Sa loob ng napakaraming taon walang-humpay na naghahanap ang Espiritu ng Diyos habang yumayaon Siyang gumagawa sa lupa. Sa kabuuan ng mga kapanahunan nakágámit ang Diyos ng napakaraming tao upang gawin ang Kanyang gawain. Gayunman ang Espiritu ng Diyos ay wala pa ring angkop na lugar na pahingahan. Kaya ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain, walang-humpay na kumikilos sa iba’t ibang tao, at sa kabuuan gumagamit Siya ng mga tao upang gawin ito. Iyan ay, sa loob nitong maraming taon, hindi kailanman tumigil ang gawain ng Diyos, ngunit patuloy na naisasakatuparang pasulong sa tao, tuluy-tuloy hanggang sa araw na ito. Bagaman nakapagwika ang Diyos ng napakaraming salita at nakágáwâ ng napakaraming gawain, hindi pa rin kilala ng tao ang Diyos, lahat ay dahil hindi pa kailanman nagpakita ang Diyos sa tao at dahil din sa wala Siyang anyo na nahahawakan. Kaya’t dapat dalhin ng Diyos ang gawaing ito sa kaganapan—na magiging sanhi para sa lahat ng tao na malaman ang praktikal na kabuluhan ng praktikal na Diyos. Para makamit ang layuning ito, dapat ibunyag ng Diyos ang Kanyang Espiritu nang kongkreto sa sangkatauhan at gawin ang Kanyang gawain sa kalagitnaan nila. Ibig sabihin, kapag nagtataglay lamang ng pisikal na anyo ang Espiritu ng Diyos, nagbibihis ng laman at buto, at nakikitang lumalakad sa gitna ng mga tao, sinasamahan sila sa kanilang mga buhay, kung minsan ay nagpapakita at kung minsan ay nagtatago Mismo, saka lamang nagkakaroon ang mga tao ng malalim na pagkaunawa tungkol sa Kanya. Kung ang Diyos ay nanatili lamang sa katawang-tao, hindi Niya makakayang tapusin nang lubos ang Kanyang gawain. Pagkatapos ng paggawa sa katawang-tao sa loob ng ilang panahon, tinutupad ang ministeryo na kailangang magáwâ sa katawang-tao, lilisanin ng Diyos ang katawang-tao at gagawâ sa espirituwal na kinasasaklawan sa larawan ng katawang-tao gaya ng ginawa ni Jesus pagkaraan Niyang nakágáwâ sa loob ng ilang panahon sa normal na pagkatao at tapusin ang lahat ng gawain na kinailangan Niyang tapusin. Maaaring naaalala ninyo ang siping ito mula sa “Ang Daan…(5)”: “Naaalala Ko ang Aking Ama na nagsasabi sa Akin, ‘Sa lupa, isakatuparan mo lamang ang kalooban ng Iyong Ama at tapusin ang Kanyang komisyon. Wala Ka nang iba pang dapat alalahanin.’”Ano ang nakikita mo sa siping ito? Kapag dumarating ang Diyos sa lupa, ginagawa lamang Niya ang Kanyang gawain sa loob ng pagkaDiyos. Ito ang ipinagkatiwala ng makalangit na Espiritu sa nagkatawang-taong Diyos. Kapag dumarating Siya, yumayaon lamang Siya para magsalita sa lahat ng dako, upang isatinig ang Kanyang mga pagbigkas sa iba’t ibang paraan at mula sa iba’t ibang pananaw. Pangunahin Niyang itinuturing ang pagtutustos sa tao at pagtuturo sa tao bilang Kanyang mga layunin at prinsipyo sa paggawa, at hindi inaabala ang Sarili Niya sa mga bagay na tulad ng mga pag-uugnayan ng tao sa kapwa tao o mga detalye tungkol sa mga buhay ng mga tao. Ang Kanyang pangunahing ministeryo ay magsalita para sa Espiritu. Kapag ang Espiritu ng Diyos ay pisikal na nagpapakita sa katawang-tao, nagkakaloob lamang Siya para sa buhay ng tao at inilalabas ang katotohanan. Hindi Siya nakikialam sa gawain ng tao, na ang ibig sabihin, hindi Siya nakikilahok sa gawain ng sangkatauhan. Hindi maaaring gumawa ang tao ng gawain ng pagkaDiyos, at hindi nakikilahok ang Diyos sa pantaong gawain. Sa lahat ng mga taon mula nang ang Diyos ay dumating