasan mo na kung saan nararapat mong isagawa, maghanap ng mga pagkakataon para sa gawain ng Banal na Espiritu, tunay na makipagtulungan sa Diyos, at hindi naguguluhan at nalilito, sa gayon ay magkakaroon ka ng landas sa tunay na buhay, at talagang magbibigay kasiyahan sa Diyos. Kapag iyong nabigyang kasiyahan ang Diyos, sa loob mo ay magkakaroon ng paggabay ng Diyos, at ikaw ay higit na pagpapalain ng Diyos, na magbibigay sa iyo ng isang pakiramdam ng kasiyahan: Makakaramdam ka ng karangalan na nabigyan mo ng kasiyahan ang Diyos, makakaramdam ka ng higit na liwanag sa kalooban, at sa iyong puso ikaw ay malinis at mapayapa, ang iyong konsensya ay aaliwin at malaya sa mga bintang, at mararamdaman mong magaan ang kalooban kapag nakita mo ang iyong mga kapatid. Ito ang ibig sabihin ng pagkalugod sa pag-ibig ng Diyos, at ito lamang ang tunay na pagtamasa sa Diyos. Ang pagtamasa ng tao sa pag-ibig ng Diyos ay makakamit sa pamamagitan ng pagdanas nito: Sa pagdanas ng paghihirap, at pagdanas ng pagsasagawa ng katotohanan, nakakamit nila ang mga biyaya ng Diyos. Kung sinasabi mo lamang na mahal ka talaga ng Diyos, na ang Diyos ay nagbayad ng malaking halaga sa mga tao, na Siya ay matiyaga at magalang magbigkas ng maraming salita, at laging inililigtas ang mga tao, ang iyong pagbigkas sa mga salitang ito ay isa lamang bahagi ng kasiyahan ng Diyos. Ang mas totoong kasiyahan ay kung ilalagay ng tao ang katotohanan sa pagsasagawa sa kanilang tunay na buhay, at matapos nito sila ay magiging mapayapa at malinaw sa kanilang puso, higit nilang mararamdaman ang kahabagan sa kaloob-looban, at ang Diyos ay kaibig-ibig. Iyong madarama na ang halaga ng iyong binayaran ay kapaki-pakinabang. Matapos bayaran ng malaking halaga ang iyong pagsusumikap, magbibigay ito sa iyo ng higit na kaliwanagan sa kalooban: Mararamdaman mong ikaw ay tunay na nasisiyahan sa pag-ibig ng Diyos, at maunawaan na ang Diyos ay tapos na sa gawain ng kaligtasan ng mga tao, na ang Kanyang pagpipino sa mga tao ay upang linisin sila, at nililitis ng Diyos ang mga tao upang subukin kung ang mga ito ay tunay na nagmamahal sa Kanya. Kung lagi mong ilalagay ang katotohanan sa pagsasagawa sa ganitong paraan, sa gayon ay unti-unti kang makabubuo ng isang malinaw na kabatiran ng lawak ng gawa ng Diyos, at sa panahong iyon ay lagi mong mararamdaman na ang mga salita ng Diyos sa iyong harapan ay kasing linaw ng kristal. Kung kaya mong malinaw na maunawaan ang maraming katotohanan, mararamdaman mo na ang lahat ng bagay ay madaling ilagay sa pagsasagawa, na makakaya mong pagtagumpayan ang suliraning ito, at pagtagumpayan ang tuksong iyon, at makikita mo na walang kahit anumang problema para sa iyo, na kung saan ikaw ay magiging labis na ligtas at malaya. Sa sandaling ito iyong matatamasa ang pag-ibig ng Diyos, at ang tunay na pag-ibig ng Diyos ay darating sa iyo. Pinagpapala ng Diyos ang mga taong may mga pangitain, na may katotohanan, na may kaalaman, at tunay na nagmamahal sa Kanya. Kung nais ng mga tao na pagmasdan ang pag-ibig ng Diyos, dapat nilang isagawa ang katotohanan sa tunay na buhay, dapat handa silang magtiis sa sakit at talikuran ang kanilang iniibig upang pasiyahan ang Diyos, at sa kabila ng mga luha sa kanilang mga mata, dapat pa rin silang magbigay-kasiyahan sa puso ng Diyos. Sa ganitong paraan, tiyak na pagpapalain ka ng Diyos, at kung matitiis mo ang paghihirap tulad nito, ito ay susundan ng gawa ng Banal na Espiritu. Sa pamamagitan ng tunay na buhay, at sa pamamagitan ng pagdanas sa mga salita ng Diyos, ang mga tao ay magagawang makita ang kagandahan ng Diyos, at sa paglasap lamang sa pagmamahal ng Diyos na tunay nila Siyang mamahalin.
