Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ago 2, 2020

Paano Mahahanap ang Tunay na Iglesia na Nakapropesiya sa Bibliya


Ni Baoda, Australia

Pansin ng Patnugot: Ngayon ang mga sakuna ay nagaganap ng madalas. Maraming mga tao ang nakatatanto na ang araw ng Panginoon ay dumating na. Gayunpaman, maraming mga kapatid ang hindi nakatatamo ng pagtutubig at pagtustos ng buhay na mga tubig at nakadarama sa presensiya ng Panginoon; sa halip, namumuhay sila sa isang negatibo at nanghihinang estado at pati na napupuno ng takot dahil sa paglaganap ng mga sakuna. Kaya’t, ang ilan ay nagsimulang maghanap ng iglesia na may gawain ng Banal na Espiritu–nagngangalang, ang iglesia ng Philadelphia na kung saan ay mara-rapture bago ang malaking kapighatian. Ito’y dahil sa ito ay nauugnay kung maaari nating matanggap ang Panginoon bago ang malaking kapighatian at mai-rapture sa makalangit na kaharian. Kaya paano natin makikilala ang sa pagitan ng tunay at huwad na mga iglesia? Paano natin mahahanap ang tunay na iglesia na mara-rapture bago ang malaking kapighatian? Ang artikulong ito ay gagabay sa iyo upang mahanap ang mga paraan.

Ago 1, 2020

Ang Paghatol ay Nagsimula sa Pamilya ng Diyos

Aishen, Amerika

Ako ay isang Kristiyano. Nang una akong magsimulang maniwala sa Diyos, madalas akong makarinig ng mga sermon kung saan sinasabi ng mga tao, “Ang Panginoong Jesus ay ang Ating Manunubos. Siya ay ipinako sa krus para sa ating mga kasalanan. Si Jesus ay mahabagin at mapagmahal.

Hul 30, 2020

Paano Mapapanatili ang Pananampalataya sa Ating Abalang Buhay



Minamahal na mga kapatid sa Espirituwal na Tanong at Sagot: 

Isa akong mananampalataya na kailan lamang tinanggap ang gawain ng Panginoon. Kahit na napakahalaga sa mga Kristiyano ng pagpupulong upang magbahagi at araw-araw na debosyon, ninanakaw ng nakakapagod na trabaho ko ang lahat ng oras na mayroon ako. Malaki ang sinasahod ko ngunit palagi akong nakakaramdam ng kahungkagan at kahihiyan. Paano ko maibabalanse ang araw-araw na debosyon at abala kong buhay sa trabaho?

Hul 29, 2020

Ipinapahayag ng Lumikha ang Kanyang Tunay na Mga Damdamin Para sa Sangkatauhan

Ang pag-uusap na ito sa pagitan ng Diyos na si Jehova at ni Jonas ay walang duda na isang pagpapahayag ng tunay na nararamdaman ng Lumikha sa sangkatauhan. Sa isang banda, ipinaaalam nito sa mga tao ang tungkol sa pag-unawa ng Lumikha sa buong sangnilikha sa ilalim ng Kanyang utos; tulad ng sinabi ng Diyos na si Jehova, “At hindi baga ako manghihinayang sa Ninive, sa malaking bayang yaon, na mahigit sa isang daan at dalawang pung libong katao na hindi marunong magmunimuni ng kanilang kamay at ng kanilang kaliwang kamay; at marami ring hayop?” Sa madaling salita, ang pag-unawa ng Diyos sa Ninive ay hindi pahapyaw lamang. Alam Niyang hindi lamang ang bilang ng mga nabubuhay sa loob ng lungsod (kasama na ang mga tao at mga hayop), alam din Niya kung ilan ang hindi nakaaalam sa pagitan ng kanilang kanan at kaliwang kamay—ibig sabihin, ilang bata at kabataan ang naroroon. Ito ay isang matibay na patunay sa lubos na pagkaunawa ng Diyos sa sangkatauhan. Sa kabilang banda, ipinaaalam ng pag-uusap na ito sa mga tao ang tungkol sa saloobin ng Lumikha para sa sangkatauhan, ibig sabihin, ang bigat ng sangkatauhan sa puso ng Lumikha. Katulad lamang ito ng sinabi ng Diyos na si Jehova: “Ikaw ay nanghinayang sa kikayon na hindi mo pinagpagalan o pinatubo man; na sumampa sa isang gabi, at nawala sa isang gabi: At hindi baga ako manghihinayang sa Ninive, sa malaking bayang yaon…?” Ito ay mga salita ng paninisi ng Diyos na si Jehova kay Jonas, ngunit lahat ng iyon ay totoo.

Hul 28, 2020

Tanggapin ang Gawain ng Diyos sa mga Huling Araw




Mga Sermon at Pagbabahagi: Tanggapin ang Gawain ng Diyos sa mga Huling Araw Bago ang Sakuna para Madala at Dumalo sa Piging Kasama ang Panginoon


Ngayon sa mga huling araw, nagpakita ang Diyos at nagsimulang gumawa, ibig sabihin, sinimulan na ng nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw; samakatuwid yaong mga makatatanggap ng gawain ng Makapangyarihang Diyos ang pinakamapapalad. Naririnig ito ng ilang relihiyosong tao at tinatanggihan ito, hindi nila kinikilala ang pahayag na ito, sinasabi nilang: “Ang Panginoong ang totoong Diyos, ang Panginoong Jesus ang Cristo.

Hul 27, 2020

Mga Palatandaan ng Pangalawang Pagbabalik ng Panginoong Jesus


Nang dumating ang Panginoong Jesus upang gawin ang Kanyang gawain, ipinangaral Niya ang ebanghelyo ng makalangit na kaharian sa lahat ng dako sa isang malawakang antas, at ito ay umalingawngaw sa buong relihiyosong mundo at sa bansang Judio. Sa araw na bumalik ang Panginoong Jesus upang gawin ang Kanyang gawain, niyanig nito ang mga tao mula sa bawat sekta at grupo, at nagdulot ito ng pagkabalisa sa buong mundo. Napansin mo ba ang mga palatandaan ng ikalawang pagdating ng Panginoon? Tinatanggap mo ba ang Kanyang pagbabalik?
_____________________________

Ang mga kalamidad sa buong mundo ay madalas na nangyayari at ang mga propesiya ng Panginoon ay karaniwang natutupad. Maraming tao ang natanto na ang Panginoon ay dumating na, kaya paano natin sasalubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus?


Hul 26, 2020

Bumababa ang Diyos nang may Paghatol


I
Sa pagbaba sa bayan ng malaking pulang dragon,
hinaharap ng Diyos ang sansinukob
at ito’y nagsimulang mayanig.
Mayro’n bang lugar na ‘di abot ng hatol Niya?
O nabubuhay sa Kanyang hagupit?
Sa’n man Siya magpunta
kinakalat Niya’y mga buto ng sakuna,
sa pamamagitan nito ay ibinibigay Niya
ang kaligtasan at pag-ibig Niya.
Nais ng Diyos na makilala Siya ng mas maraming tao,
makita at igalang ang Diyos na di nila nakita ng napakatagal,
ngunit Siya ngayon ay tunay.