sa mundong ito upang gawin ang Kanyang gawain, palagi Niyang nagágawâ ito sa pamamagitan ng mga tao. Ngunit ang mga taong ito ay hindi maaaring ituring na Diyos na nagkatawang-tao, kundi mga tao lamang na ginagamit ng Diyos. Ngunit ang Diyos ng kasalukuyan ay maaaring magsalita nang tuwiran mula sa pananaw ng pagkaDiyos, na ipinadadala ang tinig ng Espiritu at gumagawa sa ngalan ng Espiritu. Ang lahat ng mga taong yaon na nagamit ng Diyos sa buong mga kapanahunan ay katulad din ng mga pangyayari na gumagawa ang Espiritu ng Diyos sa loob ng pisikal na katawan, kaya bakit hindi sila maaaring matawag na Diyos? Ngunit ang Diyos ng kasalukuyan ay ang Espiritu ng Diyos din na tuwirang gumagawa sa katawang-tao, at si Jesus din ay ang Espiritu ng Diyos na gumagawa sa katawang-tao; ang mga ito ay parehong tinatawag na Diyos. Kaya ano ang kaibahan? Sa kabuuan ng mga kapanahunan, ang mga tao na nagamit ng Diyos ay may kakayahang lahat ng normal na pag-iisip at katwiran. Alam nilang lahat ang mga prinsipyo ng pag-uugali ng tao. Nagtataglay sila ng normal na mga ideya ng tao, at nasasangkapan sila ng lahat ng mga bagay na nararapat taglayin ng mga karaniwang tao. Karamihan sa kanila ay may pambihirang talento at likas na katalinuhan. Sa paggawa sa mga taong ito, pinag-aayun-ayon ng Espiritu ng Diyos ang kanilang mga talento, na mga regalong ibinigay sa kanila ng Diyos. Pinagsasama-sama ng Espiritu ng Diyos ang kanilang mga talento, ginagamit ang kanilang mga lakas sa paglilingkod sa Diyos. Gayunman, ang kakanyahan ng Diyos ay malaya sa mga ideya at malaya sa mga iniisip, walang halong mga hangarin ng tao, at wala pa ng kung ano ang nakasangkap sa mga normal na tao. Na ang ibig sabihin, hindi man lamang Niya nakasanayan ang mga prinsipyo ng pag-uugali ng tao. Ganito ito kapag ang Diyos ng kasalukuyan ay dumating sa lupa. Ang Kanyang gawain at Kanyang mga salita ay walang halong mga hangarin ng tao o pag-iisip ng tao, kundi ang mga ito ay tuwirang pagpapakita ng mga hangarin ng Espiritu, at gumagawa Siya nang tuwiran sa ngalan ng Diyos. Nangangahulugan ito na ang Espiritu ay yumayaon upang gumawa, na hindi hinahaluan ng kahit katiting na mga hangarin ng tao. Ibig sabihin, isinasakatawan ng nagkatawang-taong Diyos ang pagkaDiyos nang tuwiran, nang walang pantaong kaisipan o mga ideya, at walang pagkaunawa sa mga prinsipyo ng pag-uugali ng tao. Kung ang pagkaDiyos lamang ang nasa paggawa (nangangahulugan na kung Diyos Mismo lamang ang nasa paggawa), walang magiging paraan para sa gawain ng Diyos na maisakatuparan sa lupa. Kaya nang dumating ang Diyos sa lupa, kailangan Niyang magkaroon ng isang maliit na bilang ng mga tao na ginagamit Niya upang gumawa sa loob ng pagkatao kasabay ng gawain na ginagawa ng Diyos sa pagkaDiyos. Sa ibang salita, gumagamit Siya ng gawain ng tao upang panindigan ang Kanyang pagkaDiyos na gawain. Kung hindi, walang magiging paraan para sa tao na tuwirang makipag-ugnay sa pagkaDiyos na gawain. Ganito noon kung paano gumawa si Jesus at ang Kanyang mga disipulo. Noong Kanyang panahon sa daigdig, binuwag ni Jesus ang mga lumang kautusan at itinatag ang mga bagong utos. Nangusap din Siya ng napakaraming salita. Lahat ng gawaing ito ay ginawa sa pagkaDiyos. Ang iba pa, gaya nina Pedro, Pablo, at Juan, ay nagsalalay lahat ng kasunod nilang gawain sa saligan ng mga salita ni Jesus. Ibig sabihin, inilulunsad ng Diyos ang Kanyang gawain sa kapanahunang