Ang higit mong pagsasagwa ng katotohanan, mas higit kang magmamay-ari ng katotohanan; ang higit mong pagsasagawa ng katotohanan, mas higit kang magtataglay ng pag-ibig ng Diyos; at kung higit mong pagsasagawa ng katotohanan, mas higit kang pinagpala ng Diyos. Kung lagi ang pagsasagawa mo sa ganitong paraan, unti-unti mong makikita ang pag-ibig ng Diyos sa iyo, at makikilala mo ang Diyos tulad ng ginawa ni Pedro: Sinabi ni Pedro na ang Diyos ay hindi lamang nagtataglay ng karunungang lumikha ng mga kalangitan at kalupaan at lahat ng bagay sa kanila, ngunit, higit pa rito, na Siya rin ay may karunungang gawin ang tunay na gawa sa mga tao. Sinabi ni Pedro na hindi lamang Siya karapat-dapat sa pag-ibig ng mga tao dahil sa Kanyang paglikha ng mga langit at lupa at ng lahat ng mga bagay sa mga ito, ngunit, higit pa rito, dahil sa Kanyang kakayahang lumikha ng tao, na iligtas ang tao, na gawing perpekto ang tao, at upang ipamana ang Kanyang pag-ibig sa tao. Kaya, sinabi rin ni Pedro na marami sa Kanya ang karapat-dapat sa pag-ibig ng tao. Sinabi ni Pedro kay Jesus: “Hindi ka ba karapat-dapat sa pag-ibig ng mga tao higit pa para sa paglikha ng mga langitan at lupa at lahat ng bagay sa mga ito? Marami pang bagay ang nasa Iyo na kaibig-ibig, kumikilos Ka sa tunay na buhay, hinahawakan ako sa loob ng Iyong Espiritu, dinidisiplina Mo ako, kinagagalitan Mo ako—ang mga bagay na ito ay higit pang karapat-dapat ng pag-ibig ng mga tao.” Kung nais mong makita at maranasan ang pag-ibig ng Diyos, sa gayon ay kailangan mong tuklasin at hanapin ang tunay na buhay, at dapat maging handang isantabi ang iyong sariling katawang-tao. Kailangan mong gawin ang kapasyahan ito: upang maging isang tao na may paninindigan, na maaaring magpalugod sa Diyos sa lahat ng bagay, na walang katamaran, o pagnanasa sa saya ng katawang-tao, hindi nabubuhay para sa katawang-tao ngunit nabubuhay para sa Diyos. May mga pagkakataon na hindi mo nabibigyang kasiyahan ang Diyos. Iyon ay dahil sa hindi mo nauunawaan ang kalooban ng Diyos; sa susunod, kahit na ito ay mangangailangan ng higit pang pagsisikap, dapat mo Siyang bigyang kasiyahan, at hindi dapat bigyang kasiyahan ang katawang-tao. Kapag naranasan mo ito sa ganitong paraan, makikilala mo ang Diyos. Makikita mo na nilikha ng Diyos ang langit at lupa at lahat ng mga bagay sa mga ito, na Siya ay naging tao upang ang mga tao ay tunay at aktwal na makita Siya, at tunay at aktwal na makipagkasundo sa Kanya, na Siya ay may kakayahang makisalamuha sa tao, na ang Kanyang Espiritu ay may kakahayang gawing perpekto ang tao sa tunay na buhay, hahayaan silang makita ang Kanyang kagandahan at danasin ang Kanyang pagdisiplina, ang Kanyang pagtutuwid, at Kanyang mga biyaya. Kung palagi mong nararanasan ito sa ganitong paraan, hindi ka mahihiwalay sa Diyos sa tunay na buhay, at kung isang araw ang iyong relasyon sa Diyos ay huminto upang maging karaniwan, maaari mong pagdusahan ang kahihiyan, at maaaring makaramdam ng pagsisisi. Kapag mayroon kang normal na relasyon sa Diyos, hindi mo na nanaising iwan ang Diyos, at kapag dumating ang araw na sinabi ng Diyos na iiwanan ka Niya, ikaw ay matatakot, at magsasabi na mas nanaisin mong mamatay kaysa iwanan ng Diyos. Sa sandaling mayroon kang ganitong damdamin, mararamdaman mong hindi mo kayang lisanin ang Diyos, at sa ganitong paraan magkakaroon ka ng isang pundasyon, at tunay na masisisyahan sa pag-ibig ng Diyos.
