Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ago 9, 2020

Kumakatok ang Panginoon sa Pinto: Nakikilala Mo ba ang Kanyang Tinig?

 Sinabi ng Panginoong Jesus, “Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig” (Juan 10:27). Malinaw na nagsasalita ang Panginoon upang hanapin ang Kanyang tupa sa Kanyang pagbabalik. Ang pinakamahirap na gagawin ng mga Kristiyano habang hinihintay nila ang pagdating ng Panginoon ay ang paghahangad na marinig ang tinig ng Panginoon. Paano kaya nila makikilala ang tinig ng Panginoon? Ano nga ba ang pagkakaiba ng tinig ng Diyos at ng tinig ng mga tao?

——————————————

Nais mo bang tanggapin ang pagdating ni Jesus? Narito nais naming magbahagi ng higit pang mga katotohanan at misteryo ng pagbabalik ng Panginoon, kasama na ang mga propesiya ng Bibliya, mga palatandaan ng pagbabalik ng Panginoon, ang misteryo ng rapture, paghatol sa mga huling araw, at ang misteryo ng kaharian ng langit, at iba pa. Inaasam naming matulungan kang masalubong ang pagdating ng Panginoon sa lalong madaling panahon at ma-rapture sa kaharian ng Diyos.

Ago 8, 2020

Christian Worship Music Video | "Mga Pagpapahayag ng Pananampalataya sa Diyos"

 Ang pinakapangunahing bahagi ng pananampalataya sa Diyos

ay ang pagbabasa sa mga salita ng Diyos sa bawat araw.

At ang kailangang pagsasanay araw-araw

ay panalangin sa Diyos at pagninilay sa sarili.

Ago 7, 2020

Ang Panginoong Jesus ay isang maawain at mapagmahal na Diyos.


Ang Panginoong Jesus ay isang maawain at mapagmahal na Diyos. Hangga’t pinaninindigan natin ang Kanyang pangalan at nananatili tayo sa Kanyang landas, naniniwala kami na pagbalik Niya, hindi Niya tayo pababayaan, at tuwiran tayong madadala sa kaharian ng langit.


Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7:21-23).

Ago 6, 2020

Diyos ang Walang-Hanggang Suporta ng Tao



Kahit si Jesus ay nabuhay mang mag-uli,
puso Niya’t gawai’y ‘di iniwan ang tao.
Sa pagpapakita Niya sa tao ay Kanyang sinabi
naroon Siya, anuman ang Kanyang anyo.
Lalakad Siyang kasama nila,
sa lahat ng oras at lugar, sasamahan sila,
maglalaan, magpapastol, magpapahawak, makikita,
kaya ‘di na madaramang wala silang magawa.
Lahat ng ginawa ni Jesus matapos mabuhay na muli
ay nagpakita ng pag-asa’t malasakit sa tao,
na may malasakit Siya’t pagtatangi sa kanila.
Gan’on pa rin naman, ‘di nagbabago.

Ago 5, 2020

Ano ang Kaligtasan? Ang Kaligtasan Ba ay ang Tanging Kinakailangan Upang Makapasok sa Kaharian ng Langit?

Ni Shen Qingqing, South Korea

Maraming tao ang inaasam na mailigtas ng Panginoon sa Kanyang pagdating at ma-rapture sa kaharian ng langit. Hanggang sa ngayon, tanging ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang hayagan na nagpapatotoo na bumalik na ang Panginoong Jesus, at ginagawa Niya ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa tahanan ng Diyos upang iligtas at linisin ang mga tao.

Ago 4, 2020

Bakit Sinasabi Na Ang Paghuhukom ng Diyos ay Pagliligtas sa Sangkatauhan?


Tanong: Nabasa namin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nakita na may ilang mga bagay na napakabagsik. Ito ang paghatol ng sangkatauhan, at pagkondena at sumpa. Sa palagay ko, kung hinahatulan at isinusumpa ng Diyos ang mga tao, hindi ba sila huhusgahan at parurusahan? Paanong masasabi na ang uring ito ng paghatol ay upang dalisayin at iligtas ang sangkatauhan?

Ago 3, 2020

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo


I

Kaninong mga salita ang pinakamatamis,

at pinalakas ang aking espiritu?

Kaninong pag-ibig ang pinakamaganda,

at kinuha ang aking puso?