iyon, inihahatid ang simula ng Kapanahunan ng Biyaya; na ibig sabihin, dinala Niya ang isang bagong kapanahunan, binubuwag ang luma, at gayon din tinutupad ang mga salitang “Ang Diyos ay ang Simula at ang Katapusan.” Sa ibang salita, dapat gawin ng tao ang gawain ng tao sa saligan ng pagkaDiyos na gawain. Pagkatapos sabihin ni Jesus ang lahat ng kailangan Niyang sabihin at tinapos ang Kanyang gawain sa lupa, nilisan Niya ang tao. Pagkatapos nito, ang lahat ng tao, sa paggawa, ay gumawa nga ayon sa mga prinsipyong ipinahayag sa Kanyang mga salita, at nagsagawa ayon sa mga katotohanan na Kanyang sinabi. Ang mga ito ang lahat ng mga tao na gumagawa para kay Jesus. Kung si Jesus lamang ang mag-isang gumagawa ng gawain, gaano man karami ang mga salitang Kanyang sinabi, ang mga tao ay hindi pa rin makakayang makipag-ugnay sa Kanyang mga salita, sa dahilang gumagawa Siya sa pagkaDiyos at nakakapagsalita lamang ng mga salita ng pagkaDiyos, at hindi Niya maipaliwanag ang mga bagay-bagay hanggang sa punto kung saan maaaring maunawaan ng mga ordinaryong tao ang Kanyang mga salita. Kaya’t kailangan Niyang magkaroon ng mga apostol at mga propeta na dumating kasunod Niya na nagpúpunô sa Kanyang gawain. Ito ang prinsipyo kung paano ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ang Kanyang gawain—gamit ang laman na nagkatawang-tao upang magsalita at gumawa nang maging ganap ang gawain ng pagkaDiyos, at sa gayon gamit ang ilan, o marahil higit pa, na mga tao ayon sa sariling puso ng Diyos upang magpunô sa Kanyang gawain. Ibig sabihin, gumagamit ang Diyos ng mga tao ayon sa Kanyang puso na gumawa ng gawain ng pag-aalaga at pagdidilig sa pagkatao upang ang lahat ng tao ay maaaring magtamo ng katotohanan.
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pananalig sa Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pananalig sa Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ago 22, 2018
May 15, 2018
Mga Pagbigkas ni Cristo | Ang Pananalig sa Diyos ay Hindi Dapat Para Lamang sa Paghahanap ng Kapayapaan at mga Pagpapala.
❀*¨*•.¸¸✿ .•*¨*•.¸¸ ❀*¨*•.¸¸✿ .•*¨*•.¸¸ ❀*¨*•.¸¸✿ .•*¨*•.¸¸ ✿
************************************************************************
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ngayon,
kailangan mong itakda ang tamang landas dahil ikaw ay naniniwala sa
praktikal na Diyos. Ang pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos, hindi
ka lamang dapat humingi ng pagpapala, ngunit hanapin din ang pagmamahal
ng Diyos at kilalanin ang Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang pagliliwanag
at ng iyong sariling gawain, maaari mong kainin at inumin ang Kanyang
mga salita, bumuo ng isang tunay na pang-unawa sa Diyos, at magkaroon ng
isang tunay na pag-ibig ng Diyos na nanggagaling sa iyong puso. Sa
madaling salita, ang inyong pag-ibig para sa Diyos ay tunay, katulad ng
walang makasisira o humarang makahaharang sa daan ng iyong pag-ibig para
sa Kanya. Kung gayon, ikaw ay nasa tamang landas ng pananampalataya sa
Diyos. Ito ay nagpapatunay na pag-aari ka ng Diyos, sapagkat ang puso mo
ay kinuha at pinagharian na ng Diyos at hindi na maaari pang pagharian
ng ibang mga bagay. Dahil sa inyong karanasan, ang halaga na iyong
binayaran, at ang gawain ng Diyos, magagawa mong bumuo ng isang
nagkukusang pag-ibig para sa Diyos. Ikaw ang naging malaya mula sa
impluwensya ni Satanas at nabuhay sa liwanag sa mga salita ng Diyos.