Madalas na sabihin ng tao na ginawa nila ang Diyos bilang kanilang buhay, ngunit hindi pa nila maranasan ang puntong iyon. Sinasabi lamang nila na ang Diyos ay ang kanilang buhay, na sila ay ginagabayan Niya araw-araw, na sila ay kumakain at umiinom ng Kanyang mga salita sa bawat araw, at nananalangin sa Kanya sa bawat araw, at sa gayon Siya ay dumating sa kanilang buhay. Ang kabatiran ng mga nagsasabi nito ay napakababaw. Karamihan ng tao ay walang pundasyon; ang mga salita ng Diyos ay nakatanim sa kanilang kalooban, ngunit sisibol pa lang sila, mas lalong hindi pa mamumunga. Ngayon, hanggang saan ang iyong naranasan? Ngayon lang, matapos kang pilitin ng Diyos na umabot nang ganito kalayo, nararamdaman mo bang hindi mo kayang lisanin ang Diyos. Isang araw, kapag iyo nang naranasan hanggang sa isang tiyak na punto, kung paaalisin ka ng Diyos, hindi mo ito magagawa. Lagi mong mararamdaman na hindi mo kaya na wala ang Diyos sa iyong kalooban; makakaya mong walang asawang lalaki, asawang babae, o mga anak, walang pamilya, walang ina o ama, walang mga kasiyahang pang-katawang-tao, nguni’t hindi mo kaya na wala ang Diyos. Ang pagiging walang Diyos ay katulad ng pagkawala ng iyong buhay, hindi mo magagawang mabuhay nang walang Diyos. Kapag naranasan mo hanggang sa puntong ito, iyong maaabot ang sukatan ng iyong pananampalataya sa Diyos, at sa ganitong paraan ang Diyos ay magiging iyong buhay, Siya ay magiging pundasyon ng iyong pag-iral, at hindi mo na muling magagawang iwanan ang Diyos. Kapag mayroon ka nang karanasang ganito kalawak, ikaw ay tunay na nasisiyahan sa pag-ibig ng Diyos, ang iyong relasyon sa Diyos ay magiging napakalapit, ang Diyos ang iyong magiging buhay, ang iyong pag-ibig, at sa oras na iyan ikaw ay mananalangin sa Diyos at magsasabi: O Diyos! Hindi Kita maaaring iwan, Ikaw ang aking buhay, kaya kong mabuhay nang wala ang kahit ano pa man—nguni’t kung wala Ka hindi ko kayang mabuhay. Ito ang tunay na tayog ng mga tao; ito ang tunay na buhay. Napilitan ang ilang tao na makarating hanggang sa layo ng narating nila ngayon: Kailangan nilang magpatuloy nais man nila o hindi, at lagi nilang nararamdaman na para silang nasa pagitan ng isang bato at isang matigas lugar. Dapat mong maranasan na ang Diyos ay ang iyong buhay, na kung ang Diyos ay kinuha papalayo sa iyo ito ay magiging tulad ng pagkawala ng iyong buhay; dapat na maging buhay mo ang Diyos, at wala ka dapat kakayanang lisanin Siya. Sa ganitong paraan, mararanasan mo nang totohanan ang Diyos, at sa oras na ito, kapag muli mong inibig ang Diyos, iyong iibiging tunay ang Diyos, at ito ay magiging isang pang-isahang, purong pag-ibig. Isang araw kapag ang iyong mga karanasan ay ganoong nakaabot ang iyong buhay sa isang tiyak na punto, ikaw ay mananalangin sa Diyos, kakain at iinom ng mga salita ng Diyos, at hindi makakayang iwanan ang Diyos sa kalooban, at kahit na naisin mo, hindi mo magagawang kalimutan Siya. Diyos ang iyong magiging buhay; maaari mong kalimutan ang mundo, maaari mong kalimutan ang iyong asawa at mga anak, ngunit magkakaroon ka ng suliranin sa paglimot sa Diyos—iyon ay imposible, ito ay ang iyong tunay na buhay, at ang iyong tunay na pag-ibig sa Diyos. Kapag ang pag-ibig ng mga tao sa Diyos ay umabot sa isang tiyak na punto, wala sa mga mahal nila ang katumbas ng kanilang pagmamahal sa Diyos, Siya ang nangungunang pag-ibig nila, at sa ganitong paraan maaari nilang isuko ang kahit ano pa man, at kusang tatanggapin ang lahat ng pakikitungo at pagpupungos mula sa Diyos. Kapag nakamit mo ang isang pag-ibig ng Diyos na humihigit sa lahat, ikaw ay mamumuhay sa katotohanan, at sa pag-ibig ng Diyos.