Ago 2, 2020

Paano Mahahanap ang Tunay na Iglesia na Nakapropesiya sa Bibliya


Ni Baoda, Australia

Pansin ng Patnugot: Ngayon ang mga sakuna ay nagaganap ng madalas. Maraming mga tao ang nakatatanto na ang araw ng Panginoon ay dumating na. Gayunpaman, maraming mga kapatid ang hindi nakatatamo ng pagtutubig at pagtustos ng buhay na mga tubig at nakadarama sa presensiya ng Panginoon; sa halip, namumuhay sila sa isang negatibo at nanghihinang estado at pati na napupuno ng takot dahil sa paglaganap ng mga sakuna. Kaya’t, ang ilan ay nagsimulang maghanap ng iglesia na may gawain ng Banal na Espiritu–nagngangalang, ang iglesia ng Philadelphia na kung saan ay mara-rapture bago ang malaking kapighatian. Ito’y dahil sa ito ay nauugnay kung maaari nating matanggap ang Panginoon bago ang malaking kapighatian at mai-rapture sa makalangit na kaharian. Kaya paano natin makikilala ang sa pagitan ng tunay at huwad na mga iglesia? Paano natin mahahanap ang tunay na iglesia na mara-rapture bago ang malaking kapighatian? Ang artikulong ito ay gagabay sa iyo upang mahanap ang mga paraan.

Ago 1, 2020

Ang Paghatol ay Nagsimula sa Pamilya ng Diyos

Aishen, Amerika

Ako ay isang Kristiyano. Nang una akong magsimulang maniwala sa Diyos, madalas akong makarinig ng mga sermon kung saan sinasabi ng mga tao, “Ang Panginoong Jesus ay ang Ating Manunubos. Siya ay ipinako sa krus para sa ating mga kasalanan. Si Jesus ay mahabagin at mapagmahal.

Hul 30, 2020

Paano Mapapanatili ang Pananampalataya sa Ating Abalang Buhay



Minamahal na mga kapatid sa Espirituwal na Tanong at Sagot: 

Isa akong mananampalataya na kailan lamang tinanggap ang gawain ng Panginoon. Kahit na napakahalaga sa mga Kristiyano ng pagpupulong upang magbahagi at araw-araw na debosyon, ninanakaw ng nakakapagod na trabaho ko ang lahat ng oras na mayroon ako. Malaki ang sinasahod ko ngunit palagi akong nakakaramdam ng kahungkagan at kahihiyan. Paano ko maibabalanse ang araw-araw na debosyon at abala kong buhay sa trabaho?

Hul 29, 2020

Ipinapahayag ng Lumikha ang Kanyang Tunay na Mga Damdamin Para sa Sangkatauhan

Ang pag-uusap na ito sa pagitan ng Diyos na si Jehova at ni Jonas ay walang duda na isang pagpapahayag ng tunay na nararamdaman ng Lumikha sa sangkatauhan. Sa isang banda, ipinaaalam nito sa mga tao ang tungkol sa pag-unawa ng Lumikha sa buong sangnilikha sa ilalim ng Kanyang utos; tulad ng sinabi ng Diyos na si Jehova, “At hindi baga ako manghihinayang sa Ninive, sa malaking bayang yaon, na mahigit sa isang daan at dalawang pung libong katao na hindi marunong magmunimuni ng kanilang kamay at ng kanilang kaliwang kamay; at marami ring hayop?” Sa madaling salita, ang pag-unawa ng Diyos sa Ninive ay hindi pahapyaw lamang. Alam Niyang hindi lamang ang bilang ng mga nabubuhay sa loob ng lungsod (kasama na ang mga tao at mga hayop), alam din Niya kung ilan ang hindi nakaaalam sa pagitan ng kanilang kanan at kaliwang kamay—ibig sabihin, ilang bata at kabataan ang naroroon. Ito ay isang matibay na patunay sa lubos na pagkaunawa ng Diyos sa sangkatauhan. Sa kabilang banda, ipinaaalam ng pag-uusap na ito sa mga tao ang tungkol sa saloobin ng Lumikha para sa sangkatauhan, ibig sabihin, ang bigat ng sangkatauhan sa puso ng Lumikha. Katulad lamang ito ng sinabi ng Diyos na si Jehova: “Ikaw ay nanghinayang sa kikayon na hindi mo pinagpagalan o pinatubo man; na sumampa sa isang gabi, at nawala sa isang gabi: At hindi baga ako manghihinayang sa Ninive, sa malaking bayang yaon…?” Ito ay mga salita ng paninisi ng Diyos na si Jehova kay Jonas, ngunit lahat ng iyon ay totoo.