Kapag ikaw ay pinalaya na mula sa impluwensya ng kadiliman, masasabing
nakamit mo na ang Diyos. Sa inyong paniniwala sa Diyos, dapat ninyong
hangarin ang layuning ito. Ito ay ang tungkulin ng bawat isa sa inyo.
Abr 10, 2018
Paano Ka Dapat Manampalataya sa Diyos Upang Maligtas at Magawang Perpekto?
Nauugnay sa pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Paano Ka Dapat Manampalataya sa Diyos Upang Maligtas at Magawang Perpekto?
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Bagaman maraming tao ang naniniwala sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung ano ang dapat nilang gawin upang makasunod sa puso ng Diyos. Ito ay dahil, bagaman ang mga tao ay alam na alam ang salitang “Diyos” at mga parirala tulad ng “ang gawain ng Diyos,” hindi nila kilala ang Diyos, lalong hindi nila alam ang Kanyang gawain. Hindi nakapagtataka, sa gayon, na lahat ng mga taong hindi nakakaalam sa Diyos ay nagtataglay ng isang nakakalitong paniniwala. Ang mga tao ay hindi seryoso sa kanilang paniniwala sa Diyos sapagkat ang paniniwala sa Diyos ay masyadong di-kilala, masyadong kakaiba para sa kanila. Sa ganitong paraan, hindi sila makaabot sa mga hinihingi ng Diyos. Sa ibang salita, kung hindi kilala ng tao ang Diyos, hindi alam ang Kanyang gawa, sa gayon hindi sila angkop para sa paggamit ng Diyos, lalong hindi nila maaaring tuparin ang hangarin ng Diyos. Ang “paniniwala sa Diyos” ay nangangahulugang paniniwala na mayroong Diyos; ito ang pinakasimpleng pagkakaintindi sa pananampalataya sa Diyos. Bukod pa rito, ang paniniwalang mayroong Diyos ay hindi kapareho ng tunay na pananalig sa Diyos; kundi, ito ay isang uri ng simpleng pananampalataya na may malakas na pangrelihiyong mga kahulugan. Ang tunay na pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan ng pagdanas sa mga salita at gawain ng Diyos na batay sa isang paniniwala na ang Diyos ang may tangan ng kapangyarihan sa lahat ng mga bagay. Sa gayon ikaw ay mapapalaya mula sa iyong tiwaling disposisyon makakatupad sa hangarin ng Diyos at makakikilala sa Diyos. Tanging sa ganoong paglalakbay maaaring masabing ikaw ay naniniwala sa Diyos. Datapwat ang mga tao ay madalas makita ang paniniwala sa Diyos bilang isang bagay na napakasimple at walang gaanong kabuluhan. Ang paniniwala ng mga ganoong tao ay walang kabuluhan at hindi kailanman makatatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, pagkat sila’y tumatahak sa maling landas. Ngayon, mayroon pa ring mga naniniwala sa Diyos sa pamamagitan ng mga titik, sa guwang na mga doktrinang walang laman. Wala silang malay na ang kanilang paniniwala sa Diyos ay walang sustansya at na hindi sila makatatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, at nananalangin pa rin sila para sa kapayapaan at sapat na biyaya mula sa Diyos. Dapat tayong huminto at tanungin ang ating mga sarili: Maaari bang ang paniniwala sa Diyos ang tunay na pinakamadaling bagay sa lupa? Ang paniniwala ba sa Diyos ay nangangahulugang wala nang higit pa sa pagtanggap sa maraming biyaya mula sa Diyos? Maaari bang ang mga tao na naniniwala sa Diyos ngunit hindi Siya nakikilala, at naniniwala sa Kanya nguni’t tinututulan Siya, tunay na makakatupad sa hangarin ng Diyos?
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)