Sa sandali na ang Diyos ay maging ang buhay sa loob ng mga tao, hindi na nila magagawang talikuran ang Diyos. Hindi ba ito ang gawa ng Diyos? Wala nang mas higit pang patotoo! Gumawa ang Diyos hanggang sa isang tiyak na punto; nagsalita Siya para maglingkod ang mga tao, at makastigo, o para mamatay, at ang mga tao ay hindi umurong, na nagpapakita na ang mga taong ito ay nalupig ng Diyos. Ang mga taong may katotohanan ay yaong mga, sa kanilang tunay na karanasan, kayang manindigan sa kanilang patotoo, manindigan sa kanilang kalagayan, tumayo sa panig ng Diyos, nang hindi umuurong, at kung sino ang maaaring magkaroon ng karaniwang relasyon sa mga tao na umiibig sa Diyos, na, kapag nangyari ang mga bagay sa kanila, ay ganap na tatalima sa Diyos, at kayang tumalima sa Diyos hanggang kamatayan. Ang iyong pagsasagawa at mga pagbubunyag sa tunay na buhay ay ang patotoo ng Diyos, sila ang pagsasabuhay ng tao at ang patotoo ng Diyos, at ito ang tunay na pagtatamasa sa pag-ibig ng Diyos; kapag ikaw ay nakaranas hanggang sa puntong ito, ang iyong mga karanasan ay magkakaroon na ng epekto. Ang mga taong tunay na nakakita sa pag-ibig ng Diyos ay ang mga taong nagtataglay ng aktwal na pagsasabuhay, na ang bawa’t kilos ay hinahangaan ng iba, na ang anyo ay hindi kapansin-pansin nguni’t kanyang isinasabuhay ang isang buhay na may sukdulang kabanalan, na kinakaniig ang mga salita ng Diyos at ginagabayan ng Diyos, at naliwanagan ng Diyos, na nagagawang sambitin ang kalooban ng Diyos sa kanilang mga salita, at kinakaniig ang katotohanan, na nakakaunawa nang lalong higit tungkol sa paglilingkod na nasa espiritu, at nagsasalita nang walang inililihim, na disente at matuwid, na ayaw sa awayan at marangal, na may kakayahang sundin ang mga pagsasaayos ng Diyos at naninindigan sa kanilang patotoo kapag nangyari ang mga bagay sa kanila, at sila na kalmado at mahinahon kahit ano pa ang pinakikitunguhan nila. May mga tao na bata pa, nguni’t kumikilos sila na parang nasa kalagitnaang-edad; sila ay may isip na, mayroong katotohanan, at hinahangaan ng iba—at ang mga taong ito ang may patotoo, at ang mga kahayagan ng Diyos. Na ang ibig sabihin ay, kapag naranasan na nila hanggang sa isang tiyak na punto, magkakaroon ng isang kaunawaan tungo sa Diyos sa kanilang kalooban, kaya ang kanilang mga panlabas na disposisyon ay magiging matibay rin. Maraming mga tao ang hindi nagsasagawa ng katotohanan, at hindi matikas na naninindigan sa kanilang patotoo. Ang mga ganoong tao ay walang pag-ibig ng Diyos, o patotoo sa Diyos, at ito ang mga tao na pinaka-kinamumuhian ng Diyos. Sila ay kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, nguni’t ang kanilang ipinahahayag ay si Satanas, at hinahayaan nila na ang mga salita ng Diyos ay abusuhin ni Satanas. Sa mga taong tulad ng mga ito ay walang senyales ng pag-ibig ng Diyos; lahat ng kanilang ipinahahayag ay kay Satanas. Kung ang iyong puso ay palaging nasa kapayapaan sa harap ng Diyos, at palagi kang nagbibigay pansin sa mga tao at sa mga bagay sa paligid mo, at kung ano ang nangyayari