Hul 28, 2020

Tanggapin ang Gawain ng Diyos sa mga Huling Araw




Mga Sermon at Pagbabahagi: Tanggapin ang Gawain ng Diyos sa mga Huling Araw Bago ang Sakuna para Madala at Dumalo sa Piging Kasama ang Panginoon


Ngayon sa mga huling araw, nagpakita ang Diyos at nagsimulang gumawa, ibig sabihin, sinimulan na ng nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw; samakatuwid yaong mga makatatanggap ng gawain ng Makapangyarihang Diyos ang pinakamapapalad. Naririnig ito ng ilang relihiyosong tao at tinatanggihan ito, hindi nila kinikilala ang pahayag na ito, sinasabi nilang: “Ang Panginoong ang totoong Diyos, ang Panginoong Jesus ang Cristo.

Hul 27, 2020

Mga Palatandaan ng Pangalawang Pagbabalik ng Panginoong Jesus


Nang dumating ang Panginoong Jesus upang gawin ang Kanyang gawain, ipinangaral Niya ang ebanghelyo ng makalangit na kaharian sa lahat ng dako sa isang malawakang antas, at ito ay umalingawngaw sa buong relihiyosong mundo at sa bansang Judio. Sa araw na bumalik ang Panginoong Jesus upang gawin ang Kanyang gawain, niyanig nito ang mga tao mula sa bawat sekta at grupo, at nagdulot ito ng pagkabalisa sa buong mundo. Napansin mo ba ang mga palatandaan ng ikalawang pagdating ng Panginoon? Tinatanggap mo ba ang Kanyang pagbabalik?
_____________________________

Ang mga kalamidad sa buong mundo ay madalas na nangyayari at ang mga propesiya ng Panginoon ay karaniwang natutupad. Maraming tao ang natanto na ang Panginoon ay dumating na, kaya paano natin sasalubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus?


Hul 26, 2020

Bumababa ang Diyos nang may Paghatol


I
Sa pagbaba sa bayan ng malaking pulang dragon,
hinaharap ng Diyos ang sansinukob
at ito’y nagsimulang mayanig.
Mayro’n bang lugar na ‘di abot ng hatol Niya?
O nabubuhay sa Kanyang hagupit?
Sa’n man Siya magpunta
kinakalat Niya’y mga buto ng sakuna,
sa pamamagitan nito ay ibinibigay Niya
ang kaligtasan at pag-ibig Niya.
Nais ng Diyos na makilala Siya ng mas maraming tao,
makita at igalang ang Diyos na di nila nakita ng napakatagal,
ngunit Siya ngayon ay tunay.

Hul 25, 2020

ng Mga Kahihinatnan ng Pagsalubong sa Pagbabalik ng Panginoon ay Pangunahing Batay sa Ating Mga Paniwala at Imahinasyon



Tanong:Nagpapatotoo kayo na kapag bumalik ang Panginoon sa mga huling araw, magiging tao muna Siya at darating nang palihim, at pagkatapos gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay, ay bababa sa publiko nang nasa mga alapaap upang magpakita sa harapan ng lahat ng tao. Ang gayong pag-uusap ay may katuturan. Ngunit sa loob ng 2,000 taon, karamihan sa mga mananampalataya sa Panginoon ay naghihintay lahat na Siya ay bumaba nang nasa mga alapaap. Madalas ding sabihin ng mga relihiyosong pastor at elder. Paano tayo magkakamali sa pamamagitan ng paghihintay alinsunod sa propesiya ng Biblia? Ang mga relihiyosong pastor at elder ay mga taong naninilbihan lahat sa Panginoon. Naghihintay silang lahat sa pagbabalik ng Panginoon sa ganitong paraan. Hindi ako naniniwala na ang nagbalik na Panginoon ay iiwanan ang lahat ng mga relihisyong pastor at elder na ito! Imposible iyon!

