Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Nagmamahal. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Nagmamahal. Ipakita ang lahat ng mga post

Okt 10, 2017

Kidlat ng Silanganan | Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Magpakailanmang Mamumuhay sa Loob ng Kanyang Liwanag

Kidlat ng Silanganan | Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Magpakailanmang Mamumuhay sa Loob ng Kanyang Liwanag


Kidlat ng Silanganan | Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Magpakailanmang Mamumuhay sa Loob ng Kanyang Liwanag

  Ang substansya ng paniniwala sa Diyos ng karamihan ng tao ay ang paniniwala sa relihiyon: Ang mga ito ay hindi kayang umibig sa Diyos, at maaari lamang sundin ang Diyos tulad ng isang robot, hindi magawang tunay na maghangad para sa Diyos o sambahin Siya. Sila ay sumusunod lamang sa Kanya nang tahimik. Maraming tao ang naniniwala sa Diyos, ngunit kaunti lamang ang mga umiibig sa Diyos; iginagalang lamang nila ang Diyos dahil takot sila sa sakuna, o kaya hinahangaan nila ang Diyos dahil Siya ay mataas at makapangyarihan—ngunit sa kanilang paggalang at paghanga ay walang pag-ibig o tunay na matinding paghangad. Sa kanilang mga karanasan kanilang hinahanap ang mga detalye ng katotohanan, o kaya ibang hindi gaanong mahalagang misteryo. Karamihan ng tao ay sumusunod lamang, nangingisda sila sa maburak na tubig upang makatanggap lamang ng mga biyaya; hindi nila hinahanap ang katotohanan, at hindi rin sila tunay na sumunod sa Diyos upang makatanggap ng mga biyaya ng Diyos. Ang buhay ng lahat ng paniniwala ng tao sa Diyos ay walang kahulugan, ito ay walang halaga, at sa loob nito ay ang kanilang mga pansariling pag-iintindi at paghahangad; hindi sila naniniwala sa Diyos upang ibigin ang Diyos, ngunit para sa kapakanan ng pagiging mapalad. Maraming tao ang kumikilos ayon sa gusto nila, ginagawa nila ang anumang kanilang naisin, at hindi kailanman iniintindi ang mga kagustuhan ng Diyos, o kung ang ginagawa nila ay alinsunod sa kalooban ng Diyos. Ang mga ganitong tao ay hindi kayang magkamit ng tunay na paniniwala, mas lalo na ang pag-ibig ng Diyos. Ang substansya ng Diyos ay hindi lamang para paniwalaan ng tao; ito ay, higit pa rito, para ibigin ng tao. Subalit karamihan ng tao na naniniwala sa Diyos ay hindi kayang tuklasin itong “lihim.” Hindi naglalakas-loob ang mga tao na ibigin ang Diyos, o subukan man lang ibigin Siya. Hindi nila kailanman natuklasan na marami ang kaibig-ibig sa Diyos, hindi nila kailanman natuklasan na ang Diyos ay ang Diyos na nagmamahal sa tao, at Siya ang Diyos na dapat ibigin ng tao. Ang kagandahan ng Diyos ay ipinahayag sa Kanyang gawa: Kapag naranasan nila ang Kanyang gawa, saka lamang matutuklasan ng tao ang Kanyang kagandahan, sa tunay na mga karanasan lamang nila maaaring pahalagahan ang kagandahan ng Diyos, at ang hindi pagsunod nito sa tunay na buhay, walang sinuman ang maaaring makatuklas ng kagandahan ng Diyos. Marami ang kaibig-ibig sa Diyos, ngunit hindi ito magagawang tuklasin ng tao nang hindi nakikipag-ugnayan sa Kanya nang aktwal. Na ang ibig sabihin, kung hindi naging tao ang Diyos, Hindi magagawa ng mga tao ang aktwal na makipag-ugnayan sa Kanya, at kung hindi nila magawang makipag-ugnayan sa Kanya, hindi rin sila makararanas ng Kanyang gawa—at pati ang kanilang pag-ibig sa Diyos ay mababahiran ng mga kasinungalingan at imahinasyon. Ang pag-ibig ng Diyos sa langit ay hindi tunay na tulad ng pag-ibig ng Diyos sa lupa, sapagka’t ang pagkilala ng mga tao ng Diyos sa langit ay gawa lamang sa kanilang mga imahinasyon, sa halip na kung ano ang kanilang nakita sa kanilang sariling mga mata, at kung ano ang kanilang naging sariling karanasan. Kapag dumating ang Diyos sa lupa, magagawang pagmasdan ng mga tao ang Kanyang aktwal na mga gawa at Kanyang kagandahan, at maaari nilang makita ang lahat ng Kanyang praktikal at karaniwang disposisyon, ang lahat ng ito ay libu-libong beses na mas totoo kaysa sa pagkilala sa Diyos sa langit. Hindi alintana sa kung gaano kamahal ng sangkatauhan ang Diyos sa langit, walang kahit ano ang totoo sa pag-ibig na ito, at ito ay puno ng kuru-kuro ng tao. Gaano man kaliit ang kanilang pag-ibig para sa Diyos sa lupa, ang pag-ibig na ito ay totoo; kahit na may kaunti lamang nito, ito ay totoo pa rin. Nagpapakilala ang Diyos sa tao sa pamamagitan ng tunay na gawa, at sa pamamagitan ng kaalaman na ito nakakamit Niya ang kanilang pag-ibig. Katulad ito ni Pedro: Kung hindi siya nanirahan kasama si Jesus, naging imposible para sa kanyang sambahin si Jesus. Gayundin, ang kanyang katapatan kay Jesus ay nabuo sa kanyang pakikipag-ugnayan kay Jesus. Upang mahalin Siya ng tao, ang Diyos ay dumating sa gitna ng tao at namuhay kasama ng tao, at lahat ng Kanyang ginagawa na nakikita at nararanasan ng tao ay katotohanan ng Diyos.