sa paligid mo, at kung ikaw ay nagpapahalaga sa pasanin ng Diyos, at laging mayroong puso na gumagalang sa Diyos, kung gayon ay malimit kang liliwanagan ng Diyos sa kalooban. Sa iglesia ay may mga taong “tagapangasiwa,” sila ay ang tumitingin sa mga kamalian ng iba, at saka gagayahin at gagawin silang huwaran. Hindi nila kayang makita ang pagkakaiba, hindi sila galit sa kasalanan, at hindi namumuhi o nasusuya sa mga gawa ni Satanas. Ang mga nasabing tao ay puno ng mga gawa ni Satanas, at sila sa kasukdulan ay lubos na tatalikuran ng Diyos. Sa mga may pangitain bilang kanilang pundasyon, at kung sino ang naghahanap ng pag-unlad, ay ang mga may pusong laging gumagalang sa harap ng Diyos, mahinahon sa kanilang mga salita at mga pagkilos, na hindi kailanman magnanais na tutulan ang Diyos, biguin ang Diyos, o para sa gawa ng Diyos sa kanila na mauwi sa wala, o aksayahin ang lahat ng mga paghihirap na dinanas nila, o lahat ng itinuon nila sa pagsasagawa. Sila ang mga taong nais maglaan ng higit na pagsisikap at higit na pag-ibig ng Diyos sa mga landas na tatahakin.
Kung ang mga tao ay naniniwala sa Diyos, at maranasan ang mga salita ng Diyos, na may isang pusong gumagalang sa Diyos, kung gayon sa ganoong mga tao ay makikita ang kaligtasan ng Diyos, at pag-ibig ng Diyos. Ang mga taong ito ay magagawang magpatotoo sa Diyos, kanilang isinasabuhay ang katotohanan, at ang kanilang pinatototohanan ay siya ring katotohanan, kung ano ang Diyos, at disposisyon ng Diyos, at namumuhay sila sa gitna ng pag-ibig ng Diyos at nakita ang pag-ibig ng Diyos. Kung nais ng mga tao na ibigin ang Diyos, dapat nilang matikman ang kagandahan ng Diyos, at makita ang kagandahan ng Diyos; sa gayon lamang maaaring magising sa kanila ang isang pusong nagmamahal sa Diyos, isang pusong handang mabuhay nang gumugugol para sa Diyos. Hindi ginagawa ng Diyos na ibigin Siya ng mga tao gamit ang mga salita at pagpapahayag, o kanilang imahinasyon, at hindi Niya pinipilit ang mga tao na ibigin Siya. Sa halip, ginagawa Niyang ibigin nila Siya sa kanilang kusang kalooban, at ipinakikita Niya sa kanila ang Kanyang kagandahan sa Kanyang gawa at mga pananalita, at matapos ito ay naibubunga ang pag-ibig ng Diyos sa kanila. Tanging sa ganitong paraan lamang maaaring magpahayag ang tao ng tunay na patotoo sa Diyos. Hindi iniibig ng tao ang Diyos dahil sila ay napilit ng iba na gawin ito, at hindi rin ito panandaliang bugso ng damdamin. Iniibig nila ang Diyos sapagka’t nakita nila ang Kanyang kagandahan, nakita nila na may lalong higit pa sa Kanya na karapat-dapat ibigin ng mga tao, sapagka’t nakita nila ang kaligtasan, karunungan, at kamangha-kamanghang mga gawa ng Diyos—at bilang resulta, sila ay tunay na pumupuri sa Diyos, at tunay na naghahangad sa Kanya, at doon ay nagigising sa kanila ang ganoong simbuyo ng damdamin na hindi sila maaaring mabuhay nang hindi nakakamit ang Diyos. Ang dahilan kung bakit yaong mga taong tunay na nagpapatotoo sa Diyos ay nakakayang magbigay ng umaalingawngaw na patotoo sa Kanya ay dahil ang kanilang patotoo ay