Hul 24, 2020

Pagninilay sa Ebanghelyo Ngayon: Ang Katotohanan Tungkol sa Pag-akyat sa Langit

Kagaya ng ibang mga kapatid na Kristiyano, sabik na sabik na ako sa ikalawang pagparito ng Panginoong Jesus. Tinatalima natin ang sumusunod na talata sa Biblia: “Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailan man” (1 Tesalonica 4:17). Sa dahilang ito, para tayong mangmang na tumitingala sa langit na nasasabik para sa araw ng pagbabalik ni Jesus at dadalhin tayo sa mga ulap upang makasama natin ang Panginoon. Gayunpaman, pagkalipas ng napakaraming taon, ang apat na pulang mga buwan ay nagpakita na; ang mga lindol, mga taggutom, mga salot at digmaan at ang lahat ng mga uri ng iba pang mga sakuna ay naging lalong mas matitindi. Ang mga hula sa ikalawang pagparito ng Panginoon ay talagang natupad na. Gayunpaman, hindi pa tayo nakakita ni isang Kristiyano na umakyat sa langit. Kaya napapaisip ako, “Bakit hindi dumarating ang Panginoon upang tanggapin tayo? Ang Panginoon ay tapat. Ipinangako ng Panginoon na dadalhin Niya tayo sa panlangit na kaharian sa mga huling araw. Ang pangako ng Panginoon ay tiyak na magaganap at matutupad. Hindi ko talaga ito pinagdududahan. gayunman, paanong hanggang sa ngayon, hindi pa tayo iniaakyat sa langit ng Panginoon? Maaari kayang mayroong ilang mga suliranin sa ating pananabik?”

Hul 23, 2020

Panalangin para sa Trabaho: Nakita Ko ang Kamangha-manghang mga Gawa ng Diyos


Ni Liang Xin

Sa lipunan ngayon, may iba’t ibang uri ng malalaking negosyo at tila hindi mabilang ang oportunidad para makapagtrabaho. Ngunit sa paglipas ng mga taon, wala nang halaga ang mga nakapagtapos ng kolehiyo. Punung-puno na ang merkado ng mga kuwalipikadong kandidato upang magkaroon ng trabaho na hindi ka na makahanap pa ng lugar. Kaya ang hirap sa paghahanap ng mapapasukang trabaho matapos makapagtapos ay naging isang napaka-praktikal na problema. Para sa bawat kabataan na malapit nang pumasok sa lipunan matapos mag-aral, ang pinakamasakit sa ulong isyu na kailangan nilang harapin ay ang paghahanap ng trabaho, lalo na sa isang magandang kompanya. Ginagawa ng lahat ang lahat ng kanilang makakaya at pinipiga ang kanilang utak para makapasok—napakatindi ng kompetisyon at hirap. Ako, na malapit nang magtapos, ay walang pagpipilian kundi harapin ang suliranin ng paghahanap ng trabaho gaya ng iba pa. Ang naiiba lang sa akin ay isa akong Kristiyano at naniniwala ako na ang lahat ay hinahanda ng Diyos. Gayunman …

Hul 22, 2020

Lumabas Sa Biblia" | Pagbibigay-kahulugan sa mga Misteryo tungkol sa Biblia


Si Wang Yue ay pastor sa isang bahay-iglesia sa China. Buong puso’t kaluluwa siyang nangaral at namuno sa iglesia para sa Panginoon. Pero nang mas lalong nawalan ng mga tao ang kanyang iglesia, lubha siyang nabalisa pero wala siyang nagawa tungkol doon. Habang nagdurusa at nalilito, sinuwerte siyang tanggapin ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos. Nang matamasa niya ang saganang salita ng Diyos, lubos niyang nalaman ang lawak ng pagliligtas ng Kanyang pagliligtas. Dahil dito, mas naging totoo para sa kanya ang paghihirap at wala siyang magawa nang mawala ang kasaganaang dulot ng Diyos at nasadlak siya sa kadiliman. Kaya nga, nagpasiya siyang ipangaral ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos. … Nang ipangaral ni Wang Yue ang ebanghelyo sa kanyang mga kapatid sa kanyang bayang sinilangan, ginawa ng pastor at elder ng mga relihiyon ang lahat para pigilan at hadlangan siya. Ikinalat nila ang haka-haka sa relihiyon na: "Ang pananalig sa Diyos ay pananalig sa Biblia, at ang pananalig sa Biblia ay pananalig sa Diyos. Ang paglayo sa Biblia ay hindi pananalig sa Diyos!" Gaya ng mga Fariseo noong araw na nilabanan at tinuligsa ang Panginoong Jesus, inilimita nila ang Diyos sa Biblia, at dahil dito ay nalinlang at nahadlangan ang mga mananampalataya sa pagsusuri sa tunay na daan. Nahaharap sa gayong sitwasyon, isang matinding debate ang nagsimula sa pagitan ng dalawang partido. Paano ginamit ni Wang Yue ang salita ng Makapangyarihang Diyos para mawala ang mga haka-haka ng mga relihiyoso? …

—————————————

Bible Study Tagalog: we can learn more mysteries of the Lord's return, for instance, in which way the Lord will come and how we can welcome the Lord so that we can meet the Lord soon.

Hul 21, 2020

Being saved from disasters


Madalas sabihin ng mga tao na “Ang mga bagyo ay namumuo nang walang babala at ang kasawian ay sumasapit sa mga tao sa magdamag.” Sa panahon natin ngayon na mabilis na umuunlad ang siyensya, modernong transportasyon at materyal na yaman, dumarami ang mga sakunang nangyayari sa buong paligid natin bawat araw. Kapag binuklat natin ang pahayagan o binuksan ang TV, ang pangunahing nakikita natin ay: mga digmaan, lindol, tsunami, bagyo, sunog, baha, pagbagsak ng mga eroplano, sakuna sa minahan, kaguluhan sa lipunan, matitinding alitan, pag-atake ng mga terorista, atbp. Lahat ng nakikita natin ay mga likas na kalamidad at mga sakunang dulot ng tao. Ang mga sakunang ito ay madalas mangyari at mas tumitindi. Ang masidhing pagdami ng sakuna ay may kasamang pagdurusa, dugo, pagkabalda at kamatayan. Nangyayari ang mga kasawian sa ating paligid sa lahat ng oras, na nagbibigay-diin na maikli at marupok ang buhay. Wala tayong paraan para mahulaan kung anong klaseng mga sakuna ang mararanasan natin sa hinaharap. Bukod pa rito, hindi natin alam kung ano ang dapat nating gawin. Bilang bahagi ng sangkatauhan, ano ang dapat nating gawin upang makalaya sa mga sakunang ito? Sa programang ito, malalaman mo ang sagot. Malalaman mo ang tanging paraan para matanggap ang proteksyon ng Diyos upang makaligtas ka sa nakaambang mga sakuna.

————————————

Mas nagiging malala ang mga sakuna, na siyang mga palatandaan ng mga huling araw. Sa ganitong mga araw na madalas na nangyayari ang mga sakuna, paano natin dapat salubungin ang pagbabalik ng Panginoon
Inirerekomenda: Lumitaw na ang mga Palatandaan ng mga huling araw: Paano Tayo Madadala Bago Sumapit ang Malaking Pagdurusa?

Hul 20, 2020

Ano ang tunay na panalangin?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ano ang ibig sabihin ng manalangin nang tunay? Nangangahulugan ito ng pagsasabi ng mga salita sa loob ng iyong puso sa Diyos, at pakikipagniig sa Diyos na mayroong pagkaunawa sa Kanyang kalooban at batay sa Kanyang mga salita; nangangahulugan ito ng pakiramdam na talagang malapit sa Diyos, nadaramang Siya ay nasa harap mo, at na mayroon kang isang bagay na gustong sabihin sa Kanya; at nangangahulugan ito ng pagiging talagang masigla sa loob ng iyong puso, at damdamin na ang Diyos ay sadyang kaibig-ibig. Madarama mo na ikaw ay sadyang pinukaw, at pagkatapos marinig ang iyong mga salita ang iyong mga kapatid ay malulugod, madadama nila na ang mga salita na iyong sinabi ay ang mga salita sa loob ng kanilang mga puso, mga salitang gusto nilang sabihin, at kinakatawan ng iyong sinasabi kung ano ang gusto nilang sabihin. Ito ang ibig sabihin ng nananalangin nang tunay. Pagkatapos mong manalangin nang tunay, ang iyong puso ay mapapayapa, at malulugod; ang lakas para ibigin ang Diyos ay tataas, at madadama mo na walang anumang bagay sa kabuuan ng iyong buhay ang higit na karapat-dapat o mahalaga kaysa sa pag-ibig sa Diyos—at mapatutunayan nitong lahat na ang iyong mga panalangin ay naging mabisa.