nauugat sa tunay na kabatiran at tunay na paghahangad para sa Diyos. Ito ay hindi ayon sa isang bugso ng damdamin, nguni’t ayon sa kabatiran sa Diyos at sa Kanyang disposisyon. Sapagka’t sila ay nakarating sa pagkakilala sa Diyos, sa pakiramdam nila ay tiyak na dapat silang magpapatotoo sa Diyos, at magsisilbi sa lahat ng naghahangad sa Diyos na makilala ang Diyos, at magkaroon ng kamalayan sa kagandahan ng Diyos, at sa Kanyang pagkatotoo. Tulad ng pag-ibig ng mga tao para sa Diyos, ang kanilang mga patotoo ay kusang-loob, ito ay tunay, at mayroong tunay na kahulugan at halaga. Hindi ito balintiyak, o guwang at walang-kabuluhan. Ang dahilan kung bakit ang mga umiibig lamang sa Diyos ang may lalong higit na halaga at kahulugan sa kanilang mga buhay, at sila lamang ang tunay na naniniwala sa Diyos, ay dahil ang mga taong ito ay namumuhay sa liwanag ng Diyos, sila ay maaaring mamuhay para sa gawa at pamamahala ng Diyos; hindi sila namumuhay sa kadiliman, kundi nabubuhay sa liwanag; hindi sila namumuhay ng walang-kahulugang mga buhay, nguni’t mga buhay na pinagpala ng Diyos. Tanging ang mga taong umiibig sa Diyos ang makakayang magpatotoo sa Diyos, sila lamang ang mga saksi ng Diyos, sila lamang ang pinagpala ng Diyos, at tanging sila lamang ang magagawang makatanggap ng mga pangako ng Diyos. Yaong mga nagmamahal sa Diyos ay mga kaniig ng Diyos, sila ang mga tao na iniibig ng Diyos, at natatamasa nila ang mga pagpapala kasama ang Diyos. Tanging ang mga taong tulad nito ang mabubuhay hanggang sa kawalang-hanggan, at sila lamang ang magpakailanmang mabubuhay sa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Diyos. Ang Diyos ay para ibigin ng tao, at Siya ay karapat-dapat sa lahat ng pag-ibig ng tao, nguni’t hindi lahat ng tao ay may kakayanang ibigin ang Diyos, at hindi lahat ng tao ay maaaring magpatotoo sa Diyos at humawak ng kapangyarihan kasama ang Diyos. Dahil sa kaya nilang magpatotoo sa Diyos, at maglaan ng lahat ng kanilang mga pagsisikap sa gawa ng Diyos, ang mga taong tunay na umiibig sa Diyos ay maaaring maglakad saanman sa ilalim ng mga kalangitan nang walang sinumang susubok na tutulan sila, at maaari nilang gamitin ang kapangyarihan sa lupa at pamunuan ang lahat ng mga tao ng Diyos. Ang mga taong ito ay nagsasama-sama mula sa iba’t-ibang dako ng mundo, sila ay nagsasalita ng iba’t-ibang wika at may iba’t-ibang kulay ng balat, nguni’t ang kanilang pamamalagi ay may parehong kahulugan, lahat sila ay may pusong nagmamahal sa Diyos, lahat sila ay dala ang parehong patotoo, at mayroong parehong kapasyahan, at parehong hangarin. Ang mga umiibig sa Diyos ay maaaring maglakad nang malaya sa buong mundo, ang mga taong nagpapatotoo sa Diyos ay maaaring maglakbay sa buong sansinukob. Ang mga taong ito ay minamahal ng Diyos, sila ay pinagpala ng Diyos, at sila ay magpakailanmang mabubuhay sa Kanyang liwanag.
Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Ang pinagmulan:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Rekomendasyon:
Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?